Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Mountaineering

Mga Bossing, pwede po bang sumali dito baguhan lang po at interesado po ako.. sana madaming matutunan dito... :excited:
 
mountain people din ako tol..dito gensan.. Dadiangas Explorer gropo nmin...
 
pasali ako, gusto ko umakyat ng bundok pero ayaw ko sa limatik hahaha
 
Tips naman diyan...begginner lang po ako sa Trekking :)

-Ano po ba dapat gawin para maAvoid ang Cramps o pulikat?
-May Dapat bang kainin bago umakyat para di ka pulikatin?
-Ano po ba ang Tamang Hiking Shoes at Sandals?
-Ano po Mas maganda, Naka pantalon o Short?


kung may maidadagdag pa kayo salamat po :)
 
buhay pa ba ang tread na ito mga ka ts? :)

uso daw beach ngayon kaya wala mga hikers natin hehe

Tips naman diyan...begginner lang po ako sa Trekking :)

-Ano po ba dapat gawin para maAvoid ang Cramps o pulikat?
-May Dapat bang kainin bago umakyat para di ka pulikatin?
-Ano po ba ang Tamang Hiking Shoes at Sandals?
-Ano po Mas maganda, Naka pantalon o Short?


kung may maidadagdag pa kayo salamat po :)

base po sa paghahalungkat ko sa google at sa unang experience ko sa pagpanik, i prefer shoes than sandals para protektado ang paa natin, then pants than shorts kasi madalas matatalim ang damo. about naman sa cramps uhhmm no idea po ako, ang alam ko lang dapat magtraining muna ng at least one month before the climb, more on jogging pwede na. attend po kayo ng pre climb before the real climb na kasi madame ka dun matututunan including mga informations sa aakyatin na bundok.
 
Mga boss ano po kayang bundok and madaling akyatin for beginners? ok po ba yung Mt. Manabu sa batangas?
 
May climb kami this Saturday May 24-25 Overnight sa Mt. Romelo "Famy" sa mga beginners recommended ko to pwede kayo sumama samin bagong grupo lang kami. PM or text me sa interested sumama for more details. Estimated budget 700php
 
gusto ko rin mamundok :) ano po mga kailangang gamit? gusto ko kc next year akyatin mt. pulag :)
 
mga ka sb baguhan lang po ako dito. gusto ko kasi magsimula mag mountaineering eh kaso di ko alam kung saan una pupunta. meron bang mga classes to o mga seminar? wala akong alam sa mga kelangan na gear at iba pa. medyo solo endeavor muna ako. di interesado mga friends ko eh. masyado pa silang involved sa trabaho kasi mga kakapasok lang sa workforce. hahaha (fresh grad lang kase). tsaka kakalipat ko lang laguna, ala pa gaano kakilala :lol:

Sana may isa kang kasama tol para buddy buddy system mahirap mag isa pag umakyat,,, d bale nalang pag expert ka,,,,,, mas maganda at mt. manabu muna umakyat d masyadong mainit,, may mga puno kasi,,, tsaka may mga resident na madadaanan sa trail!!!,,,
 
Anu po masasabi niyo sa mga authentic hiking bag galing vietnam?ok din po ba ito gamitin?
 
pasali po ako dito..... di ko po masabi kung isa na ba akong ganap na mountain climbing enthusiasts pero hilig ko po mag solo climb or wid friends pag available cla... sana po marami kaung ma itips ng climbing 101 dito mga master, mahilig lang talaga ako mag picture ng mga puno at exotic plants... thank u po ;)
 
climb tyo organize na kyo..hahaha khit fun climb lng sa tarak ridge
 
san po yung tarak ridge? kakagaling ko lang nung sat sun sa makiling tapos bukas naman maculot....kaya ko pa kaya? baka mamatay ako pass nalang muna hahah!! master maganda po ba sa tarak ridge... mejo habol ko po ung view eh
 
pasali sa thread guys hehe, Beginner lang ako, nag start ako mag climb nung dec 2013 lang, enjoy naman ako hehe medyo naadik na nga ako mamundok now eh haha mas marami pa yung pang climb outfit ko now kaysa sa pang office hahaha ganun daw talaga pag nahiligan na ang mountaineering.. suggest ko lang din sa mga nag babalak mag climb mas ok na bumili kayo ng original na bag kasi matibay talaga.. nung kasi vietnam made sa sulit lang gamit ko naka 2 climb lang may sira na agad
mga naakyat ko na
1. Mt. Batulao
2. Mt. Pico de loro
3. Mt. Pulag Akiki-Amba (best climb experienced so far kasi 2D1N lang namin kinuha, kaya madugo talaga)
4. Mt. Tagapo
5. Mt. Pundaquit
wala pa kami climb sked now. sana may sked ng climb dito sa sb makasama din hehe
more power satin!

"The Beauty of the Mountain is hidden for all those who try to discover it from the top, supposing that, one way or an other, one can reach this place directly. The Beauty of the Mountain reveals only to those who climbed it -Antoine De Saint-Exupery"
 
san po yung tarak ridge? kakagaling ko lang nung sat sun sa makiling tapos bukas naman maculot....kaya ko pa kaya? baka mamatay ako pass nalang muna hahah!! master maganda po ba sa tarak ridge... mejo habol ko po ung view eh

tarakridge sa mariveles bataan..barangay alas asin..ok ang view jn at mura lng ung picture sa baba yn yung ridge 2013 kuha yn
me hike kmi sa mt.ugo traverse sa july kso puno na slot eh..isa sA view ay rice teraces..

View attachment 172573
 

Attachments

  • 1454777_10201043255545414_1851739144_n.jpg
    1454777_10201043255545414_1851739144_n.jpg
    43.5 KB · Views: 0
Back
Top Bottom