Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

May Tiwala ka pa ba sa pamumuno ni PNoy??

una p lang wala n ko tiwala.. congressman p lng wala na gnawa or napasang batas.. di tayo kc dapat mag base sa pangalan or winability.. dapat by credentials..

Ganoon talaga sir, credentials dapat. Problema nga lang e showbiz parin ang sinusundan ng mga mahihirap, kung sino ang sikat may advantage na. Doon mo nga makikita kung gaano kalupit ang social engineering na ginagawa nila.

1. Celebrity Endorsers
2. Jingles based on new songs
3. Color coding
4. Rampant radio and TV ads. TV specials are now becoming a new technique, it is very expensive due to production costs but it's effective in making the candidate more relatable. Very few do newspaper ads nowadays.
5. Using unique hand signs like People Power sign, "Pogi" sign, "Hand to the chest" sign, etc.
6. Using unique nicknames like "Noynoy", "Bam", etc.
7. Using the names of well-known people/relatives (Ninoy and the Yellow Power, Binay, Macapagal, FPJ, etc.)

Sa listahan pa lang alam mo na kung sino ang target e.
 
Bakit hindi nalang mag tiwala at di puro reklamo?
Kumayod para sa ikauunlad ng sarili at ng bayan
 
Sa panahon ngayon wala na ibang pagkakatiwalaan kundi sariling kakayahan at sariling sikap nalang:lol: Kung i-asa nalang natin sa ibang tao or sa gobyerno ma-frustrate lang tayo.
 
Bakit hindi nalang mag tiwala at di puro reklamo?
Kumayod para sa ikauunlad ng sarili at ng bayan
"Magsumikap para sa ikauunlad ng sarili hindi puro reklamo"....sabihin mo yan sa mga magsasaka. Sabihin mo yan sa mga batang gustong mag-aral, pero piniling magtrabaho para hindi kumalam ang sikmura.

Nagsusumikap ka nga, harap-harapan ka namang ginagago. Eh di wala rin. Ginagago ka na nga, hindi ka pa mag-iingay? Ano ka robot? :lol: :naughty:
 
Last edited:
Tiwalang tiwala ako kay PNoy na kaya niyang palalain ang masamang sitwasyon ng Pilipinas.
 
Wala akong tiwala kay PNOY. Tuwid na daan? Nasaan? :lol:

Not in order...

1.) He made decisions na ikinapahamak ng mga ordinaryong Pilipino.
a.) Zamboanga Incident - Kung hindi niya binaliwala si Nur Misuari, hindi magkakaganyan ngayon sa Zamboanga. Maraming tao nagsilikas, nawalang ng hanapbuhay, nawalan ng mahal sa buhay, nawalan ng tahanan atbp. all because of PNOY. Kung kinausap lang nila ang side ni Misuari edi wala sanang rebellion na nangyayari. Kung gusto niyang gerahin o ubusin ang MNLF dati pa sana. Sinasabi naman nila si Misauari ang may ayaw makipagusap.

b.) Coastguard Incident - Nagmatigas na hindi hihingi ng tawad ang Gobyerno ng Pilipinas nung umpisa pero in the end eh titiklop din pala. What happened? Naging mahigpit tuloy ang Gobyerno ng Taiwan sa mga Pilipino. Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho at inabuso ng mga Taiwanese.

c.) Luneta Hostage Crisis - Ang daming dapat kasuhan na walang nangyari. Nasisi't nasibak pa yung hindi dapat. Humingi na nga sorry at nagexpress ng condolences, mukhang masaya pa. Kaya ganun na lamang ang glit ang Hong Kong people sa Pinas eh.

2.) Nagsasabi ng masama sa isang ahensya ng walang ebidensya. Kapag nagtender ng resignation yung mga department head eh biglang kambyo na naman.

3.) Kapag KKK niya, abswelto at ipinagtatanggol, kapag hindi sorry ka. :lol: Si Mar Roxas daw naglaan ng pondo sa isang NGO ah. Porket P5M lang eh ipagtatanggol nila? Malaking halaga na yun. Pwedeng pandagdag na yun pampagawa ng Flag Pole sa Luneta. :lol: Let's say na hindi connected kay Napoles ang NGO na pinaglaanan ng pondo ni M.Roxas, eh marami pang bogus na NGO diyan. Hindi porket hindi kay Napoles eh hindi na bogus. Yung sa LTO Chairman na si V. Torres huling huling nagcacasino tapos ayaw nila tanggalin dahil slot machine lang naman at hindi gambling yun? In the first place, bawal ang mga govt. officials sa mga casinos. Si Biazon sa customs na laging palpak sa nakokolektang buwis eh nasa pwesto pa din? More than a year ng underperforming eh nandun pa din. Meron pang naglahong 2,000 na container van sa customs. WTF? Hindi pa din ba grounds for termination yun? Marami pang ibang case, alam kong alam niyo.

