Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Maka Duterte ka pa rin ba ?

Maka Duterte ka pa rin ba ?

Noong una, solid na solid ako na fan ni Digong pero ngayon hindi na. Sorry na lang. Ito ang mga kadahilanan:

1. Ibenenta ni Digong ang mga isla natin sa Tsina. Sa halagang $24B, na sinasabing soft loan, na walang kapalit daw, ay klarong klaro kung gaano siya kalamig ipaglaban ang pag-aari natin sa mga isla.

2. Na dismaya din ako dahil sa ngayong siya na ang nakaupo, gusto niyang patawan ng tax ang mga kooperatiba, 33% tax proposed rate na mas malaki pa kesa sa mga bangko. Mas dumami ang taxation na naging pahirap sa mga kababayan natin at naging busy yong mga alipores niya kung saan kukuha ng tax. Buti na lang at na pressure siya na ibigay ang increase sa mga SSS pensioners.

3. Wala siyang abilidad sa ekonomiya at inaasa lang niya ito sa kanyang mga alipores. Wala rin siyang long-term 'vision' para sa Pilipinas, gaya ng magkaroon ng sustenable development at magkaroon ng inclusive growth na ang resulta ay dumami ang trabaho at maiangat ang buhay ng mga kababayan natin. Ang gusto lamang niya ay mag takda ng 'increase' sa mga sweldo ng mga tao sa gobyerno, bigyan ng kung ano-ano ang mga dukha para umasa sa kaniya at gawin siyang dios nila (fanaticism).

4. Mahilig magsinungaling, ika nga ay half-truths at half-lies ang pinagsasabi niya. Noong bago siya maupo, sinabi niya, mahirap daw siya kaya daw tumakbo siya pagka Mayor para suportahan ang pag-aaral ng mga anak niya. Nung kinalaunan at binulgar ni Trillanes ang tagong yaman niya ay sinabi niya na di daw siya mahirap, marami daw iniwan na mga ari-arian ang mga magulang niya kasi dating Gobernador naman pala ang Tatay niya.

5. Bastos ang pananalita at halos lahat ng speeches niya ay pabalik-balik, parang sirang plaka. Mahilig magmura at di isinasaalang alang ang mga nakikinig na may mga bata na ginagaya siya. Salungat talaga sa itinuturo ng paaralan at kagandahang asal. Balitang balita din na babaero siya.

6. Mahilig magyayabang na progresibo daw ang Davao at kontrolado ang peace and order ng siyudad, pero, ang totoo marami pa rin ang bentahan ng droga sa lugar at kaya pala di inaatake ang siyudad ay nagbabayad daw ito ng revolutionary tax na P1M per month sa mga NPA. Di pa kasali dito yong private army na itinatag niya na Taskforce Davao.

7. Sinasabi pa niyang hindi daw korup ang gobyerno niya, pero, kitang-kita naman ang kanyang pagka 'bias'. Denipensahan si Misuari, PGMA, Napoles at pati na yong mga convicts. Kung talagang ayaw niya sa korup, meron sana tayong narinig na mga taga Davao na nakasuhan ng 'corrupt practices', especially, nung isiniwalat niya ang 'smuggling ng rice'. Klarong klaro kung meron nga smuggler eh may kasabwat yon na taga gobyerno pero wala man tayo narinig na may nakasuhan sa Davao.

8. Mahilig mang-aangkin ng mga accomplishments. Kung susuriin mo ang Davao hindi naman talaga gaanong progresibo. Marami nga walang trabaho. Halos lahat ng taga Davao ay umaalis papunta sa Maynila o abroad para maghanap ng trabaho. Wala namang maraming pagawaan o 'factory' ang Davao, ang karamihan ay nagtatrabaho lang sa mga bagong tayong mga mall, gaya ng SM, Abreeza at NCCC mall. At yong iba ay sa mga bagong tayong 'call centers' na sa pagkakaalam ko ay accomplishment ito ni dating Speaker of the HOuse 'Boy' Nograles. Kung mapupunta ka sa centro Davao, backward pa rin ang place na typical probinsya.

