Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Mahal ko sya pero...

dlegendkiller

Amateur
Advanced Member
Messages
136
Reaction score
0
Points
26
Mahal ko sya pero...

Nasa Madrid sya. Nasa Maynila ako.
Ayaw nya pumunta dito kasi magulo at traffic.
Ayaw ko pumunta dun kasi ok naman ang kinikita ko dito at ito ang pangarap kong gawin.
Waitress sya sa Madrid. Bilingual sya. Marami syang pwedeng pasukan na trabaho dito sa Maynila.
Web Developer ako at gusto ko ang ginagawa ko ngayon. Walang gaanong pressure sa work, di ko namamalayan oras kasi gusto ko talaga to.

Ayaw kong pumunta dun kasi mahirap nang iwan ang nasimulan ko dito.
Ayaw kong pumunta dun kasi isang araw lang off nila pag nag waiter ako.
Hindi ko magagawa ang ginagawa nya, na isa lang ang day off at may pasok ang holiday.

Maraming beses ko na syang kinumbinse na lumipat dito. Ayaw nya talaga.
Kasalanan ko din siguro kasi nangako ako sa kanya nun, bago kami magkabalikan, na sasama ako sa kanya.
Pero napadpad ako sa Maynila mula sa probinsya, at ayun na nga. Lumawak ang mundo ko.
Sa simula mahirap, matraffic, mausok, madaming tao - in short magulo.
Pero nakapag adjust na ko at tuluyan na kong nasanay sa buhay Maynila.

Sinasabi ko sa kanya na ganun din siguro mararamdaman nya dito. Pero ayaw nya pa din.
Sabi ko sa kanya, kung ayaw mo pumunta dito at ayaw ko pumunta dyan, sa isang tao pwede ka umuwi ng pinas para magbakasyon sa loob ng isang buwan.
Sabihin nating 40 years tayong dalawa. Sa loob ng 40 years, 1200 days lang kung saan magkikita tayo nang personal.

Mahal na mahal ko sya pero hindi ko matanggap na 1200 days lang kami magkasama.
Hindi ko matanggap na parang 4 na taon lang yun.

Ayoko sya mawala, mahal ko sya pero hindi ko rin gusto ang setup namin. LDR na walang gustong mag-move.
Parang walang sense ang LDR kapag wala namang balak na magsama in the future.

Sya na ang girlfriend ko mula 2nd year ng college. 27 years old na ko ngayon at isang taon lang kami nagbreak. Nagkabalikan kami after.
Wala akong naging iba mula nung naging kami.

Engaged na kami. Di natuloy kasal namin ngayong Hunyo kasi hindi rin natuloy yung pag doktrina nya sa Iglesia ni Cristo.

Ganun pa man, problema pa rin namin ito. Walang may gustong mag move.

Ano ang gagawin ko?

Update:

Sorry nakalimutan kong sabihin na may compromise pala akong sinuggest sa kanya.

1. Punta ako doon and magstay/maghanap ng trabaho for 2 years. Kung makahanap ako ng computer-related job, mag i-stay kami. Pero kung sa loob ng dalawang taon na yun ay wala akong makita, babalik kami ng Pinas.
2. Punta sya dito for 6 months at subukan nya yung kung ano buhay meron ako. Hindi sya required maghanap agad ng trabaho. Magstay kami sa isang studio unit at kung ayaw nya talaga ay susundin ko sya sa Madrid.

Sa tingin ko fair sa kanya ang mga suggestions ko kasi nga ako din naman ang may kasalanan, kasi may pangako ako.
Sa kasamaang palad, ayaw nya pa din. Hindi sya sang-ayon kahit ni-isa sa dalawang idea na yan.
 
Last edited:
Wag mong sabihin na mahal mo dahil hindi mo naman kayang iwan ang nakasanayan para dun sa tao. Hello Madrid un. Kung ang ayaw mo lang ay set up ng work niya o edi hanap ka ng iba after a year or 2? Kung yun lang dahilan mo as a girl medyo hindi pa valid yun (again for me).

Effort lang para sa girl wag ung siya gusto mo mageffort just to be with you.

Tsaka sa isip siguro ni girl mas okay ang future dun kaysa dito.

Try mo lang. Give and take.
 
Wag mong sabihin na mahal mo dahil hindi mo naman kayang iwan ang nakasanayan para dun sa tao. Hello Madrid un. Kung ang ayaw mo lang ay set up ng work niya o edi hanap ka ng iba after a year or 2? Kung yun lang dahilan mo as a girl medyo hindi pa valid yun (again for me).

Effort lang para sa girl wag ung siya gusto mo mageffort just to be with you.

Tsaka sa isip siguro ni girl mas okay ang future dun kaysa dito.

Try mo lang. Give and take.

