Ang wifi (wireless fidelity) or hotspot na tinatawag ay isang network system na meron either na access point (AP) or router device. Like HP at Cisco. Kung sa home/office wifi/hotspot naman ay katulad ng TPLink at Linksys at marami pang iba.
Ang wireless connection (wifi hotspot) ay parang extension lang yan ng network (wired/local area connection system) mo. Para di kana mag-co-connect sa network mo using a cabling. Gagamitin mo nalang is the air as the medium. Kaya nga tinatawag na wireless local area network.
I-co-connect mo ang either access point or router device mo sa existing network wired connection mo. Like sa mismong network switch port na available sa existing local area network mo. Para maka-connect ito sa Internet at network mo. And then i-sha-share na nito ang wireless access sa Internet, para makagamit ang mga naka-smart phones, tablet computers, Ipads, iPhones, Android operating devices and any capable and compatible devices that has a built-in wifi network adapter.
Take note: Ang wifi connection ay di kasing bilis ng wired or local area network (LAN) connection. Kasi nga meron interference lalo na kung nasa loob ang wifi router/Access Point mo. Tapos nasa labas ka naman ng area kung saan ito. Kasi nakaka-bawas ng signal strength ang mga doors/glasses/windows mga pader at iba pa. Na nagiging cause ng pagbagal or intermittent or fade ng signal connection.
Depende sa iyong area na gustong lagyan ng hostpot/wifi, kung very small area lang naman like for example sa isang 54 square meters na bahay. Or office. Ok na ang wireless N na router (N150 for example). Or kung gusto mong higher speed or capacity sa local area mo, use N300 ng Linksys.
Oo nga pala. As far as I know. Ang Belkin na ang nag-ma-may-ari sa Linksys. Binenta na ni Cisco ang Linksys. Kaya kapag bibili ka na ng newest model, Belkin na ang gumawa/company, pero Linksys parin yata ang name ng mga routers/access points.
Nag-concentrate na yata si Cisco sa mga corporate users (accounts). Di na siya nag-bebenta or focus sa mga home/small office clients/users.
Eto ang site ng Linksys.
www.linksys.com/en-apac/products/family
Ito ang info sa Belkin Completes Linksys Purchase
www.dailytech.com/Belkin+Completes+Links...ase/article30144.htm
Kapag pang-industrial/corporate network or long range hotspot wifi na ang pinag-u-usapan, ok ang Cisco, HP at Motorola din. At marami pang ibang equipment brands na ka-competition ng mga yan. Like Ruckus at iba pa.
For security naman, huwag mong kalimutan mag-MAC address filtering. Ito ang basic. Sa mga small office/home office (SOHO) network systems. Pwede rin mag-lagay ng password, para di makagamit basta ang di dapat gumamit sa wifi hotspot mo. Dapat ang ine-expect mong gagamit lang ang bibigyan mo ng password.
Kapag bigger network na ang pinag-u-usapan, you can use a Captive Portal, para mag-authenticate ang mga user, using kanya kanyang username/password accounts. Para more secure ang network against sa balak mag-hack or makigamit. Usually ginagamit yata ang Captiv Portal sa mga at least 100 network/wifi hotspot users.
Sa network wifi hotspot namin sa company na kung saan ako nag-wo-work ay more or less siguro mga nasa 5,000 users ang nag-co-connect sa aming naka-spread na HP access points sa company's location/area. Pero siempre hindi naman at the same time nag-co-connect ang 5,000 clients na yan. Pero I'm very sure halos araw araw marami ang kumu-connect sa wifi system namin.
Ginagamit namin is open source captive portal (Linux operating system ito na naka-install sa isang separated computer; PC server).
Hope nakatulong ako sa inputs kong ito para maliwanagan ka sa iyong tanong at di alam na informations.
You can still ask me, kung alam ko I will be very happy to answer your question.
Thank you. And God bless.