Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Looking for opinion (IT here)

caramia

Recruit
Basic Member
Messages
2
Reaction score
0
Points
16
Hi, napansin ko kasi maraming IT dito at may mga nabasa akong forum na marami ritong successful IT. Hihingi lang sana ako ng advice 23yrs old na ako (Female) mag-4yrs ng Computer Programmer. Actually nag-iisa lang akong programmer ako ang gumagawa ng in-house program like information system, inventory system. More on visual basic 6.0 ginagamit nila rito since old OS pa halos ng workstations. Gumagamit rin ng Crystal Reports for reporting at SQL Server for database.
Eto problema ko;

Una maliit lang sahod ko, dami ko kasi nababasa na mga programmer na umaabot ng 30k+ sahod nila(18k lang sahod ko).

Pangalawa parang hindi na ako naggogrow, wala man lang free training and certifications. Pakiramdam ko napakabasic lang ng alam ko sa larangan ng programming(Pero marami na akong nabuong system na currently ginagamit nila using VB6).

Pangatlo pag lumabas ako at nag-apply sa ibang malalaking company pakiramdam ko hindi ko pwede gamitin yung experience ko as programmer. Feeling ko kasi kung itatapat ako sa ibang programmer kulelat ako. Pakiramdam ko kasi napakabasic ng alam kong programming language.

Kung lilipat ako ng work siguro not related na sa programming.

Actually hindi ito yung first job ko pero dito ako tumagal. 1st and 2nd job ko sa BPO.

Naisip ko magturo nalang kumuha ng units sa educ. BSIT course ko, pero wala naman ako idea saan magsisimula.(Paano po ba?)nagsearch ako online wala ako makitang sagot.

CSC Professional Second Eligibilty Exam Passer ako, naisip ko rin magwork nalang rin sa government.

Ano ba yung mga murang trainings at certificated na pwede ko I-earn? related sa career ko.

Pasensya na gulong gulo talaga ako. Nawawalan na ako ng kumpyansa sa sarili ko. Samantalang honor student ako nung nag-grad sa college.

Ano ba gagawin ko?
 
Una maliit lang sahod ko, dami ko kasi nababasa na mga programmer na umaabot ng 30k+ sahod nila(18k lang sahod ko).
- work your way up if gusto mo makuha yung sahod na pinapangarap mo.

Pangalawa parang hindi na ako naggogrow, wala man lang free training and certifications. Pakiramdam ko napakabasic lang ng alam ko sa larangan ng programming(Pero marami na akong nabuong system na currently ginagamit nila using VB6).
- kung feeling mong hindi ka na nag-go-grow then leave, wag mo hintayin na magsisi ka sa huli. :)

Pangatlo pag lumabas ako at nag-apply sa ibang malalaking company pakiramdam ko hindi ko pwede gamitin yung experience ko as programmer. Feeling ko kasi kung itatapat ako sa ibang programmer kulelat ako. Pakiramdam ko kasi napakabasic ng alam kong programming language.
- connected to sa taas na question, try mo mag apply sa iba (kahit hindi sa malalaking company) and wag na wag mo icocompare skillset mo sa iba, dapat lagi mong isipin na magaling ka kasi kung iisipin mo na kulelat ka bababa self esteem mo, wag ka din magfocus sa isang programming language. Upgrade, vb.net? php? php framework? js framework? madali naman makausunod since nasa digital age na tayo ng technology, online, youtube videos, may mga community din like mobilarian for you to learn these kinds of stuff. Yun e kung gusto mo pa talaga sa field ng programming.

Kung lilipat ako ng work siguro not related na sa programming.

Actually hindi ito yung first job ko pero dito ako tumagal. 1st and 2nd job ko sa BPO.

Naisip ko magturo nalang kumuha ng units sa educ. BSIT course ko, pero wala naman ako idea saan magsisimula.(Paano po ba?)nagsearch ako online wala ako makitang sagot.
- clear your head, ano ba talaga path na gusto mo? regarding sa educ ang alam ko may specific na subject ka lang na pwede ituro since BSIT ka tapos kukuha ka ng units and dapat mong tapusin yun. Kung mag prof ka naman sa university pwede naman pero dapat may MD ka, pwede namang habang nagtuturo pumapasok ka MD subjects mo.

CSC Professional Second Eligibilty Exam Passer ako, naisip ko rin magwork nalang rin sa government.
- as i've said sa taas, clear your head. :)

Ano ba yung mga murang trainings at certificated na pwede ko I-earn? related sa career ko.
- since nasa programming ka na you can take exam sa tesda? siguro? may certification din ang udemy upon finishing yung mga tutorials pero i doubt na hindi siya kinoconsider as certification, pero ako as front end developer hindi ko naman iniisip ang certifications, i have the right skillset naman kasi :) I worked din pala sa Product Management and I learned na may ITIL ceritification pala w/c i have (IT for business) hindi naman siya need pero mas lalawak ang knowledge mo if meron ka nun, medyo pricey nga lang talaga tho international naman siya. Malawak ang field ng IT, honestly. Networking - andiyang ang cisco :)

Sana makatulong mga comments ko. Pero please clear your head first, 23 ka palang marami ka pa matututunan, hindi lang sa pag hone ng skills mo pati nadin sa life goals. Pag isipan mo mabuti kung ano ba talaga gusto mo kasi sa huli para sayo din naman yan, sa future mo, set your goals ba. :)
 
- hindi pa huli ang lahat kapatid.. ako nga 30 years old na ako.. pero nag seself study ako, ang routine ko nalang everyday, pasok sa trabaho, pag uwi NAG-AARAL.. nag iisa lang akong IT dito sa company namin, feeling ko hindi na rin ako nag go-grow, pero may Goal ako.. This year mag boboot camp ako at mag take ako ng exam ng cisco.

Search mo Billy Ramirez and Mnet Solutions sa facebook, baka makatulong sayo.

https://www.ccnaphilippines.com/masterclass/

tagalog lessons.

https://www.ccnaphilippines.com/
 
Last edited:
Related to certifications, Kung maisip mo man lumipat ng ibang magandang company at magandang offer, comply with their requirements na certification(Pampalakas yan). Always remember HR ang sumasala sa mga applicant, wala sila idea sa field natin kaya the more na sumakto sa qualifications nila yung hinahanap, malaki chance na makapasok. Isa kasi sa pinakamahalaga ang Certifications, actually Vendor Specific Certifications. Sa mga basic certification for sure meron ka na nun from your school.

Wag mo din ikatakot na VB6.0 lang alam mo actually they don't look into that, they will look at your Certification(Because it's important). Kailangan mo nga lang ng investment para sa mga Certifications. Pero ako na nagsasabi sayo hindi ka magsisi sa magagastos mo.
 
Last edited:
IMO: i think it is non work related.. i think it is you related.. i think wala kang life.. meron ba? hobbies? eto nalang.. find yourself.. hanapin mo sarili mo.. kung anu ba gusto mong ginagawa na kahit paulit ulit mong gawin eh nagbibigay pa rin ito ng ngiti sa muka mo.. parang rice.. kahit ilang beses nating kainin eh hinahanap hanap pa rin natin sa tuwing kakain na.. eh kung sa totoo lng matabang lng ung rice.. pero bakit ganun..

so i am saying is.. it is just a matter of you.. it is never about confidence.. may confidence ka naman.. hindi mo lang alam na meron.. anyway.. i hope i made sense.. and i hope you find your way..
 
Ano ba bisyo mo?

Go for what you want! Set your Goals.

Di pa huli ang lahat. Pero bitawan mo kapag di ka na mahal :D

Certifications pwede ka mag invest jan. More knowledge on your field? Mag aral ka ulit self study after work or while working kasi IT ka naman na may freetime ka din para maghanap ng taong aaruga sayo <3 hahaha.

Anyways, keep up your good work. Base sa mga sinabi mo at kwento mo, may sikap ka sa buhay . Kaya mo yan!
 
Alamin mo muna ang gusto mo kasi lahat naman nagsisimula sa maliit na sahod talaga so unahin mong isipin ano bang gusto mong path, then pwede ka mag self-study try mo manood ng videos and magbasa ng ebooks para may idea kay before ka mag take ng mga certifications na gusto mo. Pwede mo rin naman sabihin sa interview mo if ever lilipat ka na may idea ka and willing kang matuto, di naman kelangan alam mo agad gawin.
 
Unang-una, alamin mo muna sa sarili mo kung ano ba talaga yung gusto mo, yung goals mo. Set goals and ayun ang i-target mo, sa experience and knowledge wag mo icompare sa iba ang skills mo kasi lahat tayo magkakaiba ng skills. Wag mo ibaba ang sarili mo dahil yung programming language na alam mo is di na masyadong ginagamit, kumabaga ay obsolete na sa ibang industry, aral ka lang ng vb.net/c#.net halos same din sya sa VB 6.0.

