- Messages
- 100
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
Guys, gusto ko sana ibahagi ang kwento namin ng aking ex. Ganito kasi yun. Naging classmate ko sya from 2008-2010. Naging kami nung Dec. 2008. Okay naman ang naging relasyon namin. Masaya minsan, malungkot rin minsan. Madalas ang away, pero madaling nase-settle. Matagal na siguro yung 1-3 days na walang pansinan. Nagtrabaho sya sa iba't-ibang kumpanya bilang cashier. Mdalas hatid-sundo ko sya sa trabaho. Kahit nga abutin ng madaling -araw, walang problema sa akin.
Dumating ang araw na naisipan nyang mag-abroad. Ang dahilan, breadwinner sya sa kanyang pamilya. Walo ang kanyang kapatid. Sinabi nya sa akin na mag-aabroad sya nung paalis na sya, mga 2 mos. bago ang flight nya. Inilihim nya yun sa akin. Pero ano pa ba ang magagawa ko? Pumayag na rin ako kahit labag sa kalooban ko. Feb. 2012 nung umalis sya sa Pilipinas at nagtrabo siya bilang cashier sa Dubai. Sa loob ng 3 taon na paninirahan nya doon, mas madalas ang away namin. Sobrang hirap pala ang LDR. may panahon pa na 1 buwan, hindi kami naguusap. Mahirap, pero kinakaya naman namin. Uuwi sana sya dito ng 2014, pero nagextend sya kaya 2015 na nakauwi.
Pag-uwi nya dito nung 2015, napag-pasiyahan kong magpropose. At sinagot naman nya ako ng oo. Sa sobrang tuwa ko, paguwi ko ng bahay, kinuwento ko na agad sa aking pamilya na ikakasal na ako. Pagkatapos nun, sinama nya ako sa kanilang probinsya. Masaya ako at nakilala ko ang kanyan pamilya. Nagtagal ako doon ng isang linggo, at mag-isa akong umuwi ng Maynila.
Bumalik ulit sya ng Dubai ng Aug. 2015 para magtrabaho. Dumating yung araw na nakikipaghiwalay sya sa akin noong Feb. 2016, thru online. kinausap nya ako sa skype. ang dahilan nya: hindi na raw masaya, nawala ako bigla sa plano nya, ayaw nyang maging unfair sa akin. ang hindi ko maintindihan, hindi kami nag-away man simula nung nagpropose ako sa kanya. at ang sabi pa nya, ibabalik nya ang singsing pag umuwi sya dito nitong taon. mula nung hiniwalayan ako hanggang ngayon, nakablocked ako sa facebook nya.
at nagkita kami nung isang linggo, binalik sya ang singsing. tinanong ko kung may boyfriend ka bang iba, at ang sagot nya ngumiti lang at umiling-iling. sinabi pa nya na nagsasawa na sya sa away namin, samantala simula nung nagpropose ako hanggang Feb. 2016, walang away na naganap sa amin.
ito ngayon ang tanong ko, may iba kayang naging boyfriend si ex ko sa dubai? 8 taon kaming naging mag-on, 4 na taon na nakasama ko sya at 4 na rin na nasa malayo sya. Isa pa, aaminin kong mahirap mag move on. lalo na't sya na sana yung babaeng papakasalan ko. alam na ng pamilya ko at pamilya nya na nagpropose na ako. ano ba ang dapat kong gawin, kailangan ko na bang sabihin sa pamilya ko na hiwalay na kami? dahil simula nung nakipaghiwalay sya sa akin online, never akong nagkwento sa pamilya ko tungkol dun.
sana matulungan nyo ko. relihiyoso akong tao, lagi kong pinagdadasal ang ex ko. pero hindi ko alam na darating kami sa hiwalayan. gusto ko ng kalimutan si ex. ano ba ang dapat kong gawin? may mga pictures pa sya sa akin. mahirap pero pakiramdam ko umaasa pa rin akong babalik sya. may pagasa pa bang bumalik sya kahit sinabi na nyang, hindi na nya ako babalikan? salamat sa makakatulong.

Last edited: