Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

nadilaan ng tuta ko yung sugat kong pagaling na. safe ba?

ragnarok13

Novice
Advanced Member
Messages
42
Reaction score
0
Points
26
ask lang. nadilaan ng tuta ko yung sugat ko. pero hindi nman siya tlga totally sugat. gasgas lang siya. galing sa kagat ng lamok na kinamot ko. pero dry na siya at langib na. as in maliit lang siya na galos at mababaw lng. kanina lang nadilaan umaga sept. 25, 2014

and last month na injectionan ako ng anti rabies. kasi nakalmot ako ng pusa.

tingin nyo safe ba ako or not? yung tuta kasi wala pang bakuna.

medyo nakakatawa yung post ko.. kasi hindi lang ako mapakali.. ^_^

salamat po..
 
sa pagkakaalam ko TS safe naman yan. sabi pa nila kapag nakkipaglaro ka sa aso mo at aksidente ka nyang nakagat the dumugo dahil sa pakikipaglaro, hindi ka pa rin magkaka rubies kasi lumalabas lang yun kapag nagagalit ang aso. so yun kung nilalaro ka lang naman ng aso mo safe ka naman. tsaka sabi mo nga nagpa inject ka naman ng anti rubies so mas guaranteed na wala lang yan :)
 
ask lang. nadilaan ng tuta ko yung sugat ko. pero hindi nman siya tlga totally sugat. gasgas lang siya. galing sa kagat ng lamok na kinamot ko. pero dry na siya at langib na. as in maliit lang siya na galos at mababaw lng. kanina lang nadilaan umaga sept. 25, 2014

and last month na injectionan ako ng anti rabies. kasi nakalmot ako ng pusa.

tingin nyo safe ba ako or not? yung tuta kasi wala pang bakuna.

medyo nakakatawa yung post ko.. kasi hindi lang ako mapakali.. ^_^

salamat po..

safe po yan kahit dipa magaling sugat mo safe padin make sure hindi tutang kalye ang dumila
para sigurado sabunin mo nalang safeguard..
 
hugasan at linisin mo na lang yan ts para safe
 
Napakaraming misconception about rabies.. Mag search search tayo mga kasymbianize.

1. Hindi ipinanganganak ang tuta na may rabies, may 3 month period nang antibody content galing yan sa nanay. 6 months old ang recommended na edad nang tuta para sa anti-rabies.

2. Nakukuha nang tuta o aso ang rabies kapag nakihalubilo ito sa mga asong may rabies o sa iba pang vector nang rabies virus kagaya nang panike o iba pang hayop na nag dadala nito. Posible din na kung madilaan nang aso ang mata o bibig nang isang rabid dog ay maaring magstay ang virus sa bibig at kapag napenetrate nito ang isang sugat sa isang tao agad agad hanggat hindi pa namamatay ang virus sa loob nang ilang oras, may posibilad na maincubate mo ang rabies.

3. Hindi mo pwedeng sabihin kung may rabies ang aso o wala dahil minsan bigla na lang itong namamatay at kung makagat ka nang asong lumampas sa 14 day observation period eh hindi nag sshshed ang aso nang virus dahil wala pa ang virus sa utak at last stop nito ay sa bibig na kumakalat, sa salivary glands. Yun ay kung nakagat sya o nagkaroon nang contact sa isang host na may rabies. Mamatay pa rin yan dahil sa rabies pero variable pa rin ang time from symptoms until death. Scientifically proven ang 14 day observation period sa aso at pusa LAMANG.

4. Hindi tumatagal ang sintomas nang rabies sa tao nang mahigit 14 days. Kadalasan 1-5 days simula nang makaranas nang unang sintomas kagaya nang pangangati at di mapaliwanag na pakiramdam sa parteng nakagat eh tuloy tuloy na yon. Nagmmultiply ang virus sa parteng nakagatan o ung inoculation site at nag ttravel papuntang utak. Sa panahong yan nasa spinal column na at napakadali na lang nitong pumunta sa utak para mag multiply at ang mga sintomas na susunod kagaya nang lagnat, pagkatakot sa tubig, pagkatakot sa hangin at ang pagkatakot sa ilaw ay maglalabasan. Kasama na rin ang matinding pagkalito, kumbulsyon, napakataas na lagnat o walang lagnat pero nanghihina nang husto.

5. Napakabilis nang progression nang rabies hanggang sa pagkamatay dahil shinushutdown nang virus ang heart at ating lungs. Minsan yung ibang may rabies infection namamatay na lang agad kahit mapredict na nang doctor na macocomatose sila bago mamatay. Hindi yan months ah, days lang yan o hours.