4.) Laging sinisisi si GMA. Kakaumay na. Laging hugas kamay siya. Perpekto ata eh? Patunayan niya mga allegations niya.

5.) Ayaw tanggaling ang PDAF/PORK BARREL. Abolish my ass, pinalitan niya lang ng pangalan eh. :lol: Bakit? Ayaw niya kasing magalit sa kanya ang mga congressman at senators especially yung allies niya. Kapag nagkataon eh ma-iimpeach siya. Pwede rin may mga may hawak na alas sa kanya ang iba at ayaw niya itong banggain. If hindi pa din niya tatanggalin ang PORK ang mga mamamayan naman ang magagalit. Tingin ko either way he'll be impeached or at least i-try iimpeach. If he will be impeached either way eh I'll go for the abolition ng Pork Barrel. Yun ang mas magandang legacy na pwede niyang gawin. Ayaw din eh. :lol:

6.) Inuna pa ang RH bill kaysa sa FOI bill? Astig lang talaga! Kahit walang RH bill okay lang. Pera2 lang naman yan. Corruption talaga ang source ng poverty sa Pilipinas. Eh ang FOI? Kailangan na kailangan ito para matapos or at least mabawasan na ang corruption. Hawak na nga niya ngayon LEGISLATIVE AND JUDICIARY, ano pa ba hinihintay niya? Sabagay ayaw ng mga government officials yan or may tinatago ang kasalukuyang gobyerno. :lol:

7.) Pabahay sa MASA - Maganda naman ang gusto ng gobyerno dito pero paano naman yung mga middle class na naghihirap kumayod at nagbabayad ng buwis? Magkakabahay din ba sila? Iba ata nakikinabang? Hindi ata pantay? :lol: Mas mahirap magkaroon ng sariling bahay kaysa humanap ng pagkain at trabaho. It's better to teach a man how to catch fish. Magproduce sila ng trabaho kaysa isubo na lang sa mga mahihirap ang gusto nila. Middle class pa naman ang pinakamalaki ang naaambag na tax. Tsk2. Nangunguna pa si Mar Roxas palagi sa TV exposure sa pabahay eh hindi naman siya taga Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC). Tatakbo kasiiii. Hahaha. Pansin niyo ba na si Mar lagi nauuna kaysa kay PNOY sa kahit anong urgent situation? :lol:

8.) Self sufficient ang Pilipinas sa bigas? Ilang beses na niya sinabi ito. Eh may nakikita ako sa pier na nagaangkat ng bigas mula Vietnam at may seal pa ng Pilipinas. :lol: May excuse sila... pangbuffer nga naman. :lol: Ano ba ang balita ngayon? Sapat daw db? Ang mamahal naman. Usad pagong ang imbestigasyon.

9.) Lumagong ekonomiya? Randam niyo ba? Kaya lang lumago noong mga nakalipas na buwan eh sa kadahilanang bagsak ang ekonomiya ng Amerika at ibang bansa sa Europa. Sana din pasalamatan niya ang mga OFW kasi sila din talaga ang rason dahil sa laki ng remittances. Kaya lang naman nagall-time high ang Philippine Stock Market (PSEi) last May 2013 is dahil naging hot money ang stocks sa Pinas. Tignan niyo ngayon bumaba na ulit dahil nagbentahan na. Pera2 din yan. Naglipat na ang mga investors sa ibang stocks sa ibang bansa.

10.) Sinungaling. Hindi niya daw kilala si Napoles before? Eh may picture siya kasama si Napoles pati ang anak nito meron din. President lang naman kaharap mo, kung hindi ka VIP palalapitin ka ba? O sige benefit of the doubt na nga din para sa hindi makatanggap. Eh bakit sumulat si Napoles kay PNOY bago pa naging issue ang PDAF scam dahil sa pagdakip ng NBI sa kanyang kapatid sa kadahilanang kidnapping kay Benhur Luy na ngayon ay whistleblower na. The very next day he received the letter eh agad kumilos si De Lima. Agad2? Bakit pala sa kanya sumuko si Napoles? Bakit kasama pa siya sa pagescort? Kapag inambush ba si Napoles eh sasanggahin niya ba ang mga bala? :lol: May reports pa na naglunch sila the very same day na sumuko si Napoles. Wow! :lol:

EDIT: Basta madami pang dahilan. Tinatamad na ako. Pasensya kung nagkahalo2 na ang issues. Hahaha! :lol:
 
Sa madaling salita, he's also a TRAPO :lol:

Isama mo pa yung style lagi na kapag may issue na sumasabog sa kanila, biglang maglalabas ang mga alipores niya ng mga "latest survey." Kung hindi survey, hgih-grade stocks from PSE naman. What's next? Lovelife naman?

