Re: kristo sa simbhan quiapo maitim bkt ang kristo sa santo domingo church.maputi . t
The Catholics teach that the rosary should be performed every day. I'd like to have ANYONE show me that from the Bible. Where did God tell us to perform a rosary? The Rosary, or prayer beads, was introduced by Peter the Hermit, in the year 1090...copied from Hindus and Mohammedans. The counting of prayers is a pagan practice and is expressly condemned by Christ (Matthew 6:5-13). The rosary should NEVER be performed by anyone, it is sinful. Jesus condemned chants and recited prayers...
Magandang umaga po.
Nakapagpost na po ako patungkol dito dati, bale, irerepost ko nalang po. Salamat.
Ang Kahulugan ng Batta:
Isang maikling pagkilatis sa kahulugan ng Batta sa Mateo 6:7
Tanong:
Sabi sa Matthew 6:7 "[…] when you pray, use not the vain repetitions, as the heathens do", bakit ang mga Katoliko kapag nagdadasal ng rosaryo ay inuulit-ulit nila ang bawat panalangin, tulad halimbawa ng "Our Father, Hail Mary, Glory be," atbp. hindi ba't ipinagbawal ito ni JesuCristo, gaya ng nabanggit sa talata. Bakit patuloy pa din po itong ginagawa, kung ito'y mali at salungat sa turo ng Bibliya?
Tugon:
Ang salin ng bibliya na malimit ginagamit ng ating mga kapatid na Protestante para akusahan ang Iglesia Katolika sa paggamit nito ng paulit-ulit na salita sa tuwing sumasambit ng rosaryo ay base sa King James (o
Authorized Version). Ayon sa KJV sa ikapitong talata sa ikaanim na kapitulo ng Ebanghelyo ni San Mateo
"But when ye pray, use not (vain repetitions),[1] as the heathens do; for they think they shall be heard for their much speaking."
Habang ang sa Douay-Rheims (1750
Challoner Revision) naman ng Iglesia Katolika ay
"And when you are praying, speak not much, as the heathens. For they think that in their much speaking they may be heard."
At sa orihinal nitong lenguwahe (
koiné Greek)
Proseuchomenoi de mē battalogēsēte ōsper oi ethnikoi, dokousin gar oti tē polylogia autōn eisakousthēsontai
*para sa iba pang salin ng Mt 6:7 maari nyong puntahan ang link na ito.
Ang salitang may guhit ay ang dalawang importanteng salita na tumutukoy sa kahulugan ng talatang binanggit ni Hesus na bahagi ng/sa kanyang Sermon ('
Sermon on the Mount'; Mt 5-7) Ang unang salita ay '
battalogēsēte' at ang ikalawa ay '
polulogia'. Ang ugat ng salitang
battalogēsēte ay battalogeo([ia] verbal at nominal form) na nanggaling sa salitang 'batta' na ang ibig sabihin ay '
much' at sa '
logeo' (mula sa logia na ang ibig sabihin ay salita/word) na may katumbas sa salitang Ingles na to speak.
[2] Habang ang salitang polulogia (a corresponding noun) ay nanggaling naman sa salitang '
polu' (kung saan nakuha natin ang salitang '
poly' = '
many' o '
much';
hal. polytheism, much married, polygamy, many colored) at logia. Kung mapapansin ninyo ang salitang '
batta' at '
poly' ay may iisang pakahulugan, at ito'y tumutukoy sa salitang 'much' o 'marami'
[3] gaya ng naging salin sa Douay-Rheims sa bibliya ng Katoliko -
mē battalogēsēte, (
speak not much). Ang ganitong pakahulugan (poly = batta) ay sinang-ayunan din, hindi lamang ng ilang prominenteng Katoliko na scholars, kundi maging mga kilalang Protestante tulad nila John Calvin,
[4] (Lange) Philip Schaff,
[5] at August Meyer.
[6]
Ang isa pang salitang ikanakabit sa batta ay ang salitang ridzein, na ang ibig sabihin ay '
to stammer;
[7], na pinaniniwalaang kasing kahulugan rin ng salitang battalogein. Subalit mariin itong tinutulan ni Rev. Joseph Sheahan na ayon sa kanya, ang ibig sabihin ng battalogein ay '
to speak much' habang ang batta-ridzein ay '
to stammer much' na magkaiba ang kahulugan. Ang paggamit aniya ng salitang '
stammer' ay magbibigay ng puwang upang maipasok ang '
vain repetitions'
[8] - na para sa kanya’y maling salin. Sa Greek literature, wala kahit isang bakas ng batta na hiwalay sa ibang salita ang makikita, tanging ang salitang batta-ridzein (
a compound of batta-logein) at batta-logein lamang ang palagi nitong kakumbinasyon. Sa librong isinulat ni Edwin A. Abbott na
The Fourfold Gospel,
[9] sinabi niya na walang bakas
[10] na ginamit ang salitang battalogein bago pa ang panahon ni Simplicius sa pagitan ng ikalima o ikaanim na siglo (
in Comm. Epict. Ench. 37,
Schweig. p.340). Sa makatuwid, tangin dalawang beses sa dalawang Griyegong manunulat lamang ito matatagpuan - kay Mt (6:7) at ang ikalawa'y kay Simplicius.
