Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Kalaban ko ang Nanay ko Help!

averelle

Recruit
Basic Member
Messages
17
Reaction score
0
Points
18
2015 nagdecide ako na magsawa but I think Ayaw pa ng nanay ko kasi gusto nya mag abroad muna ako, pero sabi sa church namin kelangan ko na mag asawa and un talaga gusto ko kasi tapos naman na ako sa pag aaral at may stable na trabaho.

July 10 2015 kinasal ako sa kababata ko, nagkaanak agad kami hindi ako humingi ng tulong sa family ko sa lahat ng gastusin ko sa sarili kong pamilya kahit na ganun everytime na may sobra ako na pera nagbibigay ako sa parents ko especially bonuses, after wedding bumukod na kami till nakatira ako na ako sa taguig at nakita nila sitwasyon namin nagdecide mama ko kunin kami since lagi ako wala sa bahay dahil sa nature ng work ko tinanggap ko naman.

After staying for 2 months sa parents ko January 2 2017 kagagaling ko lang sa 3 days straight duty ko ung mga gamit namin nakabalot na at naklagay sa terrace namin hinahanpan na nila kami ng matitirhan. Umiiyak ako kasi ang dating nun pinapalayas na kami. Sobrang sama ng loob So we decided to reside sa bahay ng asawa ko na kasaklukuyan din na may nakatira kasi pinapaupahan namin. Binigyan ako ng parents ko ng 15k pampagawa ng bahay.

Ang masakit lang aksidente ko nabuksan ung messenger ng nanay ko kasi naiwan nya nakalogin sa IPAD ko, laking gulat ko na nabasa ko na sinisiraan nya ako sa type nyang babae para sa akin. Di pa yun pati sa tatay ko, sabi pa nya na kung alam nya lang na magiging ganun ako sana di nya ako pinag aral.

Sa ngayon halos araw araw lagi ko naiisip un, may magulang pala na ganoong klase, sa totoo lang ang pakiramdam ko parang wala na akong magulang totally nanlamig ako sa kanila.

Ano po kaya ang pwedeng kong gawin para maka get over sa nangyari sa akin, ever since nagpakabuti ako sa mata ng pamilya ko pero nung nag asawa ako na feel ko pinagtabuyan nila ako. Slamat po!
 
same situation here.. wife ko ganyan din relation sa mother nya....:weep:
 
MEANING hnd xa lubusan masaya kng ano ka ngyon. gusto nya hwag mo xa muna iwan, gusto nya sa kanya ka muna sasama, o baka my mga bagay pa dpt na sa kanila muna attention mo kaya ayaw nya mg ka asawa ka .. i have same problem with my parents also. maganda na ang buhay nmin, pero parang nakakalungkot parin, tpos parang ang pulubi na nla , di ko dim alam eh , gnun dn ako nung nag ka asawa ako at ngka anak di rin ako humingi ng pera sa kanila
 
problema talaga yan... mabuti pa umalis nalang.. next week nga aalis na kami ng wife ko with our kids.. mahirap kasi pakisamahan ang pangit na ugali...
 
sakin lang wala silang karapatang diktahan ka sa desisyon mo, hindi nila pwede isumbat yung pag aaral mo kase obligasyon nila yun
 
desisyun mu yan pre.. nag asawa ka kagustuhan muyan.. dapat kayanin mung mabuhay wala ang nanay mu..
pero wala ka na magagawa nanay mu yan.. kahit anung gawin nya nanay muparin yan.. mamuhay ka ng
wala sila dahil me pamilya kana.. unahin mu pamilya mu.. pakita mu na kayang kaya mag tayu ng sariling pamilya..
ang magagawa mu nalang e balitaan ng nanay mu kumusta cya pero yung kalabanin mu pa o sabihan mupa.. wala din
mangyari... isa lang kasi yun nanay mu parin yan
 
bayad kna sknya TS dahil my anak kna din. Pero nanay mo pa din yan na ndi napapalitan. Time will heal your wounds
 
MEANING hnd xa lubusan masaya kng ano ka ngyon. gusto nya hwag mo xa muna iwan, gusto nya sa kanya ka muna sasama, o baka my mga bagay pa dpt na sa kanila muna attention mo kaya ayaw nya mg ka asawa ka .. i have same problem with my parents also. maganda na ang buhay nmin, pero parang nakakalungkot parin, tpos parang ang pulubi na nla , di ko dim alam eh , gnun dn ako nung nag ka asawa ako at ngka anak di rin ako humingi ng pera sa kanila


Eh pero nsa right age na si TS eh.. sana kahit paano maging understanding din naman ung parents tska hindi naman sya nag ku2lang sa nanay nya sinusuportahan din naman ni TS eh,, i feel him also. kaso sa side naman ng misis ko. hindi nga kami pinapalayas puro kutya naman .. *sigh*

- - - Updated - - -

haha parang ang sarap mag labas ng sama ng loob sa thread na toh .... *papansinLANGako* :(
 
