Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Help :( Pagod napo ako

rogierogie

Recruit
Basic Member
Messages
4
Reaction score
0
Points
16
Hello po mga kamobilarian manghihingi lang po ako ng help sa mga kapwa ko i.t, dikona po kasi alam gagawin ko, tinatamad nako, saka parang wala nakong gana mag patuloy pa sa current work ko kasi nabobo na ako kasalukuyan kasi ako ngaun nagtatrabaho sa opisina ng mga chekwa, ok naman sila katrabaho yun ngalang walang self improvement walang promotion, renewal lang ng contract paulit ulit lang ung 12hrs na trabaho, wala ng time sa sarili ung sahod kada buwan 15-18k tapos ung agency pa namin palaging kulang pasahod, pagod na pagod na ako, sa ngayon hindi ako basta basta makaresign kasi may binubuhay ako sa probinsya saka may binabayarang renta dito sa manila, sa las pinas po ako nakatira, 4 years i.t yung natapos ko medyo hirap ako maghanap kasi kadalasan kailangan may exp daw sa i.t company eh ung akin 1year exp sa government as technical & media staff saka 1 year din dito sa chinese company encoder trabaho, sana naman po may makatulong jan sa katulad kong strugling i.t, i feel so lost :(
 
Same here IT grad ako MIT dn po. past work Sa govt agency dn sa pinas kaso inde related sa I.T konti lng kadalasan public service lang ginagawa ko kakausap ng tao mga problema nila at about sa law ganun lang po.

Ngaun d ko dn alam kung itutuloy ko kasi wla dn ako mahanap n work pang I.T marunong dn ako mg program like using php or web development pero d ganun kagaling marunong lang ng konti. tpus nka hanap ako ng graphics pero d ko din feel ung work kasi d ko maimprove yung design ko or hindi ganun ka widen yung isip sa designing kahit anong pilit ko. so ngaun Jobless ako he he he.

same same here.. :weep:
 
Apply lang ng apply hanggang makita mo yung gusto mong work na makakapag uplift sayo ako nga after 14yrs sa work nag resign ako eh! kasi may nakita akong mas maganda,,,:excited:
 
Try nyu Call center oi.. Tapos apply sa IT pag kilala nyu na mga tao dun.. Offer nga ng Xerox was 34k.. Accounting Grad po ako.. pero naging. Data Analyst kasi Hilig ko Excel and MS Access.. for sure Dahil IT kau at magaling sa programming mas malaki pa offer nyan.
 
mga boss try nyo maghanap sa mga online jobs na nakapost example sa jobstreet.com

you mentioned na "kadalasan may experience yung kaylangan", well meron dun ilang vacant jobs na hindi requirement ang experience and as far as you're concerned, meron kang background ng I.T. sa government. Araw-araw kang pumapasok siguro naman my internet yung computer mo, check mo yung mga online sites, madami yang alam si Google hanap ka lang.

Also, don't break the bridge of you to your existing company. If gusto mong umalis, mag-resign ka ng maayos, magpa clearance, humingi ng Cert of Employment. Wag yung porket alam mong iho-hold yung last pay mo pag nagresign ka eh mag aawol kna lang. Wag ganun kase magagamit mo din naman as background yung existing company mo.

Good luck sayo ka-mobi!
 
Mahanap ka ng ibang trabaho bago ka mag resign. Pag hindi ka na masaya kahit saan you can always find a new job then resign sa current mong trabaho :)
 
mas mahirap ts wlang trbaho make sure na may malipatan kana bago magresign naranasan ko na yan
 
1st - Alamin mo muna ang field ng expertise mo. Programming? Computer Repair? etc... Alamin mo rin kung kaya mo ba mag excel sa field na napili mo. But mostly nag eexcel naman pag pinaglaanan ng panahon at tyaga para matutunan at maka catch-up sa differences.

2nd - If nakapag decide kana sa 1st step mo. Hanap ka ng work na related sa nabanggit. Wag ka muna mag hangad ng malaki kung may mahanap kang trabaho na gusto mo base sa 1st step mo. Tyagain mo yan, at duon ka magsikap na matutunan lahat.. Wag mahiyang magtanong lalo na kung may Senior ka sa same field sa bagong work mo.

