Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Help! about my dog skin disease

perl23

Recruit
Basic Member
Messages
12
Reaction score
0
Points
16
Hi to all! manghihingi lang po ng opinion...

May mga nakaexperience na ba dito na pet owner na magka skin disease ang pets nila lalong lalo na sa aso? Yung dog ko kasi unti unti nalalagas balahibo nya, tapos yung skin nya parang may mga dandruff na nakadikit na kulay yellow na patch sa skin. Anu kaya tawag dun? Gusto ko sya ipa vet. kaso wala pako pera pampagamot sa kanya, :weep::weep: My dog is 7 years old, matanda na.:pray:
 
Last edited:
anong breed ng dog mo?
anong food niya?
expose ba siya sa ibang aso?

yung dundruff na yun scabies ang term nila sa aso, kahit paliguan mo and suklayin bukas madami na naman, san part nalalagas ang balahibo? pwedeng demodectic mange or sarcoptic mange, parehas itong nakakahawa sa aso. Sarcoptic mange is pwedeng nakuha sa ibang aso na nadikitan niya or pwedeng ikaw humawak ka ng ibang aso then nahawakan mo siya, Demodectic is nakakahawa din, pero kung malakas ang immune system ng aso hindi ito problema, pero pag tinamaan yung aso mo ng demo, pwedeng madali or matagal ito na gamutan...

isa pa pwede ding allergy...

buy ka ng amitraz solution, hinahalosa tubig then huling banlaw sa aso, try to use medicated shampoo para sa mange... or pwede mo dalin sa vet then pa shot mo ng ivomec...
 
wow! heartless28 thanks ha, ang galing mo naman, vet ka ba? yung food nya kung ano ulam namin yung tira yun ang sa kanya. nakakulong lang aso ko sa bahay kasi subd. area nmin kaya hindi exposed sa mga kapwa dogs.

Mukha ngang scabies yung skin disease ng aso ko, kakakamot ayun nalalagas yung balahibo, unang nagkaroon sa may area ng nose nya tapos, sa dibdib, mata at tenga. namanas na rin yung legs nya kung san din lagi nya kinakamot. Tingin mo, may gamot kaya para mawala yung skin disease nya at di na magkamot...





mixbreed yung alaga kong aso eto siya bago magkalagas lagas ang balahibo


18170_1271067069966_1628559689_677631_2736014_n.jpg


18170_1271066869961_1628559689_677626_5775480_n.jpg
 
Last edited:
pa shot niyo na lang ng ivomec para sa madaling pag galing (pero pag sobra nakakasama sa liver ito), or yung suggestion ko sa taas na amitraz solution and medicated shampoo (try Nova Pink).

Sir hindi po ako vet, madami kasi ako alagang dogs na iba-iba ang breed... Hobby ko na yung pag alaga ng aso and breeding... base on my experience yan, yan din kasi ang pinapagawa ng vet...

pero para malaman mo kung anong galis yan makikita ng vet yan sa microscope, pero same lang din naman ng way para mapagaling...
 
Hi heartless28, san nga pala nakakabili nung mga nabanggit mo? amitraz solution at nova pink? Meron ba nun sa sm store? by the way, I'm a girl po pala and a big big thanks for your help. :)
 
wala ka mabibili nun sa SM, sa mga pet shop mostly meron silang Nova Pink or sa Vet clinic may mga available silang ganun... yung Nova Pink may amitraz din yun... mam po pala kayo... he he he...

taga saan po pala kayo?
 
elow heartless28, ganun ba sa mga pet shop at vet clinic lang pala meron nun, kanina tumingin ako sa sm, may nabili ako yung DOGGIES' CHOICE ANTI-MANGE SHAMPOO. may nakalagay for veterinary use only. try ko ishampoo sa aso ko, sana gumaling. Agapan ko gamutin yung mange nya kawawa naman kasi. Grabe naman pala yang mange mange na yan ah lalo na yung sarcoptic...

taga bulacan nga pala ko. nice to meet you here in forum.
 