TS tanungin mo nanay mo kung anak ka niya talaga. Kasi kahit anong galit ng tunay nanay ewan ko Lang basta tanungin mo muna sya.
 
desisyun mu yan pre.. nag asawa ka kagustuhan muyan.. dapat kayanin mung mabuhay wala ang nanay mu..
pero wala ka na magagawa nanay mu yan.. kahit anung gawin nya nanay muparin yan.. mamuhay ka ng
wala sila dahil me pamilya kana.. unahin mu pamilya mu.. pakita mu na kayang kaya mag tayu ng sariling pamilya..
ang magagawa mu nalang e balitaan ng nanay mu kumusta cya pero yung kalabanin mu pa o sabihan mupa.. wala din
mangyari... isa lang kasi yun nanay mu parin yan


ganyan nga tama ka tenants..
 
Parents can't be replaced.

I find your Mother the "overprotective" type, and it's both negative and positive. It's negative kasi she doesn't believe sa kapasidad mo to handle a situation, and yung gusto niya gusto niya; though it's normal kasi iniisip niya sa "ikabubuti" mo 'yon. Do understand the elderly, ganyan mag-isip ang matatanda but they truly love and care for you. Yung paninira naman na ginawa niya, that's not new at least for me, 'cos my ex-bf's Mom wanted another lady for him (yes not me) kaya minsan lumalabas talaga yung "kahit anong paraan para sa ikabubuti ng anak ko"-stereotype Moms but then again, 'di mo kasi alam ang iniisip ng mga magulang but don't hate her to the extent na "wala na akong magulang" nah you can't do that nor think about disregarding them, iba lang talaga sila mag-isip. You did the right thing all along ever since na kinasal/nagka-anak ka, don't pressure yourself too much kasi it's time for your Mom to understand, wala na sa'yo ang mali so just focus sa bagay na dapat mong bigyang pansin, your Mom will eventually figure out what needs figuring out.
 
Last edited:
ask ko lang ts..ikaw lang ba mag isa anak ng nanay mo? Matanda naba nanay mo? kc sa kalidad na ganyan ung pamamaraan parang ramdam ko lang, ayaw ng magulang mo na mawalay ka sakanya. atttention mo parang sakan lang kong baga at anungin mo nanay mo san ka nagkamali?dahil sa ganyn sitwasyun, makasarili sya. . ayaw nyang maging maligaya ka ...., para bang di ka nya anak. e may apo naman sya. ..buhay nga naman oh
 
after wedding bumukod na kami till nakatira ako na ako sa taguig at nakita nila sitwasyon namin nagdecide mama ko kunin kami since lagi ako wala sa bahay dahil sa nature ng work ko tinanggap ko naman.

anu ba yung sitwasyon nyo TS? Naghihirap?

nag decide yung mama mo na kunin kayo at tinanggap mo yung desisyon na yon. Bakit sya ang nagde-decide for you? Kasi tanggap mong naghihirap kayo?

Kulang yung detalye mo TS, sa loob ng 2 months na paninirahan nyo sa puder ng nanay mo eh anu ba ang nangyare? May hindi ba kayo pagkakasundo?

Yung asawa mo ba at nanay mo eh hindi magkasundo? Sa ganitong sitwasyon kasi kailangan magpakumbaba ang misis mo dahil andun kayo sa bahay ng nanay mo.

Paki kumpleto mo yung kwento mo TS para lalo naming maintindihan at makapagbigay ng tamang payo.
 
kahit baliktarin mo pa ang mundo TS, nanay mo parin yan. siguro hindi pa siya ready na malayo ka.. intindihiin mo nalang TS. wala tayo dito sa mundo kung wala mga magulang natin.. walang makakatumbas sa pagmamahal ng isang magulang..
 
T.s unang una para sa magulang mo...obligasyon nila na papagaralin ka...hindi mo utang nga loob yon sa kanila...at karapatan mo na mag asawa pag nasa tamang edad kana at may kakakayahan kana...pwede kang magdamdam bilang anak na nasaktan ang kaloobin pero wala kang karapatan na pabayaan sila bilang anak tungkulin mo na pangalagaan ang magulang mo...wala kang karapatan na talikuaran sila...sana naitindihan mo ang resposibilidad ng both sides nyo...about naman sa pag sisira sayo ng mga magulang mo...pwede mong sabihin sakanila yon pero pag nagpilit pa sila wala kana magagawa dun kung hayaan nalang kasi mas marami pang bagay na dapat na asikasuhin bukod dun isa pag mas maganda talaga may sarili kayong bahay o inuupahan...dbest yon...
 
Parehas tayo ts pero kahit ganyan sya mahal na mahal ko sya. Kadalasan nagiging pagitan sya sa mga affairs ko pero naiintindihan ko naman sya at alam nya makaka buti sakin pero minsan nakakasama din ng luob. Pa salamat parin ako kasi malalakas pa sila at magkakasama parin kami.
 
Back
Top Bottom