Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Humirap dahil sa pagiging makasarili at bulag sa pera ang nanay ko

Ronskie1999

Recruit
Basic Member
Messages
6
Reaction score
0
Points
16
Hindi naman kami noon sobrang yaman pero masyadong komportable, noon ang bahay ay uwian para kalimutan lahat ng problema at maging komportable. Ayos na sana noon, may negosyo ang mga magulang ko pero ang nanay ko masyadong uhaw sa pera. Halos naka 5-10 na syang plano na magbukas ng panibang negosyo at di lahat naglago, binenta nya yung natitira naming negosyo kasi nagbabalak magtrabaho sa US. Eh hindi rin successful, nung pagkabenta nya palang ng negosyo alam na namin ng tatay ko na ito ang hahantungan namin, kahirapan. Ang nanay ko kasi magaling mag convince ng tao at mag "sugar coat" ng mga promises kaya mapapaasa ka talaga, nung naramdaman na namin na humihirap na kami away ng away ang nanay at tatay ko at sinisisi lahat sa tatay ko pati sa mga kakilala ng nanay ko kinikwento nya na tatay ko ang may dahilan eh ang tatay ko lang naman sunod ng sunod hindi naman sya lahat ang nagpaplano, baon narin kami sa utang dahil sa kaka loan ng nanay ko at nagawa nya pang ipa loan ang tatay ko at nagpascam sya sa facebook. Ngayon magtatatlong taon na since humihirap na kami parang wala nang pagasa para sakin, okay lang sana kung masaya parin sa bahay pero iba kasi ang ugali ng nanay ko, nung isang linggo narinig ko sila na nagaaway na nagsisisi yung nanay ko na pinili nya ang tatay ko. Ang hirap intindihin ng nana ko, na stroke sya 2 years ago nung kakaaway nila ng tatay ko at hanggang ngayon di nya pa rin tanggap yung mga ginawa nya ang sinisisi pa rin sa tatay ko eh ang tatay ko wala namang magawa (73 yrs old tatay ko, mag 60 nanay ko ngayong taon). Kung idedescribe ang nanay ko isa syang "narcissist" at yung tatay ko naman "enabler", madali pasabihin ng "oo" ang tatay ko kaya inaabuso ng nanay ko. Balak ko sana na i cut lahat ng contact sa nanay ko once na makagraduate ako, masyado kasing toxic ang ugali pero baka naman kasi isipin ng iba na nagiging rebelde ako, ang relasyon kasi namin ng nanay ko ay "bitter". Nakakainggit nga na nakikita ko na ang relasyon ng nanay ng mga kaibigan ko sa kanila maganda, healthy relationships should be praised pero wala kami nyan ng nanay ko.

Sorry sa pag vent, kahit kailan hindi ako nakipagusap sa kahit sino man tungkol sa mga bagay na ganito at gusto ko lang mailabas. May mga users rin ba dito na dumaan rin sa parehong mga pangyayare?
 
Hm, hindi ko naranasan ang ganyan, kaya nakakalungkot marinig yan kasi sarili mo pang magulang diba? Pero kasi kahit baliktarin mo man ang mundo magulang mo pa rin yan, wala tayo magagawa kung baga. Siguro ang gawin mo tutal nasa tamang edad ka na, kung nag ttrabaho ka na mag ipon ka sa sarili mo, mag tyaga ka lang mag ipon at bumili ka ng sarili mong bahay kahit maliit man yan atlis yung pakiramdam mo tahimik ba, hindi puro sigawan ang naririnig mo. Kung sa magulang mo naman syempre kung iisipin mo matanda na sila, wag mo putulin ang relasyon mo sakanila bagkus ikaw suportahan mo pa rin sila kahit papano kasi matanda na yan hindi na kayang magtrabaho, at mahalin pa rin natin sila. Pero yung mga bagay na para sayo sa tingin ko isekreto mo nalang mahirap kasi yung tipong may marinig ka sa kanila kahit na alam mo mabuti ang ginagawa mo yung ganun ba? Sa nagawa ng nanay mo wala tayo magagawa kung bakit ganun ang nagawa nya, at kausapi. mo din ang tatay mo, sabihin mo sakanya ang hinaing mo, kasi ang tatay mo hindi din nanindigan, lalaki sya dapat kung alam nyang mali dapat sasabihan nya nanay mo, wala naman masama sa ganun e mag asawa sila saka para na rin sa makabubuti nyo un kung sakaling ang tatay mo e nanindigan.. Wag mo nalang isipin yung problema kapag nandyan ka sa bahay, kung dimo maiwasan yung nangyayari dyan, lumabas ka kasama kaibigan o magshare ka sakanila minsan kasi yung paglabas ng problema sa iba e nakakatulong. Wag ka mahiya kung alam mo sa sarili mo ikaw ay mabuting tao. Yun lang po.
 
