I: Plaza Mabini
Nagliwanag ang palibot ng Plaza Mabini nang sumindi ang mga bumbilyang paikot na puma-palamuti sa higanteng krismas tri. Pambihira at tila naging mahiwagang lugar sa isang kwentong pambata na nagpatunganga sa mga naroroon na nangakasaksi. Hindi mapuknat ang pagkakangiti at pagkamangha ng lahat nang biglang bigla, sa saliw ng masayang awiting pampasko,kumislap na wangis ng mga bituin sa kalangitang madilim ang mga ilaw na sumasayaw.
Magarbo ang selebrasyon at paghahanda ng maliit na lungsod ng Tanauan sa tuwing sumasapit ang kapaskuhan. Ang mga naghahabaang kalsada sa bayan hanggang sa patunguhan ng simbahan ay pinipinturahan ng dilaw,puti at bughaw. Ang mga punong-kahoy naman na siyang humahati sa makikipot na daan ay sinasabitan ng makukulay na parol at nagsisipag-laylayang krismas layts na otomatikong umiilaw kapag gumagabi.
Paboritong pamasyalan ng mga taga-roon ang plaza sapagkat ito ay kadikit lamang ng Parokya ni San Juan Ebanghelista- ang pinakamalaking simbahang katoliko ng lungsod. Sa magkabilang bangketa ng plaza ay nangaghilera ang mga pwesto ng tiange' de baratillo. Samu't saring mga paninda at makakain ang mabibili rito kung kaya't hindi mahulugang karayom ang kabuuan ng plaza lalo na't kapag nag-umpisa na ang simbang gabi.
Kadalasa'y inaabot ng higit sang-buwan ang mga tyanggian at kasiyahan,sapagkat tatlong malalaking selebrasyon ang tinatamaan ng kabuwanan ng Disyembre para sa lungsod na nagdiriwang ng kapistahan tuwing ika-bente-syete,dalawang araw maka-Pasko at susundan naman ng Bagong Taon na siyang pinaka-aabangan nang lahat ng mga taga-lungsod at sinasadya pa'ng dayuhin ng mga taga karatig nayon sapagkat sa naturang plaza ay idinadaos ang isang prestihiyosong paputokan ng makukulay na kwitis at ilang pagtatanghal mula sa kumbidadong artista.
- - - Updated - - -
II: Sabel
Hindi masukat ang galak na nararamdaman ni Sabel,nakangiti ito habang namimintana't nakatanaw sa dambuhalang krismas tri na nakatirik sa pinaka-gitna ng plaza. Halos katapatan lang ito ng ospital kung saan siya ay naroroon. Magtatatlong linggo na ang nakalipas mula ng siya'y isugod ng ama sa pagamutan, naalimpungatan siya isang hatinggabi na lumalahoy ang dugo sa ilong. Nung unang sapantaha'y balinguyngoy la-ang ang sinasapit ng kaawa-awang paslit ngunit napilit ang payatot nyang tatay na itakbo siya sa ospital makaraan na ang sampung minuto ay hindi pa humihinto ang pagdurugo.
Pumanaog si Sabel mula sa pagkakaupo sa kanyang kama at pinag-ige ang pagsipat sa kumukutitap na krismas tri. Hindi niya kasi makita ng mabuti ang malaking talang kulay ginto na umiilaw sa pinakatuktok ng puno sapagkat nahaharangan ito ng isang malaking bubuyog na nakangiti.
Siya namang pagpasok ni Mang Pidyong sa silid at kaagad ay sinuway ang anak. Hindi pa gaanong nakakabawi ng lakas si Sabel at mahigpit na bilin ng duktor kay Pidyong na pakaiwasan ang si Sabel ay tuong mapagod ng husto. Iniabot ni Mang Pidyong ang hawak na mansanas kay Sabel ng maigiya nya ito ng lapat sa higaang bakal na may manipis na kutsong panglatag. Lamog ang sa-katlong bahagi ng mansanas. Nahingi lamang ito ni Mang Pidyong sa magtitinda ng prutas nang akmang itatapon sapagkat hindi maaring ibenta't bulok nga ang kalahati. Dinukot ni Mang Pidyong ang nakaipit sa bewang na lanseta at tinapyas ang masamang bahagi ng mansanas. Inaalok siya ni Sabel na kumagat kahit iisa ngunit mariin nyang tinanggihan. Kagyat na nagpaalam si Mang Pidyong sa anak na ngumunguya,mangyari'y ninanais raw siyang makausap ng duktor ayon sa isang batam-batang nars na naglilinis ng sugat sa isang pasyenteng may dyabetis.
