Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[UPDATE] Siargao trip Nov 2023

HHubs

 
 
A!
LV3 MODERATOR
Star Member
Messages
1,752
Reaction score
267
Points
943
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Space Stone
Wassaaaaaappppppp mga ka-symb? Hehe.

Baka may tips kayo para sa Siargao. :help:

November kami nandun. 7d6n :yes:

Plano namin mag stay sa gen luna ng 4 nights then sa medyo tahimik (preferably beach front) sa last 2 nights. Baka may suggestion kayong accommodation. :)

Places to eat Na rin. Ok din kung meron nung may local cuisine rin. :yes:

Tapos, ang nabasa ko is mahigpit daw dun sa mga naka motor / scooter? Totoo ba?

May mga scams o tourist traps bang kailangan iwasan?

So ayun, bitin ang 7d6n sa Siargao. Maraming hindi nagawa at maraming gustong balikan.

We left GL ng 9am for diy north land tour. Rented a tuktuk for 1k / day.
  • Danjug (cave) nature park - medyo ok yung overlooking but Yung caves were meh. 100 per pax entrance with guide.
  • Alegria Beach - tahimik, hindi mabato yung beach, free.
Unfortunately, Yan Lang nagawa namin ng day 1 dahil umulan na ng 2pm. Hindi na kami nakapag trogon's perch at pacifico beach. Nag lunch at nagpa-tila ng ulan til 4pm sa...
  • North Dirty Kitchen - good food, great view. Napakaliit ng signage at hindi mo malalaman na may kainan kasi nasa tuktok pala siya ng hill so need mo maglakad paakyat ng 80-100 meters.
Nakabalik kami ng GL, 7pm. :ohno: yung 1.5 hrs dapat na biyahe naging 2.5 dahil biglang lumakas nanaman yung ulan at nahirapan kami maghanap ng gas station na may unleaded.
  • Tuktuk - good kung ayaw mo ma-expose sa elements at somewhat comfortable Pero sobrang takaw sa gas. 500 pesos in gas (around 7 liters) to do 148 kms (21 km/l). Yung Honda click na ni-rent namin, nagkarga ako 200 pesos, parang wala pa 2 liters ang nagamit sa 100-105 kms.
Nag dinner kami sa...
  • Kermit - whatever you do, kahit gaano kayo ka-gutom, huwag kayo o-order ng mains nila. Stick to pizza and pasta. Yun lang masasabi ko.
Tri-island tour
  • Naked - as expected, a bare island. Make sure na mag sunscreen. Yung iba nga naka payong. Hehe.
  • Daku - lunch area. Ok din ang beach.
  • Guyam - best of the three, imo. Try their burger. Sarap. Hindi tipid sa ingredients. Shakes are too creamy for my taste. Tsaka parang may syrup sila na nilalagay na weird lasa.
  • Huwag magpa-budol sa 200 pesos per snorkeling gear na I-offer sa Dapa port. Useless mag snorkel sa Tri-island.
Dinner sa...
  • Hapag - sulit. Sarap ng sinigang na hipon. Big servings.
Sohoton tour
  • Prepare for a 2-hour boat ride (per way) while listening to the deafening sound of the pump boat's engine. They actually provide ear protection kasi Uber ingay talaga. We got a tip from a fellow tourist nung Tri-island tour Na magdala kami ng in-ear headphones, preferably Yung may rubber tips dahil hindi enough yung ear covers na gamit ng operator, so we did.
  • Definitely rent snorkeling gear Para sa stingless jellyfish. Magagamit mo rin if you want to snorkel Sa lunch area. Dami isda.
Dinner sa...
  • Kanin baboy - spicy. I like. Ok din yung sinigang pero sana less malapot yung sabaw.
The following day, south land tour naman kaya nag rent ulit kami ng tuktuk.
  • Coconut view deck - hindi na ganun kataas at karami yung mga puno pero maganda pa rin.
  • Coconut road - safe naman mag picture sa gitna ng daan. May mga naka tambay dun na nag-t-traffic at mag-offer na picture-an kayo.
  • Magpupungko rock pools - dumating kami ng 8am. Kami lang yung tao. Ganda. Left at 1030 kasi nagdatingan na rin yung tao.
  • Pacifico Beach - 20 pesos entrance. Ok na rin. Marami nag-aalok ng Surfing lessons pero wala sa plano ng araw na yun.
  • Trogon's Perch - 500 consumable per pax Kung gusto mo pumasok. 800 consumable naman per pax Kung gusto mo magamit yung pool nila. Ok naman. Ganda view. Ganda rin pwesto ng infinity pool nila. Pero I suggest na hapon ka pumunta dito kung gusto mo na malilim habang nasa pool. Kung kakain ka lang at picture sa view, anytime walang problema.
Madami pa kaming oras kaya nag decide kami pumunta ng...
  • Cloud 9 - 100 per pax entrance for the whole day. Kahit labas pasok. Mabato yung beach. Dami nagsu-surf na pros at nag-su-surfing lessons. Ok din tumambay sa beach para di sayang yung entrance since di kami nag surf.
  • Catangnan bridge - wrong move Na pumunta kami ng 5pm. Wala na maparadahan at Uber crowded na. We decided na bumalik na lang sa ibang araw
Nag dinner kami sa...
  • Kurvada - good food, big portions. Mahal Yung skewers Pero masarap naman. Yung food selection definitely has foreign visitors in mind. Everything is seasoned just right. Panalo Yung calamares at dip.
Rest day Yung sunod na araw at kailangan din namin mag transfer ng accommodation so puro kain lang ginawa namin...
  • White beard - love their coffee. Sarap din ng French toast at bacon.
  • Pan de coco - tamang tamis. I don't mind the size kasi siksik at mainit. Sobrang sarap.
  • Sus! Pastilan - wala na kami choice kasi 230pm na kami nag lunch, sarado na yung ibang restos sa area. Ok na rin. Filipino food and flavor.
  • Bravo - tuna tataki!!! Sarap! Ok din yung mains. Pero tuna tataki talaga. Babalikan namin yan. :lol:
Surfing day!
  • Nag decide kami na sa pacifico beach kumuha ng Surfing lessons. 500 per pax per hour tapos extra 500 kung gusto mo ng dedicated na tao na kukuha ng pics. 😬 May drone rin na sasabay sa inyo pero 1k siya. Maganda rin kuha. Ibang pov. Pwede mo naman decline Kung ok na sayo yung pics at vids nung inupahan mo ng 500.
  • Sakit sa katawan. Di ako prepared. Hirap din pala pero masaya. Hehe. Burpees at push-ups. Yun lang masasabi ko. Hehe.
  • Bumalik kami Magpupungko to relax. Wala na kami energy lumangoy kaya nagpalutang-lutang na lang kami.
  • Lunch ulit sa kurvada. Sad. Sa gabi lang daw yung garlic dip Kung calamares.
  • Balik sa catangnan bridge Para mag relax at kumain ng isaw. :lol:
Dinner sa...
  • Siargao hawker - beef rendang and pork rib soup. Sarap. Sulit. Enjoy kausap nung owners. Definitely babalikan.
Flight na kinabukasan. Nag lunch at meryenda after checkout sa...
  • Mama's grill - typical inihaw. Sulit. Sarap.
  • Coco frio - mas gusto ko yung kape nila kaysa milkshake. Definitely brings boys and girls to their yard.
So ayun...
Baka cancel namin ung Boracay trip next year Para bumalik sa Siargao. Di pa namin napuntahan yung Malinao, babalikan namin trogon's Perch, Magpupungko, Alegria, Pati mga kainan na di pa nasubukan. Siyempre, surf din. :giggle:

