Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Help po sa studen and non-pro driver license

mackey05

Amateur
Advanced Member
Messages
138
Reaction score
0
Points
26
Hello po first time ko pong kumuha ng student license itatanong kolang po kung ano ang requirement sa LTO at how much po ang babayaran ko
at ung pag papa non-pro ilang months po ang kailangan at ung requirement din po para sa non-pro para po alam ko na po ang gagawin ko kakabili ko lang po kasi ng motor ko kaya lang firstime ko po kumuha ng lisensya. maraming salamat po :)
 
yung student sir ang kailangan mo po is valid id and TIN # mga 650 pesos po, bago ka makapag renew to non-pro license need mo wait 6months siguro nasa 1k ang fee.
 
1 month old student permit at medical ang requirements sa nonpro ts,,mga 1k po ang fee kasama na medical..
 
Dapat may kakilala ka or hanap ka ng fixer mabilis mo lang makukuha yan.
 
Dapat may kakilala ka or hanap ka ng fixer mabilis mo lang makukuha yan.

Siyempre wag mo gagawin to... :)

Kumuha ako ng student license (LTO Caloocan) before mag-Christmas last year 2014. Madali lang naman ang process, before 12noon nakauwi na din ako. Di ko lang matandaan kung magkano ang binayaran ko, pero hindi ka naman aabot ng 500. Nagdala ako ng Birth Certificate, UMID ID ko (SSS) or any Government-Issued ID, tapos yung application form. Wala naman sila hininging medical results or lab results. Good for 1 year and student license.

1 month maturity lang naman ang kailangan ng student license mo para ma-upgrade sa non-pro. Sa LTO Main ako kumuha, di ka naman para umabot ng 1k para sa pagkuha ng non-pro license, may mga amount / processes naman na naka-post around LTO para maging guide mo sa mga pupuntahan mo. Ask the guards, siyempre stay away sa mga fixers. Magtatagal ka lang naman sa mga pila-pila.

Para sa requirements mo, dalhin mo yung Student License mo, dapat more than 1 month na yan. Yung mga IDs and docs na dinala mo nung nag-apply ka for the Student License. Sa non-pro ka pa lang din hihingian ng medical result mo. I'd suggest kung sa LTO Main ka pupunta, bago ka pa pumasok sa loob, meron na mga "clinic" kuno sa gilid-gilid dun, kumuha ka na ng "medical" (height / weight / eye test kuno, konting interview), after 10 minutes (kung walang ibang nakapila) tapos ka na agad. Then may exam, pwede ka magtagal sa review room habang nag-aabang ka para tawagin sa cashier. Basa-basa ka lang dun. Ang exam para sa non-pro ay 40 items lang. Kung ano ang laman ng reviewer mo, yun na din ang laman ng actual exam + sa exam room, napakadaming nakapaskil na mga road signs. So parang napaka-tanga mo na para bumagsak ka pa sa exam. But then, may mga bumabagsak pa din yata. Anyway, its not our concern anymore. :) After ng exam, yun ung actual exam na. You may bring your own MC, or kung ayaw mo, meron dun na "for rent" na MC, pero siyempre may bayad. Di ko lang alam kung 100 or 200. Basta around that price range lang. Tapos ikot-ikot ka na sa track nila, make sure lang na wala ka mababangga (may mga makakasabay ka sa track, other examinees, yung iba nasa kotse, yung iba nakasakay sa truck), lagi ka lang sa lane mo, at kung naka-hinto ang nasa harap mo, wag ka mag-overtake, unless yun ang instructions sayo. Wala naman time limit kaya take your time. Tapos balik uli sa may cashier area lalo na kung within the day ay mapa-process na ang lisensya mo. Kung hindi man, bibigyan ka nila ng resibo + date kung kailan mo maki-claim ang plastic na license mo.
 
Back
Top Bottom