- Messages
- 660
- Reaction score
- 1
- Points
- 28
Guys / Gals ang masasabi ko lang sa inyo sobrang mahalin niyo ang magulang niyo especially your Nanay and Tatay!
Lumaki akong palasagot sa magulang, aminin ko sa inyo na umaabot ito sa pagkakataon na nag sisigawan kami at nag mumurahan at minsan may pagkakataon pa na lumaban ako sa pananakit (palo). Yan yung mga panahon na bata pa ako (teenager ako nito sa pagkaka aalala ko and yung mga younger years ko). Huminto lang yung pag sagot ko at pag laban ko sa mama ko nung mga 22 or 23 na ata nun, hindi ko na ikwekwento pero salamat sa best friend ko dahil siya yung nag pamuka sa akin at natauhan ako sa mga narinig ko sa kanya.
Bata pa lang ako ng kuhain na sa amin ng panginoon Maykapal ang Tatay ko, sobrang bata pa namin magkakapatid. Bata pa ako nito at hindi ko pa masyadong naiintindihan ang mga nangyayari, hindi ko nauunawaan ang mawalan ng isang Ama sa pamilya at hindi ko alam kung gaano kahirap ang maging single parent sa part ng Nanay ko. Lumaki ako sa suporta ng tiyahin, alaga ng lola at ng Nanay ko kaya hindi ko masyadong naramdaman sa sarili ko kung paano mawalan ng isang ama.
Lumaki naman akong maayos at nakapag tapos ng pag aaral, nakapag trabaho at namumuhay naman ng maayos kahit me mga pagkakataon na talagang mahirap (Hindi naman nawawala ang problema sa Pamilya). To make it short nakapag asawa na ako at may anak na din.
Hanggang sa dumating ang isang hindi magandang pangyayari na nanagkasakit at kinalaunan ay Kinuha na din yung Nanay ko. Sobrang hirap sa amin dahil hindi kami handang lahat at nakita ko yung pag hihirap ng Nanay ko bago siya kuhain.
Sana habang nabubuhay pa or nanjan pa yung mga mahal niyo sa buhay lalo na yung Magulang niyo, iparamdam niyo sa kanila na mahal niyo sila, huwag kayong maging madamot sa kanila sa Pinansyal, Oras at Pagmamahal. Hanggang maari araw araw at oras oras iparamdam niyo na mahal niyo sila, itext niyo tawagan niyo or kung me time bisitahin niyo, akapin niyo sila sabihin niyo sa kanila kung gaano niyo sila kamahal habang me pagkakataon pa kayo.
Sa mga buhay pa ang magulang or kahit yung mga lolo at lola niyo, pasayahin niyo sila sa paraan na alam niyo. Hindi kailangan maging mayaman para maramdaman ang pag mamahal.
Kung pinapalo at nasisigawan nila kayo, para din sa inyo yun, magulang na din ako at naintindihan ko na ibat iba talaga ang pag papalaki ng magulang. Maaring me pag kukulang sa atin ang magulang natin pero hindi dahilan yun para bastusin or sagot sagutin natin ang ating mga magulang.
Yan yung mga bagay na hindi ko na kayang gawin. Kaya po ma swerte ang mga may Nanay at Tatay na nabubuhay pa at magkakasama kayo.
Maikli lang po ang buhay natin...
(salamat sa mga nagbasa, wala lang talaga ako mapag sabihan ng mga nararamdaman ko)