Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem "Litanya Sa Gitna ng Corona"

"Litanya Sa Gitna ng Corona"

Lumubog na muli ang araw ngunit wala pa ring dumadating.
Namamaluktot sa isang sulok na parang ligaw na kuting.
Binibilang ang mga segundong pumapatak sa basag na orasan.
Habang ang lumbay sa aking mukha ay banayad na pinunasan.

Meron bang nakalaan para sa tulad kong isang malaking talunan.
Hirap lunukin ang malupit na kapalaran para bang nabubulunan.
Ang pagkakataon ay tila nanunuya sa mga pangyayaring di inaasahan.
Nanuyo na ang mata sa pagluha nagaabang sa aking pagtahan.

Naubos na ang panaginip ko sa kakaidlip upang ang oras ay bumilis.
Ang kalungkutang bumabalot sa aking pagkatao ay di ko na matiis.
Saan ba hahagilapin ang mailap na pagmamahal na inaasam.
Pakiramdam ko wala ng dalaga lahat ay kanilang sinamsam.

Larawan kong pwedeng ipanakot sa daga ay usog na hindi maalis.
Kapag ako'y parating na, mga dilag ay nagpupulasan ng mabilis.
Kung makikilala lang niya ako ng lubusan higit pa sa panlabas na kaanyuan.
At tatanggapin ako, kahit gaano man kalayo ang aming mga katayuan.

Naiinip ng lubusan at sabik na sabik ng makadama ng isang yakap.
Namamalimos na lamang sa lansangan ng isang butil ng paglingap.
Ngayon ay ang bukas ng kahapon, bakit parang walang nagbago?
Kahit anong ngiti ang gawin, bakit ang sakit ay hindi na maitago?
 
Back
Top Bottom