Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Importing Products from China. (HELP)

Miss Pepper

Recruit
Basic Member
Messages
6
Reaction score
0
Points
16
Hi mga bossing, baka naman po may maibigay kayong tips and advises sa akin. May small business po kasi kami ng boyfriend ko buy and sell ng kung ano anong Electronic products online, now we're planning to get serious na po, and gusto naming kumuha na ng pwesto para sa Shop namin and with that, naghahanap na rin kami ng mga magiging suppliers namin para tuloy tuloy yung supply namin. Dun kasi sa kinukunan namin ngayon, madalas mawalan ng stock. So we decided na mag import na directly from China wherein i came up with these sites like Alibaba, DHGate, MAde-in-China.com , etc..

May kausap na rin kaming supplier na willing magbigay ng nga trial samples bago kami mag order in MOQ (Minimum Order Quantity). Yung MOQ kasi nila is 50pcs nung specific unit na order ko, pero payag silang 20pcs muna for trial samples. Aware po ako na maraming scam sa ganito kaya gumawa po ako ng account sa PAYPAL, which is tinatanggap din naman nung kausap naming supplier ang payment through Paypal. Kaya yun nalang po gamitin namin for payment.

Maliban dun sa order ko na 20 units, hiningan nya kami ng other charges like

Freight to Philipppines via DHL $70
4% Paypal Handling commission

Mga bossing ask ko lang kung ok lang yung chinarge sa min, sabi po nung supplier ko, idedeliver nalang daw sa house ko and di na daw ako magbabayad ng tax sa customs..? tama po ba? at saka safe po ba talaga yung pera ko via PAY PAL purchase, makakaiwas ba talaga ako sa Scam, alam ko kasi sa Paypal pag di dumating or tama yung napadala sayo, ihohold nila sa supplier yung bayad ko.. tama po ba?

Baka din po may mga advises kayo para mas maka save kami ni boyfriend ko sa start up ng business namin na ito.. maraming salamat po. :)
 
up natin gusto ko rin malaman kung ok ba yung singil, maganda yang naisip nyu direkta sa supplier sa china ang mahirap kung ma-iscam pero wag naman sana
 
up up, old na yung thread pero baka merong makakitang member na makakapag-enlightened sa atin. Marami ring used clothes or UKAY sa alibaba, alam ko bawal mag-import nyan kung ang intention ay isell, right? pero may diskarte siguro kaya marami pa ring supplier dito sa pinas.
 
I don't know if you've heard about dropshipping? kaso sobrang tagal mag deliver (4 to 8 weeks). Gusto ko rin mag start ng business by getting supplies from China. Please share your inputs and ideas.
 
Yan din plano ko mag import sa china.. may nakausap din ako na manufacturere daw sila ng mga watches na gusto ko sana i-online selling. 70 usd ang singil sakin dhl pero di ko pa sinubukan kumuha kase pinag aaralan ko pa at nag product research din ako.. maganda itong topic na ito.. mag update ako kung makapag try ako
 
para wala na kayong problema mag pa accredit muna kayo sa customs as import/export company tapos customs broker na lalakad sa products nyo.
 
Sa mga gustong mag import from China mas maganda kung atleast may kamaganak kayo sa major business and industrial district ng China. Like Shenzen or Guangzhou.

Kung wala naman may iba pa din namang way like sourcing sa Alibaba. Kung big volume order ang kukunin nyo amounting more than Php100k, better na may Business kayo sa Pinas kasi most of them nakikipagdeal lang B2B. Actually madali lang naman talaga ang process basta may mahanap kayo na pwede nyong ibenta. Pag may nakita na kayong item and nainitiate nyo na yung deal, iorder nyo sa alibaba. Make sure you're dealing sa manufacturer at hindi trader. Also make sure na may proper export documents ang manufacturer sa bureau of customs. Always pay via alibaba trade assurance.

Have orders in the past sa alibaba kahit nung wala pang trade assurance. Ang karaniwang ginagawa ko ay magrerequest ng sample then ship sakin via China Post or TNT. Pag nagustuhan ko, Initiate na ko ng order, pay via Credit Card(I use wire transfer pag marami na kong transactions). After that, maghahanap ako ng shipping company via SHIP cargo. Usually via TNT ako dahil maganda ang service nila. Always remember before ordering na wag nyo iconsider yung cost na nabayaran nyo sa product, consider the Total Landed Cost(Combination of Payment, taxes, shipping and other charges).

Also, wala kang need na import permit pag under ng Freely Importable Commodities yung bibilhin mo.
 
Last edited:

Boss may kailangan ka pa bang bayaran na tax sa customs kahit mag avail ka ng cargo shipping company.
 
Ito din gusto ko malaman, business din namin dati sa US kami kumukuha ng items through TNT dahil may family kami dun kaso natigil dahil busy na sila. Like ko magtry dito sa China
 
UP , sino mga nag dropshipping dito mga idol ? Ok lng ba kay customer na mag wait sila ng 2 to 4 weeks ?
 
Boss may kailangan ka pa bang bayaran na tax sa customs kahit mag avail ka ng cargo shipping company.

Combination ng Total Cost of Goods at Shipping Fee pag more than 10k php ang value ay taxable na ito. May Brokerage fee na tinatawag sa pag settle ng Customs Tax. Madali lang magclear specially kung hindi regulated or prohibited commodities ang pinadala mo.

Pero kung gusto mo ay Convenience, Maghanap kayo ng Freight Forwarder. They will deal with both the shipping and customs tax.
 
Last edited:
Since startup business mo ito TS, wala bang local suppliers? Gaano karami ang kukunin? 1000+ ba? kung below 500 lang yan imho lugi kapa sa shipping, tax & duties mo at pagod mo. Mahihirapan kang ifulfill ang orders ng customers mo pag biglang humataw yang item mo sa sobrang tagal ng shipping nyan from China to Philippines at tatambay pa sa customs ng ilang araw. mabibilaukan ka nyan at mawawalan ka ng customers. When doing importing at least pang 4 months stocks na ang bibilhin mo, thats the rule of thumb.

tama si sir shezmaru2

hanap kayo ng Freight Forwarder para iwas sa sakit ng ulo like Warehousing Fees, custom clearance and other documents etc.
 
Last edited:
Back
Top Bottom