3rd - If you're into pagbubudget because may sinusustentuhan ka, try mo ibudget lahat ng unnecessary expenses mo so you could have more savings kahit hindi ganon kalaki ang sahod mo sa lilipatan mo. Dahil ang goal mo naman is improvement sa sarili at sa skillsets mo.

4th - For sure being an IT may access ka sa lahat ng resources pagdating sa computers, meaning sa internet. Gamitin mo yang tool para mag self-study.

Habang may buhay, wag mawalan ng pag-asa. Maraming nahihirapan at naghihirap, wag mong isiping ikaw lang, lucky enough kase ikaw may work ka kahit papaano. So go on, be positive sa lahat ng aspeto ng buhay. ^_^
 
salamat po sa mga suggestions napagod napo kasi ako lalo na sa agency namin, papasok ka kasi ng matino tapos kulang nalang palagi kada cutoff ung sahod


...more on multimedia kasi sa tingin ko ang skills ko mga sir, media editing (tarpaulin designs, photo editing, video editing,photography,videography)
 
Last edited:
alam mo boss kung tutuusin napaka swerte mo na eh, ako nga 7 years na ako sa trabaho ko pero minimum parin ako ewan ko ba, pero masaya naman kase ako sa work ko eh

Update: Nagkaroon na kami ng salary increase hehehe
 
Last edited:
Try mo nang mag apply sa abroad kahit sa factory sa Taiwan, Poland, Middle East or any country na di mataas ang screening requirements. Kahit ibang linya basta mas malaki sweldo at kahit pano makakaipon ka. Pero wag ka munang mag re-resign hanggat wala ka pang visa paalis.
 
Hi Sir. Try mo mag part-time. Kung hindi mo hilig ang programming maraming iba like virtual assistant, social media marketing, etc. Marami kang pag pipilian, check mo yung mga klase2x na online jobs.
Study ka lang always meron talagang mga trabaho na feeling stagnant tayo pero meron naman tayong free time na pwede natin gamitin para iimrpove ang skills naten.
Ako nag dodownload ng torrents ng video tutorials, ebooks. Pwede rin khanacademy.
 
Hi mga ka moby
hindi ako graduate at 1 year lng na tapos ko sa Computer Science, ngayon nasa call center ako.
Maayos ang mga katrabaho ko dito at marami rin akong natutunan, ngayon medyo mahina na ang business ng client at wala kaming masyadong trabaho, nakakabored.
Naiisipan kong magexam sa PMA o MAAP kasi gusto kong may marating at makahanap ng stable na trabaho, PERO hindi ko yun gusto.
ang ginawa ko, tinanung ko yung sarili ko kung ano ba talaga ang gusto ko
at yun, wala nga akong gusto sa buhay, hahahahaha
ang gusto ko talaga yung masabi ko ang "I did it my way"
kaya gusto kong ulit matutunang magcode, gagawa ng app or game at iigihan kong pagaralan ang data science at machine learning
 
Habang may buhay may pag-asa. Gawin mong motivation yung mga bagay na sa tingin mo e nakaka depress sayo o yung nakakaawa mong kalagayan.

Apply lng ng apply. Take a risk paminsan minsan at magset ng plan just in case as fall back.

Like me, graduate din as BS course sa IT, working for 12 years as loptop technician/service engineer kuno:lol: at kung saan saan na aassign na customer sa pinas at ginawang motivation ang family situations (nangungupahan lng sa maliit na bahay tpos umalis at lumipat sa biyenan na hirap din sa buhay dahil nagtaas ng renta at hindi na afford)

Ayun apply lng ng apply sa local at abroad. Eto ns abroad na, may sarili ng bahay at lupa na fully paid, may lupa doon lupa dito, walang utang at may pautang, may maliit na negosyo na risky pero ganun talaga buhay, may investment na sobrang risky din, may savings na sinadyang pahirapan ma withdraw:) at ganun pa rin ang life style as Low Profile...

Ika nga sa kasabihan..."Hindi mo kasalanan na pinanganak kang Mahirap, pero pag Namatay kang Mahirap e kasalanan mo na yun"

Life is a Risk...Live a life...Live the Impossible...
 
Advised po lang ts ha based on my experienced bago ka magresign maghanap ka muna ng kapalit na trabaho para di ka mabakante un lang mahirap kasi magresign tapos wala ka trabaho.
 
Back
Top Bottom