Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Mag reresign po ba ako dapat na akong lumipat?

Hi Joy! Good day!
Gusto ko lang din sana magshare ng kaunti.
Sa totoo nyan ayus lang yan na naisip mo na lumipat sa ibang company or work. Ibig sabihin lang nyan e naghahanap ka ng ibang opportunities.
Wala naman masama kung lilipat ka sa bago nong work, tama din sila sa panahon ngayon okay din na practical ka. Sabi nga nagtratrabaho tayo dahil may mga responsibilities or kailangan tayo tustusan. Kung icocompare mo salary mo now and sa next company mo e malaki and diff. which is good! :) Wag kang magalala na baka mas masaya ka sa dati mong company ngayon, siguro kaya mo lang naiisip yan e dahil comfort zone mo na yan, think out of the box. Kung lilipat ka man, sure ako maeenjoy mo rin yan, nasa sayo naman yun. Basta masaya ka sa ginagawa mo, sa new boss mo/team mates at may career growth e sure ako panalo kana sa paglipat mo. Walang masama sa paghahangad ng growth, mas mahirap e yung magtitiis ka nalang kasi may doubts or takot ka sa mga "what if's". Kung sakali man na lumipat ka magpaalam ka lang ng maayos sa prev. employer mo esp. sa boss at workmates mo maiintindihan ka nila. Kung naguguluhan ka, ask God, ask your parents/family sure ako may maiaadvise sila sayo na mas makakatulong sa pagdedecide mo. Good luck and God bless! :)

Hi po. Maraming salamat sa payo ninyo. Yan ang isa sa mga gusto ko marinig o mabasa. Medyo nakakapag isip na po ako na i let go na tong current work ko. Kung kayo po siguro nasa kalagayan ko, aalis kayo agad2. Tama po kayo. I will adopt your advise na hindi pu pwedeng masaya lang ako sa trabaho.
 
hahaha nagagalit pa nanay at kulang sahod mo?tsk tsk tsk kawawa ka naman miss,,pero ako sa iyo,mag hanap ka ng mas magandang company at malaki ang pasahod,,ganyan talaga ang nag mmatured na tao,,sakripisyo para sa mga kapatid,hanga ako sau,,take mo na yun offer sau if may chance ka pa...goodluck Ts

Thank you sa payo at pagsaludo Sir / Ma'am. Sa inyo ko lang din nalaman na, yung mga ganitong pakiramdam eh, papunta na sa maturity. :)
 
think about it, panu ka makakaipon if pambigay nga sa mother mo eh nagkukulang ka na, just being practical here :)
kamusta na nga pala TS? :D

yun nga sir eh.

kamusta po ako? eto po, nasa maayos nman, trabaho - bahay...
 
Joy, ok lang yan.. normal lng yang nararamdaman mo kasi napamahal na rin sayo yung una mong trabaho at mga kaopisina mo dun.. pero isipin mo na pede mo pa din naman silang dalawin paminsan minsan kung sakali na gusto mo silang makita o makasama.. Ang magandang isipin mo jan kung gusto mo ba talaga ang lilipatan mong trabaho o hindi, kasi dun nakasalalay yung tagal ng pagstay mo sa isang kompanya.. Mas maganda pang gawin jan e magdasal ka sa panginoon upang tulungan kang magdesisyon.. Godbless you..:yipee:
 
Be praktikal lang TS. sa panahon ngayon dapat mabuhay ka ayon sa nararapat wag magtitiis kung may other choice ka naman. Isipin ang kinabukasan wag ung nakakaraos lang. :)

Hi Ma'am,

Good morning! Sa dami po ng nagsabi sakin na maging praktikal ako, naisip ko na rin po yan, halos araw2 na nga pong ito laman ng isip ko kung get out na ba ako or stay muna. Kahit po ba lumipat ako ng ibang work, ayos lang naman po yun di ba? Kaya ko rin naman po siguro maing masaya kahit sa ibang company gaya ng payo sakin ng iba dito. Sa ngayon dito pa rin po ako sa current work ko.
 
if decided ka na talaga at ayaw mo talaga umalis. magsideline ka nalang din. since IT ka naman. bagay ka sa upwork. doon maari ka sumahod ng doubled tripled or more ng current monthly pay mo. this is just suggestion lang ah.

kung gusto mo talaga lumipat. mas maganda din yan, dahil sabi mo nga 27k. malaki din yun.
 
