Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Mag fifithyear sa kolehiyo

kabayo000

Novice
Advanced Member
Messages
20
Reaction score
0
Points
26
Guys, alam kong hindi to masyado big deal pero di ko maiwasang madepress na mag fififthyear paako. Tanggap ko naman pagkakamali ko. Actually di sana ako aabot ng ganito kung hindi lang ako nag procastinate na icomply yung isa kong 4.0 na subject. Di ko nalang napansin na nagexpire na pala for complying my subject so kelangan ko iretake next year. Nadedepress lang ako kasi di ko makakasabay sa pag graduate yung mga barkada ko at mga classmates ko. Haysss. So bale next year isang subject at OJT lang itatake ko. Sa mga may pinagdaanan diyan katulad sa sitwasyon ko, pano niyo naovercome? Salamat :D

Updated as of October 20, 2019 8:27 AM : Salamat pala sa mga comments niyo at advice :D Malaking tulong sa akin. 1 year na pala tong post ko hahah time flies nga naman. So currently, nag OOJT pa ako ngayon. 486 hours yung kelangan namin ma render. 250 hours na yung na render ko so bale by the end of November tapos ko na to hahah. Medyo naninibago lang ako ngayon kasi yung co-interns ko is hindi ko kabatch pero nasasanay naman ako hahah. Update ako ulit sa thread na to once matapos ko yung OJT at grumaduate naako :D Salamat sa inyo. God bless and advanced merry christmas.

Di ako makapaniwala na bumalik yung symbianize at naisip kong balikan tong thread. Gusto ko lang sabihin na GRADUATE NA AKO!!! 💖💖 Salamat sa mga nag encourage saakin.
 
Last edited:
Ako nga 6.5 years na ako sa college (Electronics Engineering course ko) at sa kabutihang palad gagraduate na siguro ako ngayong January, pero patuloy lang TS. Ang importante gagraduate tayo, wag mo ng isipin kung gaano katagal natin natapos kurso natin. Di nman to karera eh, may mahuhuli at muuna talaga pero sa huli magkikita din kayo na professional na lahat. Malay mo mauuna ka pang magkatrabaho sa kanila, pero wag mo ng isipin sila ang importante ang sarili natin! GAGRADUATE TAYO!!!
 
Ok lang yan TS. Sa akin nga 5 years din ako nagcollege. Civil Engineering nga lang eh 5-year course talaga sa amin. Yung mga barkada ko nagwwork na ako nagaaral pa lang kasi iba course nila.
 
Salamat sa mga comment niyo boss. Nabawas bawasan depression ko :D
 
Okay lang yan, lesson learned ika nga hehe
yung iba nga Summa (Summampung taon) at Magna (Magna-nine years) na sa College eh HAHAHAHAHA
 
no need to be depressed tol. kasama sa buhay pag-aaral yan... di rin naman kasi natin maiwasang magkamali paminsan-minsan hehe :approve:

ako nga eh, 4-year na IT ang course ko. 2008 ako nag-start mag-college pero 2014 na 'ko gumraduate imbis na 2012. bale na-delay ng 2 years yung pag-graduate ko. 6 years ang itinagal ko haha

nagkasakit kasi ako around 2008 kaya kelangang tumigil at magpalakas for one year. tapos later on, nung thesis na namin, medyo nagkaproblema kami, daming changes na kelangang gawin kaya na-delay kami ng 1 year dahil di na kami nakaabot sa graduation date. syempre malungkot na makita yung mga barkada/ka-close mo na ahead na sayo, na napapag-iwanan ka na. pero wala eh, ganun talaga ang buhay paminsan-minsan. kelangan na lang nating tanggapin ang katotohanan. isipin mo na lang na makakatapos ka rin at makaka-move on na finally sa pag-aaral haha
 
