Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Karapatan ko bang magselos sa ex partner ng wife ko?

yhelml

Apprentice
Advanced Member
Messages
89
Reaction score
0
Points
26
I am married for 10years now. Ang wife ko nung naging gf ko may karelasyon na since high school nya and 8years na sila. Open ang family nila both and madalas dun na sya umuuwi sa guy with his family. Kumbaga kasal na lang ang kulang para masabing husband and wife sila.

Nung makilala ako ng wife ko may nakita daw syang iba sakin kaya nainlove sya sakin. To make the story short naging kami pero sinabihan nya ako na hindi nya pwedeng biglaing sabihin sa ex nya na makikipagbreak na sya. Kaya umabot kami ng almost a year na mag-on pero secret at hindi alam ng ex nya.
Kahit masakit sakin kasi tuwing umuuwi sya alam ko sila magkasama at magkatabi sa pagtulog, tiniis ko yun almost a year until tuluyan na syang magtapat sa ex nya na gusto na nya makipaghiwalay.

Two years kami naging mag-on bago kami ikinasal, athough alam ko sa loob ng 2 years secretly konicontact sya nung guy to talk kasi mahal na mahal sya nung guy. Sobrang seloso naman ako at palagi kami nagaaway everytime mahuhuli kong may commucinatio pa rin sila ng ex nya.

During early years namin bilang magasawa madalas namin pagawayan yung status ng buhay namin na hindi ko sya mabigyan ng magandang buhay, palagi kaming kapos sa pera. Kaya napilitan ako mag doble-kayod sa trabaho. Until such time na magdecide ako to work abroad.
Nung nasa Philippines pako palagi ko binubuksan fb ng wife ko para lang iunfriend yung ex nya na palagi nya ulet ina-add as friend. Never kami nagkaron ng confrontation about that basta palagi ganun ang nangyayari. Dito abroad nakita ko inaccept ulet nya sa fb yung ex nya. Madalas din nakikita ko naggigreet sa kanya ex nya and naglalike sapost nya. Nauuna pa nga sakin eh.

Nang minsang hindi nako makatiis sinabi ko na sa wife ko na nasasaktan pa rin talaga ako na makitang may communication sila ng ex nya kasi hindi naman ordinary relationship pinagdaanan nila. And ako naman nung magstart na maging kami, nagtiis din ako na behind the scene kahit masakit para sakin kasi mahal ko sya kaya nakaya ko yun. Pero hindi nya maintindihan ang point ko at bagkus nagalit pa sya dahil iniisip ko daw na lumalandi lang sya at may relasyon sila ng ex nya. Hindi daw nya kayang iunfriend ang ex nya kasi since highschool barkada nya pa yun. Hindi sya pumayag sa request ko na iunfriend ang ex nya. Kaya sa inis ko nagdeactivate na lang ako ng fb ko para hindi nako updated sa anumang nangyayari sa fb nya kasi mahirap dito sa abroad kapag madaming iniisip.
Being a mother of our two children wala ako masabi sa kanya, kampante ako na maayos ang pagaalaga nya. Dun lang talaga sa issue ng ex nya na kapag pinansin ko sobrang nagagalit na sya at nauuwi sa isyung wala akong tiwala sa kanya.

Ano ba magandang maipapayo nyo sa sitwasyon ko?
 
Ts, dapat mo kausapin asawa mo. Sabihin mo ang hinanakit mo. Ask mo rin xa kung sino ang pipiliin nia, kapaf nkapili na xa, ready ka nlng, baka kasi iba anh decesyon nia, dapat tanungin mo xa ng hindi nag aaway, para hindi galit ang nauna... Ask mo rin yung ex nia na respetuhin anh relasyon nyo, kung mas mabuti nga ay putulin ang ugnayan ng asawa mo. Ts, advice ko lng ready ka sa lahat ng mangyayari. Baka kasi kung anung ginawa nyo dati ay babalik rin sa inyu.
 