- - - Updated - - -
III: Ang Suliranin Ni Pidyong
Halos mag-unahan sa pagtulo ang luha at uhog ni Mang Pidyong habang kausap si Dr. Silva. Malubha na ang karamdaman ni Sabel,agarang operasyon na lamang ang tanging makapagsasalba sa buhay ng bata. Ngunit sensitibo ang posisyon ng tumor sa utak ni Sabel,peligroso at maari nya rin'g ikamatay ang gagawing operasyon kung kaya't mga dalubhasa sa Maynila ang natatanging may kakayahan at pasilidad na mapagtagumpayan ito.
Tumataginting na isang milyon lang naman ang bayad,hindi pa siguradong estima ni Dr.Silva sa gagastusin,idagdag pa ang sisingiling renta ng silid habang nagpapagaling. At sa katayuan sa buhay nila Pidyong ay tila isang napakalaking biro ang ganuong halaga. "San'g bunganga ng dyablo ko huhugutin ang isang milyon?!" tugon nito sa duktor. Kung kakanin nilang mag-ama sa araw-araw ay hindi na nya malaman kung saan kukunin,isang milyon pa kaya? Ni sa panaginip nga ay hindi pa nakahahawak si Mang Pidyong kahit na kailan ng sam-buong limang daan.
Tapik sa balikat at buntong hininga ang tanging naisagot ng nahahabag na duktor. Ibig man niyang tulungan ang mag-ama'y wala rin siyang magagawa,hindi siya siruhano at hindi rin sya mayaman. Mag-iisang taon pa lamang ng siya ay makapagtapos ng medisina bunsod ng kaniyang pagpupursiging magtrabaho habang nag-aaral. Palibhasa'y laki din sa hirap ay damang-dama niya ang bigat na dinaranas ng mag-ama, hindi nya mapigil ang hindi maawa. Pinayuhan niya si Mang Pidyong na iuwi na sa kanilang bahay si Sabel,lolobo lamang ang bayarin sa ospital. Hindi na nya ito sinisingil ng upa sa konsultasyon at serbisyo mediko ngunit tres-mil pa ang balanseng sa ospital na dapat bayaran ni Mang Pidyong upang payagan silang makalabas.
- - - Updated - - -
IV: Sangang Daan
Masikip na ang daloy ng trapiko sa lahat ng lagusan at maging sa entradang papasok ng sangang daan,ito ang pinaka-sentro ng lungsod na siyang nagdurugtong sa mga karikit na bayan ng Santo Tomas at Malvar. Ito rin ang daraanan kung lumuluwas ng Maynila ang mga taga Lipa kung kaya't tuwing Disyembre at magpapasko ay asahan na ang sangkaterbang sasakyan na bumabyahe. Isa pa sa lubhang nakapagpapasikip sa kalsada ay ang napakaraming sasakyang ginagawang paradahan ang kalsada at nangag-sipaghambalang.
Progresibo na ang bahaging ito ng lungsod,sa palibot nito ay kabi-kabila ang mga groserya at restawran. Palibhasa nga'y pinakasentro,sa gitna ng sangang daan ay mayroong isang maliit na himpilan ng pulisya na siyang sumisiwata sa anumang iregularidad ng batas trapiko at taga-panatili ng kaayusan sa lansangan.
Sa kantuhang tinutumbok ang simbahan ay nakadestino ang maiyamuting si Juaning,ayaw na ayaw nito na natotoka sa trapiko. Tinanggihan ng kaniyang hepe ang hinihingi niyang ilang araw na bakasyon kaya't mainit ang kanyang ulo. Halos tumalsik palabas ang bolitas ng pito nang marahas niya itong bugahan. Kakamot kamot sa unti-unting napapanot na ulo'y pinagat nya ang pinituhan,mga batang nangangaroling na isa pa'ng dahilan sa mabagal na usad ng mga sasakyan at paminsan-minsan ay aksidente o banggaan. Matulin namang nagtakbuhan ang mga paslit na mas lalong kinagalit ni Juaning sapagkat wala siyang naabutan.
