Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

May question ako sa lalake but question ng lalake sa babae ay nasasagot ko

Alodia143

Proficient
Advanced Member
Messages
248
Reaction score
1
Points
28
Oo nga. Hindi ako galit sa lalake. Ayaw ko ng lalake. Meron kase ako question sa lalake na hindi nila kaya sagutin. At least ako, sometimes meron question ang lalake sa babae ay nasasagot ko. Objective pa nga na meron connection sa society at culture pero sa akin, wala talaga.

Tanungin ko ang lalake sa ganito at ganyan, tatahimik lang sila. Minsan clueless sila sa ipinagtatanong at minsan never mind na lang sila basta lalake e lalake sila.

Hindi ko na tuloy magawa ma in love sa lalake. Mas mabuti na babae ang ma in love an dahil babae din ako. Medio relate ba kahit pa paano. Lalake ay hindi ko maunawaan.

Although nagkakacrush ako on celebrities or TV at least, iyon lang pero sa personal, ayaw ko.

Lalo na equestion pa naman ang babae na pigilin ito mag suot ng mini skirt sa mag syota.

E diba? Babae po kami? Magkaiba ang babae at lalake? Ano gusto ng lalake? Magsuot kami ng any nagrereflect ng masculine characteristic because we live in macho society? Ganun ba iyon?

Hindi nakakapagtaka. Male centrism nga tayo where femininity is consider social abnormality.

Oo nga.

Male moral authority tayo. Hindi feminine moral authority dahil consider ito abnormal at evil.

Talaga lang.

Ako ang ipinagbibintangan na man hater kuno pero tingnan niyo ang tao papaano magbehave sa babae, e diba parang lumalabas na woman hater? Dahil marami nililimitahan ang babae kaysa lalake?

Kung meron man hater ay dahil din sa tao na rin kung papaano sila magbehave sa babae.
 
Last edited:
alam mo iha ..ito ay opinyon ko lamang huh base sa mga sinabi mo na: "E diba? Babae po kami? Magkaiba ang babae at lalake?" we are in situation that we are indifferently characteristic pero meron tayong tinatawag na respect oh respeto sa kababaihan at being conservative ...at alam mo kasi kung bakit minsan napaka-conservative namin lalo na kung kasinhan namin lalo na sa pananamit ..kasi lalaki kami bilang lalaki alam namin kung ano ang isip ng kapwa namin lalaki. at kung sa isip ninyo hindi maganda yung mga ganung bagay sa inyo eh hindi na nanamin problema un sinasabi lang namn namin kung anong makakabuti para sa inyo kung mamasamain niyo iyon...eh surrender na kami!
 
Oo nga. Magkaiba ang lalake at babae.

Sa amin babae ay good, sa inyo mga lalake ay bad.
At kapag bad sa amin babae, para sa inyo mga lalake ay good.

Well... na realize ko na oks lang talaga pala kapag babae sa babae dahil same kami ng babae lalo na sa pag-iisip. E kung same kami ng mini skirt pagkatapos mag syota pa, magkasundo pa sila.

Na realize ko lang. Ang lesbian ay hindi ganun katulad sa lalake. Babae din kase siya. Same lang sa bisexual.

Galing ako sa exclusive school for girls kaya alam ko, lalo na kapag ecocompare sa characteristic ng lalake.

Masarap. Basta. Iba ang feeling.

Ang hirap mag explain kase when it comes to feminine essence or feminine characteristic. Hahaba lang siya kase at baka mapunta pa tayo sa womanhood 101 na hindi naman siguro knowledgeable ang mga tao o ang mga lalake doon dahil we lived in what we called male social norms.

Noon naipaliwanag ko. Matagal na iyon. E mukha paulit-ulit ata na iyon. Mabuti pa nga ang religious leader na nag prepreach ng paulit ulit minsan sa simbahan ay tinatanggap. Pagdating sa akin, iniignore.

Siguro, femininity is indeed social abnormality nga.

Yeah.
 
Last edited:
share ko lng...
sometimes, mas mabuti po na mas kilalanin po nating maige ang ating sarili.. para alam natin kung saan tayo dapat lumugar at dapat magkomento..
 
Oo nga po. Tama ka. Okay lang ang lalake sana. Sadya hindi ko lang sila naiintindihan. Sana ginawa na lang ng Dyos na puros homosexual para hindi magulo sa utak. Ang gulo sa utak kase kapag heterosexual kase e. Opposite sex kung baga. Hindi naman nakakasatisfied at basta...
 
Ano ba ang question mo na di kayang sagutin ng lalake?
 
kung ako naman tatanungin kung mag isa ka lang na lalabas or punta sa mall at ayaw mo ng mabastos dapat magsout ng hindi masyadong maiksi
pero kung kasama mo BF mo ang masasabi ko nmn jan ok lang sa akin kahit anu isuot nya kc hindi na sya papansinin ng ibang lalake
kasi alam namin mga lalake na kapag meron na silang partner no pansin na hanggang sa inggit nalang sila yan ay akin lamang diko
diko alam sa ibang lalake kasi iba iba naman kasi ugali namin mga lalake diba
 
kung ako naman tatanungin kung mag isa ka lang na lalabas or punta sa mall at ayaw mo ng mabastos dapat magsout ng hindi masyadong maiksi
pero kung kasama mo BF mo ang masasabi ko nmn jan ok lang sa akin kahit anu isuot nya kc hindi na sya papansinin ng ibang lalake
kasi alam namin mga lalake na kapag meron na silang partner no pansin na hanggang sa inggit nalang sila yan ay akin lamang diko
diko alam sa ibang lalake kasi iba iba naman kasi ugali namin mga lalake diba

......kaya nga sabi ko, mas mabuti ang babae kaysa lalake pero no need to explain ika nga dahil noon, panay explain ako, meron ata nainis.

