Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Magkano magagastos kung magpapatayo ako ng bahay ngayon

renz0982

Recruit
Basic Member
Messages
4
Reaction score
0
Points
16
Mga ka-symb gusto ko sana magpatayo ng bahay, paano, magkano at anong buwan dapat umpisahan, hindi ko alam kung magkano magagastos, bunggalow type lang gusto ko

1. anong ideal square meters para sa isang pamilya, ama, ina at dalawang anak

2. ano mga dapat isa-alang-alang sa pagpapatayo ng bahay, katulad ng saan nakaharap ang pinto, kelangan ba nakaharap sa sikat ng araw?

3. ano gagawin ko para ma-minimize ang cost pagdating sa material?

4. ano mas matipid arawan o pakyawan?

5. design lay-out ng loob ng bahay, kung saan ang CR, Division, dining room at kwarto?

at iba pang tips sa pagpapatayo ng bahay, sana matulungan niyo ako, gusto ko kasi hindi ako magsisi kung sakaling naipatayo ko na,

salamat in advance sa lahat ng makakatulong at alay na rin po ito para sa lahat ng gusto pag magpatayo ng sarili nilang bahay
 
1. anong ideal square meters para sa isang pamilya, ama, ina at dalawang anak

I'd say 100-200 square meters. Kung gusto mo medyo maluwang at may garage ipalo mo na to 300 square meters.

2. ano mga dapat isa-alang-alang sa pagpapatayo ng bahay, katulad ng saan nakaharap ang pinto, kelangan ba nakaharap sa sikat ng araw?

Bubong at yung pundasyon.

3. ano gagawin ko para ma-minimize ang cost pagdating sa material?

Ikaw ang mag-canvas sa mga construction supplies or better yet ikaw na ang bumili. Itanong mo nalang sa conractor o sa tao kung ano ang kailangan nila. Madami kasi ang contractors medyo umaakyat yung presyo, sila ang pipili ng brand at sila na rin ang bibili.

4. ano mas matipid arawan o pakyawan?

Ginamit namin noon naka-kontrata at weekly payments.

5. design lay-out ng loob ng bahay, kung saan ang CR, Division, dining room at kwarto?

Nakow sir importante yan. Diyan nage-estimate ang mga contractors kaya dapat i-finalize mo na yung floor plan mo.

TIPS:

Lupa - Pasurvey mo yung lupa, kahit nasa village ito pasruvey mo pa rin para makuha mo yung area coverage ng bibilhin mong lupa.

Mas-maganda na masimula mo na yung pagpundasyon mga start of the year mas lalo na kung gusto mo sementado yung bahay. Kasi pagdating nanaman ng mga bagyo matetengga yung pag-construction.

Bili ka muna ng lupa at pagawan mo ng floor plan TS. Marami ka pang gagawin pero ok yan, para sa pamilya naman.
 
Is a lang solusyon mo sir. Kumuha ka ng architect, medyo madadagdagan nga lang ang expense mo.

Kami inabot ng less than 3m dahil may archi at engineer. Di pa din kami satisfied sa outcome.

Better kuha ka na lang condo, iwas baha pa.

Sa mga bagong tayo ka lang kumuha.
 
Mas makaka tipid ka kung ikaw mismo ang mag design sa sarili mo, Kahit kumuha ka lng magaling na karpentero, mason, labor. Kung hindi nman kalakihan ang bahay at budget mo. Ang architect at engineer ay masyadong magastos, Bka sa kanila pa lng maubos na pera mo. Ung pinatayo ko na bahay 3 palapag ako lng nag isip ng design, ako rin nag wiring ng electrical para tipid ng konti. Tandaan mo po ang bahay hindi nman kelangan madaliin unless kung may pera ka talaga. Ako utay utay lng pagpagawa at syempre ipon ipon muna mhal ng materyales ngaun.
 
Tama ka sir.

Sobrang gastos talaga ang may archi at engr kung ako lang nasunod wala na sana eh.
Almost 40% ng expenses namin sa kanila lang napunta.
 
Suggest ko para makatipid ka sa archi at engr. hanap ka na lang ng floor plans at house design online. Then pag meron ka na nakita na gusto mo sa city hall ka na lang pa approve. I ccheck naman nila yung floor plans mo if feasible yung bahay e. Di ko lang alam if need talaga nung blue print pag mag aapply ka ng building permit.

Same pala tayo kasi ako naghahanap na rin ako ng bibilhing bahay o lupa ^_^
 
ito ang nakakaapekto sa presyo sa pagpapagawa bahay.

1. Location - kung malapit ba yan sa ospital, school, market, kung syudad ba yan, commercial area, nasa subdivision ba yan, malapit sa high way, malapit sa transportation etc. ( jan din magbabase ang contractor mo kung magkano gawaan nila.) atsaka yung rate ng lupa per sqm. tapos kung ano yung prefer ng subdivision na design ng bahay yung iba kasi may theme theme pa, kung Mediterranean, Mediterranean lang talaga.

2. Materyales - depende sayo yan kung materyales fuertes mga gagamitin mo mas maganda pero mas mahal. para makatipid ka sabihin mo sa hardware/supply ikaw engineer ng makakuha ka ng discount.

