Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Mountaineering

nakahiligan ko mamundok dahil sa mga kaibigan ko. unang naakyat ko na bundok ay highest mountain in luzon, Mt.Pulag pero hanggang camp site 2 lang ako last year dahil sa sobrang lamig hindi na ako lumabas pa ng tent ahahah, 2nd time ko ulit umakyat sa Mt.Pulag ngaun taong ito ayun naka akyat naman sa Summit pero sobrang kapal ng fog hindi ko nakita ang sunrise, sobra din ang lamig buti kinaya ko pa ahhah

- - - Updated - - -

gusto ko rin mamundok :) ano po mga kailangang gamit? gusto ko kc next year akyatin mt. pulag :)

need mo na gamit? hmmm bag na 32liters pwede na sandugo nasa 2.6k yun. all weather jacket. long sleeve pag nasa camp site 2 kana pwede mo suotin nasayo un, pwede ka rin umaakyat sa pulag ng naka shorts lang pwede rin ung tactical shorts, kung hindi mo na kaya lamig sa camp site 2, pwede kana mag pantalon. makapal na gloves, at mahabang medyas gamitin mo lang yan pag nasa camp site 2 kana. tshirt mga tatlo. sapatos naman try mo ung sandugo na may spikes nasa 1.7k ata un rubber shoes. or ung crocs tas mag medyas ka nalang. dala ka tuwalya dalawa. at pag nag stop over kayo sa tindahan ni ate gina pwede ka bumili ng bonet mo dun, sya nga pala si ate gina ung president ng jeepney asst. paakyat ng mt.pulag ung mga 4x4 na jeeps. tapos baon pa dala ka, dala ka can goods na madaling buksan like spam, ung sausages. cap noodles. sa tent naman wag kana bumili pwede ka naman mag arkila dun sa ranger camp ng mt.pulag ung pang 5person na tent ay nasa 200-250 pesos. about naman sa pampainit ng tubig, kung creative ka pwede ka makagawa ng improvise na kalan gamit ang coke in can, tapos dala ka denatured alcohol 2 bottles. at posporo at lighter. ganyan kasi ginamit ng mga kagrupo ko ng umakyat kami. tapos pala bili ka ng flash lights ung LED ung tig 500 ok na isang battery kasi hindi naman malaks kumain ng kuryente ang LED lights. gagamitin mo yan pag paakyat na kayo sa summit, nasa inyo kung anong oras kayo aakyat sa summit, pwedeng 4am or 5am kung mabilis kayo maglakad. nung kami 4am kasi first time ko umakyat sa summit.

share ko rin lang pamasahe sa baguio-mt.pulag ranger camp

9.5k pamasahe para sa 16pax na 4x4 jeep ni ate gina baguio-camp ranger , camp ranger to victory liner baguio. kung aakyat kayo pm mo lang ako kung gusto mo makuha number ni ate gina. kasi dapat nag papa reserve ka dun.
sa registaraion naman sa denr+seminar nasa 100-150 ang pag paparehistro dun
tour guide naman sa camp ranger nasa 500-700/tour guide bayad para dun, kung 16 kayo dalawa need nyong tour guide nun.
kung mag papa-porter kayo nsa 250 ang bayad paakyat lang yun sa taas, depende pala sa timbang yan ung minimum is 250, pero kung nsa 7kilos lang dala mo nasa 200. mas maganda marami kau aakyat, first time ko kasi 20 kami nun masaya naman, nung 2nd time ko lima nalang kami ayun laki gastos namin sa pamasahe ahahaha., kapag pala nasa ambuklao dam na kayo nun, pwede kau lumipat sa bubungan ng jeep, masarap sumakay dun kita ang view ng mga bundok. post ko later mga pics ko sa mt.pulag at video na rin namin sa daan. pampanga lang kasi ako, 12am larga na kami papuntang baguio. 4am nasa baguio na at ung jeep na kinuha namin ay andun na rin. kita kita lahat ng mga aakyat sa 7-11 baguio malapit sa victory liner. kaya maaga kami para maka daan sa ambuklao dam for viewing at sa hanging bridge din nya. 6:45am nsa tindahan nakami ni ate gina para mag almusal. tip ko lang bago kau bbiyahe paakyat kumain muna kayo at magpahinga ng mga 20mins. kasi kung pagkatapos nyo kumain at umalis na kagad kayo magsusuka kau sa byahe kasi pa zigzag ang daan dun. na experience ko na kasi yan nung una kong akyat sa pulag, nung 2nd time ko pag akyat ginawa ko yan nag pahinga muna bago lumarga ayun naging okay di na ako nag suka. payo ko rin lang pag aakyat kayo ng pulag pwede rin sa december malamig kung kaya nyo labanin ang sobrang lamig dun sa taas ng pulag, minsan nag yeyelo halaman dun. january-feb pwede rin malamig nga lang, over night kami nung umakyat kami ng pulag, 4am nag pack up na para makita view ng summit ng pulag ng sunrise at makita ang play ground of the gods. medyo mahirap trail paakyat sa summit madulas maputik. pero kaya naman hehehe. nung umakyat kami sobrang lamig january minsan makapal pa ang fog wala ka makikitang view pag makapal ang fog katulad last january pag akyat ko. ideal month na umakyat dun ay march-april. mt,pulag palang naakyat ko. plano namin ng mga kaibigan ko next year umakyat ng feb or march.
 