9. Mahilig siya sa EJK. Kung kukunin mo ang mga datos sa patayan sa Davao sa mga balita o dyaryo, malalaman mo na hindi lang mga may edad ang namamatay, pati, mga kabataan ay pinapatay nung lumaganap ang DDS.

10. Mahilig sa palakasan. Kitang kita naman, ang nilagay sa MTRCB ay isang blogger ng adult website. Yong nga pinsan ko nag-apply doon sa isang institusyon ng gobyerno sa Davao, nadismaya siya dahil pumasa siya halos lahat ng eksamin pero nung kalaunan sinabihan lang siya ng interviewer na ang 'final' ay hindi daw sila ang magdedesisyon. Nalaman na lang ng pinsan ko na may recommendation letter pala na dumating sa opisina at nakalagay na doon ang mga pangalan na rekomendado. Talagang na dismayado ang pinsan ko dahil nga akala niya patas ang laban yun pala hindi.
 
Last edited:
Oo naman, kumpara sa nakaraang administrasyon.para sa OFW na tulad ko approved ko sya.
 
hahahhaha... wag kang BAYAS tulad kadin ng Yellow jan pansarili lang ang nakikitang interest...
 
Last edited:
balita kanina hindi ata nagkausap ang secretary of defense at pangulong digong kanina magkaiba sila ng statements. masyado ng binabalewala ng mga chinese ang karapatan ng bansa natin. ok lang kay duterte yun. nasa kabilang side na ng bansa natin ang benham rise para magstay dun mga vessel ng china. kawawa bansa natin. konti na lang sakop na tayo ng mga chinese.
 
i feel you brah, ang masakit pa dito taga.mindanao din ako, i think were being played by him, daming pinako before but now, putang ina! walang nang.yari, daming nasagasaan daming ding pinagtakpan. hay nakonakonakonako! hahaha
 
relax lang tayo sa problema ba na ilang dekada di yata yan ma solusyonan ka agad...kung ikaw ba magdasal sa diyos nasasagot ba agad yung panalangin mo?
 
I still trust duterte, he'll accomplish more better than our previous president
pero marami ka ng ma p-point out na nakakaasar lang talaga.

I popoint out ko lang. kung magbibigay ng kritiko ang isang tao dito sa ating presidente, hindi naman ibig sabihin non makadilawan at kung ano pa man.
nakakatawa naman kasi na tawagin kang dilawan/yellowtard or "Mga pamilya ng adik mamatay sana kayo"
Presidente ang kinikritiko at hindi naman kailangan ng name calling or anuman.
ayan na kasi ang nakikita kong kababawan ng mga tao sa facebook.
you can't argue with them because they are one-sided also matinding lait talaga aabutin nyo. "ano na ba nagawa mo sa pinas" ffs invalid point.

at sa mga other haters naman ng duterte. wag nyo ng subukan pang isama ang demonyo/bible verses/religion
or pati sa mga pro na mahilig lang talaga magbigay ng verses.
IRL hilig hilig naman mag mura (salitng demonyo yon as religion says). napaka hypocrite talaga atnakaka depress.
kung mali ako dito oh boy namecalling na yan. pero i'm accepting critics so. Ito ang sariling opinyon ko lang


anyways my critics:
1 Drug addicts
may mga kilala akong adik na talaga nakakabadtrip dahil perwisyo sila sa lipunan
at may kilala akong adik dahil biktima ng kung ano man like broken family. naiintindihan ko rin sila dahil broken family din kami. as they say loneliness kills.
at mayroon akong kilalang biktima ng EJK, hindi naman sya adik, pero marami syang tattoo, wala ring sign o bakas sa mukha nya na mukha syang adik.
besides barbero lang yon at kasama pa ang pamilya sa bahay nakakalungkot yung naggugupit saki napatay lang, saka yung issue pa ng kidnap for ransom na koreano na hindi naman drug lord or what. oh btw sa angeles din kami nanirahan at nagtrabaho tatay ko sa mga koreano. POV ng tatay ko, hindi naman daw drug lord yung korean base sa sinabi ng mga boss nya, pero wapakels dahil fanatic ng duterte lmao.