- - - Updated - - -
V: Ang Mapait Na Mukha Ng Sibilisasyon
Ihinagis ng dalagang puno ng kolorete ang mukha sa basurahan ang tangang plastik na baso makailang hakbang lamang pagkalabas sa isang mamahaling kapihan. Magara ang bihis ng babae't mahihinuhang may kaya sa buhay. Hindi na ito nag-abalang damputin muli ang itinapon nang mapansing hindi ito eksaktong pumasok sa pinagtapunang basurahan. Tumilamsik ang kaunting laman ng baso sa mga binti ng nagdaraan nang patagilid itong bumagsak sa patyo ng establisyimento,ngunit hindi humingi ng paumanhin ang dalaga o nagpasintabi man lang. Dire-diretso lang lumakad papalayo at ang bawat makakasalubong ay iniirapan.
Hinihimod ni Tan-tan ang kumayat na laman sa basong napulot,matamis at malinamnam ang nalalasahan niyang kape at tila may halong sorbetes na tinunaw. Alam niyang hindi biro ang halaga ng masarap na inumin datap'wat ay hindi nya mawari kung bakit hindi ito inuubos ng mga bumibili. Hinalungkat pa nya ang loob ng basurahan at nang makasumpong ng tinapay na may kagat ay dali-daling iminual.
"Syete-singkwenta.. Syete-singkwenta lamang!!" kinukuwenta ni Tan-tan ang napangarolingan.
"Araaayy!!"
Nanabog ang kwartang binibilang ni Tan-tan ng matabig siya ng isang matandang lalaking animo'y gaya niya,walang muang na naglalakad.
"Bwiseeett!!" bumubulong na singhal ng nakabanggaan at nagmamadali rin'g lumayo.
Pitong mamiso at dalawang bente-singko ang kayamanang isa-isang dinampot ng kanyang malilit na palad. Ibinaba ni Tan-tan ang isang nanglilimahid na sakong sukbit sa likod at dinukot sa loob nito ang isang alkansyang baboy. Naglagutukan ang mga barya ng isa-isa niyang ihulog sa butas ng alkansya.
Kundangan lamang at kung bakit binabawalan silang mamalimos sa mga nagdaraang sasakyan o byahero. Nasisira tuloy ang kanyang dilhensya. Nung isang araw ay nakadisi-otso pesos siya, mainam kung parating gay-on, nasa dalawang daang piso ang kailangan nyang bunuin upang mabili ang isang tsokolateng keyk na matagal na niyang pinapangarap matikman. Higit tatlong daang piso nga ito ngunit naawa ang may-ari ng panaderya sa kanya at binigyan siya ng diskuwento. Nakipagkasundo siya sa balong may-ari na sa hatinggabi ng Pasko niya ito bibilhin at babalikan. Pitong araw na lamang ang nalalabi at Pasko na,eksaktong isang linggo na rin lang at kaarawan na niya. Pinilas ni Tan-tan ang karton ng sigarilyo't inilatag sa isang sulok ng plaza,dito siya nagpapalipas ng magdamag. Akap ang dala-dalang sako, nakatulugan na ni Tan-tan ang pagtitig sa kumikislap na mga ilaw ng dambuhalang krismas tri.
- - - Updated - - -
VI: Si Pidyong.. Pagbabalik Tanaw
Ngumunguto si Mang Pidyong habang hinihimas ang kanang bukong-bukong, natapilok ang ma'ma ng may matabig na batang nakaharang kanina sa kanyang daan.
"Letse!!"
Kung nabubuhay lamang sana si Dureng, ang kanyang may-bahay. Disin-sana'y may karamay siya sa nadaramang hirap at lumbay. Ngayo'y nakaupo ang lalaki sa gilid ng isang poste at hinihitit ang isang mumurahing sigarilyo, habang umuusok ang nguso'y pumuputok rin ang butse dahil sa sama ng loob at kawalang pag-asa. Ayaw man niyang tuluyang bumigay, hindi nya rin malaman ang paraan sa kung paano pa lalabanan ang tinatamasang paghihirap ng buhay.
Nang mawala ang asawa'y ninais na niyang minsan ay tapusin na rin lang ang lahat. Ano nga naman ang saysay ng mabuhay pa kung wala na rin ang kanyang sinisinta. Ibig niyang magpatiwakal, ngunit inaalala nya si Sabel. Ang kaisa-isa't tanging ala-ala ng kanilang pag-iibigan ni Dureng. Sadyang pinagkatatangi ng puso niya ang namayapang kabiyak, ang una at sinumpang kahuli-hulihan na rin'g mamahalin. Tunay nga't nagkaganoon, ay hindi na muling nag-asawa pa si Mang Pidyong kahit mahigit pitong taon na'ng lumipas mula ng si Dureng ay mamatay. Ibinuhos na lamang ang panahon sa pag-aaruga sa kanilang anak na nuo'y iisang taon pa lamang ang gulang nang maiwan ng ina.