@alter90

Marami ako question sa iba-iba forum. Masyado mahaba. Hindi nila kaya sagutin.

Mini skirt nga ay hindi nila kaya sagutin. I mean ang alam nila sagutin is bastos at disrespect. Lalake kase e. Basta, iba ang way of thinking nila. Sabagay, lalake kase sila. Ano alam nila sa babae diba? Unless maging babae sila at eembrace nila ang femininity essence,
ambiance and characteristic
.

I think doon lang nila maiintindihan.
 
......kaya nga sabi ko, mas mabuti ang babae kaysa lalake pero no need to explain ika nga dahil noon, panay explain ako, meron ata nainis.

@alter90

Marami ako question sa iba-iba forum. Masyado mahaba. Hindi nila kaya sagutin.

Mini skirt nga ay hindi nila kaya sagutin. I mean ang alam nila sagutin is bastos at disrespect. Lalake kase e. Basta, iba ang way of thinking nila. Sabagay, lalake kase sila. Ano alam nila sa babae diba? Unless maging babae sila at eembrace nila ang femininity essence,
ambiance and characteristic
.

I think doon lang nila maiintindihan.

Kahit na mahaba pwede mo naman icopy paste dito. Gusto ko ko lang malaman kung ano ang tanong mo.

Sasagutin ko yang tanong mo tungkol sa pagpigil ng isang lalake na pag suutin ng miniskirt na damit.
Unang una sa lahat hindi ka lalake, kaya wala kang alam sa mga iniisip ng ibang lalake. Kaming mga lalaki alam na alam namin yun. Di ka namin pinapasuot ng ganun kasi dahil gusto ka naming maging "masculine" lalo na yung mga straight na lalake. Bakit naming gustong maging lalake tingnan ang syota namin? :rofl:. Mas acttractive ang feminine na babae. Gaya ng sinabi ko ayaw namin ng mga iniisip ng ibang lalake. Di namin maatim na iniimiganine ng ibang lalake na hinuubaran ka nya. At kung may babaeng magsabi sa akin na okay lang sa kanya na iniimagine sya ng ibang lalake na kin*k*ntot sya kasi "imagine" lang naman, di ata magangdang pakingan, ikaw kung kung tingin mo okay lang yun edi bahala buhay mo naman yan. Basta ang importante di ganyan mag isip ang GF ko. :clap:. Wala eh masyadong nakakairita na makita ang ibang lalake na nakatingin sa makinis na binti ng GF ko eh. Makita ko palang mga manyak nilang mukha eh ang sarap manuntok. :slap:

Di mo rin basta2x na lang sabihin na "edi wag sila mag isip ng ganun". Di mo talaga mapipigilan ang ibang lalake mag isip ng ganyan kung posible na gawin yan sana wala nang manyak sa mundo, posible naman yang mangyari sabihan mo lahat ng lalake sa mundo na bawasan nag Testosterone nila kung pwede, Kung talagang matalino kang tao bat mo naman hahainan ng adobo ang isang manyak? Umiwas ka na lang. Prevention is better than cure.
The Irony is kaya ganyan ang lalake kasi dahil lang rin sa lalake. Maiintindihan mo lang talaga ang lalake pag ma eembrace mo ang "masculinity essence, ambiance and characteristic" ng mga lalake. I think doon mo lang maiintindihan. Nag chat ako ng mahaba alam ko rin naman di magbabago ang isip mo. :rofl:. Sige na I'm out. Sana wag humantong sa panahon na maging man hater ka na lang. Di ka magkakaroon ng peace sa buhay mo gaya ng mga napapanood ko na feminist man hater nakakawa lang panoorin. Sige2x bye2x
 
Last edited:
Post mo lang mga katanungan mo dito ts. Marami ang tumutulong dito at sasagot sa mga tanung mo.
 
@alter90

Haha :lol: Ganun ba? Nauunawaan ko ang pag-iisip ng mga lalake. Matagal na po. Iyon ang reason kung bakit hindi ko ini-embrace ang masculine characteristic, ambiance at masculine essence nito. Lahat ng tao ay normal dahil acceptable at inaapreciate nila ang meron sa male social norms. Ako lang ang abnormal sa tingin ko dahil hindi ko ini embrace ang ganun klase sistema.

Yeah.

Favorable ang men at alalahanin natin na nakatira tayo sa patriarchal culture. Questionable lang sa akin o sinasabi ko na wala sagot sa question ko dahil for me, kung sumagot sila, hindi objective or they just answered question based sa namulatan nila culture or kung ano lang itinuro sa kanila pero... lalake kase sila kaya ganun.

Or sadya hindi ko ma appreciate?

Pangalawa, ano meron sa feminist at lagi ako pinagbibintangan na feminist? Ang ibig sabihin ng feminist ay gender equality pero i am not a feminist. Wala ako hilig sa ganyan.

