Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Kung may sasabihin ka sa Magulang mo

papa/mama bakit kayo sa semento/salas natulog? so, para kanino yung kwarto nyo? sa multo?
 
mama+, miss na miss na po kita.. :weep: .... di na ko makakatulog sa lap mo habang nunuod ka tv at kahit damulag na ko.. :(


papa good luck po sa inyo bukas. :)
 
Last edited:
papa,

naiinis ako sa iyo sa totoo lang. sana nung nasa abroad ka nakinig ka kay mama. e di sana may sarili kayong bahay, at pensyonado kayo pareho. pero anong ginawa mo. nag buhay binata ka, pinakinggan mo ang mga kapatid mong puro mga sira ulo at pasaway, at hinayaan mo si mama sa tindahan mag isa na itapos kami ng pagaaral.

ano ngayon ang mangyayari na malapit na kayong tumanda at ako naman ang nagtatrabaho para sa amin ng asawa ko, aasa kayo sa akin? ako ang magbabayad ng SSS ninyo na dapat matagal nang tapos kung pinakinggan mo lang si mama sa simula.

hindi ko tatanggihan ang tumulong sa inyo ni mama hangang sa mamatay kayo, bilang anak responsibilidad ko ang alagaan kayo sa pagtanda nyo. pero etong ginawa mo kay mama ang hinding hindi ko tutularan. salamat sa yo at alam ko na ang tamang pagtrato sa asawa.
 
Ma, Pa, SALAMAT PO!!
Masususklian ko rin po balang araw, Lahat ng pagmamahal, pagmamalasakit, pang unawa, at mga tulong niyo sakin sa lahat ng aspeto ng pamumuhay,
salamat dahil pinalaki niyo po ako ng may takot sa Diyos. your'e the best ever parent in the world sa aming lahat na magkakapatid. salamat sa lahat ng sakripisyo. walang salitang makapagpapaliwanag kung gaano ako nagpapasalamat sa lahat ng kabutihan niyo. kahit maaga ako nag asawa nandyan parin kayo.. hindi kayo nagalit, lalo niyo pang ipinadama ang pagmamahal niyo. wer'e so blessed na nagkaroon po kami ng ma magulang na katulad niyo.. ma, pa, from the deepest part of my heart, MAHAL na MAHAL ko po kayo..!!! :weep::weep:
 
sat tatay ko , hindi ko alam kung pano ko sisimulan .. :weep: ang daya mo , nang iwan ka agad .. kung nasaan ka man ngayon ' sana masaya ka .. alam kong hindi mo gustong nakikitang ganito ako kaya tatatagan ko loob ko kahit alam kong sobrang hirap :weep: pero kung alam ko lang na huling araw mo na pala dito sa mundo nung linggo ' sinulit ko na sana yung mga araw na nakakasama pa kita at hindi sana ako nagpakabusy sa trabaho ..

sobrang lungkot at hirap para sakin ng pagkawala mo .. :weep: hindi ko alam kung pano ko gigising sa umaga na walang tatay na magluluto at maghahain ng almusal para sakin .. tapos habang nakaduty ka wala ng magtetext at magpapaalala sakin kapag umuwi ako galing sa trabaho na ''itext mo ko kung ano gusto mo kainin" .. wala na ring magtatanong sakin kung anong oras ako uuwi para masundo mo ko .. wala na rin akong tatay na maisasabay sa pagkain .. haaay .. hinding hindi ko malilimutan lahat ng pagmamahal at pagaalaga na binigay mo sakin .. :weep: mahal na mahal at miss na miss na kita .. :weep:

sa mama ko , kaya natin to .. dalawa na lang tayo ' kailangan nating maging matatag para sa isa't isa .. alam kong mahirap lalo na sayo ' dahil nasa ibang bansa ka at ikaw lang magisa dun .. pero kakayanin natin to .. maging masaya tayo dahil natapos na ang problema ng tatay ko dito sa mundo ' .. masaya na sya ngayon kasama ni God .. hindi man naging maganda ang dahilan ng pagkamatay ng tatay ko ' ipagpray na lang natin sya na sana maging masaya sya dun .. :sigh:
 
Daaaaaaddy,

Promise magiistay ako sa Tarlac basta maparenovate na yung dapat iparenovate, di na ako magrereklamo promise. :)
Love you

Mommy,

Mamamalengke u,i tayo bukas wag mo na tsikahin ermats ni ex nakakailang eh?! Love you.
 
Salamat po mama and papa kasi dahil sa inyo nakatapos ako nang pag-aaral. Ngayon panahon naman para suklian ko ang lahat ng sakripisyo nyo sakin. Sorry kung matigas ang ulo ko madalas. Promise po tutulungan ko kayo para magkaroon ng magandang buhay.
 
Daddy you are the best yer always my number #1 fan sa lahat ng bagay sa aking pagluluto kahit na minsan sablay masasarapan ka paren, pag may gusto ako maachieve kahit minsan olats ako to you i am the winner. you are my greatest support system in the entire universe! I don't say this much you don't hear me say this to you kasi di naman tayo nagsasabihan neto pero you will always be my first love and i love you very much! :)
 
kahit pasaway ako sainyu mama at papa andito pa rin ako aakay at magmamahal sa inyu habang buhay :)
 
Supermom ka talaga! You the you the best mudra!
 
konting panahon na lang at matutupad na rin ang napangako kong kaginhawaan bago matapos ang taong ito maisasakay ko rin kayo sa bagong bago kong van hehehehe promis yan magtagaytay tayo......
 
nasunog ko yung chicken balls.

sorry not sorry gusto ko tostado eh. :lol:
 
Ma,pa kahit sinasabihan nyo ako na tamad araw-araw ,mahal ko pa rin kayo,tanda ko pa na sinabi nyo sa akin na mamatay na ako at di kayo manghihinayang pag namatay ako.lagi nyo nalang ako sinisisi sa lahat ng bagay kahit di naman ako yung may kasalanan.bakit ambigat ng dugo nyo sakin,salamat pinag-aaral nyo ako,babawi nalang ako pag nagkatrabaho na ako.kahit sinasabi nyo na mambote nalang ako.wala ako magagawa kayo naging magulang ko,di mababago yun.
 
Ma, para sayo lahat to. labyu! :missyou:
 
Back
Top Bottom