Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Mountain bike questions, tanong lang kayo. Sasagutin ko

yes sir mtb po ahaha puro concrete at aspalto lang nadadaanan hehe
 
yes sir mtb po ahaha puro concrete at aspalto lang nadadaanan hehe

hehe sige sir, mas maganda po ay maxxis detonator, pero kung by any chance na may madadaanan ka na hardpack trail (lupa pero patag), mas mainam ang maxxis pace, maxxis crossmark, kenda small block 8 or panaracer comet hardpack
 
sir pasok paba ang 26er na fork and frame sa 27.5 na wheelset ssyad ba ? benta ko kasi ung pinagpalitan ko na frame and fork natanong lng nya sakin e
 
ano epekto kapag hindi mag stretching tapus nag bike mga 30km ?
 
Hi guys,newbie here..planning to change my lifestyle lalo na pag dating sa health
It seems biking was my best option..Anyway sa ngayon ipon ipon mode muna
while browsing at my local bikeshop fb page nakita ko to (see image attached below)
Do you think, good naba to pang road biking lang. or may susugest kayo na mas maigi pa
my budget is 10k-12k. Thanks in advance! :-)
 
Attachments

  • FB_IMG_1482508254088.jpg
    FB_IMG_1482508254088.jpg
    54.9 KB · Views: 13
Ask ko lang po..Ano po kayang magandang crankset pra s bike ko?. 1500 po budget ..tpos gusto ko po sana eh ung natatanggal ung chain ring..ggwin ko po sana kaseng single speed. Salamat po. :):yipee:
 
sir pasok paba ang 26er na fork and frame sa 27.5 na wheelset ssyad ba ? benta ko kasi ung pinagpalitan ko na frame and fork natanong lng nya sakin e

pasok sir ang 27.5 wheelset sa 26er fork basta ang tires eh 27.5 x 1.95 at bawal ng tumaas, 1.95 lang talaga.. sa frame ay di ko sure, depende kasi sa frame, merong 26er frame na malaki allowance sa space kya pwede ang 27.5 wheels, meron naman na 26er frame na mallit ang clearance kya di pwede ang 27.5

- - - Updated - - -

ano epekto kapag hindi mag stretching tapus nag bike mga 30km ?

habang nasa byahe, mas mabilis mangangalay ang body parts na ginagamit sa pagbabike tsaka kinabukasan mas masakit ang muscles ng mga hindi nagstreching compared sa nag stretching, ranas ko na yan.

- - - Updated - - -

Hi guys,newbie here..planning to change my lifestyle lalo na pag dating sa health
It seems biking was my best option..Anyway sa ngayon ipon ipon mode muna
while browsing at my local bikeshop fb page nakita ko to (see image attached below)
Do you think, good naba to pang road biking lang. or may susugest kayo na mas maigi pa
my budget is 10k-12k. Thanks in advance! :-)

mas maganda sir kung brand ng Trinx ang hanapin nyo kasi mas sulit po sya, tsaka mas mabigat po yang bike na yan kasi full suspension coil ang frame, since sabi nyo naman po na pang road biking lang, mag hardtail ka na lang po, rigid frame with suspension fork, or why not go straight sa road bike, may mabibili ka na sa 13k, good quality na at maganda ang groupset vs jan sa 11k, konting ipon ka lang sir..

try mo din po mag browse dito sir, bikeshop from buendia ----> http://stan13bike.com/

- - - Updated - - -

Ask ko lang po..Ano po kayang magandang crankset pra s bike ko?. 1500 po budget ..tpos gusto ko po sana eh ung natatanggal ung chain ring..ggwin ko po sana kaseng single speed. Salamat po. :):yipee:

alivio po sir pero medyo taasan mo po ang budget mo, around 2k, or kung may makikita ka naman na 2nd hand basta good pa eh why not.

- - - Updated - - -

Paps. Ano po ma recommend nyo na glives na pag trail. ��

mas maganda pong gloves pang trail eh yung tinatawag na full finger gloves, meaning balot lahat ng daliri, wrist up to kuko. sa trail kasi ay malimit ang lubak kaya asahan mo na dapat malakas ang kapit mo. any brand will do basta full finger type of gloves
 
sir about naman po sa cogs pag nag tatanong kasi ako ng 9 speed may sinasabi sila kung ilang teeth? ilan ba dpat pag 9 speed lng
 
sir about naman po sa cogs pag nag tatanong kasi ako ng 9 speed may sinasabi sila kung ilang teeth? ilan ba dpat pag 9 speed lng

kalimitan sir kapag 9speed ay 11-34T at 11-32T, meaning ang pinakamaliit na gear ay 11teeth tapos ang pinakamalaki ay 34T, kung gusto mo na medyo magaan sa ahon, dun ka sa 11-34T, kung malakas ka naman pwede na ang 11-32T, ang 11-36T ay mas madali sa ahon kaso wala nun sa 9speed, pang 10speed yun.
 
hi paps how will i know if i got the right frame size? and if i did not have the right frame size what will be the consequences? 5'11 guy here just didnt notice the frame when i bought it.. medium 16" cole frame matte black. thanks
'
 
Hi guys, any opinions on Trinx swift 1.0? as my first roadbike around 10-11k price nia?

saka ilang speed recommended? parang 7 speed kasi yang bike na yan. thanks
 
Pra malaman kung tama lang sayo ang frame size eh tumayo ka sa ibabaaw ng bike frame mo, yung nasa in-between legs mo ang top tube ng frame, tapos iangat mo ang bike, dapat may 1inch or more bago lumapat ang top tube ng bike mo sa eggnog mo, kung swak naman ay tama sayo ang sukat, kung pag tayo mo palang eh lapat na sa eggnog mo ang top tube or prang nakaupo ka na, masyado malaki pra sayo. Ok lang sir sayo ang size 16, actually may iba ako kilala na mas maliit na frame size talaga binibili nila kasi lightweight daw, binabawi na lang sa saddle height. General rule po sa frame sizing ay mas mabuti ang medyo maliit kesa malaki sayo ang sukat.

- - - Updated - - -

Hi guys, any opinions on Trinx swift 1.0? as my first roadbike around 10-11k price nia?

saka ilang speed recommended? parang 7 speed kasi yang bike na yan. thanks

Nakita ko na rin sir yang swift 1.0 na yan, sya din ang gusto ko bilhin pra sa 1st road bike ko. Maraming tao ang minamaliit ang trinx brand pero di nila alam eh napakasikat nito sa taiwan, at marami ang humanga doon kasi di sila nalugi at unti unti silang nakikilala sa buong asia, si gardo versosa at jennelyn mercado ang ilan sa mga endorsers nito. Tungkol naman sa bike ay ok naman sya, very good na sya bilang isang road bike, kung di ka naman pro racer na need talaga ang feather weight na bike eh pwede na satin ito. kung mabibili mo sya, pag nagkabudget ka na ay mas maganda kung iupgrade mo ang groupset, kahit sa Sora (9speed). Dun mo mararamdaman ang crisp shifting, pero kung di problema budget, mas budget wise ang 105 groupset (10speed).
 
Last edited:
ano magandang saddle na pang long ride yung di masakit sa pwet hahaha
 
advice naman po, heavy rider po ako. nagbabalak kasi ako bumili ng bagong tires. eto po mga option ko,
continental raceking
continental x-king
maxxis crossmark
maxxis pace
for xc po at lugar na medyo matarik ang ahon. naka 1.95 po pala ako ngayon, dapat din po ba akong mag 2.1 or 2.2? salamat po sa sasagot :)
 
Kung xc po ang terrain, mas maganda po ang raceking, crossmark pero kung more on paved roads, sa pace ka, kung trails naman ay xking. mas maganda po sa xc ang 1.95 pero kung mas malamang ang trails ay 2.1 ang spot on. Medyo mararamdaman mo sir ang bigat pero mas comfortable naman sa lubak ang 2.1 vs 1.95
 
Last edited:
Wow may ganitong thread pala dito, ngayon ko lang nakita :) Kaway sa mga kapwa bikers jan :wave: Btw, ive been on mountain biking for almost 4 years at masasabi kong kakaibang happiness ang naibibigay nito. Sa mga nagbabalak bumuo jan, wag na kayong maghesitate, padyak na! :lol:
 
boss anu tawag dito
at magkano? salamat ������������
View attachment 301372

may 1500 kaya neto? ahaha
 
Attachments

  • trek_bike_treadmill.jpg
    trek_bike_treadmill.jpg
    204 KB · Views: 1
Last edited:
Back
Top Bottom