overall hindi parin solusyon ang pagpatay ng adik. hindi ko nakita ang pagbabago mga ilang buwan. marami paring magnanakaw, etc at walang pagbabago sa ekonomiya
may mga nakakaasar talagang drug addict pero nakakagalit lang na may mga taong biktima dito. at hindi to pinapansin ng media dahil sa mga tanong mag c-critic sa kanila
and solusyon sana dito eh, ayusin ang mga businessman/corrupt governments na kumakapit sa kanya ngayon....


Hindi ako tutol sa death penalty as long naiimbestigahan ang kaso
pero BS yung bagong death penalty, mga adik lang pinapatay. lol what?


2 Long term plan
tulad na lang ng sinabi ni digoy
mukhang long term plan si duterte,
wala akong mahabang komento dahil pwede pa naman pag planuhan to
focus sana sa ekonomiya ng bansa

3. Davao is safe BS
yung mga BS sa facebook page na iniiwan yung cellphone kung saan saan, pls. kung pipicturan mo yan na ganito sa davao wala talaga magnanakaw nyan katabi mo lang yung pinipicturan mo. wag mo kaming gawing tanga

4. People at the internet; AKA dutertards
Yung mga tawag ng tawag na bias ang media (matagal na silang ganyan pls lang). pero ginagawang diyos si duterte. *cough cough cough* mocha uson blog smth sa fb
nakablock na sila sakin ayokong nakikita yang page na yan ffs. masyadong papuri na malayo naman sa katotohanan.
Saka Bakit nyo iuugnay sa sarili nyo na kayo ay dutertard. ang point namin is wag maging one sided ang opinyon at yung mga namecalling na hindi naman kailangan.
pero totoong bias ang media at nagtatago ng info kapag binayaran.
tulad ng sunog sa HTI, maraming namatay don pero tinago lang ng media at ginawan ng paraan ng governor.
no proof pero maraming nagsasabi dito.

5. Bato
Masyadong papogi si bato sa media. lalo na noon araw araw pang pinagyayabang yung accomplishments pero nung nagka problema sa tauhan ng police nayari at muntikan pang masibak dahil pinasisibak na ng ibang kagrupo ng team duterte. pinag push up lang yung mga sangkot na police sa kidnap for ransom lmao.
iwasan nya lang ang pagiging bida nahindi naman talaga kailangan, hindi naman problema kung manonood sya ng pba pero as long nagagawa nya trabaho nya ok tayo don.

Mahaba ang terminong duterte, marami pa syang magagawa. Hindi ako totally hater ni Duterte pero hindi satisfying ang ginagawa nya atm para sa mga tao..
kapag nakita nyo na ang mali wag nyo palagpasin pa tulad ng mga nyetang liberal party na tinatawag ng yellowtards dahil mga tunay na bayaran sila.....
Hindi ko Iaasa ang pagasa ng Pilipinas sa presidente. ayan ang inaakala ng mga perwisyo sa pinas. shoutouts narin sa mga adik na naging bandwagon kay duterte at pinagsisihan na binoto nila sya hahahaha.

Wala rin akong masabi sa agawan ng isla. pero kung may nakuhang benefit ang Pilipinas dyan at naging ok ang Pilipinas at China walang problema dyan.


Anyways.
hindi to connected sa critics ko kay duterte
pero yung Media na ginawang Political Drama na araw araw may investigation video sa Senate, hayok na hayok yung mga tao, kaya hindi rin umuunlad ang pilipinas dahil sa mga tambay lel.
at yung si trillanes na maraming alam at mahilig mag slander dahil kalaban nya sa dirty politics. sira siraan lang yan.
kita nyo hindi na pinapansin yung kay jojo binay case at iba pa.
at yung asa ng asa kay duterte at sa bandang huli sisisihin nyo sya. smfh. gawin nyo role nyo dito sa pinas upang umunlad jusko.
 
Last edited:
Oo naman, kumpara sa nakaraang administrasyon.para sa OFW na tulad ko approved ko sya.

wala ka kasi sa pinas kaya iba ang pananaw mo sa karamihang dito.

araw araw may patayan, yan ba ung sinasabi nila na safe...
change is comming daw... pero kelan? eh wala nga xa balak tapusin ung termino nya.

napa ka sinungaling na tao. wala daw DDS, pero ilang ulit nya inamin noon na meron, at inamin nya ulit kelan lang...
 
Noong una, solid na solid ako na fan ni Digong pero ngayon hindi na. Sorry na lang. Ito ang mga kadahilanan:

1. Ibenenta ni Digong ang mga isla natin sa Tsina. Sa halagang $24B, na sinasabing soft loan, na walang kapalit daw, ay klarong klaro kung gaano siya kalamig ipaglaban ang pag-aari natin sa mga isla.

2. Na dismaya din ako dahil sa ngayong siya na ang nakaupo, gusto niyang patawan ng tax ang mga kooperatiba, 33% tax proposed rate na mas malaki pa kesa sa mga bangko. Mas dumami ang taxation na naging pahirap sa mga kababayan natin at naging busy yong mga alipores niya kung saan kukuha ng tax. Buti na lang at na pressure siya na ibigay ang increase sa mga SSS pensioners.

3. Wala siyang abilidad sa ekonomiya at inaasa lang niya ito sa kanyang mga alipores. Wala rin siyang long-term 'vision' para sa Pilipinas, gaya ng magkaroon ng sustenable development at magkaroon ng inclusive growth na ang resulta ay dumami ang trabaho at maiangat ang buhay ng mga kababayan natin. Ang gusto lamang niya ay mag takda ng 'increase' sa mga sweldo ng mga tao sa gobyerno, bigyan ng kung ano-ano ang mga dukha para umasa sa kaniya at gawin siyang dios nila (fanaticism).

4. Mahilig magsinungaling, ika nga ay half-truths at half-lies ang pinagsasabi niya. Noong bago siya maupo, sinabi niya, mahirap daw siya kaya daw tumakbo siya pagka Mayor para suportahan ang pag-aaral ng mga anak niya. Nung kinalaunan at binulgar ni Trillanes ang tagong yaman niya ay sinabi niya na di daw siya mahirap, marami daw iniwan na mga ari-arian ang mga magulang niya kasi dating Gobernador naman pala ang Tatay niya.

5. Bastos ang pananalita at halos lahat ng speeches niya ay pabalik-balik, parang sirang plaka. Mahilig magmura at di isinasaalang alang ang mga nakikinig na may mga bata na ginagaya siya. Salungat talaga sa itinuturo ng paaralan at kagandahang asal. Balitang balita din na babaero siya.

6. Mahilig magyayabang na progresibo daw ang Davao at kontrolado ang peace and order ng siyudad, pero, ang totoo marami pa rin ang bentahan ng droga sa lugar at kaya pala di inaatake ang siyudad ay nagbabayad daw ito ng revolutionary tax na P1M per month sa mga NPA. Di pa kasali dito yong private army na itinatag niya na Taskforce Davao.

7. Sinasabi pa niyang hindi daw korup ang gobyerno niya, pero, kitang-kita naman ang kanyang pagka 'bias'. Denipensahan si Misuari, PGMA, Napoles at pati na yong mga convicts. Kung talagang ayaw niya sa korup, meron sana tayong narinig na mga taga Davao na nakasuhan ng 'corrupt practices', especially, nung isiniwalat niya ang 'smuggling ng rice'. Klarong klaro kung meron nga smuggler eh may kasabwat yon na taga gobyerno pero wala man tayo narinig na may nakasuhan sa Davao.

