Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Help :( Need Advice

kepler22b

Apprentice
Advanced Member
Messages
58
Reaction score
0
Points
26
Need advice laang po kasi di ko na aalam gagawin ko. Problem is about my Girlfriend? ( may question mark kasi di officially kami) there was this girl na na meet ko last february. Sa fb kami nag kakilala then almost 3 months din bago kami nag kita. Nasa manila ako. Then sya taga hometown ko sa isabela. Na inlove kami sa isat isa. Before kasi sabi nya na wala na sila ng ex nya. Kaya pinush ko not knowing na nag kikita padin sila. Then nalaman ko na pumupunta parin yung ex nya sa bahay nila. 3 years sila nung guy. Everytime na nag ppunta yung guy at everytime na nag kikita sila e natatakot ako kasi mamaya mainlove sya ulit. Nasasaktan ako everytime na ganon. Di ko naman sya mapigilan kasi feeling ko wala akong karapatan kasi mas may pinag samahan sila. I just dont get it kung bakit nakikipag kita parin sya. Bakit ineentertain nya pa. Tapos sinasabi ko tigilan na namin to pero ayaw nya naman.. sabi nya friends nalang ddaw sila. Pero ang sweet sweet padin nila. Tapos sabi nya panggap nalang daw yun kasi di pa alam ng families nila. Mahal ko ung girl kaya iniintindi ko. And I trust her. Sabi nya aayusin nalang daw yung sakanila ng ex nya. Pero sabi ko till when? Pano makakamoveon kung may communication padin sila. I just dont know what to say to her anymore. Ang sitwasyon kasi ngayon nag aaral ako sa manila. Then yung ex taga dun samin din sa probinsya. Wala akong magawa kundi mag salita nlang. Tapos every time na tatanungin ko sya kung ano ba talagang balak nya e puro ewan ko di ko alam yung sagot. Feeling ko panakip butas lang ako pero iniiwasan kong isipin yun. Pero everytime na mag kikita sila sinasabi nya naman. Should I push ours or should I move on and leave everything behind? Hindi ko na talaga alam sasabihin ko. Can anybody tell me what to say? Sobrang gulong gulo na po ako. Nasabi ko na lahat sa kanya but still ganun padin. By this time nga na sinusulat ko tong thread e mag kasama sila. Malayo ako. Wala akong magawa. Diba dapat kung mahal nya ako ako yung priority? Pero hindi e. Parang hati padin e. Kasi nga nanjan yung ex. Ano bang dapat kong sabihin sa mahal ko? Anong dapat gawin :( can someone help me? :'(
 
Last edited:
Ikaw lang naman nagpapagulo sa isipan mo. Sa palagay ko alam mo naman yung sagot sa katanungan mo. Siguro natatakot ka lang to make the wrong decision pero in this case you won't be making any wrong decisions if you choose to walk away because that is called self respect. Gusto mo bang maging panakip butas lalo na may pagdududa ka na? Gusto mo bang maging reserba? If you would answer yes to both questions then ipagpatuloy mo.

Always remember, whenever an EX is still in the picture you should walk away. No if and buts because mas may pinagsamahan sila kesa sa inyong dalawa. For all you know depress lang siya kaya masyado siyang into you at inakala na niyang in love na siya. Kita mo naman mga sagot niya iconsistent. She's just being selfish. she's just keeping you for ego boost or just a reserve. If she cares about you or respects you then she would stop seeing hear ex. Simple as that - No excuses. Clearly you're not really special. So if she don't respect you and your feelings then maybe it's time you start respecting yourself and walk away.
 
parang ganito lang yan ts " bebe pa load muna bente iloveyousomuch mahal na mahal na mahal kita " hahaha mahirap yan t.s move on madami mas higit dyan sasakit lang utak mo dyan kaka isip saka kaw na din nag sabi di pa kayo official talaga tandaan mo 1/4 ratio ng lalaki sa babae dun kana sa sigurado ka lalo na bago palang kayo hahaha medyo hard advice ko di ako marunong mag payo hhahaha
 
Tatapatin na kita brad bilang babae naman ako. Ang totoo kasi niyan rebound ka lang. Ang lame ng excuse niya nagpapanggap kasi di alam ng families nila? Oh c'mon! As if naman may bearing yan. Wala kaya!

Kaya ka lang niya pinipigilan na wag umalis or continue with that kind of set up is because convenient para sa kanya. Isipin mo win win situation si girlie. Habang wala ka sa probinsya eh kalambuchingan niya si ex. So your absence is not an issue meaning okay lang kahit di kayo magkasama. Ngayon kung binabalewala naman siya ni ex kasi nga di naman sila winner pa din si girl bakit? Kasi niya andyan ka ang sorta-kinda-medyo boyfriend niya kuno. Sino ang olats?

You have to know na if the girl really loves you she wouldn't do anything para ikasama ng loob mo especially since LDR ang set up niyo. If she really means what she said na wala na di ka niya bibigyan ng dahilan na magselos at iaassure ka niya na ikaw lang, di yung mageentertain pa ng iba.

If I were you save yourself the heartache. Let go na habang di pa ganon kalalim ang feelings mo for her. Habang onting panahon pa lang ang nilalaan mo sa kanya. (Feb kayo nagkakilala diba?) Mabilis ka naman makakamove on kasi di naman kayo araw araw nagkakasama. Out of sight out of mind. :)
 
Option ka lang naman niya talaga TS.
Na kapag hindi sila uli nag work ng ex niya
may sasalo sa pagkalaglag niya.

At sino yun? Edi ikaw.
Ganito tayo, gustong gusto natin humingi
ng advice kani-kanino, pero alam mo nanaman ang sinasabi ng puso mo diba?
At ano yon? Edi ayaw mo. Kahit sino
pa mang magsabi o kahit gaano kadami
ang magsabing "move on" mas pipiliin
mo pa din magpakatanga. Dahil mahal mo.

Kung gusto mo, ipagpatuloy mo.
Sarili mo lang makakaintindi sayo dahil
ikaw ang nakakaramdam. Goodluck!
 
how can you say girlfriend mo siya, ni ikaw mismo eh di sigurado na girlfriend mo siya at may QUESTION MARK (?) pa talaga?!! :slap::slap:

Eto lang masasabi ko: JUST LEAVE HER. Simple as that.
 
Last edited:
gising-gising din pre
inuuto ka na nyan :no: ni hindi nga kayo official e :slap:
 
Naku naku. Napakalaki ng Pilipinas . An dami mga ibang babae jan

Wala din naman patutungan sa mga ganyang nagsimula relasyon,. teka may relasyon ba tlga kayu?

An tingin ko ndi ka mahal nyan. Mahal pa rin nya ung ex nya. Ex yan. Minahal nya at mhal nya. eh ikaw?Ramdam mo ba na mahal ka nya sa tuwing magkikita sila at mag uusap?May bonding ba kayu? may pinagsamahan na ba kayo?
 
TS dati I have the same LDR experience like yours, nagkakilala sa net, nagkamabutihan, etc. nasa manila ako at nasa province si gf pero NEVER EVER inentertain ni gf mga ex niya nung naging kami na kahit malayo kami sa isat isa at minsan lang kami magkita kada buwan, hindi niya ginawa sa akin yan. sooooo TS alam mo naman na siguro gagawin mo. Good luck..:salute:
 
Back
Top Bottom