Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kwento ng Isang Ordinaryong Pulis

Kwento ng Isang Ordinaryong Pulis
Sa panulat ni: Zhander Pumares

Naaalala ko ang sinabi ng instructor namin noong training days pa lang. "BAKIT KAYO NAGPULIS? HINDI NYO BA ALAM ANG SAKRIPISYO NA KAKAHARAPIN NINYO? SIGURADO BA KAYO? PWEDE PA KAYO UMATRAS." Noong narinig ko iyon ay napaisip ako ng malalim pero nanaig pa rin sa puso at isip ko na gusto ko maging pulis kaya wala ng atrasan sabi ko sa sarili ko. Lumipas ang mga araw sa training, unti unti na akong nasasanay at nakaka adjust sa mga routine. Physical conditioning mula alas 4:00 hanggang alas 7:00 ng umaga, almusal mula 7:00 hanggang 8:00 ng umaga. Alas 8:00 ng umaga simula ng academic class at matatapos ng alas 5:00 ng hapon. Pagkatapos ng klase physical conditioning ulit hanggang bago maghapunan. Ang ibang tawag namin sa physical conditioning ay yung tinatawag na “ mase mase”. Pagkatapos maghapunan magpapahinga lang ng konti at mag mase mase ulit hanggang bago matulog. Pampaantok daw yun sabi ng mga instructor. Ganyan ang routine araw araw. Minsan pag minalas pa mas matindi pang mase mase ang aabutin mo. Habang pagod na pagod ang aking katawan na halos bumigay na sa pagod habang nag mamase mase duon ko naiisip na mas masarap ang buhay sibilyan. Walang iniisip na ganung klaseng routine araw araw. Sobrang pagod at lungkot ang nararamdaman namin ng mga kasama ko na ang inaasam asam namin palagi ay sumapit na ang gabi para malapit na ang oras ng pagtulog ng sa gayun ay makapagpahinga na ang pagod naming katawan. Bago matulog ay hindi maiwasan na mag-isip ng mga bagay bagay. Yung tipong maiiyak ka pag naiisip mo ang pamilya mo sa labas dahil namimiss mo sila, maaalala mo ang mga routine mo sa labas noong sibilyan ka pa lang. Bigla bigla kang may maririnig na humahagulgol na katabi mo sa kama, yung kaklase mo pala umiiyak na dahil siguro sa sobrang lungkot. Hanggang sa makakatulog kana lang ng hindi mo namamalayan dahil na rin sa sobrang pagod. Tanging panalangin lang sa Diyos gabi gabi ang nagpapakalma sayo. Ganyan ang routine namin araw araw. May naaalala ako sa isang lecture ng isang instructor namin. Pabiro nyang sinabi na ang pagpupulis daw ay isang trabaho na pangalawa sa Panginoon kasi daw pag may krimen na nagaganap maririnig mo na lang ang sigaw at humihingi ng saklolo “Diyos ko po! Tumawag kayo ng pulis!”. Nakakatuwa dahil kahit stress ka sa pag-aaral at training magagawa mo ang ngumiti. Sa bawat paglipas ng oras, araw, linggo, buwan nasanay na ang katawan ko sa mga routine at masasabi ko na malaki ang ipinagbago ko. Lumakas ang katawan ko at mas lumalim pa ang pananaw ko sa buhay. Dumating na ang time na natapos ang ilang buwang paghihirap namin sa loob ng training camp. Lumabas kami ng kampo na bitbit ang mga natutunan namin. Haharap na kami sa tunay na laban ng aming piniling career sa buhay.

Tagapagtanggol ng mga naaapi laban sa mga taong mapagsamantala, tagapagtanggol ng bansa laban sa mga kumakalaban dito. Yan ang ilan lang sa mga trabaho ng isang pulis. Sa karanasan ko bilang isang pulis naaalala ko yung sinabi dati ng instructor namin na “SOBRANG SAKRIPISYO ANG GAGAWIN NYO KAPAG GANAP NA KAYONG ISANG PULIS, ITANIM NYO YAN SA PUSO AT ISIP NYO”. Labing dalawang oras ang duty ng isang pulis minsan sobra pa. Sa simula ng duty medyo payapa pa ang paligid sa loob ng AOR. Maya maya ng konti habang nagpapatrol ay may lalapit na sibilyan “MAY BANGGAAN SIR BANDA DUON!”. Pupuntahan ko agad yun kasama ang aking ka-buddy. I-aassist namin ang banggaan hanggang maayos at magkasundo ang dalawang motoristang sangkot sa banggaan. Hindi pa kami nakakabalik sa outpost namin may lalapit na naman na babae, umiiyak. “SIR TULUNGAN NYO PO AKO, NATANGAY PO YUNG BAG AT CELLPHONE KO NUNG KA-MEET KO LALAKE. NABUDOL-BUDOL PO AKO”. Kakalmahin namin yung babae at sasamahan sa pinangyarihan ng insidente. Iimbistigahan namin, hihingi kami ng kopya ng CCTV footage kung meron man. Sasamahan namin sya sa presinto namin para magawan ng police report at ng maipa-blotter na rin ng biktima. Nagpasalamat samin ang babae sa ginawa naming pag assist sa kanya. Sa wakas makakapahinga rin tayo, sabi ko sa ka-buddy ko. Umupo kami sa isang upuan malapit sa post namin. May isang grupo ng kababaihan na nag-uusap usap. May narinig ako na sinabi ng isang babae “HAY NAKU ANG MGA PULIS PAUPO-UPO LANG. SAYANG ANG TAX NAMIN SA INYO”. Parang kumulo ang dugo ko at parang gusto ko habulin yung babae at ipamukha sa kanya na katatapos lang naming rumesponde at nagpahinga lang ng konti dahil napagod kami sa magkasunod na responde at gusto ko ding ipagdiinan sa kanya na hindi lang sya ang nagtatax. Gusto ko sana hiramin ang payslip nya at ikumpara yung tax nya sa tax ko at sabihin at sigawan sya na nagtatax din kami baka nga mas malaki pa sayo!. Pero syempre hindi ko yun ginawa at kinalma ko din ang ka-buddy ko na narinig din pala ang sinabi ng babae. Isa din kasi sa itinuro samin sa training yung tinatawag na MAXIMUM TOLERANCE. Yun tipong kahit apak-apakan nila ang pagkatao namin kelangan parin namin silang pagpasensyahan. Sa wakas tapos na ang aming tour of duty. Uuwi na ako sa bahay na inuupahan ko sakay ng motorsiklo na hinuhulugan ko. Pagdating ng bahay magmumuni-muni muna. Maaalala ang mga magulang at kapatid na nasa probinsya. Tatawagan ko sila ng kaunti upang kumustahin. Pagkatapos, kakausapin ko naman ang aking kasintahan sa cellphone.  hihingi ako ng paumanhin sa kanya dahil kakaunti ang time ko sa kanya maghapon dahil busy sa trabaho hanggang makatulugan ulit habang katext sya. Kinabukasan, madaling araw pa lang nagising na ako. Binuksan ko ang TV. Ako ay nalungkot sa bumungad na balita. Isang kapwa ko kasi pulis ang natanggal sa serbisyo dahil siya ay nakapatay ng kriminal. Sinampahan kasi siya ng kaso ng isang kagawaran tungkol sa karapatang pantao. Ang kawawa kong kabaro tanggal ang lahat ng benipisyo. Paano na kaya ang mga anak niya? Kawawa naman. Samantalang yung kriminal na napatay nya ay may sustento ang mga anak galing sa ibang ahensya ng gobyerno. Naalala ko tuloy nung napasama ako sa isang event. Madaming nagrarally. Mga agresibo ang mga tao na hindi namin alam kung ano talaga ang ipinaglalaban. May nahablot silang isang kasamahan namin. Ginulpi yung kasamahan naming pulis. Nasira ang uniporme ng kasamahan namin bukod sa mga sugat, pasa, galos, bukol na tinamo nya mula sa raliyista. Hindi gumanti ang kasamahan namin kasi MAXIMUM TOLERANCE nga. Tao din ang pulis pero walang umaksyon sa Kagawaran ng pangkarapatang pantao. Nakakalungkot lang pag naaalala ko ang mga ganoong senaryo. Aba sweldo pala ngayong araw na to! Bigla ko naalala. Makakabayad nako ng mga bills ko, makakahulog sa motorsiklo ko at makakapagpadala kahit konti sa magulang ko. Masaya kaming nag-duty ng ka-buddy ko. Bagong sweldo kasi . Sabi ko sa kanya itreat naman natin sarili natin. Kain tayo sa Jollibee nakakasawa na kasi ang luto ni aleng nena dyan sa kanto. Bihira lang naman to sabi ko sa kanya pero ayaw nya sumama. Naisip ko na lang kaya ayaw nyang sumama kasi kulang pa yung sahod nya. May asawa at anak na kasi sya. Sabi ko sa kanya ilibre ko na lang sya. Buti sumama na sa Jolibee. Habang kumakain kami may isang pamilya sa kabilang mesa. Nagbubulungan sila. “ITONG MGA PULIS NA TO KAYA LUMALAKI ANG TIYAN. KAIN NG KAIN. ITONG MGA PULIS NA TO MGA BAGO PA WALA PANG TYAN PERO LALAKI DIN TYAN NG MGA YAN.”. Hindi na lang namin pinansin ng ka-buddy ko. Pagkatapos naming kumain ay nag patrol na kami.


Kahit ano pa ang sabihin ng mga tao sa amin. Magtatrabaho pa din kami. Paglilingkuran pa rin namin kayo. Kasi yun ang sinumpaan naming tungkulin. Alam ko na may mga kabaro kami na naligaw ng landas. Sana lang po ay wag lahatin. Marami pa din pong matitinong pulis na handang umalalay at umagapay sa inyo. Marami pa din po ang handang isakripisyo ang oras nila para sa inyo. Handa nilang ipagpalit ang oras nila sa pamilya nila para lang mabantayan ang pamilya nyo. Yung mga importanteng araw tulad ng pasko, bagong taon, at birthday nila. Wala sila sa pamilya nila. Sila ay nakakalat sa lansangan, nagbabantay ng seguridad ng inyong pamilya.

Salamat po sa pagbabasa! Godbless. –PO1 PUMARES
 
Back
Top Bottom