Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

More than 3 Years na kami ni GF pero di pa rin ako welcome sa kanila

Ganyan setup ko noon. More than 3yrs pa nga eh. In the end nag hiwalay na kme. Sobrang sakit kase sya na ung nakikita ko sana na makakasama ko habang buhay. At seryoso ako sa knya. Kilala din sya dito saamin at mga kaibigan ko. Pero Nakikita ko sa knya na may alinlangan kasi sya saakin eh. Mas successful kasi sya sa career kesa saakin ganun din ang family nya at may mga aral pa. If Kung dumating man noon na maipakilala nya ako for sure bka hindi din ako matanggap. Pero ganun tlaga.. kailangan magpatuloy ang buhay. Goodluck sa iyo kaibigan. Sana malagpasan mo iyan. Kausapin mo sya ng maigi at itanong mo ang dahilan..
 
May bagay siyang ayaw niyang ipaalam sayo sir. Maaaring may tinatago o may kinakatakutang malaman mo. Alam niya kc na di mo siya kayang iwan kaya nagagawa niya un. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, pipilitin kong alamin ung dahilan na un kahit di man galing sa kanya. Hindi kailan man maaayos ang relasyon kung may tinatago kayo sa isa't isa. Panigurado magagalit siya pero kung kayo man hanggang sa huli, malalaman at malalaman mo din un. Kung hindi pa ngaun, kelan pa?
 
para sakin hindi ko na itutuloy yung relasyon namin,kasi magsyota pa lang kayo binablackmail kn niya. pano pa kaya kung magkasama na kayo sa iisang bubong?masakit sa kalooban yung ganung pangyayari..hanap knlang ng iba kc pag ipinagpilitan mo sarili mo sa kanya habang buhay pasasakitin kalooban mo nian,maikli lang ang buhay kaya dapat punuin mu ng masasayang alaala..marami pang babae jan na hamak mas may kapayapaan ang kaisipan na magmamahal ng totoo sayo habang buhay.time!!
 
di pa sya ready sabi nya?or natatakot sya sa sasabihin ng mga magulang nya?baka naman sinasabi nya sa magulang nya na wala syang bf at bigla syang may ipapakilala na 3 yrs na pala kayo.tyak magugulat mga magulang nya pag nagkataon sasabihin sa kanya bakit nya tinago ng 3 yrs relationship nyo.at maaaring yun ang isang rason kung bakit ayaw nya papuntahin ka.pero habang lalong tumatagal lalo lang nya pinapahirapan sarili nya.kausapin mo sya ipagtapat kamo sa magulang nya tungkol sa inyo,kausapin nya parents nya ng puso sa puso.mauunawaan sya nyan tyak ko tutal nasa hustong edad na kayo.tangapin lang nya mga sasabihin ng mga magulang nya,ganyan talaga...sa huli mawawala din galit nila pagnakilala ka na nila ng lubusan.
maaring isang dahilan pa eh baka nahihiya sya sa hitsura ng bahay nila.maaring least na dahilan ito,pero pwede rin maging isa sa mga dahilan..lugar,environment,etc.

Tama at possible 'to ts. Dati ganto rin ako nahihiya ako na ipakilala siya since ako yung una sa mga kapatid ko na magpapakilala, nahihiya ako kasi hindi ako sanay. Hindi ako sanay kasi hindi kami pinalaki na showy ganun, parang kapag may drama man na palabas, ayaw panoorin ng tatay ko kasi ayaw nya sa madramang buhay. Ayun, kaya isang factor din na baka hindi siya showy, or nahihiya siya. Basta marami pa kaya hindi rin ako showy kagaya na lamang na wala rin kaming time dati sa isa't isa since may pasok siya palagi. But hindi ibig sabihin nun na hindi ko siya mahal, mahiyain at nasanay lang ako na ganun.

Tapos isang factor din kaya nahihiya ako kasi nahihiya ako sa lugar or bahay namin, alam ko hindi rapat ako mahiya dahil alam kong matatanggap naman nya ako. Siguro hindi pa kasi ako ready talaga at natatakot na baka madisappoint siya sa akin. Maliit lang bahay namin as in, tapos marami pa kami sa bahay (6 kami) tapos sa kama nag sisiksikan kami ng mga kapatid ko pati magulang ko (masaya to kasi lagi kaming magkakasama matulog), nahihiya lamang ako kasi baka hindi ako ganun ng ineexpect nya.

Pero in the end after 4 months, ayy napakilala ko na siya. Lagi kong pinagdadasal yun na sana mapakilala ko na at matanggap at maging legal kami.

Natatakot din ako magpakilala kasi baka ayaw ng parents ko. Hindi ko alam din eh, lagi kasi kami pinag sasabihan din ng parents namin na wag muna mag syota syota. Ayaw daw nila. Kaya natatakot ako kapag ganun. Marami akong naka m.u. pero hanggang doon lnag ang nangyayari samin hahahaha. dahil puppy love lang pero that time, dun ko narealize na sincere na yung pagmamahal ko.

Ayun napakilala ko and natanggap naman niya ko. Ngayon 2 years and cunting na kami, legal kami both side at mas lalong legal ako sa side nya. Pero dito sa side ko nasa 95% siguro, legal pero hindi yung part na legal na legal like pede na kami mag tanan dito sa bahay. Nakakapag overnight siya rito sa bahay pero hindi araw araw. Bilang lang siguro sa daliri ko kung ilang beses lamang. Nahihiya kasi ako na mag overnight nga siya since masikip lang and baka hindi rin siya maka tulog ng maayos, mainit din unlike sakanila na mahangin at malamig dahil sa aircon.

Ayun lang ts, tingin ko need mo lang talaga intindihin gf mo and mag background check na rin para sure. If hindi pa talaga siya ready, please unawain mo muna siya, I know ginagawa nya best nya para mapakilala at makahanap ng timing. Ilang araw yang hindi makatulog sa kakaisip at naghahanap ng magandang timing para mapakilala ka nya. Gusto kasi nya yung ready na lahat and ok na at perfect na ang timing.
 
maybe she is a single mother and afraid you'd found out��tell her you'd accept her whoever she is regardless of her past��
 
Back
Top Bottom