Hi po sa inyong lahat! Magandang gabi. Tawagin nyo na lang po ako sa aking nickname na "Joy", new forumer nga po pala ako dito. At sana magkaroon din ako ng mga bagong kaibigan dito.

Mayroon po akong isang katanungan sa inyo pong lahat na sana matulungan po ninyo ako makapag-isip o makapag desisyon ng tama. Ako po ba'y dapat ng mag resign sa aking kasalukuyang trabaho o manatili na lamang po?

Ako po ay nagta-trabaho as an IT Helpdesk. Ito po ang mga dahilan kung bakit nagdadalawang isip akong umalis sa kasalukuyan kong trabaho. 1 year and 2 months na po ako sa aking trabaho. Una, masaya po ako dito. Masaya ako dahil sobrang bait po sa akin ng aking amo. No stress ika nga po. Pangalawa, dahil sa 15mins. away lang po ang aking tinatahak pag pasok sa trabaho. At pangatlo, ay regular na empleyado na po ako dito.

Pero, hindi ko na po talaga mapagkasya ang aking sinasahod. Aaminin ko po sa inyong lahat na naranasan ko na po na ni piso sa aking pitaka ay wala na akong madukot. Totoo po yan. Masaya po ako sa aking trabaho, pero nasasaktan po ako pag nakikita ko pong wala na akong maibigay na pera sa aking pamilya sa bahay pambili ng pagkain o ulam sa araw2. Nasasaktan din po ako na hindi ko po mabili ang mga bagay na nais ko at mga pangangailangan ko pansarili. Hindi ko na din po matustusan ng maayos ang panga-ngailangan namin sa bahay. Mag - eenroll na po ang aking kapatid na bunso sa kolehiyo, at mas lalo na pong walang wala na po akong maibibigay sa aking nanay para pang gastos sa bahay. Dahil tansya ko na po na nasa pag papa-aral ko pa lang po ng kapatid ko, ubos na ang sahod ko.

Sinubukan ko pong mag-apply sa ibang company kung handa na ba akong iwanan ang kasalukuyan kong trabaho. Natanggap naman po ako, at doble ang offer sa akin. Pero bakit po ganuon? Bakit pagbaba at paglabas ko po ng kumpanyang yun, hindi ako masaya? Bakit hindi ako na excite na inoferan ako ng 27k na sahod compare sa sahod ko ngayon na 12k a month?

Sana po ay mabigyan nyo po ako ng advise. Ilang buwan ko na rin po ito pinag iisipan. Maraming beses na rin po, pero nahihirapan pa rin po ako mag desisyon. Huling tanong ko po: Sa kalagayan ko po, ano po mas dapat kong piliin, ang masaya at regular pero maliit na sahod o mas malaking sahod na trabaho?

Sapat na po bang maging masaya ako sa trabaho ko kahit na saglit lang eh ubos na ang aking kinita at bukas wala ng pangkain?

Alam ko pong ako lang ang makaka-sagot at makakapag desisyon nito. Gusto ko lang po makarinig ng ibang side at opinyon ng ibang tao dito sa forum. Sana marami pong makapag-bigay ng kanilang komento. Marami pong salamat sa makapag bibigay sa akin ng advise at kalinawan.


mag resign kana, wag kang mag pakulong sa isang kumpanya na di ka kaya pasahurin para buhaying ang pamilya lalo na ung mabigay ung needs mo.

Di masamang mag hangad, kaya ka nga nag ttrabaho eh para makuha gusto mo..

Habang maaga, kumawala kana.. wag kang pakulong dyan kesyo mabait lang sila.. you need experience pa pag dating sa pag wowork.. madami pa tayo matututunan.. kelangan naten mag grow..