Sana man lang meron appreciation, favorable at tolerable para sa feminine pero katulad ng ipinaliwanag mo kung papaano mag-isip ang lalake sa babae sa mismo skin ng babae diba? Obviously, masculine mentality ang ganyan. Always, favorable to men but yeah, patriarchal nga pala tayo diba? No question ask nga naman pero if we do not live sa culture or society na masculine characteristic kung tawagin.. hindi ganyan mentality ng lalake. I am sure.

Ang society ng femininity is hindi ganyan mag-isip ang lalake pagdating sa skin so it is a reason why mas meron freedom ang babae magsuot ng kahit ano unlike sa sinasabi mo eembrace ang masculine characteristic, ambiance at essence nito?

Yeah.

No wonder why mas limited ang women kaysa sa men and take note, if women broke the rules pwede siya atakehin at gahasahin.

They always blame women because of their skin. Hindi nakakapagtaka kung bakit napaka dirty mind mag isip ng lalake pagdating sa balat ng babae.

Sinubukan din namin mag GENDER EXPERIMENT para makuha ko ang characteristic ng lalake pero malayo topic na iyon.

Dito sa atin ay mini skirt lang dahil meron legs ang babae. E sa Saudi Arabia ata, some part ata, buo skin
ay extremely balot-balot
. Ipakita lang ang finger ng babae ay consider sexual objectification na agad.

O diba? Ano ibig sabihin nun?

Something odd lang.

Isa pa, hindi ako nakatira sa Saudi Arabia para magtanong ng "questionable sa lalake na ang fingers ng mga babae ay pinipigilan ipakita". I am sure. Iba ang isasagot nila. Same din sa mga sumasagot dito.

Anyway, if mobilarian members want me to explain everything, gagawin ko po. Just give me time lang po.

Siguro, i was thinking din kase na gusto ko magkaroon ng chance na ma in love din sa lalake pero sadya hindi ko magawa lang kase o pinipilit ko lang ang sarili ko?

Nagtataka kase din ako kung ano reason bakit ang iba babae ay na iin love sa lalake pagkatapos ako ay hindi ko magawa. Ganun ba? Ano meron sa babae na iin love sa lalake na wala sa akin. Sa beliefs ba or ano?

But subukan ko ilist ang question ko tungkol sa guys kahit mahaba uli if meron time uli o sadya, nagka mood ako bumisita dito uli.
 
Last edited:
Ang problema mo kasi ate Generalized ka masyado na lahat nang lalake pareha na sa iniisip mo.. Negative na kasi lahat nang lalaki para sayo dapat kasi open minded ka, parehas lang yan sa religion ate hindi lahat ng muslim masama at hindi lahat catholic mabait.. syempre iba iba kc personality ng tao.. Meron namang desenteng lalaki jan dapat lng kilalanin mo lang nang maayos makikita mo yan pagdesente cya.. hindi yan sa gender sa ugali yan ate
 
Last edited:
Ang pangit naman mag mahal ka nang kapwa babae kung dahilan mo ay dahil sa kagagawan ni lalake hindi magawang sumagot nang maayos o hindi makasagot sa mga tanong mo kaya sa babae ka nalang kasi naintindihan ka.. Tama po ba ako?.. Kasi wala naman akong nabasa sayo na inamin mong lesbian ka.. Nagogoluhan ka lang..
Kung baga sa stage na hinahanap mo yung sarili mo.. Pano kung nasaktan ka sa kapwa mo babae? Pano kong mag jowa syang lalake? Marami po ganyan mga situations vice versa..

ito lang natutunan ko..'THERE IS NO PERFECT RELATIONSHIP' Lahat po pinaghirapan, pinagpaguran, iniyakan .. etc.. nandon rin naman yung masasaya.. kung baga hirap at ginhawa.. Kaya kung problema mo lang gusto mong mag suot nang miniskirt.. Ok lang naman sa akin pag kasama kita.. Proud ako non na may maganda akong Girlfriend ... Pero pag hindi kita kasama ganyan soot mo.. Hindi kita papayangan.. Ibat ibang rason .. for me for security reason at ayaw kung may dumidiskarte sayo na wala ako.. yun lang po sa side ko..

If you dont mind , ilang taod napo pa kayo? at naranasan mo na bang magkaboyfriend noon?
 
Last edited:
sa pilipinas kasi ang culture ay masyadong conservative pag naka suot ng maiksi ang babae pero kung sa amerika ka kahit wala kang suot na pang taas ok lang, now ang sagot sa ask mo depende un kung saan culture ang nakagisnan ninyo/nila or papano sila pinalaki


diba nababalitaan mo naman sa ibang bansa tulad ng sabi mo sa saudi balot na balot ang mga babae dun

dun naman mga lalaki ang mga nararape dun hehehe hindi babae...

Alam mo TS ung sinasabi mo ma inlove ang babae sa lalaki mali un ang tama dun dalawa dapat silang ng mamahalan or ng kakagusto sa isa't isa

pero alam mo naman pala sagot sa mga tanong mo eh kc nasasagot mo din naman eh
 
sa pilipinas kasi ang culture ay masyadong conservative pag naka suot ng maiksi ang babae pero kung sa amerika ka kahit wala kang suot na pang taas ok lang, now ang sagot sa ask mo depende un kung saan culture ang nakagisnan ninyo/nila or papano sila pinalaki


diba nababalitaan mo naman sa ibang bansa tulad ng sabi mo sa saudi balot na balot ang mga babae dun

dun naman mga lalaki ang mga nararape dun hehehe hindi babae...

Alam mo TS ung sinasabi mo ma inlove ang babae sa lalaki mali un ang tama dun dalawa dapat silang ng mamahalan or ng kakagusto sa isa't isa

pero alam mo naman pala sagot sa mga tanong mo eh kc nasasagot mo din naman eh

Na re rape ang lalake sa Saudi Arabia? Haha :lol: Kasalanan nila iyan. Binalot pa naman ang babae ng ulo hanggang paa ng hiyab or tela? Nagkaroon tuloy ng psychological mental disorder ang lalake na pinatulan na lang ay kapwa lalake dahil sabi nga nila ay madami bakla sa Saudi Arabia. Papaano naman balutin pa naman ang babae ng ulo hanggang paa ng tela na parang equivalent nun ay women do not exist on earth.

Talaga lang. Mas maganda na huwag na lang mag exist ang babae sa Saudi Arabia at puros lalake na lang ang naandoon. Mabuti iyon kaysa extremely takot na takot sila sa balat ng babae at sabay sisi sa babae kapag sila ang gumawa ng bad sa women because of the skin.

Women's skin is indeed a threat to men kaya they attack women then they blame women so ang freedom of women na limit.

Anyway, ang sagot galing sa iba tao ang gusto ko mabasa. Malay niyo kapag nagkataon na same kami ng beliefs, desire, perception or mind at na satisfied ako, e baka maging ka VIBES ko pa then bigla naging kami. Haha.

Ang problema mo kasi ate Generalized ka masyado na lahat nang lalake pareha na sa iniisip mo.. Negative na kasi lahat nang lalaki para sayo dapat kasi open minded ka, parehas lang yan sa religion ate hindi lahat ng muslim masama at hindi lahat catholic mabait.. syempre iba iba kc personality ng tao.. Meron namang desenteng lalaki jan dapat lng kilalanin mo lang nang maayos makikita mo yan pagdesente cya.. hindi yan sa gender sa ugali yan ate

Ano ang ibig mo sabihin na desente na lalake?

Desente lalake na pinipigilan ang babae magsuot ng kahit ano damit huwag ma expose ang skin? or desente lalake na mataas ang respeto nito sa kahit ano edisisyon ng babae mismo?

Halimbawa.

Disisyon ng babae na magsuot ng sleeveless or mini skirt or short or whatever... mataas pa rin ang respect ng guy.

Dalawa lang kase iyon.

Desente lalake na talaga vinavalue niya kung ano gusto ng babae at saka desente lalake na extremely concern siya na ma expose ang skin ng woman dahil keyso bastusin o pwede siya magselos or ganun.

Alin desente na itinutukoy mo? Curious lang naman. Oo meron lalake desente pero hindi ko alam kung ano desente itinutukoy mo.

Ang pangit naman mag mahal ka nang kapwa babae kung dahilan mo ay dahil sa kagagawan ni lalake hindi magawang sumagot nang maayos o hindi makasagot sa mga tanong mo kaya sa babae ka nalang kasi naintindihan ka.. Tama po ba ako?.. Kasi wala naman akong nabasa sayo na inamin mong lesbian ka.. Nagogoluhan ka lang..
Kung baga sa stage na hinahanap mo yung sarili mo.. Pano kung nasaktan ka sa kapwa mo babae? Pano kong mag jowa syang lalake? Marami po ganyan mga situations vice versa..

ito lang natutunan ko..'THERE IS NO PERFECT RELATIONSHIP' Lahat po pinaghirapan, pinagpaguran, iniyakan .. etc.. nandon rin naman yung masasaya.. kung baga hirap at ginhawa.. Kaya kung problema mo lang gusto mong mag suot nang miniskirt.. Ok lang naman sa akin pag kasama kita.. Proud ako non na may maganda akong Girlfriend ... Pero pag hindi kita kasama ganyan soot mo.. Hindi kita papayangan.. Ibat ibang rason .. for me for security reason at ayaw kung may dumidiskarte sayo na wala ako.. yun lang po sa side ko..

If you dont mind , ilang taod napo pa kayo? at naranasan mo na bang magkaboyfriend noon?

Hmm.

Nagkaka crush naman ako sa gay at minsan sa bisexual male e pero never sa straight guy pero kayang-kaya ko siya syotahin kapag nag take a risk ako or kapag na in love ako pero nagkakataon na babae ang nakakasalamuha ko. Bisexual lang ako. Ayaw ko maging lesbian although kabundikan na.

Nagkaroon ako ng boyfriend noon pero hindi ako marunong mag akto girlfriend. Naasiwa ako at saka nandidiri ako kapag hinahawakan ako sa kamay at saka hindi ako expressive. Naghiwalay kami agad.

Sa girls ay expressive ako. Nakakapagbigay ako ng gift, nakakapagyaya ako ng movie sa kanya. I mean mas madami ako nagagawa at nasasabi dahil same kami girl.

Iba kase e. I mean iba.

Naalala ko pa na last na kita namin is masyado revealing ang clothes niya pero ako naman ay naka short ng lumabas kami sa mall pero napunta rin siya sa lalake. Ang lalake ay kaaway ko pa pero pinatawad ko na. Gusto ko kase ang attention ng babae ay mapunta sa akin pero failed ako. Lalake talaga ang ipinili niya.
 
