Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

large breed dog owners thread

Oneday

Novice
Advanced Member
Messages
38
Reaction score
0
Points
26
dito po tayo tambay. :D merong binigay sa aking saint bernard daw, pero mukha syang golden retriever, di ko pa kasi nadadala sa vet para ma sure kung anong breed nya. share tayo dito ng thoughts and caring tips para sa breed ng dogs naten.
 

Attachments

  • IMG_20150128_092328.jpg
    IMG_20150128_092328.jpg
    562.6 KB · Views: 14
Good pm po... Sir pede bng palahian yung mga askal sa mga may breed n aso? Pede po kya yun...
 
We have an APBT named Ollie. He's the sweetest. Halos lahat ng nakaka meet sa kanya nagbabago isip dun sa notion na pit bulls are dangerous. Large breed dogs are prone to mange at malakas kumain so be prepared na lang sa gastos.

 
Last edited:
as far as i know pwede po magpalahi ang askal sa ibang breed na aso.. kasi yung unang aso ko aspin na half chowchow.

oo, mapapagastos ka daw talaga sa large breed na dogs.. first time ko mag alaga ng may breed na aso. actually confuse pa nga ako sa mga do's and dont's lalo na sa pagkain nila. sa behavior naman natural lang daw talaga sa puppies pa na malikot at maharot. :D actually nag e-enjoy nga ako, medyo nag alalangan pa nga lang ako wala pa kasing anti-rabies na bakuna kasi two months old pa lang siya.

ang galing naman ng pagpapalaki nyo sa dog nyo! pahingi naman ako ng tips para maging ganyan kaamo aso ko paglaki :D
 
^socialize lang sir. puppy pa lang siya sinanay na namin siya na nasa madaming tao at nasa madaming aso. tapos syempre yung daily walks para maubos excess energy niya at hindi siya mangulit sa bahay. hindi din siya spoiled, sinasaway agad kapag nagpe-play biting siya or kapag nangtatalon siya ng tao. it looks cute kapag puppy pa lang pero mahirap kapag nasanay siya ng ganun kasi pag malaki na, masakit.

sa pagkain, pag tinatamad or wala ako oras magprepare ng food, dog food pinapakain ko. pero usually, kanin na may karne at gulay pinapakain ko. like sawdust + pork liver + kalabasa + malunggay + turmeric + rosemary + sage. or chicken gizzard + chicken liver + carrots + sayote + basil + oregano. tapos once a week pinapakain ko ng oily fish like bangus or galunggong.
 
dapat ko na pala palitan pagkain ng aso ko, kasi lahat ng pinapakain ko sa kanya fry cooked. hotdog tsaka fried fish lagi nyang pagkain, kumakain sya ng dog food pero sinusubuan ko pa. ganun din ginagawa ko araw araw sa aso ko pinapagod ko para behave na sya sa loob ng bahay, nilalaro nya kasi yung mga bata sa amin, may dala akong dyaryo lagi, pag may nginangatngat sya ginugulat ko ng palo sa sahig tas sisigaw ako ng NO! ayun titigil naman. 1 week na sya sa akin ngayon, nung unang araw sobrang gaslaw nya, lahat ng tsinelas,basahan,magazine pati kami pina puppy bite pero simula kahapon hindi na sya masyadong ganun kasi sinasaway ko agad sya. Sa third week netong feb ko pa sya mapapa vaccinne tsaka anti rabies.
 
dapat ko na pala palitan pagkain ng aso ko, kasi lahat ng pinapakain ko sa kanya fry cooked. hotdog tsaka fried fish lagi nyang pagkain, kumakain sya ng dog food pero sinusubuan ko pa. ganun din ginagawa ko araw araw sa aso ko pinapagod ko para behave na sya sa loob ng bahay, nilalaro nya kasi yung mga bata sa amin, may dala akong dyaryo lagi, pag may nginangatngat sya ginugulat ko ng palo sa sahig tas sisigaw ako ng NO! ayun titigil naman. 1 week na sya sa akin ngayon, nung unang araw sobrang gaslaw nya, lahat ng tsinelas,basahan,magazine pati kami pina puppy bite pero simula kahapon hindi na sya masyadong ganun kasi sinasaway ko agad sya. Sa third week netong feb ko pa sya mapapa vaccinne tsaka anti rabies.

wag masyado hotdog kasi mataas sodium content. wag di masyado fish at malansa kasi baka galisin. kapag nasanay siya sa table food, baka maging picky siya sa pagkain.
 
okay po, niluluto mo ba yung mga pagkain nya or served raw mo yun? bumili na ako ng meat tsaka chicken tsaka pet food kahapon, okay naman na yung kain nya. :D naglalagas yung balahibo nya, pero dog soap naman gamit ko, tsaka napansin ko may mga brown spots na sya sa likod,akala ko galis or skin desease pero kulay pala yun ng balahibo nya hindi kagaya nung pagdating nya dito na plain white yung kulay nya.. sinusuklay ko na lang lage para matanggal yung dead hairs nya. madalas kasi pag gising ko since tabi kami, dami kong balahibo sa damit. :lol:
 
okay po, niluluto mo ba yung mga pagkain nya or served raw mo yun? bumili na ako ng meat tsaka chicken tsaka pet food kahapon, okay naman na yung kain nya. :D naglalagas yung balahibo nya, pero dog soap naman gamit ko, tsaka napansin ko may mga brown spots na sya sa likod,akala ko galis or skin desease pero kulay pala yun ng balahibo nya hindi kagaya nung pagdating nya dito na plain white yung kulay nya.. sinusuklay ko na lang lage para matanggal yung dead hairs nya. madalas kasi pag gising ko since tabi kami, dami kong balahibo sa damit. :lol:

niluluto ko. although minsan pinapakain ko sila ng raw. pero bago magpakain ng raw, research mo muna kasi may process yun. di sila pwede biglain. kailangan matuto muna sila kumain ng raw. maraming benefits ang raw feeding. magastos nga lang.