If I were you, take that new challenges sa tumanggap sayong company.. pag di ka masaya.. edi mag hanap ka ulet.. atleast 27k na ang pinasahod sayo.. so mahihiya na ang ibang company na offeran ka ng sobrang baba :D

TAKE ADVANTAGE NA!
 
same tayo joy... balak ko rin umalis sa company namin kaso my utang pa ako na motor// hheh
 
Joy, ok lang yan.. normal lng yang nararamdaman mo kasi napamahal na rin sayo yung una mong trabaho at mga kaopisina mo dun.. pero isipin mo na pede mo pa din naman silang dalawin paminsan minsan kung sakali na gusto mo silang makita o makasama.. Ang magandang isipin mo jan kung gusto mo ba talaga ang lilipatan mong trabaho o hindi, kasi dun nakasalalay yung tagal ng pagstay mo sa isang kompanya.. Mas maganda pang gawin jan e magdasal ka sa panginoon upang tulungan kang magdesisyon.. Godbless you..:yipee:


Hi po, Good morning. Minsan po, naiisip ko, baka naiirita na si lord or naiinis na sya sakin kasi paulit ulit ko po yun dinadasal sa kanya. Paiba-iba, or urong sulong ako mag desisyon. Kung hindi ko po mahal at kung hindi po ako masaya dito sa kasalukuyan kong trabaho, isang iglap lang po, pasa agad ng resignation. Alam ko po ganun ako eh. Pero dito, nahihirapan po talaga ako iwanan.

Alam kong kung sakali man po na lilipat ako ng kumpanya, hindi rin naman po ako lalayo sa linya kong IT. Bagkus, sa mas magandang salary offer. Sa nangyayare po kasi sakin ngayon Ma'am / Sir., ako nagpapa aral ng bunso sa college, pambaon ng dalawang college, ako na rin po minsan pinag babayad sa ilaw, pera sa araw2. Yung sarili ko po, hindi ko po mabilan ng mga bagay na gusto ko. Hindi lang po dahil sa pera ang iniisip ko, pang suporta na rin po sa dami at laki ng gastos ko para sa pamilya ko po.
 
Isipin mo ang magandang maidudulot ng paglipat mo.. mas madali mong matutustusan ang pangangailangan ng pamilya mo, magkakaroon ka ng career growth, magkakaroon ka ng new friends (friendly ka naman sa tingin ko) at kung ano pang sa tingin mo na positib gain mo.. sa negatib naman ay mamimiss mo ang company at bonding nyo ng friends mo sa dati mong work (pero still kahit ndi kayo magkita ng ilang buwan ay friend mo pa dn sila at ganun din naman sila). Wala namang maling desisyon hanggat di mo pagsisisihan yung pinili mo.
 
Isipin mo ang magandang maidudulot ng paglipat mo.. mas madali mong matutustusan ang pangangailangan ng pamilya mo, magkakaroon ka ng career growth, magkakaroon ka ng new friends (friendly ka naman sa tingin ko) at kung ano pang sa tingin mo na positib gain mo.. sa negatib naman ay mamimiss mo ang company at bonding nyo ng friends mo sa dati mong work (pero still kahit ndi kayo magkita ng ilang buwan ay friend mo pa dn sila at ganun din naman sila). Wala namang maling desisyon hanggat di mo pagsisisihan yung pinili mo.

Hi po, Good day! thank you so much for the advise. At least nga po kahit papano, mas nananaig yung pag-lipat at kagustuhan ko naman kumita ng malaki. Ang hirap din po pala maging anak minsan no. haha!

anyway, maraming salamat po ulet.
 
actually ako din, 13k din yung sahod ko per month. At may day-off naman kada linggo. Tsaka sagot naman ng company namin ang dormitory. pero hindi sya related sa IT Industry. Nakakapagpadala naman ako ng kalahati sa sahod ko every month sa magulang ko. First job ko ito at ayaw ko rin mawalan ng trabaho. Medyo naggigive up na rin dahil sa dami ng rules and regulations dito sa aming company and wala man lang system na nakakapagpadali sa mga pinapagawa nila. As in Manual talaga. Honestly, masaya naman ako dito sa mga kaworkmates ko pero parang inaabuso ba. Pag nadiscover nila na magaling ka sa ganito, ganyan... Ni piso wala silang ibibigay. Parang yung paggawa ko ng sarili nilang website, wala silang binigay kahit pangsoftdrinks lang. At nagbabase lang talaga sila sa sahod na binibigay nila. Tapos ang masakit, sasabihin pa talaga nila kung kailan ang deadline. :'( Siguro ganun nga mga Intsik. hahaha... Pero di naman talaga related sa IT Industry itong pinasukan kong company, which is related sya sa mga business. Pag naging sales manager ka, magkakaroon ka ng kita. Pag nakabenta ka ng 1M, may 10k ka. Which is 1% yung commission. Pero kunting pagkakamali nga lang may penalty, tapos 300 pesos pa kada mali at ibabawas yun sa commission mo. Pag di ka nakagawa ng reports mo everyday, reports mo every week, reports mo every month, di ka makapagset ng appointments, etc. Basta sobrang hirap ng pagkasyahin yung pinapagawa nila sa isang araw lang. Parang naiisip ko na parang wala din patutunguhan pag ganito lang palagi at sobrang napakahigpit na parang kunin pa ang oras ng pagtulog mo. Tapos pag nalate ka lang ng 1 minute, automatic na absent. Ewan kung bakit ganito dito, dahilang sabi naman ng iba Wala namang madaling trabaho sa ngayon. Masaya lang naman ako dito kasi naging kaclose ko na mga kaworkmates ko. At naiisip ko na ring maghanap ng ibang trabaho.
 