Masaya ang pagsasama nila ni Dureng nuong nabubuhay pa. Mapagmahal ito at maasikaso sa kanila ni Sabel. Kinaiinggitan nga sila ng mga kapitbahay sapagkat kahit na minsan ay hindi sila nagkasamaan ng loob o di-kaya'y nag-away. Punom-puno ng ambisyon ang namayapang si Dureng,wala itong bukam-bibig kay Pidyong kundi ang masaganang pamumuhay na pangarap para sa pamilya.
Isang umagang buhat sa pamamaraka ay masayang masaya itong nagbida kay Pidyong. Natanggap raw di-umano ang ginang na kasam-bahay sa Hongkong. Kung may ilang gabi rin'g naging diskurso nilang mag-asawa ang hinggil dito ngunit sa huli ay napapayag rin ni Dureng ang asawa. Wala naman raw babayaran sa kakailanganing dokumento hanggang sa pag-alis. Ang ahensya na ang bahalang mag-asikaso at pansamantalang aako sa gagastahin, kinakailangan lang ng garantiya. At sa kamukha nila Pidyong na wala namang yaman kundi ang maliit na lupang sinasaka sa harapan ng kanilang bahay kubo,puno man ng pangamba ay wala siyang nagawa kundi isangla ang titulo. Gumaan lang ang kanyang pakiramdam ng pangakuan siya ni Dureng na kaagad mababawi ang pag-aari sapagkat may kalakihan rin naman ang gaganahin sa ibang bansa.
"Tatlong buwan Pidyong!"
Tatlong buwang sweldo ko lamang yan, matutubos natin kaagad ang bahay at lupa. Pangako ni Dureng sa asawang nilalamon ng agam-agam. Nakatitig ang haligi ng tahanan sa pinastol na kalabaw na nanginginain ng uray sa parang. Eksakto magtatatlong buwan nga magmula ng makaalis ng Pilipinas ay umuwing umiiyak si Dureng sa kanilang bahay. Ang pangamba ni Mang Pidyong ay hindi nagkabula, nalinlang silang mag-asawa. Walang trabahong dinatnan ang ginang sa ibang bansa, kundi pa sa ambagan ng mga nagmamalasakit na kababayang pinoy na nakilala sa Hongkong ay hindi makakauwi pabalik ng Pilipinas si Dureng.
Labis na dinamdam ni Dureng ang sinapit na kabiguan, nangayayat ito kaiisip at nagkasakit. Hindi naglaon at ang dating masiglahing ginang ay naging tulala at ayaw magkakain. Natural-mente dumulog si Pidyong sa mga may kapangyarihan upang humingi ng tulong sa nangyaring panlilinglang sa kanila,ang tanging problema lamang ay hindi naman alam ni Pidyong ang kung sino ang ihahabla. Hindi na matawagan ang numero ng ahensyang pinag-aplayan ni Dureng, hindi rin lehitimong myembro o rehistrado sa kagawaran ng paggawa at empleyo ang naturang ahensya, si Dureng naman ay hindi na makausap ng matino at wari'y parating wala sa sarili.
Isang tanghaling masanting ang araw, naratnan na lamang ni Mang Pidyong na wala ng buhay ang kanyang may-bahay. Umahon siya nuon ng maagang maaga pa sa ibayo upang mangumpay ng talbos na ipapansahog gayak sa bubulanglangin, nagraan ang bagyo at nagkikidlat kaya't nagbabaka-sakali ang lalaki na makakatisod rin kahit iilang piraso ng mamarang na siya nilang hahapunanin. Naginginig at tumatangis man ay maingat na ibinaba ni Mang Pidyong ang bangkay ni Dureng. Nangingitim na ang mukha ng ginang nang kanyang mapagmasdan sa malapitan. Pagkatapos matanggal ang lubid na nakagapos sa leeg ay kaagad niya itong inihiga at kinumutan.