 
nag search ako kaso nakakalito, hati yung opinion ng mga owners,yung iba sabi harmful daw dapat 4months old na, yung iba naman okay daw sa raw, chicken neck,legs and wings daw magandang starting.. yung iba naman i freeze daw muna ng 2 weeks yung ipapakaing raw bago i serve.
 
yung puppy sa picture, 3 mos old lang yun pinapakain ko na ng raw. pero yun nga, may process. inumpisahan ko sila sa raw fish. tapos puso ng baboy. tapos whole chicken. hanggang umabot sa pork leg. tapos yun nga, finefreeze ko muna. di naman kailangan 2 weeks kung trusted mo naman yung bibilhan at fresh. kaya lang naman kasi kailangan ifreeze for 2 weeks para mamatay yung bacteria or parasites.
 
last week pinakain ko sya ng raw fish okay naman yung naging dating sa kanya, tas nung nakaraang araw raw meat naman yun yung hindi ko alam kung okay kasi pinakain din sya ng mani ng pamangkin ko, naging basa yung poop nya, tas yung poop nya buong mani din, nainis nga ako e. kinina nag poop ulit sya mdyo hindi na basa, nag focus na ako sa pagpapakain ng boiled meat,chicken at bangus sa kanya tapos ngayong araw sisimulan ko na samahan ng gulay. petsay ihahalo ko. ayaw nya ng carrots e. yung oregano parang ayaw nya rin kasi meron kami nun sa labas hindi nya naman kinakain yung tanim naming oregano.
 
Last edited:
kaya siguro lumambot yung poop kasi nanibago sa pagkain. ok lang naman sa kanila mani. mga aso ko nga lumalapang ng peanut butter at happy peanuts. try mo lang ihalo yung oregano dun sa pagpapakulo mo ng pagkain niya para kahit pano andun yung nutrients. wag mo sanayin na maarte sa pagkain yung aso mo kasi st. bernard pa naman yan. lakas niyan sa pagkain pag laki.

payo ko sayo, bili ka ng nfa rice. tapos bili ka ng sawdust, nasa P30 per kilo lang yun minsan kaya lang madalas kasi magkaubusan dito sa min kaya hassle maghanap. ginagawa ko, pinapakuluan ko yung sawdust na may kasamang may 1 - 2 tbsp na suka (para di madali mapanis) hanggang magmantika. tapos haluan mo na lang ng pinakuluang kalabasa (pag luto na durugin mo), konting atay, tsaka malunggay at oregano. tapos ilalagay ko na lang siya sa ref. nagiinit na lang ako ng konti pag magpapakain ako. yung 3 kilos na sawdust tumatagal ng 2 weeks sa 4 na aso ko.



sa carrots naman, finofood processor ko siya kasi kapag malalaki hiwa, hindi rin nila kinakain. parang baby din yan, kailangan iniistylan para mapakain ng masustansiya.
 
sawdust? as in yung sawdust ng kahoy? pwede sa aso yun? or yung giniling ng na karne? mukhang mahirap maghanap nyan dito sa area ko, b-blender ko mamaya yung carrots tsaka yung ibang gulay pati tung chicken gizzard.
 
yung giniling na karne boss. sawdust = yung mga maliliit na karne na naiiwan galing sa meat slicer at grinder. nakakabili ako sa supermarket like sa SM, robinsons or puregold. tipid kasi. pag dog food naman ang binibili ko yung Good Boy. P450 lang sa 10 kilos. Meron sa Ace Hardware at Pet Express.
 
akala ko yung sawdust ng wood,hahaha :rofl:.. sige bibili ako ngayong after lunch,nagtanong ako kanina sa pet shop 100+ daw price nila ng 1kilo :lol:.
 
haha! hindi! :rofl: mahal talaga karamihan ng dog food. pinakamura ata sa pet shop yung beef pro. Nasa P90/kilo. Pero ang binibili ko either yung Good Boy or Pet One kasi nga mura. Lalakas kasi kumain ng mga aso ko kaya tipid tipid din. buti na lang talaga hindi sila maarte sa pagkain. :lol:
 
ang malas yung aso ko biglang nilagnat. anong ginagawa mo pag may lagnat aso mo? masigla pa yung aso ko nung umaga e tapos nung tanghali ayaw nya na kumain tas panay tulog na. kinuha ko temp nya 39degrees sya.. ngayon minomonitor ko temp nya. bumili ako ng syringe tas pinapainom ko sya ng tubig.
 
pinapainom ko ng tubig na may mondex tsaka chicken broth na may sage. tapos pinupunasan ko ng malamig yung tenga tsaka paws tapos itatapat ko sa electric fan para makatulong bumaba temp niya. minsan pinapakain ko ng ice cubes. ang importante, hydrated siya lagi so just make sure umiinom siya. kapag more than 24 hours na lagnat at hindi bumababa, saka ko dinadala sa vet.
 
Back
Top Bottom