Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Kung may sasabihin ka sa Magulang mo

Maraming Salamat at kayo ang naging magulang ko......NPAKA BAIT NIO SAKIN MAHAL N MAHAL KO KAU MAMA AND PAPA:)
 
ma kahit ganito ako laging pasaway sayo, nasasagot kita ng pabalang ay lagi kapa rin nandyan para sakin laging ginagabayan sorry sa lahat ma :( yaan mo ma matutupad na rin yun matagal munang hiling para sakin gagawin ko rin yun para sayo at para na din sa sarili ko mahal na mahal kita ma :kiss:


pa highschool palang ako napapansinin kuna lagi kanalang ganyan sakin ako nalang ba lagi mo nakikita? kaya wala akong gana sayo hanggang ngayon at kaya hinde ako malapit sayo dahil ganyan ka sakin walang pagbabago :upset:

^,..,^
 
Last edited:
you both know i'm gonna get that house in Tagaytay right? Chill lang :)
 
Una sa lahat, salamat sa mga magulang ko kasi kung hindi dahil sa kanila eh hindi ako mapupunta sa kinalalagyan ko ngaun at syempre naiisip ko din na kasalanan din nila kaya hanggang dito lang ang naabot ko haha.

Salamat sa nanay ko na hindi ako madalas pagalitan at hindi ako sinesermonan. Salamat din sa tatay ko sa mga sermon, encouragement, discouragement, at mga tama at maling desisyon nya para saken. Sana lang ginalingan ng tatay ko ang buhay nya para sana eh hindi ako mag sasalo ng responsibilidad na iahon ang pamilya namen sa kahirapan, na sana nag aral sya kasi kaya naman nya nung panahon nya pero hindi nya pinili. Masasabi ko lang eh gagalingan ko para sa sarili ko at susubukan ko tuparin mga pangarap dahil un ang gusto ko at hindi dahil un ang gusto ng mga magulang ko.
 
happy mother's day sa aking supermom!
kahit na madalas tayo magtalo kasi may bipo tendencies ka eh mahal na mahal kita
thank you for accepting and loving dsfhudkndffkvfo as one of your own
and yeah yeah aayusin ko na yung program kahit hirap na hirap ako sa ginagawa ko.
 
happy mother's day mama muwah :kiss: ^,..,^
 
Sorry po sa lahat ng mga pagkukulang ko sa inyo Ma.
I know it's been hard for you, doing the responsibilities of both a mother and a father to me and Ate.
Pero dahil sau, never ako naghanap ng father figure.

Truly, a child can grow-up without a father.. but a child can never survive without a mother.

Thank you para sa lahat Ma..
Mahal na mahal ko po kayo.. Happy mother's day! :)
 
kung pwede lang piliin ang magulang.... :'(
 
tigilan nyo na kauutang sa bombay lalo na may item... tigas ng ulo nyo , yung tubo nyo sa tindahan mo dyan lang napupunta. di kayo magaling na negosyante. bat ba hindi nyo matanggihan yang bombay na yan. sabi ko pag na tapos na yan wag na kumuha. para bang hiyang hiya kayo na tanggihan na wag na kumuha. sakin ka na lang umutang wala na tubo at wala na singilan kaya lang kahit naman inaabutan kirta nakuha ka parin sa bumbay na yan. aytsss! kakainis ka naman nanay kailan kapa matututo... lub u!!
 
Thanks for being such awesome parents to me(us)
We have differences and sometimes i annoy the hell out of you both...
Pero super nagpapasalamat ako na di niyo ako pinabayaan nung times na ang gulo gulo ng mga decisions ko sa buhay ko
When i failed ng ilang beses di niyo naman ako pinalayas o tinakwil haha.
Thank you for giving me the best things in life.

I'm 26 and still andyan paren kayo for me. Sorry for being a spoiled brat. :lol:

Nagenjoy ako sa paglabas naten kanina and we're complete. :yipee:
 
ma/pa thank you po sa lahat lahat. kung wala kayo wala rin ako ditto sa mundong ito. kung hindi dahil sa mga lessons na itinuro nyo hindi ako magiging ganito.( matalino,gwapo,mabait,magalang,maytakot sa diyos,)
 
Ma, pauwi na po ako maya maya. anu ulam natin? :giggle:
 
Dear Ma,

Hindi po sa nanu2mbat ako, pero sana naman po ayusin nio ung pagkilos nio.
Nung nasa barko ako hindi ko kayo pinabayaan, consistent ang allotment ko.
5 months bago ako bumaba, nagsabi na ako sa inyo na magipon kayo at ako'y
mag-eexam, maari akong matambay ng matagal.

Pero anong nangyari? pagdating ko 1.2k nalang laman nun BPI account ko.
Asan ung ipon? Nagbibigay ka ng pera kay ate, nagpapadala kay lola sa probinsya
at napunta sa napakaraming abubot na appliances sa bahay na hindi naman talaga kelangan.

Ngayong almost 4 months na ako dito sa Pinas para sa review at paglalakad ng papeles for exam
Ni kusing wala ako maasahan sa inyo, ni pagluto ng pagkain o pamamalengke hindi nio na din ginagawa
samantalang dati pg walang pera gumagawa kayo ng paraan.

Inggit na inggit ako dun sa mga kasama kong nagrereview, nakakahingi sila ng tulong sa magulang nila
ako wala.. ultimo pamasahe mo pang-jogging sa sports center sakin ka pa nanghihingi..
Ung oras mo pag-gising chat, facebook at email sa mga kakilala mong foreigner ang inaatupag mo.

Ano ng nangyari sa nanay ko? Ano ng nangyari sa nanay kong iniwan bago ako sumakay ng barko?

Ang laki na ng pinagbago mo..
at hirap na hirap na ako. :sigh:
 
Ma, Pa,


MAHAL NA MAHAL KO KAYO!!!

salamat sa pagtatyaga sa akin.. :(

at sorry sa mga dis appointments.. :(


lalo na sa pag aaral ko po.. :(
 
ma wala na ako masasabi sayo kundi i love you :)

pa pag nagkakasakit lang ako saka ka bumabait sakin? wow sana pala magkasakit nalang ako palagi ayos ka din baitbaitan ahaha :slap:

^,..,^
 
Last edited:
Back
Top Bottom