Lipat na po. hahaha. Be practical.

We're on the same situation actually. I'm also an IT in a known company. I love my work, my workmates are kind and funny. They're cool. The things that I'm doing here are PC and printer troubleshooting, CCTV Installation, Website Monitoring, Assisting store concerns, Internet Connection troublshooting, etc. The only problem is the salary. I've been here for 1 year and 3 months now but still the salary is minimum. (FYI:Still under agency. :( )

If given an offer like that miss, I'll accept it without hesitation. hahaha.

Seriously! ;)
 
Last edited:
Sana subukan mo munang kausapin ng maayos ang present employer mo and tell them your real situation regarding your financial constraints at yung pagiging at ease na ng pakiramdam mo sa kanila. Tell them also na may nag-offer na ng 27k sayo, baka kaya din naman ibigay ng boss mo.
 
Last edited:
Lipat na po. hahaha. Be practical.

We're on the same situation actually. I'm also an IT in a known company. I love my work, my workmates are kind and funny. They're cool. The things that I'm doing here are PC and printer troubleshooting, CCTV Installation, Website Monitoring, Assisting store concerns, Internet Connection troublshooting, etc. The only problem is the salary. I've been here for 1 year and 3 months now but still the salary is minimum. (FYI:Still under agency. :( )

If given an offer like that miss, I'll accept it without hesitation. hahaha.

Seriously! ;)

It's already September Ma'am / Sir., and i am still here. May isang bagay akong kinosider kayat lumawag ang pag iisip ko at tumuloy ako hangang matapos ang taon :) masaya at wala na akong agam agam. sayang lang, late ka na nag reply at late ko na rin po nabasa reply nyo :) maraming salamat. :)
 
Kausapin mo yung boss mo. Sabihin mo yung current situation mo. Malay mo, ikaw pa ang maging susi para ma-increasan kayong lahat ng co-employees mo.
 
Hi po. Ganyan din situation ko nung una ayoko din umalis sa una kong company kasi ang bait ng boss ko. pero mas pinili ko p din umalis for the future ko. sinabi ko talaga sa boss ko yung reason bakit ako aalis. and now ok naman ako dito sa company ko ngayon nakadalawang promotion na ako hehe.

Tama sila hindi sa lahat ng pagkakataon yun ang titingnan mo kelangan n din talaga maging praktikal sa panahon ngayon pero kung ayaw mo umalis diyan mag Upwork k n nga lang like me my stable job and upwork sa gabi hehe..
 
wow congrats ts. ako nag iisip nadin ako nag wowork ako sa government DILG 22k monthly sahod ko may long pay 13month pay.pero naghahanap pa din ako ng mas maganda work pa ibang bansa like canada di ako nawawalan ng pag asa kasi habang di pa nawawala ang edad ko sa calendar. mas maganda talaga mag explore for self improvement tama yung nabasa ko sa una.
 
Sana subukan mo munang kausapin ng maayos ang present employer mo and tell them your real situation regarding your financial constraints at yung pagiging at ease na ng pakiramdam mo sa kanila. Tell them also na may nag-offer na ng 27k sayo, baka kaya din naman ibigay ng boss mo.


napakalabo pong mangyari nyan.. haha
 
wag kang umasang may mababago sa buhay mo kung wala kang gagawing bago sa buhay mo...
 
Back
Top Bottom