3. Engineer/Architect - (architect di mo naman kailangan yan kaya na ng CE yan, Design lang naman mga yan.) kung may tropa ka namang Engr (EE/CE/San). ikaw na mismo mag design at siya magchecheck kung may mali siya na mag revision at ipa-seal at papirmahan mo na sakanya. Tha`t`s friends are for diba? hahahaha libre mo na lang ng babae. :lol: at para mas makatipid ka ikaw na mismo maging foreman. sa electrical naman kukuha ka talaga ng master electrecian jan. di naman to magastos kung may tropa kang propesyonal boka lang at konting burautan lang yan. wahahaha :lol:

4. Timeline - parang facebook lang. :lol: seryoso, habang tumatagal project mo lalong napapamahal ka mas maiging isang bagsakan na lang yung pag papagawa mo kasi kung puro putol sinasabi ko sayo mas lalaki project cost mo jan.

Goodluck kaibigan. :D
 
ano pong masasabi niyo dun sa mga nag ooffer ng bahay sa subdivisions? kung maganda naman ang place at convenient din. tapos paparenovate na lang ng naaayon sa gusto mong arrangement. pwede po bang makahingi ng advice tungkol dito? mga disadvantages and advantages po. thanks in advance... :)
 
Magkano kaya kung bungalow style house ang magagastos sa materials and labor? Nagpapagawa kasi kami ng paupang bahay na bungalow style lang. TIA
 
Pakyawan or Arawan?
 
Last edited by a moderator:
Mga ka-symb gusto ko sana magpatayo ng bahay, paano, magkano at anong buwan dapat umpisahan, hindi ko alam kung magkano magagastos, bunggalow type lang gusto ko

1. anong ideal square meters para sa isang pamilya, ama, ina at dalawang anak

ideal 60sqm with two bedroom na ito.

2. ano mga dapat isa-alang-alang sa pagpapatayo ng bahay, katulad ng saan nakaharap ang pinto, kelangan ba nakaharap sa sikat ng araw?

pinakamahalaga sa paggawa ng bahay is foundation.. size ng poste sukay ng bakal na gagamitin
kung saan nakaharap depende ito sa lot na makukuha mo. kung nasan ang kalsada dun mo ilagay ang pinto :)
kung araw ang pagbabasehan natin.. mahirap yung sir baka nasa likod nasikat ang araw mahirap un:)

3. ano gagawin ko para ma-minimize ang cost pagdating sa material?

too minimize cost sa materials kailangan mo ito planuhin mabuti
kung hindi ka naman magpapa 2nd floor no need na malaking kabilya ang gamitin
eto ang mahal ngayon -> bakal at cement
kailangan marunong ang makukuha mong mason, alam dapat nya ang mix ratio ng cemento+buhangin+graba depende da gamit

4. ano mas matipid arawan o pakyawan?
ano ang tipid.. arawan o pakyawan? depende ito sir
sa arawan kailangan tutok ka dito para nakikita mo sila lagi nagtatrabaho
sa pakyawan naman kailangan may idea ka rin kung gaano nila kaya matapos minsan kasi bigyan ka ng presyong pakyawan pero sa arawan di nila kinokompute un.

5. design lay-out ng loob ng bahay, kung saan ang CR, Division, dining room at kwarto? ->

--->> CR dapat malayo sa dining room, ung kwarto maganda malapit sa dining room pra paglabas kain agad :)

at iba pang tips sa pagpapatayo ng bahay, sana matulungan niyo ako, gusto ko kasi hindi ako magsisi kung sakaling naipatayo ko na,

salamat in advance sa lahat ng makakatulong at alay na rin po ito para sa lahat ng gusto pag magpatayo ng sarili nilang bahay

sir ..for your reference dito na lahat ng requirements ...Building code of the Philippines--->>
- - - Updated - - -

Magkano kaya kung bungalow style house ang magagastos sa materials and labor? Nagpapagawa kasi kami ng paupang bahay na bungalow style lang. TIA

sir.. magbudget ka ng 12K pesos per square meter.
 
Last edited by a moderator:
Mga ka-symb gusto ko sana magpatayo ng bahay, paano, magkano at anong buwan dapat umpisahan, hindi ko alam kung magkano magagastos, bunggalow type lang gusto ko

1. anong ideal square meters para sa isang pamilya, ama, ina at dalawang anak

2. ano mga dapat isa-alang-alang sa pagpapatayo ng bahay, katulad ng saan nakaharap ang pinto, kelangan ba nakaharap sa sikat ng araw?

3. ano gagawin ko para ma-minimize ang cost pagdating sa material?

4. ano mas matipid arawan o pakyawan?

5. design lay-out ng loob ng bahay, kung saan ang CR, Division, dining room at kwarto?

at iba pang tips sa pagpapatayo ng bahay, sana matulungan niyo ako, gusto ko kasi hindi ako magsisi kung sakaling naipatayo ko na,

salamat in advance sa lahat ng makakatulong at alay na rin po ito para sa lahat ng gusto pag magpatayo ng sarili nilang bahay

Why don't you invest in a condo especially around makati and BGC? Try looking for other offers first before planning to build your own house. But if that's what you like I will respect your decision. I wish you all the best!
 
Last edited:
Mas makaka tipid ka kung ikaw mismo ang mag design sa sarili mo, Kahit kumuha ka lng magaling na karpentero, mason, labor. Kung hindi nman kalakihan ang bahay at budget mo. Ang architect at engineer ay masyadong magastos, Bka sa kanila pa lng maubos na pera mo. Ung pinatayo ko na bahay 3 palapag ako lng nag isip ng design, ako rin nag wiring ng electrical para tipid ng konti. Tandaan mo po ang bahay hindi nman kelangan madaliin unless kung may pera ka talaga. Ako utay utay lng pagpagawa at syempre ipon ipon muna mhal ng materyales ngaun.

Pano po ginawa yung sa electrical? Kahit di po sya ipa engineer ay maapprove sa business permit?
 
Back
Top Bottom