:peace:
 
Last edited:
namaewagio :chair:

Sayang naman kuya HHubs :sigh: lagi di nagkakatugma gala nyo sa stay ko :lmao:

Maraming tourist pag habagat, surfing season na kasi sa siargao and medjo unpredictable na din ang weather around November.

For the accomodation, my recos are Siargao Island Villas, Bravo Beach Resort and Siargao Bleu. Out of the 3, Siargao Bleu ang di crowded and nice ang beach front and may pool na din sila.

For places to eat:
  • Bulan and Kermit - Italian cuisine (brick oven pizza :pacute:)
  • Alma and Bravo - Spanish cuisine (paella and tapas :pacute:)
  • Warung - Indonesian cuisine (resto ng Siargao Island Villas :yes: and ok ang internet nila kasi malapit lang sa call center)
  • Cantina Luna and Harana - more on Filipino fusion
  • Mama’s Grill and Yassi’s - grilled seafoods :pacute: and dinner time lang sila open :D
  • Coco Bread - must try :hyper: malapit sa catholic church and nagkakaubusan :lol:
  • Coco Frio - coconut ice cream :pacute:
  • Siargao Corner Coffee - :kape:
Hindi mahigpit ang motorcycle rental sa siargao. Basta may license ka, goods na po :D P350 lang po per day.

So far, wala pa akong nababalitaang scam or tourist traps :book:

P.S.

If gusto nyo maexperience ang nightlife sa island, pwede nyo itanong sa front desk or sa tricycle drivers about the bar schedules, paiba iba kasi ang bar happenings per day.

Update ko lang kuya HHubs :D


IMG_1703.jpeg
Eto ang sked ng parties sa isla :giggle:
 
Last edited:
May naalala ako kuya :lol: kung more on DIY lang kayo :D

Island hopping - if you want to save, you may avail tours na may option na pwede kayo maki join sa isang group :yes:

Magpupungko Rock Pools - ask the front desk if what time ang low tide, kasi yon lang ang time na maeenjoy nyo ang rock pools :D

And if you want to make your stay less stressful, may inooffer sa klook :yes: from tours, rental and transfers :giggle:

Not sponsored :whistle: :lmao:

P.S.
Secret Beach - few minutes away from Gen Luna, wala masyadong waves :relax:
Cloud 9 - famous for the boardwalk and sunset :yes: may P100 entrance :book:
View Deck - kung gusto nyo iexperience yong famous na human drone :lol:
 
Last edited:
Good to know na you enjoyed the island kuya :giggle:

Tara balik tayo by September :whistle: :D
 
Ye. Napaka laid-back nung isla. Walang nagmamadali. Walang kamote sa daan. Sana lang maayos nila yung inner roads ng GL. Sira-sira na e. :(

Feb at Nov lagi sched namin. Hehe.
 
Back
Top Bottom