MGA KA SYMB. MAY GUSTO PO SANA AKONG MA-ACOMPLISH THIS YEAR... GUSTO KO PO SANANG MATUTUNAN ANG "JAVA PROGRAMMING" SINCE ITO PO ANG MOST WIDELY-USED NA PROGRAMMING LANGUAGE NGAYON... NAGSIMULA NA DIN PO AKONG MAG-RESEARCH ABOUT JAVA... KASO MADAMI PANG MGA TERMINOLOGIES NA HINDI MASYADONG MAGETS HEHEHE (UNTIL NOW ININTINDI KO PA, MALAWAK PO KASI TALAGA ANG PROGRAMMING . MAY BACKGROUND NA PO AKO SA PROGRAMMING KASO VISUAL BASIC 6.0 PALANG PO ANG ALAM KO.. SO GUSTO KO PO SANANG MADAGDAGAN ANG LANGUAGE NA ALAM KO... AT NAPAKA INTERESTING PO NG JAVA PARA SA AKIN ...
SAAN PO BA AKO PWEDENG MAG-START?
ANO PO ANG MGA NA KAILANGAN KONG SOFTWARE/INSTALLER ?
ANY DATABASE NA PWEDE KONG GAMINTIN?
ANY REFERENCE NA PWEDE AKONG MATUTO? LIKE (SAMPLE PROGRAMS, TUTORIALS, FORUM THREAD, ETC.)
GUSTO KO DIN MATUTUNANG MAGPROGRAM NG JAVA USING "NETBEANS" ..
SANA PO MATULUNGAN NYO PO AKO NA MATUTUNAN TO... ISHE-SHARE KO DIN PO SA IBA ANG MGA MATUTUTUNAN KO MULA SA INYO... AT PWEDE RING GAMINTIN ANG THREAD NA TO NG MGA IBANG GUSTONG MATUTO NG JAVA... (BASTO PO ALL ABOUT JAVA LANG AH) ..
MARAMING SALAMAT PO SA MAKAKATULONG !!!
Take it easy. Baka sa dami ng gusto mong gawin sa Java ay hindi mo na alam kung saaan ka magsisimula. Sa nakikita ko, dalawa lang pwede mong papuntahan sa pagaaral mo ng Java. Paggawa ng desktop apps at paggawa ng mobile apps. Kung may background ka na sa programming, mas madaling mag-start. Paano ka ba natuto sa programming lalo sa paggamit ng Visual Basic? I-apply mo lang din sa Java. Hahanapin mo lang ang katumbas ng sa VB sa Java. Wag ka rin mambroblema sa pag-gather ng materials esp. books/ebooks. I suggest, start with tutorials. Marami dito sa Internet. IMO, it doesn't matter kung anong versions ng Java ang magagamit mo kung pag-aaralan mo lang naman muna ang basics. Halimbawa... kapag nag-aaral ako ng isang bagong programming language, ito ang mga kino-consider ko:
* Basic Structure by displaying first a text (e.g. Hello World!)
* Variables and Data Types
* Operators ( Arithmetic, Relational, Logical)
* Iterations/Looping Statements (e.g. for, while)
* Conditional Statements (if, select/switch)
* Procedures/Functions
* Built-in Functions (e.g. Math, String)
Ang mga nabanggit ko ay hindi nawawala sa isang programming language. Yung terms naman na sinasabi mo, ang dapat mo lang naman problemahin at i-focus ay yung sa OOP (object oriented programming) dahil ang Java ay isang OOP language, yun lang kung gusto mo mag-OOP kapag nag-code ka na. Hindi mo kelangang kabisaduhin ang mga terms bagkus learn by examples at maiintindihan mo ang konsepto ng OOP. Pero I suggest, wag ka muna tatalon sa OOP. Gamayin mo muna ang Java by structured programming tulad ng ginagawa mo sa VB.
Kapag nagamay mo na ang basics, saka mo na isunod ang GUI programming. Tanungin mo muna ang ang sarili mo kung gusto mo gumamit ng isang IDE o iko-code mo. Kung gusto mo ng drag n' drop paggawa ng GUI, Netbeans pwede tulad ng nabaggit mo. Pero kung gusto mo ng challenge, magmanu-mano ka
Java Swing is still available kaya pwede mong pag-praktisan, aside from JavaFX. After GUI, pwede mo na isunod ang database. Sa ibang bansa ang hinahanap nila ay Oracle Database na mismo. Sa case ko as hobbyist, ang ginagamit ko.... sqlite-jdbc, sqlite4java at SQLJet.
Para sa iyong pag-aaral ng Java, sa pag-run ng program dito, dalawa ang tatandaan mo at kakailanganin mo. Isang Compiler at isang Interpreter. Ang JAVAC para ma-compile ang code (with .java extension name) into a bytecode (with .class extension name) na iinterpret naman ng JAVA. Para ma-interpret ang java programs ay kakailanganin mo ng JRE (Java Runtime Environment)-isang virtual machine. Para ma-compile naman, kakailanganin mo ng JDK/SDK (java development kit). Lahat ng mga ito ay mada-download mo sa Oracle website na dating Sun Microsystems. Optional kung gagamit ka ng IDE (e.g. Netbeans, Eclipse) May mga implementations din ang mga ito. Sa case ko, ang ginagamit ko ay Dr. Java na may built-in compiler na at lightweight ang size.
In addition, ALWAYS REMEMBER, nandiyan lang GOOGLE para sa pag-aaral mo ng Java. Don't stop coding. Sa ganitong paraan ako natuto sa halip na libro.
GoodLuck!