Guys, alam kong hindi to masyado big deal pero di ko maiwasang madepress na mag fififthyear paako. Tanggap ko naman pagkakamali ko. Actually di sana ako aabot ng ganito kung hindi lang ako nag procastinate na icomply yung isa kong 4.0 na subject. Di ko nalang napansin na nagexpire na pala for complying my subject so kelangan ko iretake next year. Nadedepress lang ako kasi di ko makakasabay sa pag graduate yung mga barkada ko at mga classmates ko. Haysss. So bale next year isang subject at OJT lang itatake ko. Sa mga may pinagdaanan diyan katulad sa sitwasyon ko, pano niyo naovercome? Salamat :D

Isipin mo lang yung mga bagay na maaari mong magawa na pagkagraduate mo kahit na delayed ka ng kaunti. Kagaya ng matutulungan mo na parents mo sa mga gastusin sa inyo. Hindi ka na magiging pabigat dahil makakahanap ka na ng magandang trabaho. Ako nga eh, 2009 pa ako nag-start sa college. Hanggang ngayon hindi pa ako graduate. Tho dalawang subjects na din lang ang kailangan kong tapusin. Capstone at OJT. At ito pa, second take ko na ng Capstone ko ngayon, pero mukhang fail na naman. Saya no? Hahahaha. Pero okay na din lang kesa magpaka-depress ka kung nasa situation ka katulad ng sakin. Ire-retake ko na lang this coming sem, same project pa din naman, pero less workload na afterwards. Tuloy-tuloy lang, sir. Sabi nga nila, habang may buhay, may pag-asa. Wag mong isipin yung kesyo mauuna sila sayo gumraduate. Hindi kabawasan sa pagkatao mo yun. Magkakaiba tayo ng libro ng buhay. Hindi porket nahuli ka eh wala ka ng magandang kinabukasan. Konting-konti na lang, sir. Makakagraduate din tayo! :salute:
 
Payo lang, wag mong isipin yung mga kaibigan mo or kabarkada o classmate na nauna na silang gumradweyt/magtrabaho, use it at your own advantage. Keep in touch with them, ask them paano sila natanggap sa work, saan mas magandang mag work, at ano pangkaraniwang hinahanap na skills sa mga company, at least may time ka pa na mag extra aral nung mga kailangan talaga sa reality. Ang pag tuunan mo na lang ng pansin ngayon is mag focus sa sarili mo.
 
Wala yan sa kung sinong na unang nag graduate or nahuli. real s*** happens is ang pag hahanap ng trabaho at swerte na makakuha ng magandang position,salary at higit sa lahat gusto mo na trabaho. 5 years ako sa highschool at 10 years. yong iba pagka gradaute tambay lang din yong iba palipat lipat sa ng company. Since marami kang vacant time ts ang gawin mo enroll ka rin nga mga short courses or mga bootcamp para upgrade sa skills and knowledge mo. BTW yong mga na unang nag graduate sa akin isa sa kanila taohan ko nalang ngayon.
 
Last edited by a moderator:
Ok lang pre na madepress ka dahil 5 years ka sa college. Hwag mo na lang kalimutan yang pakiramdam na yan para hindi mo na maulit pa. Strive to be better.
 
Ok lang yan TS. Ako dati 6 years sa college. Kaibiganin mo nalang yung mga mkakasabay mo sa pag graduate. Atleast marami kang friends diba. (original batchmates and kasabayan mo maggraduate)
 
Lodi ako nga 9 years nasa college pa eh. Sabayan mo lang yung makakasabay mo. Maganda rin yung marami kang makakainuman erp. :p
 
huy wag ka madepress ang mahalaga makarating ka sa finish line :)
Ako rin actually, nadelay ako noon, pero ngayon board passer na ako, and license na ako.
Hindi ko kinakahiya na nadelay ako ng pag graduate, so what if delayed ako, or irregular ako.
Ang mahalaga, I didnt give up and I carry on. You should too bro.
on a lighter note, being irregular student means marami kang makikilala na classmates and friends, Until now yung mga nakilala ko noon when I was an irregular student, nagsilbing kaibigan as well as connection ko na and to tell you honestly yung mga batchmates ko noon na hindi nag fail sa college, pantay pantay na kami ngayon when it comes to work. We’re good colleagues. Never nila ni rub sa face ko na delayed ako back then coz they know pare parehas naman kami nakatapos at professionals na.

