Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

LOptop Battery TanGAlin o hinde...?

jongky

Apprentice
Advanced Member
Messages
96
Reaction score
0
Points
26
mga boss, ganito kasi yan eh.. marami kasi akong nakikita na kapag nakasaksak ang loptop nakatangal o tinatangal nila ang battery.. ok lang ba yun...?:):):)
 
yes sir tama lang po iyon dapat po tanggalin ang battery ng laptop kung matagal mo itong gagamitin para tumagal ang buhay ng battery ng laptop mo

kasi kung lagi nakalagay yan habang ginagamit mo is pwedeng lagi sya na oovercharged.
 
ah.. pero pano kung mag brwn-out o mawalan nag koryente.. di ba masisira ang mga parts nang loptop at ang OS... ?
 
ah.. pero pano kung mag brwn-out o mawalan nag koryente.. di ba masisira ang mga parts nang loptop at ang OS... ?


depende kung ano po yung ginagawa mo sa laptop bago mag brown out or mawalan ng kuryente pag nagcocopy ka ng files or nag mumulti task ka malamang masisira yung hardisk mo pag nawalan ng kuryente
 
yes sir tama lang po iyon dapat po tanggalin ang battery ng laptop kung matagal mo itong gagamitin para tumagal ang buhay ng battery ng laptop mo

kasi kung lagi nakalagay yan habang ginagamit mo is pwedeng lagi sya na oovercharged.

i beg to differ.

laptop din gamit ko at simula nung bilihin ko ito ni minsan hindi ko tinanggal ang battery. it's been more than three years na gamit ko ito and i rarely unplug it from the wall socket. yes almost all throughout it's usage ay palagi syang nakasaksak. sa ngayon i can still use it on batteries 2 to 3 hours browsing the net at full charge.
 
mga boss, ganito kasi yan eh.. marami kasi akong nakikita na kapag nakasaksak ang loptop nakatangal o tinatangal nila ang battery.. ok lang ba yun...?:):):)

pre pagstationary un laptop mo mas maganda nakatanggal iwas overheat na rin at overcharge.
 
Dipende sa laptop mo TS. kasi karamihan ng laptop ngayon eh may auto disabled ang charge pag full charge na tulad nung laptopo ko dell inspiron 3521 nagiging desktop mode sya ibig sabihin ung battery ko ay backup na at ang ginagamit na power source eh ung nakainput skanya , Mas maganda kung hindi tinatanggal ang battery kasi kung may ginagawa ka na at malakas ang gamit ng hard disk at memory , at biglang nag brownout yari, mas madalas nasisira ang hard disk non bigla kasing natigil at wlang power, and not properly shutdown nagiging dahilan para macorrupt ung windows mo or ung mga files mo. But its up to you.
 
depende kung ano po yung ginagawa mo sa laptop bago mag brown out or mawalan ng kuryente pag nagcocopy ka ng files or nag mumulti task ka malamang masisira yung hardisk mo pag nawalan ng kuryente

Tama ito, mas mataas ang chance na mag corrupt ang files mo pag super busy ang HDD sa pag read/write ng data, tapos biglang nawala yung power.

i beg to differ.

laptop din gamit ko at simula nung bilihin ko ito ni minsan hindi ko tinanggal ang battery. it's been more than three years na gamit ko ito and i rarely unplug it from the wall socket. yes almost all throughout it's usage ay palagi syang nakasaksak. sa ngayon i can still use it on batteries 2 to 3 hours browsing the net at full charge.

Ganito ang Case nyan... since hindi naman CPU intensive ang pag bro-browse/surf the net.. mas mababa ang pag generate ng heat sa loob ng laptop mo.. so iwas ng KAUNTI yung battery sa init.. Tandaan.. ANG KALABAN NG BATTERY IS YUNG INIT (Heat).

In addition sa heat generation, naka depende rin ito sa brand ng laptop, bakit? kasi may mga ibang laptop na kaya i minimize yung CPU Power nila para iwas init while yung other naman todo FULL PERFORMANCE ang CPU. Depende rin ito sa mga application na ininstall ng user, maaring may mga application na running in background na cpu intensive like Antivirus doing background scan.. torrent. etc.. not to mention baka may virus pa sa laptop nya na hindi nya alam.

pre pagstationary un laptop mo mas maganda nakatanggal iwas overheat na rin at overcharge.

Tama rin ito..

Dipende sa laptop mo TS. kasi karamihan ng laptop ngayon eh may auto disabled ang charge pag full charge na tulad nung laptopo ko dell inspiron 3521 nagiging desktop mode sya ibig sabihin ung battery ko ay backup na at ang ginagamit na power source eh ung nakainput skanya

Lahat ng Laptop ganyan :D


Mas maganda kung hindi tinatanggal ang battery kasi kung may ginagawa ka na at malakas ang gamit ng hard disk at memory , at biglang nag brownout yari, mas madalas nasisira ang hard disk non bigla kasing natigil at wlang power, and not properly shutdown nagiging dahilan para macorrupt ung windows mo or ung mga files mo. But its up to you.

Tama rin ito.


CONCLUSION :

When to Put the battery :


Kung browsing lang, type type sa microsoft word or office application, or other application na hindi naman CPU intensive.. mas ok na ilagay mo na lang yung battery mo. (Take note: Kung sa tingin mo.. hindi naman umiinit yung laptop mo while doing that)

When not to Put the battery:

Eto ah.. kung hindi naman madalas ang brownout sa lugar nyo... tapos nag gagaming ka madalas, youtube pa! (flash player kasi cpu intensive yan), tapos mga ibang application na super CPU Intensive like Video Editing software, multiple application, Encoding/decoding/converting videos.. Playing HD Movies (720p or 1080p). Mas ok na wag mo nang ilagay yung battery mo. tandaan.. ANG KALABAN NG BATTERY ay ANG INIT! (Heat)

When to STORE the battery?

Kunwari.. sure ka naman hindi mag brobrownout.. tapos mag gagame ka na.. or i full performace mo na laptop mo.. ganito gawin mo:

1. I- Charge mo yung battery mo up to 40%
2. Tanggalin mo ang Battery mo
3. Store mo na sa malamig na lugar yung battery and switch to Adaptor ka na sa laptop.

How to PROLONG the Battery Life?

1. Kung i sstore mo na ang battery mo, dapat naka 40% charged sya!, yan ang ideal talaga sa mga Lithium Ion Type na battery.. wag na wag mong i sstore ang battery mo na may full 100% charge!, yan ang kadalasang maling gawain ng iba, mas mataas ang chance na bumaba ang battery life pag ganun)
Refer to this image, more on that @ www.batteryuniversity.com
1sHx5frFNc1pnIuG0LRDAxN8rt7HZ.jpg

See the table above? Kung always 25 degree celcius ang temperature ng battery mo.. @ 40% charge (battery not in use ah..) 96% pa ang life nya.. pero kung inistore mo ng 100%.. 80% na lang ang life span nya..

So ang the best talaga.. i store sya sa almost 0 degree celcius with 40% charge..so 98% pa life nya for 3 months and so on.. parang bago lang :D
Kaya mapapansin mo.. yung iba nilalagay nila sa ref (wag sa freezer ah) basta naka takip ng maigi yung mga copper pins nya para hindi masira and iwas moist na rin
2. Then, once a month.. dapat i deplete mo to 0% ang charge ang battery mo.
3. Kalaban ng Battery ang Init, so wag mong hayaang maka absorb ng init ang battery (from laptop heat, or kung saan pa man)
4. Install "BatteryCare" application.. makikit amo lahat ng details ng battery mo jan.. life span, designed capacity, current capacity.. Wear level percent.. etc.. very useful talaga yan..
 
Last edited:
sir alam ko select laptop lang ng sony ang may battery care... pero may mga manufacturer din na naglalagay ng ganyang feature sa laptop.. ang ginagawa ng battery care eh iseset nya kunyari sa 80% lang yung charge ng battery.. di yung 100% talaga.. pwede din iset sa 50% ang charge ng battery para mas lalong tumagal ang buhay ng battery...

pero sa msi laptop ko tinatanggal ko nalang yung battery...every month ko nalang sinasaksak tapos discharge and then charge uli... 1yr na din laptop ko kaya pa din hanggang 5hrs na moderate use..i7 pa yan hehehe
 
Asus po laptop ko.. and fully working ang batterycare.. since inauupdate nila yung program every so often.. nag work din sya sa acer laptop and compaq :D. Kung bagong release yung laptop, mas mataas yung chance na compatible sya

batterycare.net
 
Last edited:
FYI: pwede tangalin yun battery while naka saksak sa outlet yun kung matagalan na pag gamit.
kaso kapag meron malakas na kuryente papasok. BOOM! sira laptop parts mo sa ilalim.
Dapat gawin... saksak nyo o gamit kayo ng AVR. kapag meron malakas na kuryente
papasok AVR FUSE lang yun susunugin hindi ma apektohan yun laptop. kung meron
UPS mas recommended. GOODLUCK!!!
 
Thankyou mga master na nag share nang idea... balak ko kasi bumili nang loptop... ngayon may idea na ako na dapat tanungin ko muna ang nagtitinda kung may support nang battery care ang loptop.. tas susubukan ko yung suggestion ni master daryllrab8 na batterycare.net

:salute:
 
Sakin lang ha, depende naman sa'yo yan kung anong mas gusto mong i-risk, given na may 'unexpected' events like brownouts or so.

Kung tatanggalin mo, niririsk mo yung HD. Kung hinde, niririsk mo yung battery. Wala namang 'perfect' na gawang laptop, nasa alaga lang talaga.
 
mas mganda nkalagay.kse kpg my power surge mas malala un damage na mangyayare sa laptop mo.basta cguraduhin mo lang 100% na un battery bago gamitin.hinde nman basta2 masisira yan.iwasan lang sobrang init.
 
ako tinatanggal ko yun battery sa windows laptop kung nasa house lang. bagu tanggalin, yun voltage nya nasa range ng 30-35 %. lagay sa plastic tapos lagay sa fridge.
kapag mobile na ang laptop, tanggalin sa fridge, hayaan ko muna mga 2-3 hrs na room temperature, tapos ibalik na sa laptop.

pero yun macbook pro, lagi naka lagay ang battery. charge-discharge ang ginagawa ko (isaksak ang charger pag below 15%, pag na charge na, tanggalin ang charger). mobile kasi ang MBP, lagi ko dala.
 
Last edited:
best option bili ka UPS pra kahit tanggal battery mo may power pa rin ang laptop mo pag ngbrown out. gagastos ka nga lng.
 
Back
Top Bottom