Huli na style niyo, PeNot. In fairness, very effective ito para sa mind conditioning ng masa. :rofl:

3 of 4 Pinoys 'satisfied' with Aquino govt performance, latest SWS survey shows
http://www.gmanetwork.com/news/stor...uino-govt-performance-latest-sws-survey-shows
 
Last edited:
out of 10 person na tinanung q d2 sa office namin
7person says "NO" ..

-hahae .. survey dn pg.may time :lmao:

keep it up PNoy , :noidea:

shout out:

i love my raiko ... :thumbsup:
 
out of 10 person na tinanung q d2 sa office namin
7person says "NO" ..

-hahae .. survey dn pg.may time :lmao:

keep it up PNoy , :noidea:
The funny thing is... sa SWS Survey... 70+% ang satisfaction rating niya. :rofl::lmao::lol::slap::ranting:
 
ganyan namn tlga mga tao kahit sinong presidenti gagawan ng paraan para masira.. xD pero mas ok naman ngayon atleast tinutugis na yung mga kawatan sa kaban ng bayan dati kc hinahayaan lng mga yan.. di nga lang mabilisan ang aksyon kc mga connected din sa kanila mga involved.. kelan pba mg babago ang pilipinas? :no idea: :D
 
Last edited:
ganyan namn tlga mga tao kahit sinong presidenti gagawan ng paraan para masira.. xD pero mas ok naman ngayon at least tinutugis na yung mga kawatan sa kaban ng bayan dati kc hinahayaan lng mga yan.. di nga lang mabilisan ang aksyon kc mga connected din sa kanila mga involved.. kelan pba mg babago ang pilipinas? :no idea: :D
Bro, totoo na kahit sinong president eh may masasabi tayo. Eh tinutugis lang nila kasi may whistleblowers not because he wanted to. If he really intended to do this eh first year pa lang niya kasado agad at may reporma. Naging tonggressman at senatong siya, alam niya ang kalakaran. Tsk. Also, politically motivated ang galaw nila. May former allies si GMA na kakampi ni Aquino ngayon pero ano nangyayari? Hinahabol din ba niya? Talkshit siya kamo. Hehe.
 
nung hinahabol ni pnoy si gloria diba merong ng sabi na sumusubra na daw si pnoy at para ng bata at di na raw maka focus sa ibang issue ng bansa dahil sa pg hahabol ni gloria?.. ngayon ano na? nganga na lang tau kc ng karoon na ng agreement mga kampo nila.. :D iwan basta walang matinong politiko basta malaking halaga na pinag.uusapan.. :lol: kawawa pa rin pilipinas kahit sino ma upo dyan. :D
 
Last edited:
Tiwala pa din ako kay Pnoy. Lalo na kung iku-kumpara mo siya sa mga past administration. May administration ka na ba na nakita na kumilos para sa katiwalian?

tsaka kahit sinong maupo na presidente natin, never masa-satisfy ang mga tao sa serbisyo nila. Kaya para sakin wala ng bago sa mga welga sa kalye, ang pag sasabi ng hindi sila satisfy sa pamumuno ng presidente.

ang kailangan gawin ng mga simpleng mamamayan kumilos din tayo, huwag iasa lahat sa presidente o sa kahit sino mang pulitiko ang kinabukasan natin. wala sa kamay nila ang kinabukasan natin, nasa kamay natin.

isipin din natin bago natin husgahan ang mga namumuno, tayo ba sa sarili natin may nagawa o nagagawa ba tayo para sa bayan natin, kung nakaka tulong ba tayo o nakaka dagdag lang tayo.
 
Tiwala pa din ako kay Pnoy. Lalo na kung iku-kumpara mo siya sa mga past administration. May administration ka na ba na nakita na kumilos para sa katiwalian?

opinion ko lang to ah wala si Pnoy kay Marcos.. dati pinakamaunlad ang pinas sa Asia...
 
ayaw ko din kay pnoy pero mas ayaw ko kay arroyo. Pati yung mga papoging senador estrada at lalo na yung bwisit na revilla j.r
 
yan lang alam ni pnoy maghabol sa mga nagkasala dati. common wake up past na yun! move forward! napapagiwanan na tayo ng ibang bansa!
 
Back
Top Bottom