hello po, sa mga expert jan, pa help ako sa nararamdaman ko. prang hindi ko na kasi alam kung ano ang dapat kong gawin. ganito kasi, naghiwalay kami ng gf ko 4 months ago na.. siya nakipag hiwalay madaming rason but the main reason kung bat kami nag hiwalay is na tatake for granted ko siya. nagsisi talaga ako na tinake for granted ko siya,akala ko kasi hindi nya ako hihiwalayan kasi mahal na mahal nya daw ako gusto niya na nga nuon na magpakasal or handa na syang magka anak kasi tapos na din sya sa pag aaral parang ready na talaga sya, first gf ko siya, almost 4 years din kami. one day nagsabi nalang sya na ayaw nya na talaga dahil nasasaktan na sya sa mga ginagawa ko, so ako prang okay at that time pro after 1 week miss na miss ko sya nagsisi ako , nakipagkita ako sa kanya tsaka nagusap kami pero sabi nya ayaw nya na daw talaga may babae pa daw na mas better sa kanya para sa akin, after nun palagi na akong umiiyak, hindi ko na alam ang gagawin , so dahil dun hindi na din ako nagparamdam sa kanya. after 1 month bigla syang nagparamdam nag chat siya sa akin, pero hindi na tulad ng dati na ang taas ng convo namin . ang konti nalang tapos hindi din kami araw-araw magka chat. hangang sa last month lang, sobrang naiinis na din ako kasi parati syang nasa isip ko, tapos pag nagchachat kami ang ikli lang tapos paminsan d nya sineseen yung mga chat ko, tapos nabalitaan ko pa na may bf na sya(pero wala naman daw, d daw totoo nabaitaan ko), yun sinabi ko sa kanya lahat ng feelings ko that time, sinabi ko na last chat ko na to d na ako magpaparamdam at sineen ko last chat niya.
hanggang ngayun mahal na mahal ko pa din sya, hindi ako maka pag move on. hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya kung may pag asa pa ba ang relasyon namin. hindi ko sya binlock sa fb pero inunfollow ko sya tas delete mga convos etc. minsan kasi nalilito ako kasi pag mag post ako sa social media nililike nya minsan pa nga ni lolove react niya at lately lang minention ko siya sa isang post nilove react niya, tapos parati niyang vineview ang my stories ko sa fb tapos yung status nya sa fb is in relationship pa din, tsaka may group kami na kami lang dalawa member andun pa din sya, tsaka yung sporify account niya pinapagamit nya pa din sakin.. pero 4 months na kami hiwalay alam ko ang taas na ng panahon para makipag ayos pa ako . hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin gusto kong mabalik pa kami nagsisisi naman ako sa ginawa ko..
sana may maka advice sa akin kung ano ang dapat gawin, sana yung matino alam ko kailangan kung mag move on pero baka may mga na ka experience ng kagaya ko, pa share naman ng stories niyo at pa advice na din hehe maraming salamat , pasensya na kng mejo mataas haha.

Last edited: