Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Mahiwagang Lapis

attachment.php


Minsan sa aking kamusmusan,
Gumuhit ng isang magandang kapalaran.
Pangarap na aking binuo,
Planong matupad paglaki ko.

Bawat pahinang mabuklat,
Dibuho ng aking pangarap.
Magarang buhay na hangad,
Kasama ang katangian ng lalakeng hanap.

Sa lubos na paglalarawan,
Hindi ko namamalayan.
Aking panulat ay naubos,
Obra ko ay di natapos.

Tadhanang mapaglaro,
Tayo ay pinagtagpo.
Dito na nagsimulang maglabo
Sa ginuhit ko'y maraming nabago

Mansyong aking inasam,
Ngayo'y isang kubo na lang.
Tall, Dark and Handsome
Lahat kabaligtaran.

Binura niya ang kalungkutan,
Pinalitan ng kaligayahan.
Nagkaroon ng kulay,
Drawing kong walang buhay.

Ngayon sa aking pakiwari,
Ikaw ang aking Mahiwagang Lapis.
Na hindi kailangan ng pantasa,
Upang maiguhit ang sunod nitong kabanata.
 
Last edited:
:clap: galing punkz :rock:
:dance: gawa din ako ulit ng poem entitle "mani" :lol:

:dance: gawa gawa tayo ng poem punkz :D
 
TS ang gandaa so sweeet :yipee: keep up cheers sana makita ko rin yung lapis ko yohohoh
 
Gusto ko yong consistency nung image buo sya. Yung mga images na ginamit magkakaugnay naman. Gusto ko din ying part na hindi tapos ying drawing, nag- iiwan kasi ito ng pagkakataon upang mabago yung o makapagsimula ulit sa isang bagong perspertive yung drawing. Konting landi pa eh swabeng swabe na ito.

:thanks: for sharing!
 
wow nice poem :clap: ang smooth ng flow ng tula mo :yes:
halos wala akong makita sumegway na storya :lol:

keep writing and sharing your emotions :)
 
:clap: galing punkz :rock:
:dance: gawa din ako ulit ng poem entitle "mani" :lol:

:dance: gawa gawa tayo ng poem punkz :D
ayos punkz :) tama gawa lang ng gawa :yes:

sulat pa ng marami :clap:
keep writting.
:thanks: idol sa pagbasa :salute:

` Galing nyo po talaga mga manunulat
waa sila lang po :thumbsup: di pa ako nabibilang dun :) nagsisimula pa lang po ako :thanks: po sa pagbasa

hahaha galing aman sir keep it up
maraming :thanks: po, girl po ako :weep:

TS ang gandaa so sweeet :yipee: keep up cheers sana makita ko rin yung lapis ko yohohoh
ak ak :thanks: sa pagbasa sis, tama hanapin mo na rin yung lapis mo baka mahiwaga din :giggle: sana nga may mahiwagang charcoal pencil din :pacute:

Gusto ko yong consistency nung image buo sya. Yung mga images na ginamit magkakaugnay naman. Gusto ko din ying part na hindi tapos ying drawing, nag- iiwan kasi ito ng pagkakataon upang mabago yung o makapagsimula ulit sa isang bagong perspertive yung drawing. Konting landi pa eh swabeng swabe na ito.

:thanks: for sharing!
maraming :thanks: sa pagbasa idol, magpapraktis pa ako lalo para masundan ang yapak niyo :pacute:

maw stag :thanks: sa pagbasa ng aking munting obra

wow nice poem :clap: ang smooth ng flow ng tula mo :yes:
halos wala akong makita sumegway na storya :lol:

keep writing and sharing your emotions :)
salamat miss jefi :pacute: kukunin ko na rin po ang pagkakataong ito upang mabati ka ng "Congratulation at GoodLuck :thumbsup: "
natutuwa po akong malaman na naiparating ko ang mensaheng gusto kong sabihin :)

:thumbsup::thumbsup:
galing mu po!:)
salamat po sis :thanks:
 
Ang masarap sa tula ay parang kwento. Madali intindihin at madali sundan.
 
haha.. magaling.. mahusay.. pambihira.. "Sa aking unang pagkakita, hindi ko agad nawari na ang sumulat ng tula ay isa pa lang diwata, sa kagandahan taglay ang masasabi ko, isa siyang sariwang bulaklak, na tumawag ng pansin sa mga boboyog na ako isa na makikipag sagupa, mapagtagumpayan lamang na masimsim, ang matamis na katas niya" bow...:clap: joke lang po un..
 
Ang masarap sa tula ay parang kwento. Madali intindihin at madali sundan.
:thanks: po sa pagbisita idol :praise:

haha.. magaling.. mahusay.. pambihira.. "Sa aking unang pagkakita, hindi ko agad nawari na ang sumulat ng tula ay isa pa lang diwata, sa kagandahan taglay ang masasabi ko, isa siyang sariwang bulaklak, na tumawag ng pansin sa mga boboyog na ako isa na makikipag sagupa, mapagtagumpayan lamang na masimsim, ang matamis na katas niya" bow...:clap: joke lang po un..

ak ak hep hep ito nga
ano itong aking nababasa
mabubulaklak na salita
sa mga kamay mo nagmula

huwag po sanang masamain
sa pagreply sayo tumutula parin
lubos lamang ako natuwa
sa tula moy muntik madala

hindi ko na pahahabain
munting :thanks: ko ay baunin
nawa obra mo'y makita ko rin
susunod kong ha-hunting-in

ak ak :giggle:
:salute: sir

up ko rin to

:thanks: tol yoko :)


maraming :thanks: po :praise:
 
Last edited:
am bigat ng mga salita.. :clap:

more pa!! :D
 
May mga nababasa ako dito patungkol sa lapis, iilang lang din ang naghahalintulad sa lapis
Maganda ang napili mo, kasabay ng ideyang nakapaloob dito.

Ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat madam :salute:
 
Back
Top Bottom