[11]
Maliban sa mga nabanggit sa itaas, mayroon pang dalawang pinaniniwalaang pinanggalingan/hinango a/ng salitang batta. Ang una’y sa pangalan ng dating hari ng Libya na si
BattusI
[12] (630-600 BC) at ang ikalawa nama’y mula sa
manunulang si Battus (Battos, [proper name] halaw sa
Protestant Greek lexicon na ang kahulugan ay '
a proverbial stammerer'). Ang unang nakaisip na ikabit sila bilang pinagmulan ng salita’y (
etymology) nagmula kay Suidas (
a late 10th century, author of, perhaps, the most important Greek lexicon or encyclopedia). Marahil ang posibilidad na ito'y nakuha niya naman mula kay
Hesychius (ang tangin pinagkunan n’ya ng impormasyon para ikabit si King-Battus sa battalogia), pero, ayon kay Rev. Sheahan,
“… Hesychius gives no etymology for the noun battalogia and does not mention battalogeo at all. But although some of those who lived before the Protestant Reformation made a guess that Batta was derived from some Libyan king who-stammered, none of them thought that the word batta in St. Matthew meant to stammer, or, to use vain repetitions.”[13]
Sa totoo lang, kahit nagawa mang ikabit ni Suidas ang pangalan ng manunulang si Battus sa
Battalogia, hindi rin naman niya sinabing ang kahulugan nito’y ‘
repetition’ o ‘
vain repetition’, bagkus, ang tanging kahulugan na kanyang ibinigay para dito’y
πολυλογια, much speaking (na kahalintulad ng naging salin sa DR at hindi ng bersyon ng Protestante na KJV na vain repetitions at ng mga sumunod dito,
hal., ASV; DBT, WEB, atbp).
[14] Para pabulaanan rin ang pahayag ni Erasmus - na batay sa kanya’y si Suidas daw binanggit si Ovid ang nagsabing sa pangalang ng manunulang si Battus - nagpaabot ng komento si Sheahan.
“The man named Battus whom Ovid mentions was a rustic not a poet. Erasmus deserves the credit of having made this blunder,”[15]
Bilang pagtatama sa sinabi ni Erasmus sangguniin natin ang mismong gawa ni Ovid, na idinetalye sa librong Ovid,
Metamorphoses (ii. Fable xii [trans. by Henry T. Reilly], mula sa sipi ng
Vain Repetitions)
Apollo neglecting his herd, Mercury steals it - "hides them, driving hem off to the woods nobody but an old man well known in that country had noticed the theft; all the neighborhood called him Battus. Mercury was afraid of him and took him aside and said to him: “Come stranger, whoever thou art, if perchance anyone should ask after these herds, deny that thou hast seen them: and lest no requital, be paid thee for so doing, take a handsome coin for thy reward,” and thereupon he gave him one. On receiving- it the stranger gave this answer. "Thou mayst go in safety. May that stone first make mention of thy theft," and he pointed to a stone. The son of Jupiter feigned to go away. But soon he returned, and changing his form, together with his voice, he said: "Countryman if thou hast seen any cows pass this way give me thy help and break silence about the theft, a female coupled together with its bull shall be presented to thee as a reward." But the old. Man after his reward was thus doubled, said: "They will be underneath those hills," and beneath those hills they really were. The son of Atlas laughed and said: Doest thou, treacherous man, betray me to myself? Doest thou betray me to myself? And he turned his perjured breast into a stone.[16]
Ang kontekstong nabanggit sa taas ay binigyan ng kaukulang kritikal na pagsusuri ni Rev. Sheahan; ito’y para kundinahin ang ilang Protestante sa maling paggamit ng tala mula kay Ovid
The tautology of which this countryman Battus was guilty, and which has given him such prominence in Protestant commentaries, is found in the following line.
“In montibus, inguit, erunt,” et etant in montibus.”
If our Protestant brethren looked at the line twice they would have found that Battus spoke as concisely as a man could speak.
“They will be underneath those hills,” he said, not a single word or syllable did he repeat. The next sentence: and beneath those hills they were, is a statement not of Battus but of Ovid, affirming that what Battus said was true.
In attacking the old church some of our Protestant scholars seem to become bereft of their wits. To sum up: Suidas, although deriving Batta-logia from some poet named Battus, never gave the word any other meaning than that of "much speaking," which is correct. The Battus mentioned by Ovid was not a poet but a rustic, and the words that this Battus used are entirely free from tautology.[17] (Emphasis added)
Sa nabasa natin, mismong si Suidas ay nagpatotoo na ang kahulugan ng battalogia ay
much speaking (‘
to speak much’) sa halip na nakasanayang gamitin ng mga Protestanteng’ vain repetitions. Pero ano nga ba ang ibig sabihin pagsinabing much speaking (o
speak not much), at ano nga ba ang kinundena ng ating panginoong Hesus sa binanggit n’ya sa Mt 6:7. Pero bago natin ito sagutin magbigay muna tayo ng ilan pang impormasyon patungkol dito.
Sa Vulgate ni St. Jerome, kanyang isinalin ang salitang battalogia (kung saan ginagamit pa ito sa parehas na verbal at nominal form) sa Latin ‘
Nolite multum loqui’ (kaparehas ito ng sa Arabic) na ang katumbas ay do not speak much. Sang-ayon kay J. D. Michaelis (sa kanyang
essay on Battology)
[18] inayunan din ito ng mga sinaunang salin ng Greek me battalogesete bago pa ang nasabing salin sa Vulgate, nang noo’y wala pang klase (o uri) ng mga codices.
[19] Para naman mapasinayangan ang kahulugan nito muli natin babalikan ang kabuang teksto sa wikang Griyego
Proseuchomenoi de mē battalogēsēte ōsper oi ethnikoi, dokousin gar oti tē polylogia autōn eisakousthēsontai
LOGESETE ME BATTA
Catholic (DR): Speak not much
Protestant (KJV): Use not vain repetitions
POLY
Catholic (DR): much
Protestant (KJV): much
Ang salitang Batta at Poly ay may iisang kahulugan (
gaya ng sabi kanina), at ito’y ang salitang ‘
much’, at kung atin itong bubuoin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng salitang logia (o
logein) magkatulad pa din ang magiging mensahe (much speaking/ speak much) nito. Sa mga naunang salin ng bibliya ng mga Protestante (bago pa man ang KJV), kapansin-pansin din ang naging pagtanggap sa pagkakaparehas ng salitang batta at poly, kahit hindi naging tugma ang pagkakasalin nito (
ang mahalaga’y maipakita ang silogismo ng bawat salin)
Tyndale (A.D. 1534) And when ye praye, bable not moche, as the hethen do: for they thincke that they shal be herde, for their moche bablynges sake.
Crammer (A.D. 1539) But when ye praye bable not moche, as the hethen do: for they thincke it wyll come to passe, that they shal be heard for their moche bablynges sake:
Geneva (A.D. 1557) Also when ye pray, bable not much, as the heathen do: for they thyncke to be heard for their much babling sake.[20]
Kung titignan maigi ang mga naging salin bago pa man ang reformation, hindi lamang magkaparehas ang naging pakahulugan sa salitang battalogia at polylogia kundi meron din sa kanilang nagbigay ng salin kahalintulad ng sa DR, halimbawa,
Wycliffe (A.D. 1380) But in preiynge nyle ze speke moche as hethen men don, for thei gessen that thei be herd in her moche speche.
