- Messages
- 1
- Reaction score
- 0
- Points
- 16
Pahelp naman po sa Sun Broadband Pocket Wifi ko..Naguguluhan na po kasi ako dito. Ang problema po kasi nung medyo bago pa yung wifi ang settings na nakalagay ay :
Prepaid
Mode: Auto
Profile Name: Standard
PDP Type : IPv4
APN: fbband
Authentication: PAP
Network Selection: Automatic (3G only)
Under Network Settings po makikita lahat ng info na yan. Regular Sim lang po ang gamit ko dahil bigay lang sakin to ng brother ko, kaya ang lagi ko pinapaload ay i100 - Unli Surf for 3 days. Medyo matagal na nung binigay sakin to more or less 2 years na. Ngayon kapag mabagal sya papalitan ko yung mode nya to :
Prepaid
Mode: Manual
Profile Name: Internet
PDP Type : IPv4
APN: minternet
Authentication: PAP
Network Selection: Automatic (3G only)
Ok naman gumagana siya yung signal bar niya laging HSPA+ SUN 4 or 5 bars madalas 5 nkakadownload pa nga ako ng mga games na 200Mb+. Then this past few days, siguro 2 weeks ago na nung nagloko to siguro kasi dahil 24/7 bukas yung wifi, may free FB and messenger kasi kahit na walang load. Kung ano ano ng settings ginawa ko ala pa rin nangyari lagi na siya UMTS SUN 1-2 bars minsan No Network. Ngayon sinubukan kong pakialaman yung Network Selection dahil naisip ko na ang Sun at Smart ay parang iisa lang na network tapos hindi na available yung i100, kaya iSurf100 na lang yung pinapaload ko bago nilang pakulo 800MB per day pero lokohan lang. Eto na lang yung nagiisang setting na gumagana: Prepaid
Mode: Manual
Profile Name: SmartBro
PDP Type : IPv4
APN: SMARTBRO
Authentication: PAP
Network Selection: Manual - Smart - 3G / Automatic (3G Only)
Ang signal niya ay HSPA+ 4bars. Tpos sobrang bagal na niya minsan FB, Google or Forum sites na lang yung gumaganang website. Download speed niya ay 0kbps - 200kbps. Pero minsan na lang yung 200kbps mga 30secs - 1min , halos lagi disconnect. Patulong naman please. Oo nga pala 1st time ko po mag post dito sa website lagi lang ako nagbabasa kaya baka nasa maling lugar yung thread ko paki ayos na lang po mods. Thanks! TIA din po sa mga makakatulong.