Mga kasymbianize pinoproblema ko ng todo ang pagiging single ko since birth at medyo tagilid ako ngayon sa nililigawan ko. Hindi kasi ako marunong manligaw dahil puro lang aral inatupag ko nung studyante ako. Nastress ako mga kasymbianize dahil alam na ng lahat ng katrabaho ko na gusto ko yung katrabaho kong girl, madalas kaming binibiro pero hindi ko naman siya makausap, sobrang torpe. Pero marami na rin naman akong nagawa sa kanya katulad ng pagbibigay ng flower, chocolate, pasalubong pero hindi ko naman siya nakakausap, mahigit 5 buwan na akong nagpaparamdam sa kanya pero hanggang ngayon parang hindi niya pa rin ako nakikita. Sumusuko na ako kasymbianize. Ayaw ko na siya ligawan. Masyado kasi ako nagfocus sa kanya. Ngayon gusto ko na manligaw ng iba. Gusto ko na siya kalimutan sa kabila ng pagbibiro ng mga katrabaho ko kaya nahihirapan ako magmoveon. Kahit ano kasymbianize na tulong para makalimot ako sa kanya at para magkagf na rin ako. Paano ba gawin ko?? Help me. Hirap kasi sobra ako nagkagusto sa girl na wala naman pakialam sa akin. Thank you.