Last edited:
sasagot lang po ako. sa post mong ito naka away mo yung guy kasi yung girl napunta dun sa guy. kahit pa gustuhin mo na ang girl mapunta sa yo at gusto mo na matanggap ang idea mo na pwede ang girl is to girl dahil gusto mo ang equal feminity hindi talaga pwede. kung sa standard na pag iisip ng tao hindi maganda tignan kahit na medyo mulat na ang kaisipan na pwede naman girl is to girl at boy is to boy or man is to man. pero hindi mo maiiwasan sa isang girl na magdream ng isang pamilya which needs a man to fulfill it. pwede kayo mag adopt pwede rin magpa testtube baby pero ang parang ultimate dream ng isang babae para siya ay talagang maging ganap na babae in the real essence of the word is to be with a man and undergo the change para makabuo ng isang family. magkaroon ng anak na galing sa isang lalaki at isang babae. ngayon kung sa tingin mo lahat ay dapat equal kung ano ang nagagawa ng isang girl ay pwede nang gawin ng isang guy mahirap yun. at kung bakit is physical aspect kahit mga trans mahirapan makuha iyan dahil ang physiological aspect ng guy or gay wala silang ovary kahit gawin pang science ang pwede lang sex change pero not the ovary thing. same sa girl po. pwede siya magpa change ng organ from v***na to a penis yes pwede na pero ang question is how can a woman provide the necessary hormone for the partner to conceive? nag sex change ka pero are you releasing testorone or yung sa girl lang na progesterone. madami pang pwede gawing example talaga na mahirap maging pantay ang isang babae at isang lalaki. pero sa pinakabasic pa lang na part mahirap na maging pantay sila. ngayon dun sa gusto mo gawin na mga kung ano susuotin yes pwde mo suotin yan pero hindi mo mablame na may nangrape or nabastos kasi nga separate ang male at female characteristics pati mind set. ang mga lalaki mostly visuals kung ano makikita nila madali sila maturn on or mataas libido nila when it comes to sex. so out na sa question ang blaming kasi parang they are always tested na ayan oh nag mini skirt ako so bahala ka jan. walang magbawal sa yo anuman ang suotin mo pero you will bear the outcome and consequences of your actions if marape ka or mabastos ka. tama yung ibang nagcomment na yes its an honor for us men if makaya mo magsuot ng mga revealing clothes pero still respectable thru your actions ...men respect that. pero nagwear ka ng revealing clothes or outfit tapos yung galaw mo sumasabay din sa suot mo paano mo makukuha ang respeto na hinahanap mo? naka focus ka sa revealing clothes na mini skirt or micro mini for example di ba? yun ngang ibang babae balot na balot pero napabalita pa ring namanyak o nabastos. sana naman nakatulong ito sa yo if you want pwede ka din magpm sa akin open ako for another discussioin at least sa discussion tulad nito stimulated ang mind ko to think outside of the box, kung ano kulang ko in understanding the female specie mas better at kung ano kulang or gusto mo pa malaman why not we can discuss it if you want lang.. have a nice day ts
 
Anyway, ang sagot galing sa iba tao ang gusto ko mabasa. Malay niyo kapag nagkataon na same kami ng beliefs, desire, perception or mind at na satisfied ako, e baka maging ka VIBES ko pa then bigla naging kami. Haha.


Mahirap ata un TS ung sinasabi mo na halos parehas kayo sa lahat ng bagay kc sa logic kahit kelan di talaga mag kakasundo ang bawat tao kasi nga magkakaiba tayo.


(Women's skin is indeed a threat to men kaya they attack women then they blame women so ang freedom of women na limit.)

Meron din naman guys na attractive ang skin huh sa ibang guys so hindi lang naman ang women ang na aatract meron din mga girls sa na attract sa mga guys
 
@blualmaru

Yeah. Correct ka. Napansin ko din. Ang transgender woman ay hindi nagkaka menstruation at hindi nabubuntis. So ang iniisip nila na masarap maging babae na ang totoo babae talaga ay nagkakaroon ng menstruation at nabubuntis. Mahirap kaya? Every month ay meron menstruation at pagkatapos ang pagbubuntis ay mahirap din.

Ganun din sa transgender man. Meron penis pero hindi pwede bumuo ng anak.

Mas mabuti para sa akin na huwag na lang magpatransgender. Iyon lang ang akin dahil according sa psychology daw ay same ang affectionate ang parents, friends, syota at asawa. Ang ipinagkaiba lang is sex sa mag-asawa at bubuo ng pamilya. Ganun ang akin na nagkaroon man ako ng girlfriend ay without kiss at without sex. As long as forever ang girlfriend sa akin at tatagal kami dalawa sa isa bahay na share kami ng hobbies at interest ay emotional satisfied na ako. Hindi na kinakailangan ng sex dahil kapag ang partner ay naghiwalay na meron sex involve, ayon sa psychologist ay mas extremely masakit sa puso at damdamin iyon kaysa mag partner na naghiwalay na hindi nag sex.

Hindi talaga pantay ang lalake at babae. Iyon ang reason na bakit sinasabi ko na hindi ako feminist na keyso kabilang raw ako sa gusto ko mangyari na gender equality.