6. 2 weeks to 3 months ang kalimitang incubation period or asymptomatic period, pwede ka pa ring magpaturok kahit lampas na nang 24-48 hours nang pagkakakagat sa pagdila sa sugat mo nang aso NA MAY RABIES KAPAG WALA KA PANG SINTOMAS - pero pwede pa rin magfail kung hindi umabot ang katawan mo sa pag produce nang antibodies na nagagawa nang vaccine. Iba pa ang RIG - 1 Week protection lamang ito at eto na ung serum na nag ccontain nang anti bodies na na pproduce ang vaccine na turok at pinapatay nito agad ang virus sa parteng nakagatan kaya tinuturok yan sa site of bite mismo at yung kalahate ay sa deltoid depende sa exposure. Eto ang pinakaimportante, kung nag dududa ipacheck sa laboratory sa San Lazaro o sa RITM ang ulo nang aso. Yun lang ang paraan kung paranoid ka matapos mo observahan ang aso after 14 days at buhay pa rin. May mga debateng nag ssuggest na reexposure ang dahilan nang napakatagal na incubation period na minsan daw ay umaabot nang ilang taon. Ibig sabihin hindi naman talaga may rabies ang unang kilalang asong nakakagat maaring nadilaan nang ibang aso na may rabies ang isang biktima sa ibang sugat o sa iba pang paraan, makatapos nang ilang taon.

7. Tandaan na ang asong may rabies ay namamatay hindi dahil nakakagat ito nang tao, may RABIES din sila. Sila ang mauuna dahil di nila mattransfer ang virus kung wala pa ito sa salivary glands nang bibig, kung nasa bibig na eh kumalat na yung virus sa utak nito kaya siguradong mamamatay yon at ikaw ay mahahawaan kung mapenetrate nito ang balat mo sa pamamagitan nang kagat o pag dila sa open wounds.

Sana marami akong matulungan at maliwanagan sa post ko.

- - - Updated - - -

Bukod pala sa rabies, eh may iba pang concern regarding animal bites kagaya nang TETANUS. Mas maikli naman at sure ang incubation period nyan ranging from 4 days to 4 weeks. Deadly din yan pero bacterial ang tetanus at pwedeng maidaan lang sa antibiotics at IV assistance, kalmadong lugar kung nag sspasm na, at malimit na anti tetanus toxoid hanggang sa gumaling ang pasyente, mas maagang madiagnose mas malaki ang chance nang survival. Nakukuha rin sa kagat nang aso yan maski sa kagat nang tao dahil puno nang bacteria ang bibig natin at nang ibang hayop. Yung may mga sirang ngipin at kung ano anong kinakain mag ingat din.

Walang rabies yang tuta mo TS. At naturukan ka na 1 month ago. It takes at least 10 days para makapag produce nang rabies anti body ang katawan mo na nakuha mo sa vaccine. Pre exposure man o post exposure. Post exposure means suspected rabid ang nakaagat o nakadila sayo kaya may RIG, either ERIG or HRIG. 1 week immediate protection yan. Hindi na binibigay yan sa mga nakagat na taong lumampas na sa 7 days ang kagat saka lang nagpatingin kadalasan pero kapag may rabies talaga ang aso at ito ay namatay na at sinuri at napatunayang may rabies, binibigay yan. All out dahil alam mong may rabies ka non at wala ka lang sa symptomatic stage kaya maaagapan pa rin.

Walang gamot sa rabies, prevention lang talaga.. Bago makarating sa utak mo at magmultiply kailangan mapatay yan. Nakakainis lang dahil maraming Pilipino na kampante at mali ang pananaw sa bagay na ito at mas natatakot pa sa ibang virus na napakalayo naman, ang rabies pwedeng nanjajan lang sa bakuran nyo.
 
Any wound or mucous membrane which had contact to saliva or any body secretion of dogs are considered with same magnitude as those bitten with it.

Mas magandang magpaturok ka na ng Rabies IG pati ng vaccine para sigurado.
 
nakalmot po ako ng pusa 8days na
ok nmn sya la po ba rabies yun?
 
Last edited:
advice ko lang ts, yung aso namin na tuta hindi sinasadya naapakan ng kuya ko yung bunganga ng tuta pero na rabies naman sya,at hindi naman galit ang tuta,,paturok kana lang ts para mas sure,,
 
tanong lang tol. natalsikan ng laway ng tuta labi ko sa labas lang naman hindi sa bibig. wala pang turok ang tuta dahil wal pang 3 months, may dapat ba akong ipagalala?
 
Back
Top Bottom