Actually ako dati ay VB 6.0 din lang alam ko then way back 2015, nag self study ako for VB.Net, try mo mag aral ng iba pa programming, basta alam mo how the program works and logic ng isang program madali na yan, syntax na lang problemahin mo.

Halos same tayo ng experience, I've been a Programmer/IT Administrator sa isang company and nag iisang IT dito sa current job ko, I've developed in house system for the company like HR Information System including (Payroll, Attendance integrated with Biometric Scanner, Employee 201 File), Barcode System for barcode scanning and printing, ako din nag set up ng server, network, web server, endpoint, and software licensing ng company, I've also work as a freelance developer. All of these ay puro self study, yung free time mo sa company gamitin mo para mag self study, for you to grow.

Piece of advice if gusto mo magturo, be ready sa mga studyante na mapanubog at pasaway, mga studyanteng babagsakin ang grades at di napasok sa klase tapos magmamakaawa sayo na ipasa mo sila at the end of the semester. Masarap ang magturo sa totoo lang, kasi ako ay nagturo din before as IT Instructor sa isang State Univeristy for almost 2 years, teaching(SAD,Algorithm,Programming), kaso keep in mind na kapag pinili mo ang teaching profession, napakahirap magpataas ng Salary kasi naka fixed ang salary ng mga professor/teacher unlike kapag nasa field ka after 5 years pwede ka na magdemand ng sahod mo.

Resigned na ko dito sa company where I worked as IT Admin/Programmer(currently rendering 1 month turn over, sana may mahire na ko) , kasi na hit ko na yung target ko na position sa ibang company (Software Engineer) after 5 years and after 5 tries(fail), nahired ako sa isang company at above expectation pa yung naging offer sakin, and ang nagdala sakin ay yung naging hobby ko to develop IoT Projects.

Kung gusto mo makuha yung target salary mo, wag mo istock knowledge mo, continuous learning lang para mag grow ka.

For certification, try mo ang CSS NC2, JITSE (IP) Certification, (Comptia, MCP, CCNA, ITIL are common certifications na hinahanap sa IT Field)
 
- work your way up if gusto mo makuha yung sahod na pinapangarap mo.
HeHe.. Pasensya na gulong gulo lang talaga pero tama ka kailangan kong alamin yung goals ko. Salamat sa paglaan ng oras upang magbigyan ng opinion sa mga problema ko. Ang hirap kasi pag nag-iisang programmer ka sa company walang makausap wala matanungan kaya siguro napraning na ako hehehe

- - - Updated - - -

- hindi pa huli ang lahat kapatid.. ako nga 30 years old na ako.. pero nag seself study ako, ang routine ko nalang everyday, pasok sa trabaho, pag uwi NAG-AARAL.. nag iisa lang akong IT dito sa company namin, feeling ko hindi na rin ako nag go-grow, pero may Goal ako.. This year mag boboot camp ako at mag take ako ng exam ng cisco.

Search mo Billy Ramirez and Mnet Solutions sa facebook, baka makatulong sayo.

https://www.ccnaphilippines.com/masterclass/

tagalog lessons.

https://www.ccnaphilippines.com/

Thanks sa tips at links malaking tulong :) sinusubukan ko narin magself study nawawala lang sa focus minsan. hehe

- - - Updated - - -

Related to certifications, Kung maisip mo man lumipat ng ibang magandang company at magandang offer, comply with their requirements na certification(Pampalakas yan). Always remember HR ang sumasala sa mga applicant, wala sila idea sa field natin kaya the more na sumakto sa qualifications nila yung hinahanap, malaki chance na makapasok. Isa kasi sa pinakamahalaga ang Certifications, actually Vendor Specific Certifications. Sa mga basic certification for sure meron ka na nun from your school.

Wag mo din ikatakot na VB6.0 lang alam mo actually they don't look into that, they will look at your Certification(Because it's important). Kailangan mo nga lang ng investment para sa mga Certifications. Pero ako na nagsasabi sayo hindi ka magsisi sa magagastos mo.

yun na nga iniisip ko eh nagtry kasi ako tumingin tingin sa jobstreet ng vacant positions related sa programming karaniwan may mga certifications silang nirerequire nagsearch naman ako medyo pricey at d ko alam kung akma ba sa akin..

