Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Mga Maiikling Anekdota

Not really sure where to post this.

A collection of my (very very short) anecdotes.

Where to?

Nagyoutube ako para manood ng paborito kong anime. After 1 hour, natagpuan ko na lang ang sarili kong nanonood ng tungkol sa aliens daw ng area 51, mermaid sightings, lalaking nagmula sa parallel universe, berenstein bears bilang evidence ng time glitch at iba pang conspiracies.
"Manong, san po ba daan papuntang weird side ng internet?"
"Diretsuhin mo lang hija."

Mabangis na Reflex

"Naintindihan niyo ba class?"

Happy siya kasi sa wakas tapos na ang demonstration teaching niya sa'min. Kahit naman anong mangyari oo isasagot namin. Balibaliktarin mo man ang mundo o ang universe at galaxy, siyempre oo ang sagot. Automatic na response na yun tipong triggered by reflex. Embedded na sa genes at ipapasa sa aming mga offspring.

"Opooo!"
-chorus na sagot habang nakayuko sa maliliwanag na screen ng aming mga android na cellphone.

Sino si Pablo

May pinanood kaming pelikula tampok ang isang kilalang manunulat at ang impluwensiya niya sa paghikayat ng pag-aalsa sa isang bansa. Mukhang isasama sa quiz.

"Ano nga ba apelyido ni Pablo dun sa pinanood natin nung isang araw?"

"Pablo? Umm ano nga ba yun...Nakalimutan ko na eh"

"Nagsisimula yun sa 'N' eh"

"Tanong ko kay Jonas. Jonas, ano nga ba apelyido ni Pablo? Nagsisimula daw sa 'N'"

"Pablo? Umm Job yun"

"Job? Pablo Job? Zyrah, Job daw."

Trafficking

Nahuli na akong bumaba sa UV habang karay-karay ang malaki kong bag na may lamang labahin at pasan ang mala-pang-hiking backpack. Tuwing uuwi ako sa bahay galing dorm, sa loob ng sm ako dumadaan. Tapos tatawid paglabas kung saan ako sinusundo ni Papa. Papasok pa lang ng mall sa may pila pinaglipat-lipat ko na sa balikat ko yung mga bag para madali kong buksan at maipa-check. Una kong binaba sa lamesa ang nakabukas na malaking bag. Sunod yung backpack.

Puñeta.

Di man lang tinignan ng guard kahit isang bag. Nakatanaw siya dun sa sakayan ng jeep sa labas. Pinaghirapan kong buksan yung dalawang bag na kasing bigat ata ng bunso kong kapatid tapos di mo man lang titignan. Puñeta. Susubukan ko sa susunod magpuslit ng endangered animals.

Subtleness

Masaya laruin ang pinoy henyo. Mas masaya rin kung medyo subtle ang clues.

"Kunin mo nga yung ano"

"Yung ano ma?"

"Yung ano"

"Ano nga?"

"Yung kulay puti"

"Anong puti?"

"Yung pangsalok nga ng kape!"

"Pangsalok ng kape?"

"Yung TASA!"

Pangsalok ng kape. Classic.

Looking Forward

N: Maaga pala ngayon yung holy week.
J: Tapos ash wednesday na sa 3.
A: *Nakikinig lang* Anong ar...(aw ba yung ash wednesday?)
J: Ha?
A: Ah wala wala hehe.

Me=Sabog.

Ang Sabaw

Minsan sa may cafeteria may apat na magkakaibigan:

Z: Ano ba 'tong sabaw nila lasang sabon.

J: Bakit, nakatikim ka na ba ng sabon?

I: Diba naaamoy naman yun. Pag naamoy parang natikman na rin.

K: Sige nga anong tama?

J: Dapat ganito. (Humigop ng sabaw) Naalala ko yung sabon sa sabaw, parang gusto ko maligo.

K: Mali naman eh. Wala na ngang tama, ayun lang.

J: Oh ganto (Humigop ulit ng sabaw). Nang matikman ko ang sabaw, parang nais kong maglaba sa batis.

Nice try mga makata. Nice try.
 
Last edited:
Back
Top Bottom