Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Minsan sa dalampasigan

Minsan sa dalampasigan

minsan sa dalampasigan,
ako'y tumatanaw
sa malawak na karagatan
habang naghahanap ng kabuuan

minsan sa dalampasigan,
ako'y tumatanaw
sa tinahak kong nakaraan
na ngayo'y nakabakat sa buhangin ng karimlan

minsan sa dalampasigan,
ako'y tumatanaw
habang tumatangis sa nakagisnang
nakaraan na hindi na pwedeng balikan

minsan sa dalampasigan,
ako't namamanglaw
sa mga haplos ng kasiyahan
na pawang ikaw lang ang nakakaalam

minsan sa dalampasigan,
tayo'y nagkasuyuan
ang lambing ng yakapan
habang nakatanaw sa kalawakan

minsan sa dalampasigan
ako'y magpapaalam
sa tanging masayang alaala
na hindi mapaparisan​
 
Wow
Minsan sa dalampasigan
ako'y tumatanaw
" Kung paano lumalayo ang tubig sa buhangin
gayon din ang pag ibig mo na dati naging akin "

Magaling :thumbsup:
 
Wow
Minsan sa dalampasigan
ako'y tumatanaw
" Kung paano lumalayo ang tubig sa buhangin
gayon din ang pag ibig mo na dati naging akin "

Magaling :thumbsup:

:praise::praise: ang ganda ng ideya hehe. maraming salamat sa pagbasa :yipee:
 

Similar threads

Back
Top Bottom