Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Kama Kama

Tatlong beses na kong nakakita ng mga kama kama. Yun yung mga maliliit na anino sa likod ng mga halaman. Nung una nung bata ako. Nagdidilig ako ng sili sa bakuran namin. Kung bakit alam ko sila, siguro dahil manggagamot ng nasaniban, nabarang o mga nag aakalang na matanda sila dahil lumaki kamay, namaga mukha, o sumusuka ng bulate. Oo albularyo tatay ko. Sabi nya sakin yung mga kama kama ay parang mga dwende din pero hindi tulad ng dwende na may puti at itim, sila may ngiting aakalain mong ngiti ng demonyo. Masama sila. "huwag na huwag kang lalapit sa akasya na yan paeng, hindi ko sila kayang itaboy, nandito na sila bago pa man ang lolo mo, o lolo ng lolo mo." Hindi ko yun maintindihan, pero ngayon, alam kong ang gusto nyang sabihin e nandito na sila bago pa man magkaroon ng mga tao.

Magdidilim na nung nagdilig ako. Gabi na kahit alas kwatro palang samin kasi malilim dahil sa mga dahon ng mangga. Malayo sa kabihasnan ang bahay namin. Parang pag namatay ka sa tabi lilipas muna ang mga buwan bago malaman ng iba. Patapos na ko ng may madinig akong mga nagtatawanan. Paglingon ko mga anino, sinlaki ng tuhod. Naalala ko sabi ni tatay, huwag akong lumapit sa puno ng akasya, pero bakit ngayon sila lumalapit sakin. Tumakbo ako pero tumakbo rin sila. Hinahabol nila ko. Malapit na ko sa bahay namin ng kinagat ako ng isa sa sakong. Winasiwas ko ng ubod lakas ang paa ko, pakiramdam ko'y lalong dumidiin. "Aray!!! Tatay!" tumatakbo parin ako. "Tatay!!!" mas malakas ngayon. Tiningnan ko kung ano ang itsura ng mga kama kama. Nakahubo. Ang ulo nila ay parang sa kambing. Ang mga mata purong itim. Ang leeg, balikat kamay at mga daliri ay gawa sa balat ng kahoy. Ang kalahati ng katawan nila puro itim na balahibo lang. Meron silang matalas na ngipin. Lahat sila nakangiti. Ngiting parang.. napasma. "Tatay bingi ka ba!?!!!!" lumabas si tatay na may dalang Barbie. Iniangat nya iyon at sinabi: "meme neke unikar! Kasikha serat ooh lala!" sabay tapon ng manika sa dilim. Bumitaw sa pakakakagat ang isa sa mga kama kama. Nagtakbuhan sila patungo kung saan hinagis ni tatay ang manika. Takot na takot akong tumakbo patungo kay tatay. Umiiyak ako. Niyakap ko si tatay. Bumulong sya at sinabing pumasok na kami. Pinaliwanag nya sakin kung bakit gusto akong saktan ng mga kama kama. "Gusto lang nilang makipaglaro sa'yo anak." Nabali ng bahagya ang ulo ko sa sinabi ni tatay. "Gusto?! Gusto?!! E muntik na nila kong gawing hapunan!" sabay turo sa naupak kong laman. "Anak, iba ang laro ng mga engkantong tulad nila, kung tutuusin, mas grabe pa ang natamo ko nung araw." Ibinaba ni tatay ang silk shorts nya. Bahagyang iniangat ang damit. Nakita ko. Ang isa sa tatlo nyang brief. Pangarap ko yun. Sabi ni tatay pagtuntong ko ng dose ibibigay nya sakin ang isa sa mga brief nya. Tuwang tuwa ako nung malaman ko yun, tuwing gabi nga, pupunta ko sa lalagyan at kukunin ang isa, dadalhin ko yun sa baba at ipakikita kay tatay. "Tatay, ito ha?!" Tumango si tatay. Ginawaran ako ng ngiti at iniangat. "Oo anak, oo." Tinanong ko si tatay kung bakit sya naghubo. Tahimik ang kapaligiran. Biglang tumigil sa pagputak ang mga manok. Pakiramdam ko'y pati mga baka sa parang ay nakikinig kung ano ang susunod na sasabihin ni tatay. Dinakma ni tatay ang kanyang brief. Hinimas nya muna iyon ng dalawa bago pinasok ang mga daliri sa kaliwang singit ng brief. Binatak. Nakita ko ang maitim na singit ni tatay. Pero hindi iyo ang nakakuha ng aking mga mata. Naiyak ako. Yun ang brief na tinandaan ko. Sabi ni tatay hindi nya yun ganong sinusuot, pero ngayon, alam kong nasasaktan ang brief na pinapangarap ko sa pagkakabatak ni tatay. "Tay!" sa gitna ng iyak ko. "Oo anak, tinangay nila ang isa kong itlog." Napatingin ako at oo, kakaiba nga, isa lang itlog ni tatay. Na imagine ko ang kama kama na nakakagat kay tatay. "Anak, eto ang dahilan kaya ako iniwan ng iyong nanay." Mula nun hindi na ako nagdilig ng sili.

