Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[Help po] Napagkamalan ata ako na manyakis

sleep04

The Martyr
Advanced Member
Messages
754
Reaction score
2
Points
28
Nakaupo kase ako sa dulo ng jeep, sa may pintuan, pauwe na ako nun galing trabaho, tapos nakagawian ko na na tuwing uuwe ako galing trabaho, nanonood ako ng video sa youtube or minsan nanonood ako ng mga movies para hindi antukin sa biyahe... dahil most of the time ay panggabi ako

So ganito yun, nanonood ako habang hawak yung phone ko na medyo malapit sa mukha ko kase maalog yung jip tsaka medyo may problema ako sa paningin (nearsighted) kaya nilapit ko sa mukha ko yung phone, tapos maya maya napansin ko na parang nakatingin sa akin yung babae sa harapan ko, tapos naisip ko na baka kako iniisip niya na vinivideohan ko siya, eh hindi naman ako namvivideo sa kanya nanonood lang ako ng youtube that time, tapos maya maya nakita ko parang ako naman yung vinivideohan niya, so parang nataranta ako, bakit niya ako vinividuahan, baka iniisip niya minamanyak ko siya dahil naka miniskirt siya, pero hindi naman eh, nanonood lang ako ng youtube video that time...

kinakabahan lang ako, baka ma misinterpret niya tapos mamaya mag post siya ng nakakasira sa akin sa FACEBOOK or sa youtube, anu po ba pwede ko gawin, nakakaasar naman kase bakit ganun naman mag isip mga babae.

Sana po mabigyan niyo naman ako ng mga payo, may pamilya pa naman ako at nag tatarabaho ng marangal, anu po maipapayo niyo sa akin, depressed na depressed na depressed po ako ngayun.
 
Mag post kana sa Fb profile mo sir. Ishare mo lang yung nanyare just incase. Atleast alam na nila agad side mo if ever mag post man yung babae tungkol sayo.
Pero Ang pinaka the best mong gawin sir ay wag mo ng isipin yung nangyare as of now. Malay mo nanonood din sya sa youtube tulad ng ginawa mo. Haha. Balewalain mo na lang. Maglibang ka sir para kahit papano mawala na sa isip mo yun. Just continue with your life without thinking the cancer moments. Wag tayo papadala sa depression. Hindi lang ikaw yung maaapektuhan, kahit yung nsa paligid mo. :)
 
Mag post kana sa Fb profile mo sir. Ishare mo lang yung nanyare just incase. Atleast alam na nila agad side mo if ever mag post man yung babae tungkol sayo.
Pero Ang pinaka the best mong gawin sir ay wag mo ng isipin yung nangyare as of now. Malay mo nanonood din sya sa youtube tulad ng ginawa mo. Haha. Balewalain mo na lang. Maglibang ka sir para kahit papano mawala na sa isip mo yun. Just continue with your life without thinking the cancer moments. Wag tayo papadala sa depression. Hindi lang ikaw yung maaapektuhan, kahit yung nsa paligid mo. :)

Boss, salamat ng marami, sa iyong payo, talagang depressed na depressed na talaga ako ngayun, iniisip ko pa lang na mapag bintangan na ganung nadedepressed na ako, kase namumuhay ako ng matiwasay, bahay trabaho lang ako tapos pamilya, wala lang talaga ako mapagsabihan ng nararamdaman ko.

tsaka hindi siya nanonood, kase yung phone niya nakapatong sa may tuhod niya tapos nakaharap sa akin, kaya alam ko vinividuahan niya ako,
 
Last edited:
Sir pangunahan mo na. Ipost mo na agad sa profile mo para incase na ipost nya ung video mo atleast nabasa na nang mga friends mo yung totoong reason kung bakit. Ganyan tlaga mga babae ngayon kakapanood nila nang videos. Parang lahat nang nasa pagilid iniisip nila na manyakis.
 
wag ka mag post..hayaan mo syang mag post kung meron man..basta malinis ang konsyensya mo bakit ka matatakot..tska bobo nmn nung gurl kung magpopst sya eh wala nman syang ebidensya na vinivideohan sya..ok pa sana kung kinausap ka..kaso hindi nmn..kaya relaks lang!hanggat inosente ka walang problema
 
Last edited:
kalma. kung walang gnagawa, pd ka mgPost at magReply sa kung ano po nakaabang sayo sa Online World.
Lalo at malinis kunsensya mo, wag mo isipin mga sasabihin ng Tao.
Totoo po yan. dahil anytime pwede ka magpaliwanag. don't stress yoursefl too much.
The more na bnibigyan mo ng intensity ang ganito, mas mag iisip ung iba na GUILTY ka.

sleep well.
 
don't overthink sir. baka magkasakit ka pa sa kakaisip mo. kasi wala ka namang ginawang masama. think positive. 🙂🙂
 
kalma. kung walang gnagawa, pd ka mgPost at magReply sa kung ano po nakaabang sayo sa Online World.
Lalo at malinis kunsensya mo, wag mo isipin mga sasabihin ng Tao.
Totoo po yan. dahil anytime pwede ka magpaliwanag. don't stress yoursefl too much.
The more na bnibigyan mo ng intensity ang ganito, mas mag iisip ung iba na GUILTY ka.

sleep well.

Salamat po, sa totoo lang stressed na stressed talaga ako dahil, hindi naman kase ako ganuong tao at natatakot ako na baka ma misinterpret nila ako, ayoko kase mapahamak ang anak ko, baka kase mabully siya sa school, medyo overthinker lang po talaga ako sir, kaya yung mga ganitong simpleng bagay hindi ko maiwasan na mawala sa isipan ko, pero salamat po sa inyong lahat at kahit papaano gumaan na ang loob ko
 
If ever ipost ni ate girl huwag mo na lang pansinin since hindi naman totoo.
At kung gusto mo naman pwede mo ring kasuhan si ate girl kapag pinost nya tapos nilagyan ng mga caption
na nakakasira sayo.

ANG CYBER LIBEL AYON SA SECTION 4 (C) (4) NG REPUBLIC ACT NO. 10175 OTHERWISE KNOWN AS "CYBERCRIME PREVENTION ACT OF 2012" AY ANG ISINAPUBLIKONG PANINIRA SA ISANG TAO NA GINAWA SA INTERNET NA MAY PARUSANG KULONG NA SIX MONTHS AND ONE DAY TO SIX YEARS. ANG "PAGMUMURA" O "PANINIRANG PURI" SA ISANG TAO SA FACEBOOK, TWITTER O IBA PANG SOCIAL NETWORKING SITES O SA INTERNET AY ISANG KRIMEN NA CYBER LIBEL AT PWEDENG PATUNAYAN NG SCREEN SHOT NITO BILANG ELECTRONIC EVIDENCE AT CIRCUMSTANTIAL EVIDENCE.
 
Salamat po at ngayun medyo kumakalma na ako
 
Back
Top Bottom