- Thread Starter
- #21
Isipin mo lang yung mga bagay na maaari mong magawa na pagkagraduate mo kahit na delayed ka ng kaunti. Kagaya ng matutulungan mo na parents mo sa mga gastusin sa inyo. Hindi ka na magiging pabigat dahil makakahanap ka na ng magandang trabaho. Ako nga eh, 2009 pa ako nag-start sa college. Hanggang ngayon hindi pa ako graduate. Tho dalawang subjects na din lang ang kailangan kong tapusin. Capstone at OJT. At ito pa, second take ko na ng Capstone ko ngayon, pero mukhang fail na naman. Saya no? Hahahaha. Pero okay na din lang kesa magpaka-depress ka kung nasa situation ka katulad ng sakin. Ire-retake ko na lang this coming sem, same project pa din naman, pero less workload na afterwards. Tuloy-tuloy lang, sir. Sabi nga nila, habang may buhay, may pag-asa. Wag mong isipin yung kesyo mauuna sila sayo gumraduate. Hindi kabawasan sa pagkatao mo yun. Magkakaiba tayo ng libro ng buhay. Hindi porket nahuli ka eh wala ka ng magandang kinabukasan. Konting-konti na lang, sir. Makakagraduate din tayo!
Wow. Kaya natin to pare, gragraduate din tayo Yung sa akin naman, wala na ako capstone kasi pumasa kami ngayon. OJT sa first sem at 3 subjects sa second sem nalang i tatake ko next school year