Last edited:
elow heartless28, ganun ba sa mga pet shop at vet clinic lang pala meron nun, kanina tumingin ako sa sm, may nabili ako yung DOGGIES' CHOICE ANTI-MANGE SHAMPOO. may nakalagay for veterinary use only. try ko ishampoo sa aso ko, sana gumaling. Agapan ko gamutin yung mange nya kawawa naman kasi. Grabe naman pala yang mange mange na yan ah lalo na yung sarcoptic...

taga bulacan nga pala ko. nice to meet you here in forum.

Nagamit ko na yang doggies choice, dalawang klase yan 1 yung green bottle packaging, yung isa orange packaging, hindi ko siya ma recommend dahil nagamit ko na yan pareho before pati na din yung soap na naka orange packaging na doggies choice, then me nakapag sabi sa akin before for maintenance lang daw siya, kaya siguro hindi ko napagaling yung aso ko jan before. Try mo na din pagka paligo mo tagalan mo na lang atleast 10 to 15 mins before mo rinse...

Dito ko sa Manila, dito sa amin mura lang yung amitraz solution 70 pesos ikaw na mag hahalo sa water.. kung wala ka mabilan jan.. ito po tested na din kwento nung mga kilala kong breeder, BETADINE feminine wash... ganito po paliguan mo siya using doggis choice then after 5 mins banlawan mo mabuti, then pag malinis na siya ipahid mo sa buong katawan niya or dun sa part na affected yung feminine wash then pabayaan mo na siya matuyo sa kanya, tutal mainit naman ngayon yaan mo na matuyo siya... Then sa isang araw ganun ulit (kakagaling ko lang din sa barkada ko ngayon nanganak kasi yung mini pin niya, nabanggit niya sa akin na sa shihtzu ganyan din ginamit niya).

post mo po yung pic ngayon nung dog mo i focus mo yung affected area kung pwede.. para ma compare ko sa mga nakita ko ng ganyan..

nice to meet you din mam... sana gumaling agad dog mo...
 
Last edited:
ganun ba heartless28 hindi pla ganu effective yun doggies choice, kelangan ko pa naman yung talagang makakatanggal sa scabies nya. kakaawa na kasi namamaga na mga binti nya sa kakakamot. yung nova pink, san nakakabili nun ang mga magkano kaya yun?


eto nga pla pet ko ngayon, ginupitan ko kasi buhol buhol na buhok nya, yung iba nalalagas pa. yung mga pula pula na may patch ayun ang skin disease nya.

15716_1288296500691_1628559689_713038_2720803_n.jpg


15716_1288296620694_1628559689_713041_4368343_n.jpg


15716_1288296340687_1628559689_713034_7977419_n.jpg



15716_1288296380688_1628559689_713035_328763_n.jpg


15716_1288296660695_1628559689_713042_8286031_n.jpg



ang hirap talaga mapamahal sa aso, naiiyak nko huhuhu...love you my pet dog
 
ouch bakit me kasama siya ibang aso? kung mange yan for sure mahahawa yan lalo na kung sarcoptic mange madali makahawa madikit lang, pag demo kasi kahit may demo mange na siya hindi siya lalabas kung malakas immune system nung aso... hindi kaya demo yan... parang eh... dalin mo na vet pa shot mo na lang ng ivermectin... para hindi na lumala...
 
baka nga demodectic, kung iyon nga kaya sakit ng aso ko, malaki kaya magagastos ko? nakita ko nga rin high risk pala sa mga mababalahibong aso yang mga mange na yan...
 
baka nga demodectic, malaki kaya magagastos ko sa veterinarian kung yan nga sakit nya? nabasa ko nga prone pla sa mga mange mababalahibong aso :weep:
 
baka nga demodectic, malaki kaya magagastos ko sa veterinarian kung yan nga sakit nya? nabasa ko nga prone pla sa mga mange mababalahibong aso :weep:

depende po, lahat ng aso pwede tamaan ng ganito, lalo po yung mga bulldogs especially english bulldogs... hindi po siya mabalahibo...

depende sa vet, kung ipapa shot mo na lang siya ng ivermectin siguro mga 350 yun kasama na consultation...

then i-amitraz solution mo na lang... huwag ka na mag pa medicated bath kasi 700up per session yun, baka sabihin sayo 10 session yun or less... mahal...
 
ganun ba heartless28, lahat pala ng aso pwede tamaan, kakatakot naman. pinaliguan ko cya kanina ng doggies choice yung orange shampoo, medyo nabawasan pangangati, then hiniwalay ko sya sa isa ko pang aso. sabi pala nung iba dito sa net, vco daw effective sa mange. kung mga 1K no problem pwede ko sya mapa vet. wag lang sana mas malaki pa dun mamumulubi ko:)

a big big thanks to you friend!
 
