Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.
All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!
cryptocurrency traders here dati.. kaso bomaba nang malake ayun pinabayaan ko na.. dati 2000 pesos ko umabot nang 10k .. Mukhang ok tong forex pano mag.cash in nito t.s? Share naman dyan mga technique mo. at kung saan ka currency lumalago hehe..
Pa sit-in po mga master.
Me TS!
buti naman at bumalik na ang ganitong thread at naipasok mo sa 'business & employment' category. hihi
bossing,,, may account nka lagay... paano e2 mag sign up ako d2?View attachment 1293830
Sir, tanong ko lang, may usual dates ba na mas magandang mag-trade? Saka, anong other reliable references na pwedeng tingnan para mas may chance na succesful bago mag-trade (other than the graph)?
Itigil mo na yang thread mo Tol, bawal ang FX dito pag usapan. Baka ma ban ka dito. Isusumbong kita sa mga admins dito.
Ni report ko na. Sigurado close na to bukas.
gusto ko to pero magulo daming steps sa youtube pero sa actual mo gawin wala naman lugi, jejeje
Paturo din po
Interesting to ah. pa bump ts. 😄
Aba pasali din master. Nanonood din ako sa youtube neto at minsan nagbabasa ng mga blog. Laking tulong ang thread na to para sa amin gustong matuto. Ano po ba pinagkaiba neto sa cypto trading? Nagkricrypto ako ngayon e.. ayon pabulusok pababa ang mga crypto ngayon haha.. hindi makapagbenta. May similarity po ba ang crypto at real currency trading?
Thanks basa basa po muna
sarap basahin thread mo boss...keep it up!
dati ako nag forex kaso wala ako mentor kaya huminto ako, sana maging mentor ko kayo TS..
boss pasali, gusto ko tong thread mo
Nagsimula din ako sa cryptocurrency. Halos lahat ng cryto exchanges ay may account ako Binance, Bitfinix, Yobit, Cryptopia (nabangkarote), etc. Ang problema lang sa crypto eh highly volatile siya kaya delikado. Pareho lang din siya sa FOREX trading kasi pinagpapalit mo o ini exchange ang fiat currency mo into crypto currency or virtual coins. Kaya lang medyo limitado lang ang pamamaraan o style ng trading sa crypto dahil nga siguro sa highly volatile ito. Tapos sa crypto din mataas ang transaction fees depende sa Exchange Trading Site at hindi pa sila nagbibigay ng mga bonuses. Delikado din siya sa hacking at insolvency (kasi nga marami ang mga hackers). I explain natin as we go through the different topics all about FOREX.
- - - Updated - - -
Ok. Sit in ka lang. Welcome ka dito.
- - - Updated - - -
Sana nga makatulong ako sayo. Mas maganda kasi pag maraming oportunidad.
- - - Updated - - -
Mabuti at na install mo na. Pede mo i close o i press muna X para di ka muna mag log-in. Ang importante dito ay maging familiar ka muna sa tool, yong mga graphs, mga paired currencies na ginagamit, atbp. Pede din naman sumubok using demo account mode. Kelangan mo lang talaga mag sign-up doon sa Website ng Tool gaya ng XM, Instaforex, E-Toro, AVA, atbp.
Kaya lang di muna tayo magpo pokus sa paglalaro agad. Dahan dahanin muna natin. Para yang larong basketbol, di lang dapat puro shoot, dapat may dribble din, tapos kelangan mo malaman ang mga rules at violations para ma enjoy mo ang laro.
Tandaan: Pag nag sign-up kayo dahil kating kati na kamay nyo o gusto nyo talaga mag try lang, wag muna mag deposit ng pera o magkaroon ng REAL CASH account para iwas disgrasya. Gamitin lang yong demo account nila. Sa pag sign-up din kelangan i redi mo rin yong mga ibang mga requirements na hinihingi nila, gaya ng photos ng government ID, passport, utility bill, atbp. Parang KYC (Know Your Client) requirement yan na hinihingi.
- - - Updated - - -
Depende yan sa perception at paniniwala mo. Yong mga trading sites halos open talaga yan everyday kasi nga negosyo yan. Walang specific date or dates na masasabing maganda, depende talaga yan sa isang trader. Kahit panget na araw pa yan pero kung magaling ang trader at risk taker siya posibleng mas malaki ang kikitain niya kesa sa mga pangkaraniwang mga araw.
Tandaan Uli: Maraming pamamaraan ang paglalaro sa FOREX, di yan isa lang. Nabanggit ko na yata na nasa lima o anim yan depende sa trading site. Ang importante dito ay dapat alam mo kung saang pamamaraan o style na hiyang ka.