ts were almost the same but in differ story... i been through that even until now... masagana buhay then suddenly gone and it feels like forever pero still counting on it , make ways life to be better than yesterday. mahirap talaga pero dapat kayanin di ko masabi na mas worst ung story ko pero worst scenario like this are all same. dapat matapos mo ang studies mo for you to have a better plan for them... wag ka paapekto be focus sa pagaaral, not like me na nadala sa mga pangyayare kaya naging more worst ang result .. actually its was my first time to reply here in this site because i feel you and others out there suffer in pain ng nkaraan at kahirapan.... i can tell you mine if you let me☺☺
 
wag mo putulin ang relasyon mo sakanila bagkus ikaw suportahan mo pa rin sila kahit papano kasi matanda na yan hindi na kayang magtrabaho

Idadag ko pala pareho sila may pension at mabuting trabaho noon bago magnegosyo pero ang mahirap dahil sa kakaloan ng nanay ko at pinaloan nya tatay ko, bawas ang nakukuha nilang pera. Ngayon nga nagbabalak nanaman kahit hindi pa nakakarecover ng masyado sa stroke kasi hindi parin binabago ng nanay ko ang lifestyle nya, nasasayang lang ang pera mag tatatlong taon na paulit ulit lang ang mga pagkakamali.
 
how sad your story TS. ako pa naman medyo naging mama's boy dahil sinuportahan ako ng nanay ko sa halos lahat ng decision ko sa buhay kahit na madaming beses na akong nadapa sa pagkakamali. medyo kuripot si nanay ko noong bata kami dahil may lahing ilocano sila at ako naman lumaki na kapampangan so medyo magastos sa pera. hehe. pero nagbago nanay ko mula nung makilala nya ang Diyos. ibig kong sabihin ay naging malapit sya sa Diyos at inaabsorb nya mga turo ng relihiyon na sinalihan nya. from catholic to born again. masaya ako sa pinagbago nya at naging open minded na rin sya sa mga bagay bagay. what i can advise to you TS is subukan mo/ninyo mapalit sa Diyos si mama mo para maliwanagan sya sa buhay. na hindi ang pagiging gahaman sa pera ang rason para mabuhay sa mundong ito. hindi masama maghangad na maging mayaman. mas maganda kung gagamitin mo sa tama at tumulong ka sa nangangailangan gamit ang kayamanan. dahil sabi nga nila hindi mo naman maisasama yan pag oras mo na. hope these pieces of advise ay makatulong para magbago si mama mo towards the good sake for your family.
 
Idadag ko pala pareho sila may pension at mabuting trabaho noon bago magnegosyo pero ang mahirap dahil sa kakaloan ng nanay ko at pinaloan nya tatay ko, bawas ang nakukuha nilang pera. Ngayon nga nagbabalak nanaman kahit hindi pa nakakarecover ng masyado sa stroke kasi hindi parin binabago ng nanay ko ang lifestyle nya, nasasayang lang ang pera mag tatatlong taon na paulit ulit lang ang mga pagkakamali.

I think It's time na para ikaw naman ang magdesisyon dyan sa inyo, matured ka na kasi naiisip mo na yung mga ganyang sitwasyon sa pamilya mo. Manindigan ka, ikaw na ang magdesisyon, wag mo na hayaang mag loan pa ulit ang parents mo, sabihin mo ikaw masusunod. Ikaw mag organize, ikaw mag plano ng takbo ng buhay niyo, magalit man sila pero sabihin mo sa ikabubuti niyo yun, maging matigas ka kahit papano, MANINDIGAN KA, Yun lang..
 
Mas maganda mag vent out ng mga problema kesa sarilihin mo, kase it might consume you and destroy you.

