Help!
Pwede po ba kayo maglist ng job titles kung saan maiaaply mo both software and hardware knowledge sa trabaho? Tsaka po sana ung mga skills na kailangan para sa kanila at anong pwedeng entry-level jobs na pwedeng pagaapplyan bago makatungtong po sa mga ganung positions.
Or kahit po ung mga job na talagang forte natin mga CpE. Di ko po kasi alam kung ano ung pwede kong pasukan lalo na po di pa po ako nakakapagtrabaho at napaka onti palang po ng alam ko sa mga companies/industry.
Tsaka po kasi nagaalangan po ako mamili ng career path kasi po kung more on software side ex software engineer ang pipiliin, feeling ko po mas hasa dun ung mga IT. If hardware naman po di kaya mas pipiliin nila ung mga electrical o kaya ece?
Tapos po nung nagtitingin ako sa jobstreet ng mga trabaho na nakasuggest dito, halos wala akong makita na specifically CpE ang hanap di po gaya ng ECE ... 'or equivalent' lang po ba tayo?
Pasensya na po sa mahabang post