- Messages
- 414
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
Ganito kasi, 5 months na since yung break up namin ng ex ko. Sya yung nangiwan through text pa. Masakit diba? Haha. Simula nung nagbreak kame almost 2 weeks din ako nagmukmok then pinilit ko sarili ko na mag-aliw, nood sine, gala, kain. Lahat ng family nya nanghinayang. Shocked ako na kahit ano palang kapit mo, gawin mo lahat, e aayaw sya bigla sa isang pagkakamali na sabihin na natin e minor mistake lang. Di ako nambabae. Then lumipas ang ilang buwan after ng breakup may nakilala akong babae. Isa syang teacher. 3yrs older ako sa kanya. Maganda, simple, mabait. Hindi maarte, mahinahon lagi pero may time na moody din pero hindi sobrang moody. Hindi ko naiwasang ipagkumpara sila ng ex ko. Last month, nagmsg sakin tita ng ex ko. Tinatanong kung hindi na daw kamk nagkabalikan ng pamangkin nya. Sabi ko hindi na kasi wala ng communication. Sabi pa ng tita nya e baka naman daw di ko na gusto yung pamangkin nya. At halata ko na gusto nya kami magkabalikan at nagbigay sya ng payo kung ano mga gagawin ko. Puntahan ko daw sa bahay nila pero natatakot ako baka di ako tanggapin don. Kung mahal ko daw talaga e ipaglaban ko sabi ng tita nya. Hindi naman ako atat na magkaGF agad. Oo mahal ko pa din si ex pero nagpaparamdam si teacher na sya na lang. Unemployed ako ngayon kasi kauuwi ko lang galing abroad at balak ko ulit bumalik don. PLT si teacher at ako e isang hamak na grad lang ng 4yrs course. Maghihintay pa ba ako na bumalik si ex o mageffort para magkabalikan kmi kahit na ayaw na nya ako kausapin pero parang lahat nagpapahiwatig na dapat ko sya suyuin ulit. O sa next chapter na lang with teacher? Advice naman mga kaibigan. Salamat =)