Ang gusto ko ay magkaroon ng freedom ang babae or sabihin natin na magkaroon ng freedom of expression man lang na hindi hinahadlangan ng tao dahil meron mang aatake o meron mam babastos na lalake dahil it seems na favorable to men ang lahat dahil keyso a threat sa lalake kapag na expose ang skin ng babae, nagkakaroon ng malice sa skin ng babae, kapag lalake ay naging househusband ay pangit at marami iba pa but... but... but... but if I think about it ay tama nga na hindi ko pwede e blame ang lalake at wala talaga pwede e blame. Hindi kasalanan ng lalake dahil... dahil... dahil in reality ay male dominated society tayo. Patriarchal culture tayo na we really can not change reality diba? Nga naman pasabugin natin which is hindi pwede.

It is male moral authority or sabi nga ay masculine characteristic ang society. Male social norms tayo so I think kapag pagkukumpara ang lalake at babae ay mas malaya ang lalake kaysa sa babae katulad na pwede makita ang abs ng lalake or ang upper na katawan ng lalake pero ang babae ay extremely meron malice kapag naka bra lang siya, naka mini skirt lang siya or naka bra lang siya sa itaas nito.

Then ang lalake ay hindi na kinakailangan ng protector dahil lalake sila at keyso nakakayanan ng lalake e handle ang kanila sarili (although meron lalake na nang aattack ng kapwa lalake din) sapagkat sabi raw ng mga tao ay strong gender ang lalake pero ang babae ay kinakailangan pa ng lalake dahil generally speaking ay iniisip ng babae na weak siya na he needs a man to protect her...

...at marami iba pa.

Ang contribution lang ata or ang role ng ata ng babae sa tingin ko ay likod siya ng lalake. Nasa likod lang ang babae sa lalake, kaya nga, hindi nakakapagtaka na meron nagsabi na *superior* ang lalake raw na keyso *influential role* ang lalake sa society. Pangit kapag babae ang naging *superior* ... Iyon nga lang, ang cons nito ay lalake gagawa ng lahat dahil people believe that men are stronger gender so isabak siya sa war kahit madami lalake na namamatay, pabuhatin siya ng malalaki object na kahit madali ma drain ang muscle nito at marami iba pa.

Nagmumukha humihingi ako ng equality pero hindi ako humihingi ng equality. Haha. Freedom lang dahil diba? What it feels na nagagawa natin ang gusto natin based sa qualities as an individual? Okay sa lalake (ata) pero sa babae ay ewan ko na lang.

Just imagine na lang na nagsuot ang babae ng revealing clothes, nakikita ang cleavage, nakasuot ng maiksi short or naka mini skirt at pagkatapos dadaan ang babae sa iskinita na marami lalake. Then bigla gahasahin at patayin or mabastos ng mga lalake ang babae dahil lang sa ganun suot?

Ano feeling?

Mababalita sa NEWS na ganoon ang kahihinatnan ng babae so ang mga babae ay nagiging anxious na siya sa gusto niya gawin para sa sarili nito. Mag-iingat na pati ang mga babae sa lalake dahil sa ano man oras o araw ay unpredictable na pwede gumawa ng masama ang lalake sa babae.

You see... kami ang wala kalayaan sa tingin ko pero yet, we can not blame men in general dahil lalake sila at sapagkat sila ay visual at mataas ang testosterone nila so we can not blame men.

Sa family setting din, ang madalas na iniingatan ay babae kaysa lalake na minsan, nasasakal na ang babae at hindi na niya nagagawa ang gusto nito although ang iba ay tinatanggap na lang.

Alam niyo iyon? It seems na we are asking approval from men kung ano ang do's and don't gawin ng babae just to make men satisfied or para hindi siya makagawa ng kasalanan dahil sa amin babae or para hindi ma intimidate but then again, sa tuwing naiisip ko ang isinusulat ko ay pumasok sa isip ko na oo nga pala. Meron isa eksperto sa larangan ng biblia na nagsabi sa akin noon na ang God which is center ng Christian society is a masculine characteristic daw and since our society is a masculine characteric na kung saan ini-embrace ng mga tao ay reflect siya sa mismo social behavior ng mga tao.

Again, hindi pwede e-blame ang lalake uli plus hindi rin pwede e-blame ang religion. Left no choice but to accept it so ito, inaccept ko na ganun nga naman talaga pero it does not mean eembrace ko ang masculine characteristic sa society. Hindi ako nagpaparticipate pero go with the flow na lang ako para hindi ako abnormal sa tingin ng tao.

Nang meron nagsabi na eembrace ko daw ang masculine characteristic mismo para maunawaan ang lalake ay matagal ko na alam, kaya hindi ko ini-embrace. Siguro nagtatanong ako dahil nag-iilusyon lang siguro ako na sana meron ganito at ganyan na lalake na hindi katulad ng iba lalake kung papaano mag perceive ng babae pagdating sa skin pero base sa comments na nababasa ko ay same ang mga comments ng mga lalake pagdating sa skin. Failure ako. I admit.

Matatagpuan ko lang ata ang inaasam ko na lalake sa Pagan culture na Pagan men although malawak ang Pagan denomination. Iba ang ethics kase nila pagdating ng skin kase, lalo na kapag festival ng mga God at Goddess ba iyon? Or festival ng Goddess of Fertility ata iyon. Wala malice ang mga tao roon pagdating sa skin lalo na kapag nasa bonfire, ke naka hubad or ke nakasuot ng damit ay ayos lang. Wala naman kase malice at ang ethics ay ang lalake ay kailangan quiet or discreet. Hindi tipo nakakita ng legs or boobs ay sisigaw na ng "wow! sex tayo!" or ano. Kung baga pangit tingnan. Ang skin kase ay consider na malinis. Naalala ko na meron nagsabi na ayos na nakadamit sila pero medio weirdo kapag nakatakip daw.