- - - Updated - - -

- hindi pa huli ang lahat kapatid.. ako nga 30 years old na ako.. pero nag seself study ako, ang routine ko nalang everyday, pasok sa trabaho, pag uwi NAG-AARAL.. nag iisa lang akong IT dito sa company namin, feeling ko hindi na rin ako nag go-grow, pero may Goal ako.. This year mag boboot camp ako at mag take ako ng exam ng cisco.

Search mo Billy Ramirez and Mnet Solutions sa facebook, baka makatulong sayo.

https://www.ccnaphilippines.com/masterclass/

tagalog lessons.

https://www.ccnaphilippines.com/

Thanks sa tips at links malaking tulong :) sinusubukan ko narin magself study nawawala lang sa focus minsan. hehe

- - - Updated - - -

IMO: i think it is non work related.. i think it is you related.. i think wala kang life.. meron ba? hobbies? eto nalang.. find yourself.. hanapin mo sarili mo.. kung anu ba gusto mong ginagawa na kahit paulit ulit mong gawin eh nagbibigay pa rin ito ng ngiti sa muka mo.. parang rice.. kahit ilang beses nating kainin eh hinahanap hanap pa rin natin sa tuwing kakain na.. eh kung sa totoo lng matabang lng ung rice.. pero bakit ganun..

so i am saying is.. it is just a matter of you.. it is never about confidence.. may confidence ka naman.. hindi mo lang alam na meron.. anyway.. i hope i made sense.. and i hope you find your way..

siguro nga wala akong life hehe pati hilig ko d ko ma-identify eh.. madalas ko lang gawin magbrowse sa net magresearch ...

- - - Updated - - -

Alamin mo muna ang gusto mo kasi lahat naman nagsisimula sa maliit na sahod talaga so unahin mong isipin ano bang gusto mong path, then pwede ka mag self-study try mo manood ng videos and magbasa ng ebooks para may idea kay before ka mag take ng mga certifications na gusto mo. Pwede mo rin naman sabihin sa interview mo if ever lilipat ka na may idea ka and willing kang matuto, di naman kelangan alam mo agad gawin.

Yan nga po ang problema ko hindi ko alam yung path na pupuntahan ko hehehe

- - - Updated - - -

Unang-una, alamin mo muna sa sarili mo kung ano ba talaga yung gusto mo, yung goals mo. Set goals and ayun ang i-target mo, sa experience and knowledge wag mo icompare sa iba ang skills mo kasi lahat tayo magkakaiba ng skills. Wag mo ibaba ang sarili mo dahil yung programming language na alam mo is di na masyadong ginagamit, kumabaga ay obsolete na sa ibang industry, aral ka lang ng vb.net/c#.net halos same din sya sa VB 6.0.

Actually ako dati ay VB 6.0 din lang alam ko then way back 2015, nag self study ako for VB.Net, try mo mag aral ng iba pa programming, basta alam mo how the program works and logic ng isang program madali na yan, syntax na lang problemahin mo.

Halos same tayo ng experience, I've been a Programmer/IT Administrator sa isang company and nag iisang IT dito sa current job ko, I've developed in house system for the company like HR Information System including (Payroll, Attendance integrated with Biometric Scanner, Employee 201 File), Barcode System for barcode scanning and printing, ako din nag set up ng server, network, web server, endpoint, and software licensing ng company, I've also work as a freelance developer. All of these ay puro self study, yung free time mo sa company gamitin mo para mag self study, for you to grow.

Piece of advice if gusto mo magturo, be ready sa mga studyante na mapanubog at pasaway, mga studyanteng babagsakin ang grades at di napasok sa klase tapos magmamakaawa sayo na ipasa mo sila at the end of the semester. Masarap ang magturo sa totoo lang, kasi ako ay nagturo din before as IT Instructor sa isang State Univeristy for almost 2 years, teaching(SAD,Algorithm,Programming), kaso keep in mind na kapag pinili mo ang teaching profession, napakahirap magpataas ng Salary kasi naka fixed ang salary ng mga professor/teacher unlike kapag nasa field ka after 5 years pwede ka na magdemand ng sahod mo.

Resigned na ko dito sa company where I worked as IT Admin/Programmer(currently rendering 1 month turn over, sana may mahire na ko) , kasi na hit ko na yung target ko na position sa ibang company (Software Engineer) after 5 years and after 5 tries(fail), nahired ako sa isang company at above expectation pa yung naging offer sakin, and ang nagdala sakin ay yung naging hobby ko to develop IoT Projects.

