Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

My Tips for Broken Hearted

itsmeryuzaki

Apprentice
Advanced Member
Messages
72
Reaction score
0
Points
26
Hello ako si Ryuzaki bibigyan ko kayo ng ilang mga payo ko alam ko ilan dito hindi makakatulong sa inyo pero sana maging daan to para mabuksan yung isip nyo sa mundo ng Relasyon o tinatawag nating "Pag-ibig"

Sawi ka ba sa pag-ibig? Iniwan ka ng Girlfriend/Boyfriend mo? Bibigyan kita ng ilang payo kung paano mo parin maipagpapatuloy ang buhay mo.

1. Friends - Lahat tayo ay mayroong kaibigan mapa-tao man, bagay, alaga o kung ano pa man sila yung mga nandyan yung mga masasandalan natin kapag dumating tayo sa araw na kinaka-takutan natin mangyari na masaktan tayo ng sobra pa sa inaakala natin. Kesa na umiyak ka at sarilihin mo ang problema sabihin mo sa mga kaibigan mo hindi mo naman kailangan sabihin lahat kung ayaw mo pwede mo sabihin sa kanila na hindi na pinapahaba yung kwento at kung wala man sila masabi sa'yo maibigay na payo intindihin mo nalang rin sila at sabihin mo na samahan ka muna nila dahil humahanap yan ng tsempo para mapasaya ka nya sa paraang alam nya.

2. Pamilya - Yung pamilya mo yung tanging sandigan mo tandaan mo hindi ka nag-iisa dahil may pamilya ka kahit na ano mangyari sa'yo tatanggapin ka ng pamilya mo sa kahit ano pa mang paraan dahil kadugo mo sila. Pwera kung sobrang laki ng kasalanan na ginawa mo kaibigan, Bukod dun pwede mo sabihan ang magulang mo tungkol dito dahil sila ang mas nakakaalam ng dapat mo gawin dahil sigurado naman na dumating sila sa nasaktan din sila ng todo kumbaga naranasan na nila yung nararanasan mo ngayon.
3. Hobby - Gawin mo yung mga madalas na ginagawa mo noon na hindi mo nagawa nung kasama mo pa sya manuod ka ng Anime mag laro ng Computer Games maging isang Hacker o isang Skater o Musikero ng isang banda o kung ano pa man maging kahit ano ka para malibang ka at hindi agad ma depress.

4. Sarili mo - Wag mo gagawing mundo yung taong nang-iwan sa'yo mahal mo sya pero iniwan kana nya dapat ka tumayo sa sarili mong paa bigyan mo ng oras ang sarili mo, isipin mo ang sarili mo, alagaan mo ang sarili mo. WAG NA WAG KA MAG LALASLAS dahil ginawa ko na yan alam ko sobrang sarap talaga sa pakiramdam na sinasaktan mo yung sarili mo sa mga problema na dumadaan pero dapat maging Mature ka wag mo saktan sarili mo hindi naman nun kasi mababalik ang dati kaya dapat wag kang Greedy F%ggot. :p

5. Accepting the Truth - Kailangan mo tanggapin ang katotohanan na nagtapos na yung relationship nyo. Isipin mo na "hindi talaga kayo nag work out" di kayo naging matatag ganun wag ka maging bitter dahil ikaw rin ang talo kailangan mo tumanggap ng katotohanan na "WALA NG KAYO" dahil kung aasa kapa na babalikan kapa nya hindi na yun uubra pare/mare lalo lang sila lalayo sa'yo dahil alam nilang hindi mo pa sila kaya kalimutan.

6. Connections - Tanggalin mo lahat ng bagay na nakakapag konekta sa inyong dalawa i-unfriend mo sya sa Facebook o unfollow mo sa twitter burahin mo yung number isa rin ito sa mga pwede mo gawin habang nag mo-move on ka sa taong sinaktan ka ng grabe medyo may pagka bitter to pero sure naman na mababasawan yung pag isip mo sa kanya.