Dumating ang araw na pinaka hihintay ko. Ang pagiging dose anyos. Tinuruan narin ako ni tatay ng lenggwahe ng mga engkanto na nanggaling pa daw sa aming mga ninuno. 'mimikha' - pag ibig. 'lingse' - layo. 'kasikha' - laruan. 'ooh lala' - ang saya. Tinawag ako ni tatay. "Labhan mo 'to at magpakaligaya, ito ang pagod at pawis ng aking mga pinagdaanan, ang kasiyahan sa tuwing nag aaya ang kalungkutan." Binigay nya sakin yun ng nakabalot. Unti unti kong binuksan. Parang sikretong ako palang ang unang makakaalam. Napakasaya ko! Pakiramdam ko ay nanalo ako sa weteng. Nilabhan ko iyon at sinampay. Namahinga muna ako at pagkagising, siglang ngiti ng maalala kong magkaka brief nako. Takbo ako sa batalan, at paglabas ko ng bahay, may mga anino. Limang taon ang lumipas ng huli ko silang makita. Naghahabulan sila at ng maramdaman nila na nakatingin ako, sabay sabay silang lumingon sa direksyon ko. Ibig kong bumalik sa loob ng bahay. Pero nang makita kong hawak ng isang kama kama ang brief na nilabhan ko nagngalit ang mga ugat ko. Dumampot ako ng itak. Tumatakbo ako patungo sa mga kama kama. Nakatungo sa langit, pasugod ang itak na hawak ko. Parang plangganang binatingaw ang boses ko: "Tara laroooo!!!" Tuwang tuwa ang mga kama kama. Nagtatalunan sila. "Mga putangkanto kayo ibaba nyo yan!!" pero dedma lang sila, sumusugod narin na parang mga ninja. Para kong sinaniban sa bagsik ko. Ang unang tumalon na kama kama nahati sa dalawa ng unat kili kili kong pagpaslang. Natigilan ang mga kama kama. Pero ako, sige parin na parang isang mabangis na hayop. Ang isa mala samurai na inipit ang itak ko sa dalawa nyang mga palad. Biyak sya sa gitna, labas ang likidong 'sing itim ng langis. Tumalon ang isa at kinagat ako sa balikat. Nilingon ko sya at kinagat ko ang ulo. Pigtas ang ulo nya. Para kong leon na pumingas ng karne. Nganga ang mga kama kama. Naramdaman ko ang mumunti nilang pag atras sa akin. Pero hayok na hayok parin ako. Binaba ko ang itak ko. Nagulat ang mga kama kama sa ginawa ko. Hindi nila alam ang kasabikan kong mawasak ng sarili kong mga kamay ang impakto nilang mga katawan. Ngumiti ako na parang dyablo. "Larooooooo!!!" Parang musika kong kinakatay ang lupon ng mga engkanto. At sa huling indayog, sinakal ko ang huling kama kama. Marahan kong kinuha ang brief sa lupa. Sa kabilang kamay ay ang nagpupumiglas na kama kama. "Ano!! ! Sinong nagsabing dapat kayong katakutan! Ako ang mandirigmang si paeng! Hahaha!" Ang sarap sa pakiramdam. Tumakbo ako sa amin at iniuwi ang nahuli kong kama kama. Gusto kong ipakita kay tatay kung paano ko pinaslang ang mga kinatatakutan nyang kama kama. "Tay!" dumietso ako sa kwarto. Natutulog si tatay. "Tay." Nagising sya at umupo papunta sa sandalan ng papag. "ano yun anak? Bakit ka may dalang manok??" pagtingin ko sa hawak ko, isa sa mga manok namin. Sa kaliwa ay ang namantsyahang dugo ng mga manok. Ang brief na bigay ni tatay. Sinabi kong kama kama kanina ito at marami pang patay sa labas. Patay? Sa isip ko. Takot kong pinuntahan kasama si tatay sa kung saan naganap ang isang madugong digmaan. At nangyari nga ang kinatatakot ko. Lahat ng manok namin patay na. Galit akong pinagsabihan ni tatay. "Bakit ang kulit mo?! Sinabi ko naman sayo lumayo ka sa kanila!" "Pero tay kanina, kinuha kasi nila ang brief na bigay mo.." tahimik akong niyakap ni tatay. Umiiyak. Ngayon ko lang ulit nakita si tatay sa ganoong hinagpis, nung una nung namatay si lolo. "Ayoko lang na mapahamak ka, mabuti at walang masamang nangyari sayo."