- - - Updated - - -
Bawal ba talaga dito sa Mobilarian? Di ko kasi alam na bawal pala FOREX dito. Ang sa akin lang naman ay makatulong tayo sa ating mga ka MOBILARIAN. Tatanungin ko na lang mga admins dito kung bawal talaga. Hayaan mo't i ko close ko rin ang thread pag na receive ko na reply ng admin/s.
- - - Updated - - -
Aba, maganda yong naging experience mo igan. Patuloy lang sa pagyaman kaibigan.
- - - Updated - - -
Oo. Welcome ka dito.
- - - Updated - - -
Okay.
- - - Updated - - -
Konti lang ang pagkakaiba nito sa crypto trading. Idi discuss natin yan isa-isa para ma appreciate. Sa FOREX kasi marami kasi siyang pamamaraan o style pero FOREX pa rin nabi belong. Nasa unang post ko yata sinabi yong mga klase-klaseng pamamaraan, may futures, options, spot market, ETF, Cryptos & Stocks, etc. Yong iba gumagamit ng term na Binary, Day Trading, or BOS (Buy Order Sell). Yong mga ganyang terminolohiya tatalakayin natin yan para ma appreciate nating lahat.
- - - Updated - - -
Yan, ganyan ang magandang attitude mahilig magbasa sa mga posts dito.
- - - Updated - - -
Salamat at nasarapan ka pala sa pagbabasa sa thread natin.
- - - Updated - - -
Madali lang naman talaga ang FOREX. Sa una lang yan kelangan mo ng mentor. Pag mentor kasi para yang isang guide gaya ng pagbubukas ng kompyuter at paano ang paggamit. Yan lang naman ang importante dyan, pero ang mag didesisyon ay ikaw talaga.
Ang delikado lang talaga sa FOREX ay hindi yong pera na mawawala sayo kasi kaya naman yan palitan. Ang delikado ay baka maging adik ka, baka ma TOKHang ka pa nga ni Tatay Digong nyan. Hehehe.
- - - Updated - - -
Ok. Join na. Free membership dito.
- - - Updated - - -
Yong gusto sumali sa isang FREE Seminar about FOREX. Bibigyan ko kayo ng slots para maka attend kayo.
Take note: Wala po itong bayad, as in FREE talaga. Pag siningil kayo, sabihan nyo lang ako at pagagalitan ko sila.
Bagay ito sa mga seryoso talaga sa FOREX pero kahit na nag-aalangan ka pa pede ka pa rin umattend. Walang bayad!!
Di lang ako sure kung may libre kain, pero kung sa hotel ang venue sigurado may pakain doon.
PM me na lang para sa karagdagang detalye at ng maihabol kita. Paunahan kasi ito ng reservation.
Ito yong mga Schedules at Venue:
July 27, 2019 - Cagayan de Oro (100 seats available lang)
August 17, 2019 - Baguio City (100 seats available lang)
August 31, 2019 - Cebu (100 seats available lang din)
Kung malayo ka sa Venue wag ka na lang pumunta, hintayin mo na lang magkaroon ng seminar malapit sa inyo, kasi nga gagasta ka pa. Baka next year meron na malapit sa inyo.
Yong gusto umattend pero nasa Thailand at Malaysia kayo, PM me na lang para maibigay ko yong mga schedules para sa inyo.
Salamat!
Ok. Parang konti lang ata ang mga interesado. Lima lang ata katao. Pag bigyan mo lang ito ng konting panahon sigurado di ka magsisisi.
Tandaan lang at parati ko itong inuulit, huwag lang masyado maging adik sa pera dahil hindi naman pera ang magpapatakbo ng buhay mo. Kung marunong ka na sa FOREX wag mo kalimutan kumain o kaya gawin yong nakasanayan mo gaya ng mga gawaing bahay.
Ang problema kasi especially sa mga baguhan, nagiging adik sa FOREX tapos nakakalimutan ng kumain, pati GF, at minsan nagkukulong na sa bahay parang ermitanyo. Huwag ganyan. Yong buhay natin di dapat maging sunod sunuran ng FOREX. Dapat ikaw pa rin ang may kontrol. Minsan may kaibigan akong naturuan kaya lang naging adik sa FOREX di na lumalabas ng bahay, ayon sa Mental Hospital ang bagsak, nalimutan ng kumain. Ayon na guilty pa tuloy ako dahil tinuruan ko.