Kung gusto mo makuha yung target salary mo, wag mo istock knowledge mo, continuous learning lang para mag grow ka.

For certification, try mo ang CSS NC2, JITSE (IP) Certification, (Comptia, MCP, CCNA, ITIL are common certifications na hinahanap sa IT Field)

Sinabi rin ng prof ko yan dati na wag na akong magtangkang magturo maliban sa maliit ang sahod delay pa.. Tama ka yung free time ko gagamitin ko para magselfstudy. Siguro need ko muna magpaabot ng 5yrs 1more years para magself study bago ako tuluyang lumipat pag sa tingin ko handa na ako :)
 
Last edited:
worry no more. simple lang kelangan mong gawin. aral ka maging devops, kung kaya mo afford online training sa udemy start ka sa AWS. research ka about devops, cloud automation, containers, etc.. pasok na pasok ang skillset mo dyan. then kung kaya parin afford, take ka certifications. para may competitive edge ka kapag nag apply ka kahit wala ka masyado experience, and hopefully makadagit ka dyan sa pinas ng 6digit, if not, atleast almost, if di parin, atleast double ng kinikita mo ngayon. good luck.
 
Hi po....

if your interested, go to www.DICT.gov.ph and take an Exam....

don't need to be an I. T. Graduate, if you passed the Exam then you may have the opportunity to get hired in Government...

salary may give you on National Government may cost 40k to 50k
 
pareho tayo ganyan din ako sayo after kong gumraguate nagtrabaho ako ng ganyan sayo.. ang maipapayo ko sayo wag kang makuntento kung ano lang ang natutunan mo sa school. try to explore like notworks. EXPLORE IS BETTER THAN KNOWLEDGE, pagaralan mo cisco kapag nakapasa ka sa exam or naging certified ccna ka pwede kang magdemand ng sahod 80k up hehehe
 
apply ka sa HP or accenture...
maganda ang starting nila, nasa 20k something starting, worth it ang pagpasok
 
isa lang masasabi ko sayu
basahin mo yung dapat basahin at kung nahihirapan kapa sa ibang HTML code nandyan si BLOGSPOT
basa lang mga explore ka hindi yung hihintayin mo pa ipasubo sayu kasi ang pag kakataon minsan pilitin mo man sayu kung sayu pag hindi eh di hindi hahahha

ang computer parang puno yan uu nakita mo na ang puno yun ang computer programmer eh tingnan mo ang ugat ng puno db ang dami yan ang hanapin mo basa lang hanggang mag sawa.
 
Maswerte ka at 23 yrs old ka pa lang ay programmer na. Ako first job ko IT staff taga ayos ng pc and printer. Gustong gusto ko noon pumasok sa programming world kaso natakot ako hanggang nag 3yrs ako sa company na minimum lang ang sahod. Pero habang nasa company ako noon nag self study ako. Kapag may free time ako ginagamit ko yun para mag aral. Then after nun naglakas loob ako mag apply sa iba kahit di ako confident sa skills ko at pinalad nman ako matanggap. Dun na nagsimula na mag job hopping ako kasi kada resign ko sa company tumataas ang demand ko. Ngayon naka 4 na company na ako as programmer at masayang masaya ako sa benefits na nakukuha ko. Next year plano ko mag resign at maghanap ng mas malaki.
 
Last edited:
dude, mag apply ka sa mga online freelancing platform, kadalasan ng mga clients mo dun mga foreigner, try mo sumali sa online filipino freelancer na group sa Facebook, marami sila matutulong sa iyo

Hi Ma'am.

Practical advice is try mo mag part-time muna. Maraming online jobs na pwede part-time or full time kung hindi conflict sa current schedule ng day job mo. That way mag kaka experience ka without much risk. Nakaka pagod nga lang. Dati ako office-based 1PM-10PM pero sa umaga 4 hours na part-time PHP programming sa bahay lang.
Meron naman tumataggap ng entry level, pwede ka mag simula diyan kung hindi ka pa confident. Pwede mag study ka muna tapos try mo muna gumawa ng full na app/web. Download ka lang ng torrents sa mga video tutorials or ebooks para sa basics haha :D. Try mo ibuild-up yung resume at portfolio mo.
 
Mag-advise ako mamaya. Haha.
I feel your sentiments.
 
i feel you sir nagiisa lang din ako it dito wala ako kapalitan ng idea and knowledge want ko narin magresign this year

- - - Updated - - -

need ba ng civil service passer jan sir?
 
Back
Top Bottom