Para sakin, since malayo ang agwat ng Mama at Papa sa edad, nakasanayan ng Papa mo yung ibigay sa Mama mo lahat ng luho nung kabataan pa nila. Kaya ganyan na lang ang Papa mo sa Mama mo kaluwag. Since nakasanayan na, medyo mahirap na yan baguhin. Even gustuhin pa ng Papa mo magtrabaho, hindi narin kakayanin.

Ganito na lang, kausapin mo Mama mo about sa current situation ng finances nyo. Maging open ka, daanin mo sa mahinhin na usapan, kahit tipong sya medyo pagalit na, maging mahinahon kapa rin. Sabi mo pa nga si Mama mo magaling makipag-usap. gamitin mo rin yun sa kanya, iconvince mo sya na ganito na kayo ngayon. Need nyo mag adjust sa lifestyle na ng buhay. For sure maiintindihan yun ng Mama mo na siguro ay indenial pa ngayon sa current status ng buhay nyo.
Kung may mga kapatid ka, pagtulungan nyong iahon ulet ang mga natitirang business kung meron pa man. Itayo nyo ulet yung business kung saan kayo magaling mag handle.

Wag mong icut ang connection mo sa Mama mo. Matanda na sila para iwanan or iignore. remember kung ano ka man ngayon kung ano man ang ma-attain mo sa buhay after you graduate, naging part parin sila non. Since educated ka ikaw mismo mag adjust, ipaunawa mo sa kanila kahit paulit ulit lahat ng mga bagay na dapat gawin para lumago ulet ang relationship ng family nyo. Hindi mareresolve ang problema sa pag-iiwan dito besides, sila parin ang magulang mo. Pag binawian na sila ng buhay na hiram sa may Kapal, marerealize mo everything na kahit ganoon sila ay MAHAL NA MAHAL mo sila.

Be positive. Always Pray! ;)
GOD Bless Bro!
 
malay mo pagka graduate mo makahanap ok work, try ulit negosyo, boom! ganun ang buhay.. wala na sa edad para mag simula ulit tatay at nanay mo malay mo ikaw yung susi sa problema. huwag na hanapin sino tama at mali gumawa ng sulosyon
 
Last edited:
bilang isang lalaki/husband, ang sakit kaya kung sabihin ng asawa ko na nagsisisi sya na ako pinili nya. kaya kayud tayo mga tol, pakita natin na karapatdapat tayo para sa sa asawa at mga anak natin. (sa story mo parang nag propell sakin na lalo pa magsikap bilang asawa at ama)
 
Salamat sa lahat, ngayon ko lang to nailabas sa sarili ko kasi nakakatakot lalo na kung ikukwento ko yung relasyon ko sa nanay ko kasi nasa kultura natin na nirerespeto at minamahal ang isang ina. Siguro sapat narin ang mga nagawa nilang pagkakamali para matuto ako at hindi na yun maulit sa susunod kung oras ko naman.
 
Tanda na nila dapat retire na sa pagtatrabaho at rest na lang. Actually ganyan din tatay ko pero hindi sa business nawala pera kundi sa luho niya at katangahan. More than 1 million nawalang pera sa kanila. Hanggang ngayon maluho pa rin at gusto ilabas ang savings nila para sa luho niya. Buti na lang maingat na ngayon mama ko.
 
Nakakarelate ako sa yo TS ang kaibahan lang natin may kaya kayo sa buhay kami naman wala pero sa kabila ng nangyayari tulad niyo baon din kami sa utang hindi ako nawawalan ng pag-asa o mag-isip ng hindi maganda sa buhay. Kung anung tama yun ang gawin, mas makakabuti din ang impluwensya ng relihiyon dahil dati isa akong catholic at naging born again, simula ng naging born again ako kahit sobrang baon na baon sa utang at lageng away ng away kinakaya padin. Lage ka magdasal para sa mama mo at papa mo, dahil sinusubukan ang relasyon nila upang maging matatag, ikaw bilang anak ang magpapaunawa sa kanila na sa kabila ng pagkakabaon niyo sa utang nagsisikap ka para sa kanila. Iparamdam mo kahit nahihirapan ka na anjan ka sa kanila para sumuporta.
 
Nakakarelate ako kay TS, pinagkaiba lang tita ko naman yung may problema.
Nakakaawa dahil abroad ng abroad yung tito ko pero marami pa rin silang utang.

Sana magbago na silang parehas dahil di umaasenso yang ganyang maling pamumuhay.
 
Back
Top Bottom