Nako yun lang...
Mahirap solusyonan yan ts kung wala kang ibang gamit... Kasi kelangan mo ng isa pang PC unit para ma-test yung mga importanteng hardware eh, para ma-pinpoint mo din kung ano ba talaga yung nasira.
Usually kasi (based on past exp na rin) pag GPU lang ang may tama o pag siya lang yung may issue, oo ganyan na multi-colored artifacts ang lalabas sa monitor mo (iba-iba din kasi sila ng form/itsura eh), pero dapat nagbu-boot pa rin siya papunta sa desktop nang walang problema. Kasi ang trabaho lang naman ng GPU is magproduce ng imahe sa monitor mo eh, di niya hawak yung ibang importanteng process na nangyayari while booting up. Kaso the fact na nagkaka-problema ka sa boot up, nag-o-Automatic Repair, tapos nasabi mo pa nga na nasira yung old Ryzen 2600 mo dahil sa bent pins, may hinala kasi ako na baka may tama din yung mobo mo dahil sa nangyari sa old CPU mo, which is hindi naman namin alam
(anyway pano/bakit nga ba nasira yung old CPU via bent pins? malabo namang mangyari yun kung di mo ginagalaw CPU mo or kung di naman nakatanggap ng matinding physical force yung unit mo). Kasi it doesn't make sense na nagpalit ka lang ng CPU tapos biglang nagloko yung GPU di ba... Tsaka I assume bago din ata yung binili mong 2600 (di mo nasabi kung brand new o used), and I assume na maayos/tested siya, so kung okay naman yung new CPU pero nagloko yung GPU mo, then ano yung common denominator? Pareho silang nakasalpak sa
motherboard mo. Mobo mo yung may hawak ng mga process para mag-connect CPU mo tsaka GPU mo. So yun yung tingin ko. Pero hula ko lang naman yan, di ako 100% sure syempre. Importante pa rin na ma-test mo sa ibang PC unit yung GPU mo tsaka new CPU mo na rin para safe.
Out of curiousity, tanong ko lang din kung nakakapasok ka ba sa BIOS mo?