Isang taon ang lumipas bago ko sila huling nakita. Hindi ko maisip na buhay pa sila, o kung napatay ko man sila, siguro mga ibang kabarkada na. Nakangiti sila sakin. Nakita ko sila sa pagitan ng mga tilad ng kawayan sa silong. Nakatingala. May mga bagay silang hawak sa kamay. Nanginig ako ng makita ko ang isa, dalawa, ilan na may kanya kanyang hawak na kutsilyo. Wala sa bahay si tatay. Eto na ba ang katapusan ko? Wala ako sa modo para maging isang mabangis na leon. Wala akong dahilan para magalit sa kanila. Pero kailangan kong lumaban. Ayoko pang mamatay. Mabilis akong nagsuot ng maraming damit. Sinuot ko ang brief na bigay ni tatay. Ayaw kong masira ang bahay namin. Sumugod ako ng may dalang itak. Giyera na. Hinabol ako ng mga kama kama. Napakabibilis. Naabutan ako. Pinalibutan. Wala akong magawa kundi mag antay. Dito ko nakita ang mga hawak nila. Kutsara, tinidor, kutsilyo, putik, bato, sanga, dahon dahon, at tae. Antay. Nang sumugod ang lahat, sabay sabay! Napamura ko sa isip. Ang ilan nabibitiwan ang hawak nila. Siguro hindi ginawa ang mga kamay nila para humawak ng mga armas pandigma. Sinuswerte. Pinasadahan ko ng gumuguhit na latigong itak ang mga sumugod. Lasog ang mga kamay. Ang iba napunit ang tadyang. Nasaksak ako sa bandang likod na balakang. Hindi tumagos dahil sa makapal kong suot. Pinulot ko iyon at nakita, Made in China. Umuulan ng mga kama kama sa iba't ibang direksyon. Animo'y ginagawa sila ng hangin. Ang dami. Imposible yatang makaiwas ako sa tae. Ilang minuto pa. Plok. Kakaibang tunog. Sana putik. Pero bago pa man ako tumingin alam kong tae iyon. Parang may mabahong awra na bumabalot. Umuusok. Nagningas ang mga mata ko. Sumugod ako sa unang kama kamang nakita ko. Para kong berdugong uhaw sa dugo. Tagatabas. Minsan patayo. Minsan pahalang. Parang pluma na tumitilamsik sa bawat hataw. Hanggang sa isa nalang ang matira. Hataw. Hinawakan ko sa leeg pero di ko maiangat. Bumulusok ang itim na likido sa natitirang sistema ng kama kama. umubo at nagsalita. "anak." Yun na ang huling beses na nakita ko ang mga kama kama. Nandito ko ngayon sa isang institusyon ng gobyerno. Ang dahilan. Murder.
 
ang galing ah.. sakto malapit ang katatakutan.. :clap: :thumbsup:
 
Back
Top Bottom