7. GIFTS - Lahat ng natanggap mo sa kanya lahat ng binigay nya ibalik mo o itapon o kaya naman sunugin mo na wala kang mapapala dyan dahil maaalala mo lang sya palagi dahil sigurado naman na titingnan mo yan palagi pag nakakaalala ka ng mga bagay na nangyari sa inyong dalawa tapos iiyak ka nanaman. Ngayon kung alahas yan o isang Sportscar pwede pa natin mapag-usapan yan i-message mo lang ako dito sa Symbianize tapos bigay mo sakin. ;)

8. Move forward - Ito na yung mag prepare kana sa bagong simula kumbaga sa isang Series ng anime may bagong season. May mga makikilala kang panibagong tayo panibagong Chikabeybs o Hunk Guy sa school, work o kugn saan pa man. Na dapat hindi ka maging suplada/suplado sa mga tao para iwas sa panget na first impression tandaan mo tapos na yung nakaraan at kailangan mo mag move-forward makipag usap ka sa mga tao maging mabait ka sa kanila at magbigay respeto. :)

9. New Look - Mag ayos ka ng sarili mo, Mag pa-pogi/ganda ka maligo ka maghilod tapos isuot mo yung pang JS-PROM mo na damit tapos mag suklay ka mag make up (sa mga babae) basta gawin mo lahat ng pwede pumorma ka tsaka ka ngayon tumingin ng maayos sa salamin saka mo sabihin tong mga katagang to. "Naks naman!!! Ang gwapo ko pala." o sa mga babae "Grabe sa ganda kong to nagawa pa ko iwan nung sira-ulo na yun." Sabay labas kayo tas mag gala makipagkilala ka sa mga tao. :)

10. Don't let your guard down - Alam natin na hindi pa tapos yung pakiki-baka natin sa buhay habang tayo'y nakakahinga pa kaya dapat maging prepare tayo sa lahat ng pwede mangyari maaari maulit yung mga bagay na nangyari nuon pero dapat manatili tayong kalmado sa lahat hindi dapat pinapairal ang galit dahil bago ka makipag away alamin mo muna kung anong rason o kung bakit ka nagagalit. :)


Salamat sa pag babasa ng thread ko didiretso na rin ako sa pagtulog dahil inaantok na ko haha, Goodnight mga ka Symb. Ryuzaki is Signing out...
 
Nice one TS! :10: May mga tao kasi na sobra ang sakit ang iniwan sa pagkatao natin. It caught us unaware na umaasa pala tayo sa wala... :upset:
 
Last edited:
Basta't kapag yung may mga regalo sa inyo yung Boyfriend/Girlfriend nyo na Alahas, Pera, Kotse, House & Lot maaari natin yan mapag-usapan. :rofl:
 
Ako naman i was too late ko narealize yung worth nya.
And now di na nya ako mahal and sya na nagtuturo sakin mag move on.

Ang sakit lang kasi bakit huli ko na nalaman kung gano ko talaga sya kamahal :upset: :upset:
 
Ako naman i was too late ko narealize yung worth nya.
And now di na nya ako mahal and sya na nagtuturo sakin mag move on.

Ang sakit lang kasi bakit huli ko na nalaman kung gano ko talaga sya kamahal :upset: :upset:


Parehas tayo kaibigan, Pero ganito lang yan sa bawat dadaanan mo may mga mali at delayed feelings tayo so intead maging malungkot ka sa nangyari gawin mong inspiration yun para mas lalo ka lumakas mas maging matatag at mas matuto lalo na sa pag-ibig tandaan mo na talo ka kapag naging mundo mo ang girlfriend/boyfriend mo. Mahirap talaga yung pag mo-move on pero pwede mo naman sya gawing kaibigan tapos gawan mo ng milagro.
(friends w/ benefits) :rofl:
 
salamat ts. masakit kasi yung wlang dahilan tapos bigla kang iiwan
 
Masakit lalo na kung pinaasa ka. Madali lang mag-move on, Ang mahirap, eh kung paano tayo magsisimulang mag-move on. Anong gagawin natin, para tayong nangangapa sa dilim.

Kung nasaktan kayo, tandaan niyo, what goes around comes back around :)
 
Back
Top Bottom