8. Mahilig mang-aangkin ng mga accomplishments. Kung susuriin mo ang Davao hindi naman talaga gaanong progresibo. Marami nga walang trabaho. Halos lahat ng taga Davao ay umaalis papunta sa Maynila o abroad para maghanap ng trabaho. Wala namang maraming pagawaan o 'factory' ang Davao, ang karamihan ay nagtatrabaho lang sa mga bagong tayong mga mall, gaya ng SM, Abreeza at NCCC mall. At yong iba ay sa mga bagong tayong 'call centers' na sa pagkakaalam ko ay accomplishment ito ni dating Speaker of the HOuse 'Boy' Nograles. Kung mapupunta ka sa centro Davao, backward pa rin ang place na typical probinsya.

9. Mahilig siya sa EJK. Kung kukunin mo ang mga datos sa patayan sa Davao sa mga balita o dyaryo, malalaman mo na hindi lang mga may edad ang namamatay, pati, mga kabataan ay pinapatay nung lumaganap ang DDS.

10. Mahilig sa palakasan. Kitang kita naman, ang nilagay sa MTRCB ay isang blogger ng adult website. Yong nga pinsan ko nag-apply doon sa isang institusyon ng gobyerno sa Davao, nadismaya siya dahil pumasa siya halos lahat ng eksamin pero nung kalaunan sinabihan lang siya ng interviewer na ang 'final' ay hindi daw sila ang magdedesisyon. Nalaman na lang ng pinsan ko na may recommendation letter pala na dumating sa opisina at nakalagay na doon ang mga pangalan na rekomendado. Talagang na dismayado ang pinsan ko dahil nga akala niya patas ang laban yun pala hindi.

Wala kang maloloko dito #5 mo pa lang halata ng sungaling ka, solid kuno dati, urur. Matagal ng Bastos magsalita si Digong bago pa sya mahalal. Huli ka tuloy, mga pinagsasabe ung mga script ng Yelo. #9 mo term yang ng mga Dilaw. lol
 
Mas gugustuhin ko na si Duterte kaysa kay Lugaw Queen.
Maawa kayo sa kinabukasan ng mga bata kung wala tayong gagawin sa droga na yan.
 
Yes may tiwala pa naman basta solid duterte parin.. Kung may tiwala ka sa kanya susupurtahan mo sya. Doon kana mag react pagkatapos ng term nya.. Gaya kay pinoy ang buset na President sa kasaysayan ng pinas bow
 
Change is coming.. ung iba kasi d2 di sanay sa pag babago.. gusto nila ung same parin.. ung tipong nag aabutan ng drogA sa eskinita o kya sa harap nila.. ung china nmn. ikaw ba pina utang ka na nga gusto mo pa ring kalabanin? natural lng si tatay digong nakikisama din sya para saten.. kung di mo ramdam ang babago edi baguhin mo sarili mo.. baka mmya tambay ka lng sa kanto e tlgang walang mangyayare saten nyan.. just sayin..
 
Last edited:
YES na YES!!! no explanation dahil bagong termino palang naman!!! mahaba pa ang dapat pag trabahuhan! kalma lamang :clap::clap::clap:
 
dapat di nalang sya nag presidente mas bagay sa kanya sa PDEA nalang sya. drugs lang ang alam nya. Pano ang pag unlad ng bayan? Yan o pataas na ng pataas ang bilihin lalo na ang gasolina.
 
i always trust him..kaysa nmn ung Leni ang magiging pangulo..si Pnoy nga wlang paki alam sa tanim bala na napakadali lng solusyonan un pero ano?.may ginawa ba?..ndi perpekto si digong pero atleast nagtatrabahong totoo...sa war on drugs din daming sumasabay na mga riding in tandem tpos ituturo sa administrasyon isa pa tong mga bias na media eh sinisiraan ang bagong pangulo., mga senador na yellow puro critics ngka chance na sila nung nkaraang administrasyon pero bakit d nila na solusyonan ung drugs,kahirapan at trapik?.kaya d tayo umuusad eh imbis na mag bayanihan panay bash..
 
