Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

"How To Drive Manual Car Smoothly"™OFFICIAL KOTSE TAMBAYAN!™

Share ko lang. Nung sunday tinuruan ako ng uphill kapag traffic. Grabe ang hirap! Haha.. Parang kelangan sabay ang angat sa preno + apak sa gasolina kapag aandar na ng konti otherwise aatras ang sasakyan. :( Gusto ko ipractice pa to. 3 hrs nalang natitira sa 10 hrs ko, pero dadagdagan ko pa ng another 10hrs. straight for review makasure lang.

gamit ka mam ng handbreak pag uphill para di umatras sasakyan.. hehe

nung nasa a1 ako, hindi nila tinuro sa akin ang paghahand brake sa uphill. kasi pagnagkamali ka ng hila masisira ung ngipin ng handbrake mo.

kelangan mo talaga matutunan ung timpla ng clutch at gas sa uphill. sa simula magrerebolusyon ka ng malupet. hehehe. pero praktis lang talaga.
 
Suggestion naman po ng mura na 2nd hand, diesel at malambot pedals. :) Tnx.
 
may subdivision ba sainyo na paakyat? dun ka magaral sa paakyat na lugar sigurado makukuha mo tamang timpla ng makina.
tama rin si 2much (tambay ng AZ haha) dumiretso ka na sa main road basta magsama ka lang muna ng marunong hehe

nakakainis lang minsan sa mga tumatawid, hindi na nga tama tinatawiran kung maglakad pa kala mo nasa buwan!

yes sir maraming pataas dito kasi medyo bundok subdivision namin, sige, dun ako practice sa hanging. hehe. baka di lang ako payagan ni papa kasi baka mabugbog yung clutch hehe. totoo yung sa mga tumatawid, kahit nga passenger lang ako, grabe galit na galit na ko sa mga pasaway na pedestrian. pag binusinahan mo pa galit pa sila. hehe

punta ka na agad sa main road sir. hehehe. edsa, c5, etc. ako nung nabigyan ng lisensya nagc5 agad ako. meron kang malupet na reason if in case parahin ka ng mmda or tmo. sabihin mo bagong driver ka at nagppraktis. sabay pakita ng lisensya. sigurado warning lang ibibigay sa iyo nyan. hyaan mo ung mga nambubusina sa likod mo pag namatayan ka. taena nila! lahat tayo nagsimula sa wala. hehehe.

praktis lang sir. learn by doing. good luck! :salute::salute::salute:

nakakatakot! main road kagad! baka kahit aircon yung auto, pawisan ako ng malagkit! pero natatwa ako kasi natry ko na din sa national road dito sa probinsya, namatayan ako. grabe taranta kagad ako, kasama ko erpats ko nun so sabi nya okay lang yan, relax lang. haha, problema tatlong beses ako namatayan as in mula doon antagal ko bago nakaandar. haha nakakahiya! buti less aggressive pa drivers dito sa probinsya. ewan ko nalang kung sa edsa nangyari to sakin haha.
 
kamusta mga brader, namiss ko tong thread na to woohoo , matagal tagal na din date patanong tanong lang ako dito about sa basics, ngayon malayo na nararating ko salamat dito ! woohoo :yipee: :thumbsup:
 
Suggestion naman po ng mura na 2nd hand, diesel at malambot pedals. :) Tnx.

How about Toyota Regius? kaso imported from japan, so Converted. pero ok ang performance. AT 3.0 Turbo
 
Quezon city to Nasugbu and back last Saturday! ang tikas talaga ng classic na Corolla! Woot woot!
 
what do you think guys best buy ba?

COROLLA LOVELIFE

hahanap kasi ko ng fresh pa pati all stock walang mods.
sabi ni seller 145k milage na yung sasakyan. base naman sa pics ok naman yung pintura
tapos 2E-F power tong oto na to wala kasing pics ng engine.
this sunday ko palang makikita oto.
 
Last edited:
what do you think guys best buy ba?

COROLLA LOVELIFE

hahanap kasi ko ng fresh pa pati all stock walang mods.
sabi ni seller 145k milage na yung sasakyan. base naman sa pics ok naman yung pintura
tapos 2E-F power tong oto na to wala kasing pics ng engine.
this sunday ko palang makikita oto.

mukhang maganda naman sir. bilhin na yan! hehehehe.
 
kamusta po dito... tagal na hindi nakapag online medyo busy na kasi at walang internet sa area mahina signal, sana marami natutulungan ang thread na ginawa ko para sa mga bagong nagaaral mag drive..
 
Re: how to drive manual car smoothly .. post your technique here!

magandang payo to paps ups naten:thumbsup:
 
Re: how to drive manual car smoothly .. post your technique here!

Tanong lang po tungkol sa lisensya, balak ko pong kumuha ng prof. license next week. Dito po ako sa lugar namin kumuha ng student permit last december. Pero last week pa, wala na ako sa original na lugar namin kung saan ko kinuha yung SP ko. Ang mangyayari, dito ako sa current location ko kukuha ng lisensya, pero if gusto kong iretain yung original na address ko kung saan ako kumuha ng SP, kelangan ko raw ng clearance from city prosecutors office. gaano ba to ka-importante? pahingi naman po nga mga advices nyo tungkol rito.. magkano po ba magpapaclearance sa city prosecutors office, tpos magkano po ba yung fee kapag nagparenew ako ng lisensya sa ibang lugar.. thanks po.
 
salamat boss, how about sa downhill, kailangan ba mag neutral o maintain lang ang current gear kung pababa ang daan like baguio
 
salamat boss, how about sa downhill, kailangan ba mag neutral o maintain lang ang current gear kung pababa ang daan like baguio

Boss, yan wag na wag mu gagawin ang magneutral kapag downhill kung gusto mu pa humaba ang buhay mo. Naka 3rd or 4rth gear dapat normally yan or depende sa takbo ng sasakyan mo. Basa basa ka din ng safety riding tips dami sa google nyan..;)
 
Boss, yan wag na wag mu gagawin ang magneutral kapag downhill kung gusto mu pa humaba ang buhay mo. Naka 3rd or 4rth gear dapat normally yan or depende sa takbo ng sasakyan mo. Basa basa ka din ng safety riding tips dami sa google nyan..;)

hahaha. magrreact sana ko dito, kaso pagkabackread ko, baguio pala.

honga. wag ka mag neutral ng downhill sa baguio. baka mamaya dirediretso ang downhill mo umabot ka sa bicol. hehehe.

pero ako. mostly sa edsa or c5 pagka pababa sa downhill ng flyover, nakaneutral ako. save gas.
 
Back
Top Bottom