Napatigil lang sa malalim na pag-iisip si Mang Pidyong ng mapaso ang maitim na nguso, nasaid na pala ng apoy ang tabako sa hinihitit na sigarilyo. Pinitk niya lamang ito't pagdaka'y lumura, bago iika-ikang lumakad pabalik sa ospital
- - - Updated - - -
VII: Munting Pangarap
Sa pinakadulong bahagi ng sangang-daan sa may gawing kanan ay matatagpuan ang terminal ng bus byaheng Maynila. Nuong araw ay iisang linya pa lamang ng bus ang pumipila rito-- ang BLTBCO,ngunit dahil sa dami ng dumadagsang pasahero at marahil ay dulot na rin ng modernisasyon, ang isa ay naging dalawa na hanggang sa maging tatlo. Mayroon na rin'g de-erkon na mga ALPS,malaki at mas magara ito kesa BLTBCO, paborito itong sakyan ng ilang may sinasabi sa buhay sapagkat malamig sa loob nito't may telebisyon. Aakalain mo'ng nasasa-loob ka lang ng isang maliit na sinehan at naglilibang, ang mahabang byahe sa pagluwas at trapiko ay hindi na mararamdaman.
Sa tabihan ng terminal ay may maliit na panaderya, ang Hongkali Bakery and Cakeshop. Tanyag ang tindahang ito na pagmamay-ari ng isang matandang intsik dahil sa masasarap na panindang keyk at tinapay.
Tuwang- tuwa si Tan-tan nang makitang andun pa ang tsokolateng keyk na animo'y may mga makukulay na bulaklak at kending nakatusok sa ibabaw. Maglilimang araw na siyang nagpapabalik sa panaderya upang matiyak na hindi ito mabibili ng iba. Lingid sa pagkakaalam niya'y ibang keyk na ito sapagkat madalas naman ay parating nauubos ang mga paninda, kahawig lang ito ng ibig niya. Idinikit pa niya ng husto ang mukha sa eskaparateng salamin na kinalalagyan ng tsokolateng pinapangarap,kumulo ang sikmura niya sa pananabik at siya'y naglaway.
Inalog ni Tan-tan ang alkansya sa loob ng kanyang sako, sa tantya nya ay lagpas isang daang-piso na ang laman nito. Mayroon pa siyang dalawang araw at isang magdamag, sapagkat bukas ng hating-gabi'y noche buena na.
"Mga isang daang-piso pa." aniya habang tatakam-takam na lumayo.
- - - Updated - - -
VIII: May Awa Ang Diyos
Nakatitig si Mang Pidyong sa nahihimbing na anak. Tinurukan ito ng pampatulog makaraang magwala't magsisigaw, idinadaing ni Sabel ang matinding sakit ng bumbunan. Pumipitik raw ang kanyang sintido at parang mabibiyak ang ulo, ang magkabilang tainga naman at ilong ay sige ang pagdurugo. Damang dama ni Mang Pidyong ang kapighatian, sa kalagayan ng anak ay parang dinudurog ang kanyang puso. Kung maaagaw lang sana niya ang karamdaman ni Sabel, walang dalawang imik ay hindi siya mag-aatubiling akuin ang pagdurusa ng anak.
"May awa ang Diyos,Pidyong!" pag-aalo ng duktor sa kanya.
"Putang-ina!!" sa isip-isip niya.
Minsan, sa mas minsanan pa'ng pagsisimba ni Mang Pidyong ay hindi niya maiwasan ang pagdududa. Totoo ba'ng may Diyos? Nadidinig nga kaya nito ang kanyang mga hinaing, ang taimtim niyang dasal,ang hindi makasariling paghiling at samo. Madalas, nagkakamali yata ang tao. Mali marahil na iaasa ang lahat sa Diyos,o higit na mas mali yatang paasahin ng Diyos ang tao.
Gasgas na gasgas na ang alibi na iyan sa pandinig ni Mang Pidyong,kung pampahubag din lamang ng loob ang usapan ay mas maigi pa'ng kahuntahan ang isang boteng bilog. Isa-dalawang tungga ay limot ang problema hanggang pagtulog. Ngunit ang Diyos ay kabaligtaran, tutulog at magigising ka kinabukasa'y nakamulaga pa rin ang kunsimisyon sa iyong harapan. Para ka'ng ginagago. Nang mapeste ang kakaunting tanim niyang palay-- may awa ang Diyos. Noong nawala ang kanilang bahay at lupa dahil sa isang panlilinlang-- may awa ang Diyos, hanggang sa mamatay si Dureng at ang ngayo'y pagkakasakit naman ni Sabel.
"Punyeta,may awa ang Diyos!"
Nangangatal ang mukha ni Mang Pidyong,nakakuyom ang magkabilang palad at nagngangalit ang panga. Lumabas ito ng silid na bumubulong.
"Walang awa ang Diyos, kung totoo ma'ng may Diyos ay hindi nya kami nakikita."
- - - Updated - - -
May limit pala dito ahaha, pano na? 5 chapers pa.

Last edited: