- Messages
- 673
- Reaction score
- 4
- Points
- 28
More than 3 years na kami ng girlfriend ko pero ayaw pa niya ako papuntahin sa house niya at mapakilala sa parents niya pero kapag siya ang nagpupunta dito sa house eh welcome at todo entertain ko pa talaga pati parents ko. Ask ko bakit di pa pwede sabi niya di pa ready eh 30+ na kami tapos di pa ready at more than 3 years na din ang relationship. Sabi ko noon makakalawa bisitahin ko siya sa kanila today tapos bigla blackmail niya ako na di ko na raw siya makikita pag pumunta ako sa kanila. Ganun ang panakot niya sa akin everytime na bring up ko ang topic na bibisita ako sa kanila. Naghighblood ako bigla at nasabi na maghiwalay na lang kami kesa ganito treatment niya sa akin sabay block at airplane mode. Di ko alam bakit di pa siya ready eh may work naman ako, mayaman din parents, ok din hitsura, maputi, walang bisyo at ako ang tipong stick to one. Ang treatment niya sa akin na parang pinagtatabuyan pa ako eh di ko na matiis kaya napapaisip ako sometimes na tigil na lang relationship.