Tama nga. Sa kultura nga naman talaga iyon. Hindi ako man hater pero talaga, meron ako mga question na it is not enough for me para ma trig ako upang ma in love sa lalake.

Isa pa, the reason why ganyan mentality ng mga lalake na keyso tumataas ang lubido pagdating sa sex katulad ng sinasabi mo ay dahil meron ang mga lalake na sexual knowledge or carnal knowledge kung tawagin.

Tanggalin ang sexual knowledge ng mga lalake sa utak mismo ay hindi sila malilibugan na maihahalintulad ito na inosente bata (alam niyo ang inosente bata lalake diba? Makakita lang ng skin ang bata na lalake sa babae ay no malice? Nakita ko sa isa bata noon na sa murang edad na nanonood ng kpop girl band na puros babae ay no malice sa kanya na meron naka short at naka mini skirt na kahit siguro na classmate na babae na kasing edad ng bata lalake ay wala malice sa utak nito unless ituro sa bata lalake na masama at mali ang mga suot na babae na nakikita niya)

Nagkaroon lang naman ng sexual knowledge o carnal knowledge ang mga lalake pagdating sa mga ganyan dahil sa mga tatay na rin. Hindi lahat ng mga tatay ha? Katulad ng sinabi sa amin noon sa bahay na meron raw isa tatay na nagregalo ng isa prostitute para sa anak na lalake.

Rason? At the age of 18 years old, ang gusto ng tatay ay magkaroon ng sexual knowledge ang anak nito lalake para hindi kahiya-hiya in the future kung siya magpeperform ng sex sa babae mismo.

Sunod, sa society. Society ang nagtutulak sa mga lalake na kinakailangan marami alam sa sex, magaling magperform ng sex at ang mga babae ay kinakailangan panatilihin wala alam sa sex dahil lalake magtuturo daw ng sex. Society din ang nagdikta na panatilihin birhin ang babae sa lalake.

Pagkatapos imagine na hindi lahat ng mga lalake ay nakakakuha ng babae at hindi lahat ng mga lalake ay meron experience of sex. Dagdag pa iyon kung bakit meron nababastos na babae at na rarape na babae because of fear dahil wala knowledge of sex ang lalake, kaya makakita lang ng iba lalake na skin ng babae, aatakehin na agad ito at gagahasahin although marami case why nang aatake at nang gagahasa ang lalake sa babae.

E-asses ang tunay na nangyayari in a real, real world. Again, they do not blame men. I think ang system ng society natin ang siguro hindi ko magustuhan lalo nang sabihin na "eembrace ko daw ang masculine ambiance" ng society mismo. Nah. Unfair at napaka chaotic kaya?

Hindi lang naman sa tatay. Sa pornorgraphy. Lalake ang gumagawa ng pornorgraphy na aim sa mga lalake din upang magkaroon na tinatawag na sexual knowledge at ang ginagamit ng mga lalake na objectification ay babae or ginagamit na tools kung tawagin ay babae.

Ang rason ay para magkaroon ang mga lalake ng sexual knowldege upang e-apply ito sa babae, so iyon ang nagtrig sa kanila ng malisya na basta lang makakita ng skin ay mag ja jump over agad ito sa babae at bigla mang re rape or keyso nambastos ang lalake then again, kanino ang blame at kanino ang nag sasuffered to the max.

Babae pa rin. Babae.

Sabihin man na ang lalake ay nang re rape sa babae or lalake ang nambabastos sa babae ay babae pa rin ang pinapaniwalaan ng mga tao na ang mga babae ang nag ca cause ng rason na bakit nagiging evil ang lalake dahil lang sa feminine body na kami mismo ang nag ma may ari.

Sabihin nga ng lalake dito na free ba kami mga babae at patunayan nga sa amin dito kung saan kami naging malaya pagdating sa sarili namin katawan namin mga babae?

Kutob ko, hindi kami free, kaya nga, ang dami-dami ko question sa mga lalake talaga. Pagkatapos, kapag tatanungin, iniignore nila at ang iba doon ay clueless, at ang pinaka masaklap, kami pa ang dahilan kung bakit nagiging manyak ang mga lalake.

Sabi, ipinagmamalaki na mataas raw ang testosterone ng mga lalake. Agree ako sa agree pero talaga lang, kung ipinagmamalaki ng lalake iyon dahil keyso naturaliza sa kanila iyon ay hindi alam ata ng mga lalake at ng mga babae na nakatira sa Pilipinas na naturaliza rin sa mga babae ang multiple orgasm? Yeah, I know, no one knows or sadya, hindi itinuro or rare lang ang nakakaalam.

Bakit nagkaganun?