Last edited:
yup better dalin mo sa vet... pero yung sinabi ko po sayo yan kasi yung mga turo ng vet sa akin... :)
 
hi heartless28, nadala ko na pala yung alaga ko sa vet clinic, and you're right, demodectic mange yung diagnosis sa kanya, mga eggs pa lang daw yung nasa body nya at pede pa maging adult pag di naagapan. Mamumulubi ata ko sa dami ng gamot nya. Almost 1,300 nagastos ko pwera pa yung shots na gagawin sa kanya every week. May alam ka bang iba pang alternatives pang cure sa demodex? thanks!
 
hi heartless28, nadala ko na pala yung alaga ko sa vet clinic, and you're right, demodectic mange yung diagnosis sa kanya, mga eggs pa lang daw yung nasa body nya at pede pa maging adult pag di naagapan. Mamumulubi ata ko sa dami ng gamot nya. Almost 1,300 nagastos ko pwera pa yung shots na gagawin sa kanya every week. May alam ka bang iba pang alternatives pang cure sa demodex? thanks!

:) ano ano ba binigay sayo na gamot? lahat ng nasabi ko before is gamot sa demodecosis, btw na shot ba sya kanina? minsan 1 or 2 shot gumagaling na agad yung aso... siguro bumaba yung resistensya ng dog mo kaya nagkaroon siya niyan, ito po, kung na shot na wag mo muna paliguan kahit mga 3 days then amitraz solution mo siya then hayaan mo na matuyo sa kanya... pag gumaling na siya pa shot mo advocate (pinapatak lang ito sa batok) then madami na ito magagawa for your dogs including heartworms..

Sad to say hindi mawawala 100% yan pero gaganda pa din coat niya and skin niya as in back to normal, pero yung demo mange is nasa katawan na niya, so maintenance na talaga kailangan mo kung ayaw mong bumalik pa ulit yung mange...

pwedeng matagal na gamutan yan, me nabasa pa ako yung sa english bulldog niya umabot ng 9 months before gumaling yung dog niya...
 
eto yung mga nireseta sa aso ko: mycocide shampoo pati sabon pang demodex, amitraz, cephalexin,brewers yeast, then skin injection na napakamahal. yung skin injection nya ay every week minimum of 6-8 weeks. Then advise sakin na kalbuhin ko na muna yung aso ko para kapag pinaliguan mai-apply sa buong katawan soap and shampoo nya. Sa ngayon eto, 2 days after ko paliguan nagkakamot na naman uli hayzzz :pray:
 
eto yung mga nireseta sa aso ko: mycocide shampoo pati sabon pang demodex, amitraz, cephalexin,brewers yeast, then skin injection na napakamahal. yung skin injection nya ay every week minimum of 6-8 weeks. Then advise sakin na kalbuhin ko na muna yung aso ko para kapag pinaliguan mai-apply sa buong katawan soap and shampoo nya. Sa ngayon eto, 2 days after ko paliguan nagkakamot na naman uli hayzzz :pray:

mycocide is hindi gaano effective, :slap: use amitraz na lang...
cephalexin is antibiotic para sa sugat siguro, bakit walang reseta ng vitamin c... ang dami injection naman niyan too much ivermectin eh nakakasira ng liver ng aso... 1 to 3 ok na... pero sabi po yan ng vet mo eh... sa akin experience lang and tulong from other vet and dog breeders...
 
hindi ko nga din alam kung anong gamot ininject sa kanya, tinatanong ko yung vet ayaw naman sabihin,basta worth nung injection eh 300 kada shot. bakit nga pala bawal malick ng aso yung amitraz? kalbohin ko na siya today para maabsorb nya fully yung amitraz pag pinaliguan ko na.
 
Back
Top Bottom