Last edited:
Nice Thread dati rin akong mountaineer kaso nung nag simula nang mag work tumigil nako college days pa hehehe nakaakyat nako " Makulot,Arayat,Banahaw,Pami,Cristobal,Pulag at Halcon dream ko someday ang Apo

- - - Updated - - -

ano mga training dapat ginagawa ng mga namumundok?


Mostly jogging tsaka mga lower body workout kc more on walking at pag bitbit ng mabigat na bag kaya dapat malakas lower body mo kung smoker ka medyo bawas sa yosi medyo magastos ang mountaineering sa simula lalo na cguro ngayon pero masaya kahit mahirap at magastos hehehe
 
sino ang flashlight enthusiast dito? oh yung mga preper type namahilig sa mga solar lamps, survival kits, etc???
 
LEYTE area ako. ORMOC. lahat ng mountains dito na akyat ku na. hohoho. :D
 
HI GUYS. LOCAL MOUNTAINEER PO AKO NG BATANGAS.BAKA MAY GUSTO PO SA INYONG UMAKYAT DITO.SA NGAYON ITO PO ANG PINAKA PABORITO KO DITO SA LOBO, BATANGAS. ANG MT. TIBIG. SIGURO 3-5HOURS NA BYAHE SIMULA MANILA
936649_931640000196456_6463015098843545664_n.jpg


AT ITO NAMAN ANG VIEW SA SUMMIT
10302051_931639713529818_919273906809871594_n.jpg


KUNG GUSTO NYO PO,SAMAHAN NAMIN KAYO NG MGA KAGRUPO KO. LAGI DIN PO KAMING UMAAKYAT DITO SA LOBO EH
PM NA LANG PO KAYO
 
Neophyte pa lang po!

1. Mt. Cabalian and camping at Danao Lake (Cabalian Leyte)
2. Mt. Malindang Missamis Occ. Enjoying the 2.8 Km and the tallest Zip Line
3. Mt. G2, in Mayo's Peak; Peak of Deception and the true summit
4. Mt. Banahaw
5. Mt. Cristobal Traverse San Pablo to Dolores
6. Mt Isarog
7. Mt. Kinabalu - Day hike lang po to the summit and back, wala kasi pambayad sa laban rata rest house.
 
Mga tol may nakaakyat na ba dito sa Mt. Manabu?
Pwede ba umakyat dun ng gabi? I mean payagan kaya kami dun sa registration mga 7PM this coming Saturday.
tHANKS sa mga sasagot!
 
ayos may mountaineering pala dto.
sa mt. batulaw lang ako naka akyat :)
 
May training climb kami dis coming March at April 2015 halos every week yun post ko pra pag kulang sa tao pwede kayo sumabit...
 
Neophyte pa lang po!

1. Mt. Cabalian and camping at Danao Lake (Cabalian Leyte)
2. Mt. Malindang Missamis Occ. Enjoying the 2.8 Km and the tallest Zip Line
3. Mt. G2, in Mayo's Peak; Peak of Deception and the true summit
4. Mt. Banahaw
5. Mt. Cristobal Traverse San Pablo to Dolores
6. Mt Isarog
7. Mt. Kinabalu - Day hike lang po to the summit and back, wala kasi pambayad sa laban rata rest house.


:praise::praise::praise: Kap!
 
Hello mga master, any sidetrip advise after namin sa mt maculot, meron po bang malapit na beach? we're willing to travel kahit 1 hour from cuenca maliban po sa lumampaw. salamat mga idol
 
Hi guys.. meron ba nakapag organize na dito? Gusto ko kasi mag start mag hike.. But no idea how :( tsaka wala ako kasama.. baka meron naman dito mga newbie.. thanks...
 
Ano sa palagay niyo ang magagandang mga gamit para sa rookie? Ung sakto lang sa budget pang masa

1. Bag
2. Tent
3. Cookware/Utensils
4. Clothing/Shoes
5. Miscellaneous
 
Ano sa palagay niyo ang magagandang mga gamit para sa rookie? Ung sakto lang sa budget pang masa

1. Bag
2. Tent
3. Cookware/Utensils
4. Clothing/Shoes
5. Miscellaneous

Una kong binili shoes, merrell para pang matagalan na
tapos bag na 40L at tent good to go na
sa damit naman kahit dry-fit lang ok na
minor climb lang naman start
 
Last edited:
mga ser,. maganda ba ang conquer micra lite na tent? plano ko bumili kasi. thanks in adbans!
 
Back
Top Bottom