Thanks sa advice.
Actually on how we started our relationship ilang beses nako nakipagbreak sa wife ko noon kasi nga ayoko na sabay nya kaming karelasyon, ang palagi lang nya sinasabi antayin ko lang right time na magsabi na sya sa ex nya na ayaw na nya at makapagpaalam sya pati sa family ng ex nya. At dahil mahal na mahal ko asawa ko naghintay ako, pumayag ako sa setup namin na sa manila magkasama kami as gf-bf, pero kapag uuwi sya sa province nila alam ko sila ang magkasama. Well, it ended up naman na nagusap na nga sila nagsabi na sya about sa relationship namin until umabot kami ng wife ko ng 2years bago kami nagpakasal.

At yun na nga tumakbo ang married life namin na naging seloso ako kasi natakot ako na baka mangyari sakin ang nangyari sa ex nya. Ang hindi ko lang maintindihan sa lahat ng pinagselosan ko sa ex lang nya sya sobrang defensive. Hindi nya ma-unfriend sa fb for the reason na barkada kaya hindi maiwasan (since nasa network of friends nya dahil nga since high school pa sila at nagstart as friends). Ang reason ko naman, sa pagaasawa may mga bagay na kailangan mo talikuran at maaaring isa na dyan ang barkada kung sa tingin mo makakasira sa inyong pagsasama.

Yun lang ang hindi nya matanggap kasi palagi nya sinisingit ang issue na wala daw ako tiwala sa kanya. Kung wala ako tiwala sa kanya sana hindi nako nag abroad para magtrabaho, dyan na lang sana ako sa Pilipinas para mabantayan sya.
 
Me ganun talaga TS, gusto natin kumustahin ang mga naging bahagi ng buhay natin dati, baka pinapakita lang ng wife mo sa ex niya na me masayang pamilya na siya ngayon at asawa na totoong nagmamahal sa kanya . . pinapaalam lang niya estado ng buhay natin ngayon kasi naging bahagi pa rin sila ng buhay natin dati pero di ibig sabihin na nagkakagusto siya uli . . don't be negative TS unles it's proven at hanggang likes at comment lang naman di ba at alam mo naman fb ng wife mo so mababasa mo pa rin ang mga message niya.

Thanks sa advice. Pinipilit ko naman tanggalin mga negative thinking tungkol dun. Hindi ko lang talaga maiwasan magisip dahil nga sa ayoko na maulit nangyari kung paano kami nagsimula noon. At sa lahat kasi ng mga pinagselosan ko dun sa ex lang nya sya mas defensive. Well, malinaw na sakin na siguro dahil sa tagal na nila magkasama kaya talagang may ukit na rin sa buhay nya. Pero syempre hindi naman nawawala minsan sating mga lalaki yung ego. At pakiramdam ko yun ang umiiral sakin.

Actually madaming beses na na nakikita ko may message yung ex nya gaya ng kinukmusta sya, at nung birthday nya bumati sa kanya pero dini-delete kagad ng wife ko para hindi ko makita, pero hindi nya alam nabasa ko na....kaya dun pa lang alam ko nililihim nya pa rin sakin ang communication nila ng ex nya.
 
Last edited:
Hi TS, tiwala lang sa kanya, kasi sa huli ikaw naman ang pinili nya. kasi kameng mga babae, naiinis kame sa mga ganyan na walang tiwala sa amin, pero ang feelings kasi nagbabago ee, may posible din kasi na bumalik ung feeling nya sa ex nya kasi wala ka ngayon sa tabi nya, pero lalo sya maiinis sayo pag ala kang tiwala sa kanya. Ang selos kasi nakakasira yan ng relasyon, kausapin mo sya ng ayos na hindi kayo hahantong sa pag aaway para alam din nya ang feeling mo at ang root bat ka talaga nagseselos,
 
Back
Top Bottom