Kalimitan makikita natin na ginagamit sa mga salin ng Protestante ang mga Ama ng simbahan (
Church Fathers), na maaring sa’kin palagay ay para ipakita na sila’y panig sa paniniwalang taliwas sa matandang Simbahan, gaya
hal. ng sa Mt 6:7, para suportahan ang salin na ‘vain repetition’ sinipi ni Rev. Mark Pattison, ang naging komentaryo dito ni St. Gregory na, “
Sed veraciter orare est amaros in compunctione gemitus, et non composita verba resonare” na isinalin bilang “
True prayer consists rather in the bitter groans of repentance than in the repetition of a set form of words.” Gayunpaman, sa palagay ni Rev. Sheahan ang salin na ito ay hindi akma sa kung ano talaga ang nais sabihin ng orihinal na teksto, at pagtatama n’ya itong isinalin bilang
“True prayer consists rather in the bitter groans of repentance, than in the resounding periods of an oration.”[21]
At muli, kanya rin kuwenistyon kung paanong proseso ang ginawa ng mga Protestante para maisalin ang salitang “
Composita verba resonare” bilang “the repetition of set forms of words” dahil sang-ayon sa kanya ang ibig sabihin nito’y
“… words that have been put together to make up a speech or composition. This phrase has no notion whatever in it of repetition. It merely represents the synthesis of words that go to make up the literary production. The delivery of the speech or composition is expressed by the word RESONARE. This word is also the common ground of comparison between the contrasted audible groans of the penitent and the resounding words of the declaimer A man's religious views often make him mistranslate a very simple sentence. It seems to have made this translator of St. Gregory, impervious to the saint’s humor, and unable to see the alliteration and the pun in the sentence that he is putting into English.”[22]
Ngayon, balikan na natin ang tanong, ano ba ang ibig sabihin pagsinabing much speaking? May dalawang ibig sabihin ngunit may iisang kahulugan ang salitang ito. Ang una ay ‘
long speech,’ ang ikalawa ay ‘
long prayer’ (kung ito’y nakadirekta sa Diyos). Sa Banal na Kasulatan, tila baga, ang mahabang diskurso (o pagsasalita) ang kinukundena ng Panginoon (mula sa
Vain Repetitions 3:II ni Rev. Sheahan, pp. 21-22):
[23]
“Woe to you scribes and Pharisees, hypocrites: because you devour the houses of widows, praying long prayers.” – Mt 23:14
“Beware of the scribes … who devour the houses of widows, feigning long prayers.” – Mk 12:28
“Beware of the scribes … who devour the houses of widows, feigning long prayers." – Lk 20:46, 47
Ang mga panalangin na narinig at inaprobahan ni Cristo ay binubuo lamang ng maikling talata.
Ang panalangin ng lalaking ketongin:
“Lord, if thou wilt, thou canst make me clean.” – Lk 5:12; Mk 1:40; Mt 8:2
Ang panalangin ni Jairo:
“Lord, my daughter is at the point of death, but come lay thy hand on her, that she may be safe and live.” – Lk 8:41; Mk 5:22; Mt 9:18
Ang panalangin ng dalawang bulag:
Son of David, “have mercy on us.” – Mt 9:27
Ang panalangin ng babaeng Sirofemician (Canaanite):
“Have mercy on me, O Lord, Thou Son of David; my daughter is grievously troubled by a devil." - Mt 15:22
Ang panalangin ng sampung ketongin:
“Jesus, Master, have mercy on us.” – Lk 27:13
Ang panalangin ng mabuting magnanakaw:
“O God, be merciful to me a sinner.” – Lk 18:13
Ang mabuting magnanakaw:
“Lord, remember me when thou shalt come into thy kingdom.” – Lk 23:42
Ang panalangin ng mga Apostol:
“Lord, save us, we perish.” – Mt 8:25
Ang panalangin ni San Pedro (habang s’yay papalubog sa tubig):
“Lord, save me.” – Mt 14:30
Ang panalangin na mismong binigkas ni Cristo habang s’ya nasa Getsemani:
“O my Father, if it be possible, let this chalice pass from me.” – Mt 26:39
Ang panalangin ni Cristo sa kanyang manunubos:
“Father, forgive them, for they know not what they do.” – Lk 23:34
At pati kanyang panalanging itinuro’y binubuo lamang ng maikling talata.
Sa ipinakitang mga halimbawa, isa sa maaring mabuong konklusyon sa’tin ay pagkundina ni Hesus sa mahabang panalangin. Pero, hindi naman dapat lahatin dahil mayroon din mga panalanging masasabi nating kinalulugdan ng Diyos. Ayon narin kay Sheahan ang sinumang may ganitong paniniwala “…
have fallen into that very common sophistry of putting more in their conclusion than they can find in their premises.”
[24] Ang ilan nga sa mga panalanging mababasa natin sa Bibliya ay binubuo ng mahabang salaysay tulad ng panalangin ni Solomon (I K 8:3, 23-25), ni Esdras (9:6-15) at ang panalangin mismo ni Hesus na saklaw ang buong Jn 17 - na pinakamahaba sa lahat ng panalangin sa nakapaloob sa sagradong kasulatan. Kung ganun, anong nais tukuyin ng Mt 6:7? Ang nais tukuyin ng talata ay ang pagkundina (o paghatol) sa klase o uri ng mahabang panalangin na dinadasal ng mga Hentil (‘
Pagano’), at kung paanong ang dasal ng mga eskriba at Pariseo ay naihahalintulad dito.