Last edited:
Wala kang maloloko dito #5 mo pa lang halata ng sungaling ka, solid kuno dati, urur. Matagal ng Bastos magsalita si Digong bago pa sya mahalal. Huli ka tuloy, mga pinagsasabe ung mga script ng Yelo. #9 mo term yang ng mga Dilaw. lol

Dyan ka nagkakamali. Yong #5, nung bago pa si Digong sa pulitika eh hindi naman nagmumura yan pag nangampanya sa Davao pranka nga lang, pero, nung tumanda na at tumagal na sa serbisyo naging bastos na mag salita. Kaya tama naman ang sinabi ko. Kaya nawalan na ako ng gana sa kanya. Pati Pari ng Redemptorist, dahil hindi lang tinanggap yong biscuit at mga bigay nya ay nagalit ito at pinagmumura pa. Wala talagang respeto.

Yon namang #9 ay totoo naman talaga. Kahit magpunta ka sa Davao at tanungin mo ang mga tao doon. Siya nga mismo inamin na niya na may DDS sa Davao. Eh ikaw hindi sumasang-ayon? Syempre pag may DDS may EJK o summary executions. Ang problema sayo eh bulag o nagbubulag bulagan ka sa katotohanan. Kung gusto mo pa malaman ang katotohanan pede mo naman ungkatin yan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga local newspapers doon.

May gamot sa mga taong bulag pero walang gamot sa mga taong nagbubulag bulagan. Kaawaan ka sana ng Dios kapatid, hindi habang panahon tayo ay mabubuhay sa mundo, darating ang araw na tayo ay mawawala at tayo'y huhusgahan ng Maykapal. Pero, ito ang klaro, ang lahat ng sumasamba kanino man malilban sa Dios at ang kumakampi sa kasamaan ay itatapon sa dagat dagatang apoy na siyang walang hanggang kaparusahan. Maniwala ka man o hindi, nasa sayo ang pagpapasya.
 
Dyan ka nagkakamali. Yong #5, nung bago pa si Digong sa pulitika eh hindi naman nagmumura yan pag nangampanya sa Davao pranka nga lang, pero, nung tumanda na at tumagal na sa serbisyo naging bastos na mag salita. Kaya tama naman ang sinabi ko. Kaya nawalan na ako ng gana sa kanya. Pati Pari ng Redemptorist, dahil hindi lang tinanggap yong biscuit at mga bigay nya ay nagalit ito at pinagmumura pa. Wala talagang respeto


sir dati pa nmn nag mumura sa digong lage nmin npapanood sa :gikan sa masa para sa masa" every sunday..atleast po naging totoo sya..btw sir sino pa gusto nyo maging pangulo?
 
Last edited:
sir dati pa nmn nag mumura sa digong lage nmin npapanood sa :gikan sa masa para sa masa" every sunday..atleast po naging totoo sya..btw sir sino pa gusto nyo maging pangulo?

Ang tanong, kelan ba nagsimula ang 'gikan sa masa para sa masa' na program ng ABS-CBN? Imagine 22 years siya naging Mayor, huwag mo sabihin na 22 years din yong programa. At saka buti pa yong sa tv siya nagsasalita dahil may censor pa, pero yong sa mga live speeches niya wala. Tapos dina justify mo pa na siya ay totoong tao dahil nagmumura? Bakit pag hindi ba nagmumura ay hindi na totoong tao? Ewan ko ba sayo kung anong 'values' meron ka. Yong anak ko nga pag nagmumura eh pinapagalitan ko dahil masama nga, pero, ikaw kinokunsente mo pa ata ang anak mo. Di talaga magandang halimbawa yan pag naririnig ng mga bata, kaya hindi ako nanonood ng paborito mong programa na puro kabastosan. At please, huwag na natin ibahin ang usapan, hindi naman pinupunto dito kung sino ang gusto mong maging presidente.
 
Back
Top Bottom