Iba ipinamulat sa mga tao in the present moment kase e, na ang mga babae raw ay pangalawa lang sa lalake, in the bible ay sabi, women must be submissive at subservient to men (means highly obedience. in tagalog, sobra MASUNURIN!) -sa desisyon ay puros lalake ang dapat na masusunod at most of all, hindi alam ng babae kung ano ang naturaliza sa kanila as feminine at hindi din alam kase ng mga tao na meron potential strength at abilidad na makakayanan ng babae, kaya nga, noon una panahon, ang mga babae ang itinagurian na superior in sexuality. Ang tawag nga sa mga babae ay *feminine sexual superiority* na pinapanipaniwalaan ng mga tao na associated ang mga lalake sa feminine sexuality ng mga babae. Babae raw ang sinasabi na influential role at ang high priestess raw from polytheist (polytheist who believes in Gods at Goddess although malawak ang denomination ng Pagan) ang siya nagbibigay ng sexual knowledge kung sino tao lalapit sa kanya. It means spiritual incomplete ang lalake na wala babae at to have sexual enlightenment, kumukuha ang tao ng sexual knowledge from women or from a priestess. Kaya nga, ang homosexual is tolerable at acceptable noon una panahon.

Ang mentality ng lalake katulad ng binabanggit mo in the present moment ay it seems para sa akin ay tinake advantage na ng lalake iyon or parang excuses ng lalake iyon na keyso mataas ang testosterone nila at keyso natural kamo sa kanila iyon nang nagsimula sa panahon ngayon ay hindi na superior ang babae at ever since nagkaroon ng limitation ang babae kung ano ang naturaliza din sa kanila.

Talaga lang.

Excuses dahil alam ng lalake na acceptable at tolerable galing sa mga tao na gawin ng lalake iyon kahit alam ng mga filipinos na mali. Filipinos ay obviously na embracing na tinatawag na *masculine characteristic* ng society kung saan ang normal ay *male moral authority* at kapag aalamin ang ibig sabihin ng *moral* ay iyon ang *right* or *wrong* ...

It seems "people can not blame men but people can blame women on how she dress up" daw.

...

Parehas ang lalake at babae na visuals. Ang ipinagkaiba ng dalawa gender is tolerable sa lalake. Babae hinde, kaya kung mapapansin, meron babae na na aattract sa gwapo o pogi pero hindi halata. Alam niyo iyon? Discreet. Hindi halata dahil kung mag-ingay ang babae, negative impression agad iyon unlike sa lalake, hindi naman ganun. Halata na nga ang iba lalake kapag nakakakita ng maganda. Again, hindi ko nilalahat.

Matino at mabait ang mga lalake in fairness pero ang sistema na papaano magbehave ang lalake sa babae porke lalake sila ay hindi ko gusto dahil unfair.

For me, unfair pero reality siya. Reality. Masarap magmahal ng lalake kung ang reality din mismo ay maganda sistema at hindi unfair.

About naman sinasabi mo na kahit balot-balot ang mga babae na hiyab or tela ay na rerape dahil sa mata ng life ng lalake sa part ng Saudi Arabia ay hindi naman sila nakakita ng skin. Hindi naman nasanay ang mga iyon.

Nang sumali nga ang miss Saudi Arabia sa international pageant ay hindi nga makauwi sa bansa niya e. Death penalty ang aabutin niya.

Bawal ma expose ang skin ng mga babae sa Saudi Arabia at iyon ang dahilan kung bakit hindi sila nakakareceive ng vitamin E from the sun dahil binalutan na sila.

@titigmomalakii

Meron talaga nun. Iyon nga lang, sabi ng psychologist ay 90% ay hindi natin makakasundo ang tao kung ano ideas at perception pero 10% ay meron para sa atin, kaya lang, rare siya sumulpot. Nagkataon wala dito iyon.

Meron din na aatract in both gender. Lalake at babae ay parehas lang naman. Ang ipinagkaiba ng dalawa gender is mas mataas ang advantage ng lalake pagdating sa ganun. Oo nga. Sa babae ay common na. Sa lalake ay prestige kung tawagin. Ang babae ay hindi na pinapansin sa ganun. Ang ibig ko sabihin, wala siya label ika nga. Lalake lang ang meron, kaya nga sa kultura, halimbawa, meron kpop boy band or anything japan anime fictional boy character na tinitilian ng mga babae na sabihin natin na oo, meron babae na aattract sa lalake pero talaga lang, nakakabenefit o mataas ang advantageous ng lalake sa ganun.

Sa babae ay kung meron man ay COMMON na iyon kaya hindi na pansinin kung tawagin. Lalake ang nagchachase sa babae like lalake nagbubuhos ng effort at nanliligaw. Babae ang nililigawan.

Iyon nga ang reason why ang pagiging babaero ay acceptable at tolerable kahit mali dahil sabi nga, lalake raw sila. Manligaw man sila o hinde.

Ang babae ay makarami ng lalake ay mali, hindi acceptable at hindi pa tolerable. Mataas din ang *negative impression* sa babae din.

Ewan ko kung ano *prestige* sa babae. Siguro kapag naging *individualistic* or *independent* ang babae pero hindi rin. Meron *negative impression* din like sabihin na keyso man hater, ano pa? Ma pride daw or keyso kung sino raw matalino or keyso bitter dahil wala boyfriend basta, marami.

Ganun.
 
Last edited:
PM mo sakin yung question mo, sasagutin ko yan, baka naman kase yung mga tinatanong mong mga lalake mga kengkoy kaya wala ka makuha na tamang sagot
 
para sakin magkakaiba man ang lalaki at babae pareho parin maykasalanan

kung hindi mag sosoot ang babae ng mga damit na kalaswa laswa sa panigin ng lalaki walng lalaki mag iisip ng malaswa.
 
Back
Top Bottom