Wala yan sa grades bro, or sa kung kelan ka natapos mag aral ang mahalaga nakatapos ka at ikaw, makakatapos ka, just believe in yourself and treat it as a challenge. Dont lose hope.

How did I go about it?

Ayun mas lalo akong nagsumikap mag aral ng mabuti, Ginawa ko nalang positive ang lahat instead na mag dwell on the negativity, I made friends. Lotsa friends. I didnt quit and mas lalo ko na appreciate ang mag aral ng mabuti dahil sa kagustuhan ko na maka graduate na.
 
Last edited:
Buti ka pa nga. 5 Years lang lol ako nga 2009 nag simula mag college due to financial at death sa family tumigil ako nag ka anak tapos ngayon nag tutuloy 2nd year palang ako anong taon na ba ngayon 2019 almost 10years na di pa ako graduate.. Kaya wala kang dapat ikadepress dyan bro.. Mas pinagpala kapa kesa sa amin at sa marami pa.
 
Last edited:
wag ka malungkot TS kung mahuhuli ka sa pag-graduate. di naman yun ang mahalaga e, basta maka-graduate ka yun yung pinaka dapat iniisip mo. madami ngang iba na hindi na nakapagtapos kahit na gusto nila e, kaya you should still feel blessed dahil binigay sayo ang opportunity na makagraduate :thumbsup:
 
Wag ka malungkot TS. Ako 6 years. Naghanap agad ako ng work ng malaman kong di ako gagraduate kasi alam kong marami akong free time. I used that free time to self-study and learn more skills na magagamit sa tunay na buhay. May dahilan kung bakit ka nadadapa pero gamitin mo yun para lumakas ka para sa kinabukasan. Eto isa na akong software engineer sa isang startup. Though mahirap ang tinahak kong landas at naiinggit ako sa mga dapat na kasabay kong mga batchmates, okay lang. Ang mahalaga nakapagtapos ako dahil marami ang hindi nabibigyan ng opportunity na makapagaral. Mas lamang ka pa sa iba na hindi man lang nakatungtong ng paaralan. Always see the good in things. Wish you luck pare. Kaya mo yan :)
 
Ako 6 years na rin sa college, Computer engineering. Na depressed din ako nung nalaman kong na probationary ako ulit (pang 4 na) kasi pag naka 3 kang probi it means ma k'kick out kana sa school. Pero nag try parin ako at sinubukan na mag apply for reconsideration at sa kabutihang palad pumayag naman sila. Yung mga klasmate ko lang noon prof na ngayon. pero ayun lang stay positive nalang. G'graduate na ako ngayong december yipiiii

ps. parang karamihan na umabot ng 5-6 years eh mga engineering hahaha, kaway kaway.
 
Wooohh! Mga pare salamat sa mga comments niyo. Nakakainspire. Mas lalong na motivate ako at nawala depression ko :D Salamat sa inyo. Pangako ko, pag graduate ko magcocomment ako ulit sa thread na to para patunayan sa iba na kinaya ko :)
 
okay lang yan, 5th year lang eh, yung tropa ko nga susmariyosep inabot ng 12 years sa college, puro kase dota, barkada, gimik at kung anu anu pa, kung hindi pa namatay erpats niya hindi siya mag titino.. anyways, enjoyin mo lang ang pag aaral dahil once na gumradweyt ka na jan, dun mo maaalala yung mga masasayang sandal na ikaw ay nasa loob pa ng eskwelahan, ako kahit working professional na ako namimiss ko yung mga panahon na ang tanging problema ko lang is yung baon ko at mga assignments, once na nag tatrabaho ka na marami at lalaki pa ng responsibilidad mo, don't take this negative rather take it as an advise from a KUYA... kaya bro chillax lang... pasasan pa at gagraduate Karin, just enjoy the moment.... kung gusto mo ng kausap don't hesitate to pm me
 
tiyaga lang bro .. ako 5.5 years ako nakagraduate . hehe Gagraduate ka din.

tiwala lang , huwag i down ang sarili.

and Pray to God.

:)
 
Back
Top Bottom