BASICS muna sa FOREX mga terminolohiyang ginagamit para pag nagpunta tayo sa FOREX site di na tayo magtataka sa mga makikita natin at pag nakipag chat tayo ng ibang mga traders di tayo pagtatawanan dahil nga wala tayong alam sa terminolohiya: (Tiyagain mo lang ito memoryahin o i familiarize)
Currency Pairs - Ibig sabihin dalawang pares ng kurensiya na ginagamit sa FX trading. Halimbawa, EUR/USD (Euro Dollar), USD/JPY (Dollar Yen), USD/CHF (Dollar Swissy), GBP/USD (Pound Dollar), AUD/USD (Aussie Dollar), etc. Pagtinanong ka anong currency pair ka nag investt dapat alam mo agad ang sagot. Pili ka na lang dun sa mga halimbawa kung anong currency pair ang gusto mo laruin o pustahan.
Note: Lahat ng pares na may USD (American Dollars) na sikat na nasa taas, ang tawag dyan ay 'Major Pairs'. Ito halos ang makikita mo sa mga FX trading sites. Wala pa akong nakita doon na may PHP/USD. Sa mga exchanges lang ata. Hehe...
Cross Currency Pairs - Ito ay currency pair na hindi naka angkla sa American Dollars (USD). Halimbawa, EUR/CHF (Euro Swissy), EUR/GBP (Euro Pound), EUR/CAD (Euro Loonie), EUR/AUD (Euro Aussie), etc. Kaya pag may nagtanong o tinanong ka ng sweetheart mo kung anong cross currency pairs ang nilalaro mo eh di pili ka na lang dyan sa mga halimbawa. Note: Wala pong "Euro Pussy" na pares.
Exotic Currency PairsIto yong hindi mga sikat na pares, ika nga masyadong lokal. Hehe. Halimbawa, USD/SGD (Dollar Pura), USD/SAR (Dollar Riyal), USD/RUB (Dollar Ruble), etc. May mga ganyang pares sa mga FX trading sites kaya lang di lang mga sikat or internationally recognized.
O ngayon alam mo na? Dahan dahan lang muna natin para sureball lahat. Mahirap kasi i introduce ko kayo sa trading sites tapos di nyo pa alam yong mga pares. Para kayong naglalaro na di mo alam kung bakit mo nilalaro yan o bakit ka nag invest sa ganung pares. Mamaya sasabihin ko kung bakit kelangan mo talaga ma 'familiarize' yong mga pares kasi di lahat ng pares ay maganda laruin, dapat alam mo ang nangyayari sa mga pares sa araw na yan at alam mo dapat kung kelangan mo siya laruin o hindi. Kasi nga may mga pares na hindi ka naman kikita sa mga araw na yon o maliit lang talaga ang kikitain mo.
Kung may natutunan ka paki sagutin nga muna itong tanong ko:
Ano ang tawag sa pares na USD/THB at saan siya nabi belong? EXOTIC CURRENCY PAIR
Ano ang tawag sa pares na NZD/CHF at saan siya nabi belong? CROSS CURRENCY PAIR
Paki sagot lang po bago tayo mag proceed, gusto ko kasi lahat ng tinalakay natin ay kuhang kuha para di tayo mahihirapan sa susunod na talakayan.
TS, yang seminar ba na yan yung "Learn to trade" na laging may advertise sa FB?
medyo mahirap po magpangalan paps.huhubels
up tong trhead na to gustu ko din matutunan forex eh para dagdag skills din at pag kakakitaan salamat ts
Sir, tanong lang (baguhan po sa ako FOREX), yun bang term na profit, babawasan pa ba yun ng trading commission or akin na talaga yun? na kapag sinabing profit, yun na talga yung kinita ko sa trade?
Master paturo din po ako Computer Programming po ako willing po akong matuto pag tyatyagaan ko po salamat sa share nyo na pro upang makatulong din sa ibang tao God bless you bro willing po ako please paturo po
At saka sir, tama ba pagkakaintindi ko na yung FOREX sa Philippines sarado ang trading at Saturday, 4:00 a.m., tapos Monday 5:00 a.m. magbubukas ulit? Please correct me if I'm wrong..
Pa subscribe ako ts hehe
Isa akong sugarol sir, Gusto ko po matuto, Tom's world gambler ako gamit token hahaha kaso lagi talo, kulang pa ang learnings at knowledge ko kaya lagi natatalo. sana maging effective sakin to forex trading.
boss san sa CDO yung venue nyo?thanks
Bossing interesado ako sa forex para mag karoon din ako ng extra income keep it up salamat