What she said.

Also, she could also be complaining to her friends about what you're complaining now in your thread. You shouldn't expect her to give way because you also have your own reasons. You said you love her very much and you did promised her that you would go there then I think you need to make that extra effort. Also, it seems that you're the one whose having problem with the LDR so you need to make that extra effort. Because at this point, both of you are focusing on your careers and both of you have reasons. So either you leave the relationship as it is - LDR or you part ways and both of you don't need to worry about anything anymore.
 
ang pagmamahal ay pagpaparaya TS, marami kang isasacrifice pag mag-aasawa ka na like yung work mo. Baka naman makapag-adjust ka din duon sa Madrid tulad ng pagaadjust mo dati sa Manila. Or baka makahanap ka din ng katulad ng linya ng work mo duon sa Madrid. Wala namang kasiguraduhan sa trabaho. Pwede kang umalis, alisin or pwede din malugi ang kumpanya.
 
Ako bilang lalaki, susunod ako dun sa kanya, irarason mo yung nasimulan mo na jan sa manila? nung nag umpisa ka nga eh napalago mo, ano pa kaya't mag umpisa ka ulit sa ibang bansa? dun mas lalawak pa ang mundo mo na kasama sya. Pwede ka namang mag apply bilang web dev rin dun sa madrid. Kung ayaw mo mag waiter at wala ka mahanapan na web dev company dun, edi mag freelance ka, yun nasa sayo pa rin ang oras mo, maraming day off, ang daming pwedeng maging sagot sa rason mo na para mamalagi sa manila at wag siyang sundan sa madrid.

Bakit ka nga ba nagtatrabaho? Hindi ba't para rin sa inyo yan? Sya ang isa sa mga dahilan kung bakit ka nag susumikap sa paghahanap buhay, ngayon kung mawawalan ka ng isang dahila, ng isang rason kung bakit ka nag hahanap buhay, hindi ba't mawawalan din ng saysay yang ginagawa mong pagsusumikap?
 
TS, ikaw na mag give way at pumunta sa kung nasaan ang gf mo. Web Developer ka dami naman work doon sa Spain. May pangako ka pa pala TS, tuparin mo yon. Effort rin at plus point.
 
Salamat sa mga nagbasa at nagreply sa aking thread.
Tama po kayo na kasalanan ko naman kasi may pangako akong binitawan.
Tama din po kayo na kung mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para magkasama kayo.

May konti lang po akong update sa unang post ko, pabasa na lang ulit and sa tingin nyo po kung ok ba yung mga suggestions ko. Salamat!
 
Salamat sa mga nagbasa at nagreply sa aking thread.
Tama po kayo na kasalanan ko naman kasi may pangako akong binitawan.
Tama din po kayo na kung mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para magkasama kayo.

May konti lang po akong update sa unang post ko, pabasa na lang ulit and sa tingin nyo po kung ok ba yung mga suggestions ko. Salamat!

When you made a promise to someone, you should honor it without any conditions. Maybe ganon rin iniisip niya kaya ayaw niya ng condition or compromises. She didn't asked you to promised her, you made it on your own and since it's coming from someone whom she loves you cannot blame her for expecting it to happen. For many ladies out there, the kind of promise you made means a lot to them. It shows your effort and commitment.
 
Kahit ako siguro Kuya hindi papayag. Bakit ko pa ipagpapalit ang buhay na meron sa Madrid di ba? Lalo na siguro tumutulong din siya sa family niya? May say din ang family niya diyan eh. Siguro kaya ayaw niya kahit 1st option dahil mahihirapan ka makakuha ng computer related na work dun. Bakit ba kasi ang arte mo sa work? Girlfriend mo kinakaya ang pagiging waitress dun bakit ikaw ayaw mong subukan? Yung ibang guys papatusin na yung pagiging waiter basta makasama lang ung tao. Bakit kailangang may compromise? Bakit kailangan magwagi ka? Ego mo ba yan o talagang may ayaw kang iwan sa Pinas na importante?
 
Sino ang mauuna?

Kasi basically, someone has to sacrifice his/her own career first :yes:
although temporarily.. 6months is already a long.

But someone really has to give up something for the other one.

The problem with that is mapupunta sa other partner ang burden ng sacrifice na ginawa ng isa.
that's something you both should not forget :yes and should take in consideration.

Na kapag may nagsacrifice, iyon ay dahil you want to keep the relationship more than anything
na you deem it better for the two of you. at hindi niyo isisisi sa isa't isa ang sacrifice na yan.

Eitherway, I hope you can come up with the best of decisions para sa inyong dalawa. :salute:
sayang rin ang pinagsamahan at mga pangarap and more than anything
sayang yung binuo niyo para sa isa't isa :)
 
Back
Top Bottom